This page contains the Arabic text, audio recitation, and Filipino (Tagalog) translation of Surah Al-Qāri‘ah.
ٱلۡقَارِعَةُ
﴿١﴾
Ang Tagakalampag.(1)
Tafseer:
مَا ٱلۡقَارِعَةُ
﴿٢﴾
Ano ang Tagakalampag?(2)
Tafseer:
وَمَاۤ أَدۡرَىٰكَ مَا ٱلۡقَارِعَةُ
﴿٣﴾
Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Tagakalampag?(3)
Tafseer:
یَوۡمَ یَكُونُ ٱلنَّاسُ كَٱلۡفَرَاشِ ٱلۡمَبۡثُوثِ
﴿٤﴾
Sa Araw na [iyon], ang mga tao ay magiging para bang mga gamugamong pinakalat(4)
Tafseer:
وَتَكُونُ ٱلۡجِبَالُ كَٱلۡعِهۡنِ ٱلۡمَنفُوشِ
﴿٥﴾
at ang mga bundok ay magiging para bang mga lanang nahimulmol.(5)
Tafseer:
فَأَمَّا مَن ثَقُلَتۡ مَوَ ٰزِینُهُۥ
﴿٦﴾
Kaya hinggil naman sa sinumang bumigat [sa kabutihan] ang mga timbangan niya,(6)
Tafseer:
فَهُوَ فِی عِیشَةࣲ رَّاضِیَةࣲ
﴿٧﴾
siya ay nasa isang pamumuhay na nakalulugod.(7)
Tafseer:
وَأَمَّا مَنۡ خَفَّتۡ مَوَ ٰزِینُهُۥ
﴿٨﴾
Hinggil naman sa sinumang gumaan [sa kabutihan] ang mga timbangan niya,(8)
Tafseer:
فَأُمُّهُۥ هَاوِیَةࣱ
﴿٩﴾
ang kanlungan niya ay kailaliman [ng Impiyerno].(9)
Tafseer:
وَمَاۤ أَدۡرَىٰكَ مَا هِیَهۡ
﴿١٠﴾
Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano iyon?(10)
Tafseer:
نَارٌ حَامِیَةُۢ
﴿١١﴾
[Iyon ay] isang Apoy na napakainit.(11)
Tafseer: