Sa ngalan ni Allāh,[1] ang Napakamaawain, ang Maawain.
[1] Ang pangalang Allāh ay pangngalang pantanging ukol lamang sa tunay na Diyos.
Arabic explanations of the Qur’an:
ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ رَبِّ ٱلۡعَـٰلَمِینَ ﴿٢﴾
Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon[2] ng mga nilalang,[3]
[2] Ang Panginoon (Rabb sa wikang Arabe) ay ang Tagapag-alaga, ang Tagalikha, ang Tagapagtustos, at ang Tagapangsiwa.
[3] Ang nilalang (`ālam sa wikang Arabe) ay ang bawat anumang iba pa kay Allāh, gaya ng tao, jinn, anghel, at iba pa.
Arabic explanations of the Qur’an:
ٱلرَّحۡمَـٰنِ ٱلرَّحِیمِ ﴿٣﴾
ang Napakamaawain, ang Maawain,
Arabic explanations of the Qur’an:
مَـٰلِكِ یَوۡمِ ٱلدِّینِ ﴿٤﴾
ang Tagapagmay-ari ng Araw ng Pagtutumbas.
Arabic explanations of the Qur’an:
إِیَّاكَ نَعۡبُدُ وَإِیَّاكَ نَسۡتَعِینُ ﴿٥﴾
Sa Iyo [lamang] kami sumasamba at sa Iyo [lamang] kami nagpapatulong.
ang landasin ng mga biniyayaan[4] Mo,[5] hindi ng mga kinagalitan,[6] at hindi ng mga naliligaw.[7]
[4] Ang mga biniyayaan dito ay ang mga propeta, ang mga nagpapakatotoo, mga martir, at mga maayos.
[5] Sa istilo ng pagsasalin dito, ang mga panghalip na nagsisimula sa malaking titik gaya ng Ako, Ko, Akin, Ikaw, Mo, Iyo ay tumutukoy kay Allāh.
[6] Sila ay ang mga nakakilala sa katotohanan at hindi sumunod dito.
[7] Sila ay ang mga naligaw sa katotohan, na hindi napatnubayan.