الۤرۚ كِتَـٰبٌ أَنزَلۡنَـٰهُ إِلَیۡكَ لِتُخۡرِجَ ٱلنَّاسَ مِنَ ٱلظُّلُمَـٰتِ إِلَى ٱلنُّورِ بِإِذۡنِ رَبِّهِمۡ إِلَىٰ صِرَ ٰطِ ٱلۡعَزِیزِ ٱلۡحَمِیدِ ﴿١﴾
Alif. Lām. Rā’.[263] [Ang Qur’ān na ito ay] isang Aklat na pinababa Namin sa iyo upang magpalabas ka sa mga tao mula sa mga kadiliman[264] tungo sa liwanag[265] ayon sa pahintulot ng Panginoon nila tungo sa landasin ng Makapangyarihan, Kapuri-puri:
ٱللَّهِ ٱلَّذِی لَهُۥ مَا فِی ٱلسَّمَـٰوَ ٰتِ وَمَا فِی ٱلۡأَرۡضِۗ وَوَیۡلࣱ لِّلۡكَـٰفِرِینَ مِنۡ عَذَابࣲ شَدِیدٍ ﴿٢﴾
si Allāh, na sa Kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Kapighatian ay ukol sa mga tagatangging sumampalataya, mula sa isang pagdurusang matindi,
ٱلَّذِینَ یَسۡتَحِبُّونَ ٱلۡحَیَوٰةَ ٱلدُّنۡیَا عَلَى ٱلۡـَٔاخِرَةِ وَیَصُدُّونَ عَن سَبِیلِ ٱللَّهِ وَیَبۡغُونَهَا عِوَجًاۚ أُوْلَـٰۤىِٕكَ فِی ضَلَـٰلِۭ بَعِیدࣲ ﴿٣﴾
na mga napaibig sa buhay na pangmundo higit sa Kabilang-buhay, sumasagabal sa landas ni Allāh, at naghahangad dito ng isang kabaluktutan. Ang mga iyon ay nasa isang pagkaligaw na malayo.
وَمَاۤ أَرۡسَلۡنَا مِن رَّسُولٍ إِلَّا بِلِسَانِ قَوۡمِهِۦ لِیُبَیِّنَ لَهُمۡۖ فَیُضِلُّ ٱللَّهُ مَن یَشَاۤءُ وَیَهۡدِی مَن یَشَاۤءُۚ وَهُوَ ٱلۡعَزِیزُ ٱلۡحَكِیمُ ﴿٤﴾
Hindi nagsugo ng anumang sugo kundi ayon sa wika ng mga tao niya upang maglinaw siya sa kanila, ngunit nagliligaw si Allāh sa sinumang niloloob Niya at nagpapatnubay Siya sa sinumang niloloob Niya [ayon sa Kabutihang-loob Niya]. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.
وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا مُوسَىٰ بِـَٔایَـٰتِنَاۤ أَنۡ أَخۡرِجۡ قَوۡمَكَ مِنَ ٱلظُّلُمَـٰتِ إِلَى ٱلنُّورِ وَذَكِّرۡهُم بِأَیَّىٰمِ ٱللَّهِۚ إِنَّ فِی ذَ ٰلِكَ لَـَٔایَـٰتࣲ لِّكُلِّ صَبَّارࣲ شَكُورࣲ ﴿٥﴾
Talaga ngang nagsugo Kami kay Moises kalakip ng mga tanda Namin, [na nagsasabi:] “Magpalabas ka sa mga tao mo mula sa mga kadiliman tungo sa liwanag at magpaalaala ka sa kanila hinggil sa mga araw [ng mga biyaya] ni Allāh. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa bawat palatiis na mapagpasalamat.
وَإِذۡ قَالَ مُوسَىٰ لِقَوۡمِهِ ٱذۡكُرُواْ نِعۡمَةَ ٱللَّهِ عَلَیۡكُمۡ إِذۡ أَنجَىٰكُم مِّنۡ ءَالِ فِرۡعَوۡنَ یَسُومُونَكُمۡ سُوۤءَ ٱلۡعَذَابِ وَیُذَبِّحُونَ أَبۡنَاۤءَكُمۡ وَیَسۡتَحۡیُونَ نِسَاۤءَكُمۡۚ وَفِی ذَ ٰلِكُم بَلَاۤءࣱ مِّن رَّبِّكُمۡ عَظِیمࣱ ﴿٦﴾
[Banggitin] noong nagsabi si Moises sa mga tao niya: “Alalahanin ninyo ang biyaya ni Allāh sa inyo noong pinaligtas Niya kayo mula sa angkan ni Paraon. Nagpapataw sila sa inyo ng kasagwaan ng pagdurusa: pinagkakatay nila ang mga lalaking anak ninyo at pinamumuhay nila ang mga babae ninyo. Sa gayon ay may isang pagsubok, mula sa Panginoon ninyo, na sukdulan.
وَإِذۡ تَأَذَّنَ رَبُّكُمۡ لَىِٕن شَكَرۡتُمۡ لَأَزِیدَنَّكُمۡۖ وَلَىِٕن كَفَرۡتُمۡ إِنَّ عَذَابِی لَشَدِیدࣱ ﴿٧﴾
[Banggitin] noong nagpahayag ang Panginoon ninyo: “Talagang kung nagpasalamat kayo ay talagang magdaragdag nga Ako sa inyo; at talagang kung nagkakaila kayo, tunay na ang pagdurusang dulo Ko ay talagang matindi.”
وَقَالَ مُوسَىٰۤ إِن تَكۡفُرُوۤاْ أَنتُمۡ وَمَن فِی ٱلۡأَرۡضِ جَمِیعࣰا فَإِنَّ ٱللَّهَ لَغَنِیٌّ حَمِیدٌ ﴿٨﴾
Nagsabi si Moises: “Kung tatanggi kayong sumampalataya, kayo at ang sinumang nasa lupa nang lahatan, tunay na si Allāh ay talagang Walang-pangangailangan, Kapuri-puri.”
أَلَمۡ یَأۡتِكُمۡ نَبَؤُاْ ٱلَّذِینَ مِن قَبۡلِكُمۡ قَوۡمِ نُوحࣲ وَعَادࣲ وَثَمُودَ وَٱلَّذِینَ مِنۢ بَعۡدِهِمۡ لَا یَعۡلَمُهُمۡ إِلَّا ٱللَّهُۚ جَاۤءَتۡهُمۡ رُسُلُهُم بِٱلۡبَیِّنَـٰتِ فَرَدُّوۤاْ أَیۡدِیَهُمۡ فِیۤ أَفۡوَ ٰهِهِمۡ وَقَالُوۤاْ إِنَّا كَفَرۡنَا بِمَاۤ أُرۡسِلۡتُم بِهِۦ وَإِنَّا لَفِی شَكࣲّ مِّمَّا تَدۡعُونَنَاۤ إِلَیۡهِ مُرِیبࣲ ﴿٩﴾
Hindi ba pumunta sa inyo ang balita ng mga bago pa ninyo, na mga tao ni Noe, ng [liping] `Ād, at [liping] Thamūd, at ng mga matapos na nila? Walang nakaaalam sa kanila kundi si Allāh. Naghatid sa kanila ang mga sugo nila [mula kay Allāh] ng mga malinaw patunay, ngunit nagtulak sila ng mga kamay nila sa mga bibig nila at nagsabi sila: “Tunay na kami ay tumangging sumampalataya sa ipinasugo sa inyo at tunay na kami ay talagang nasa isang pagdududang tagapagpaalinlangan sa inaanyaya ninyo sa amin.”
۞ قَالَتۡ رُسُلُهُمۡ أَفِی ٱللَّهِ شَكࣱّ فَاطِرِ ٱلسَّمَـٰوَ ٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ یَدۡعُوكُمۡ لِیَغۡفِرَ لَكُم مِّن ذُنُوبِكُمۡ وَیُؤَخِّرَكُمۡ إِلَىٰۤ أَجَلࣲ مُّسَمࣰّىۚ قَالُوۤاْ إِنۡ أَنتُمۡ إِلَّا بَشَرࣱ مِّثۡلُنَا تُرِیدُونَ أَن تَصُدُّونَا عَمَّا كَانَ یَعۡبُدُ ءَابَاۤؤُنَا فَأۡتُونَا بِسُلۡطَـٰنࣲ مُّبِینࣲ ﴿١٠﴾
Nagsabi ang mga sugo nila [mula kay Allāh]: “Sa kay Allāh ba ay may pagdududa, ang Tagapaglalang ng mga langit at lupa? Nag-aanyaya Siya sa inyo upang magpatawad Siya sa inyo sa mga pagkakasala ninyo at mag-antala Siya sa inyo hanggang sa isang taning na tinukoy.” Nagsabi sila: “Walang iba kayo kundi mga taong tulad namin. Nagnanais kayo na bumalakid sa amin sa sinasamba noon ng mga ninuno namin kaya magdala kayo sa amin ng isang katunayang malinaw.”
قَالَتۡ لَهُمۡ رُسُلُهُمۡ إِن نَّحۡنُ إِلَّا بَشَرࣱ مِّثۡلُكُمۡ وَلَـٰكِنَّ ٱللَّهَ یَمُنُّ عَلَىٰ مَن یَشَاۤءُ مِنۡ عِبَادِهِۦۖ وَمَا كَانَ لَنَاۤ أَن نَّأۡتِیَكُم بِسُلۡطَـٰنٍ إِلَّا بِإِذۡنِ ٱللَّهِۚ وَعَلَى ٱللَّهِ فَلۡیَتَوَكَّلِ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ ﴿١١﴾
Nagsabi sa kanila ang mga sugo nila [mula kay Allāh]: “Walang iba kami kundi mga taong tulad ninyo, subalit si Allāh ay nagmamagandang-loob sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Hindi naging ukol sa amin na magdala sa inyo ng isang katunayan malibang ayon sa pahintulot ni Allāh. Sa kay Allāh ay manalig ang mga mananampalataya.
وَمَا لَنَاۤ أَلَّا نَتَوَكَّلَ عَلَى ٱللَّهِ وَقَدۡ هَدَىٰنَا سُبُلَنَاۚ وَلَنَصۡبِرَنَّ عَلَىٰ مَاۤ ءَاذَیۡتُمُونَاۚ وَعَلَى ٱللَّهِ فَلۡیَتَوَكَّلِ ٱلۡمُتَوَكِّلُونَ ﴿١٢﴾
Ano ang mayroon sa amin na hindi kami manalig kay Allāh samantalang nagpatnubay nga Siya sa amin sa mga landas namin? Talagang magtitiis nga kami sa anumang pananakit ninyo sa amin. Sa kay Allāh ay manalig ang mga nananalig.”
وَقَالَ ٱلَّذِینَ كَفَرُواْ لِرُسُلِهِمۡ لَنُخۡرِجَنَّكُم مِّنۡ أَرۡضِنَاۤ أَوۡ لَتَعُودُنَّ فِی مِلَّتِنَاۖ فَأَوۡحَىٰۤ إِلَیۡهِمۡ رَبُّهُمۡ لَنُهۡلِكَنَّ ٱلظَّـٰلِمِینَ ﴿١٣﴾
Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya sa mga sugo sa kanila: “Talagang magpapalisan nga kami sa inyo mula sa lupain natin, o talagang manunumbalik nga kayo sa kapaniwalaan natin.” Kaya nagkasi sa kanila ang Panginoon nila: “Talagang magpapahamak nga Kami sa mga tagalabag sa katarungan,
وَلَنُسۡكِنَنَّكُمُ ٱلۡأَرۡضَ مِنۢ بَعۡدِهِمۡۚ ذَ ٰلِكَ لِمَنۡ خَافَ مَقَامِی وَخَافَ وَعِیدِ ﴿١٤﴾
at talagang magpapatahan nga Kami sa inyo sa lupain matapos na nila. Iyon ay ukol sa sinumang nangamba sa katayuan Ko[266] at nangamba sa banta Ko.”
وَٱسۡتَفۡتَحُواْ وَخَابَ كُلُّ جَبَّارٍ عَنِیدࣲ ﴿١٥﴾
Humiling sila ng pagwawagi, at nabigo ang bawat palasupil na mapagmatigas.
مِّن وَرَاۤىِٕهِۦ جَهَنَّمُ وَیُسۡقَىٰ مِن مَّاۤءࣲ صَدِیدࣲ ﴿١٦﴾
Mula sa harap niya ay Impiyerno, at paiinumin siya ng tubig na nana.
یَتَجَرَّعُهُۥ وَلَا یَكَادُ یُسِیغُهُۥ وَیَأۡتِیهِ ٱلۡمَوۡتُ مِن كُلِّ مَكَانࣲ وَمَا هُوَ بِمَیِّتࣲۖ وَمِن وَرَاۤىِٕهِۦ عَذَابٌ غَلِیظࣱ ﴿١٧﴾
Lalagok-lagukin niya ito at hindi niya halos malulunok ito. Pupunta sa kanya ang kamatayan mula sa bawat pook ngunit siya ay hindi patay. Mula sa harap niya ay may isang pagdurusang mabagsik.
مَّثَلُ ٱلَّذِینَ كَفَرُواْ بِرَبِّهِمۡۖ أَعۡمَـٰلُهُمۡ كَرَمَادٍ ٱشۡتَدَّتۡ بِهِ ٱلرِّیحُ فِی یَوۡمٍ عَاصِفࣲۖ لَّا یَقۡدِرُونَ مِمَّا كَسَبُواْ عَلَىٰ شَیۡءࣲۚ ذَ ٰلِكَ هُوَ ٱلضَّلَـٰلُ ٱلۡبَعِیدُ ﴿١٨﴾
Ang paghahalintulad sa mga tumangging sumampalataya sa Panginoon nila [ay na] ang mga gawa nila ay gaya ng mga abo na tumindi sa mga ito ang hangin sa isang araw na umuunos; hindi sila nakakakaya [na magpanatili] sa anuman mula sa nakamit nila. Iyon ay ang pagkaligaw na malayo [sa katotohanan].
أَلَمۡ تَرَ أَنَّ ٱللَّهَ خَلَقَ ٱلسَّمَـٰوَ ٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ بِٱلۡحَقِّۚ إِن یَشَأۡ یُذۡهِبۡكُمۡ وَیَأۡتِ بِخَلۡقࣲ جَدِیدࣲ ﴿١٩﴾
Hindi mo ba nakita[267] na si Allāh ay lumikha ng mga langit at lupa ayon sa katotohanan. Kung loloobin Niya ay makapag-aalis Siya sa inyo at makagagawa Siya ng isang bagong nilikha.
وَبَرَزُواْ لِلَّهِ جَمِیعࣰا فَقَالَ ٱلضُّعَفَـٰۤؤُاْ لِلَّذِینَ ٱسۡتَكۡبَرُوۤاْ إِنَّا كُنَّا لَكُمۡ تَبَعࣰا فَهَلۡ أَنتُم مُّغۡنُونَ عَنَّا مِنۡ عَذَابِ ٱللَّهِ مِن شَیۡءࣲۚ قَالُواْ لَوۡ هَدَىٰنَا ٱللَّهُ لَهَدَیۡنَـٰكُمۡۖ سَوَاۤءٌ عَلَیۡنَاۤ أَجَزِعۡنَاۤ أَمۡ صَبَرۡنَا مَا لَنَا مِن مَّحِیصࣲ ﴿٢١﴾
Tatambad sila kay Allāh nang lahatan at magsasabi ang mga mahina sa mga nagmalaki: “Tunay na kami noon sa inyo ay tagasunod, kaya kayo kaya ay makapagdudulot sa amin ng anuman laban sa pagdurusang dulot ni Allāh?” Magsasabi ang mga iyon: “Kung sakaling nagpatnubay sa amin si Allāh ay talaga sanang nagpatnubay kami sa inyo. Magkapantay sa atin kung naligalig tayo o nagtiis tayo; walang ukol sa atin na anumang mapupuslitan.”
وَقَالَ ٱلشَّیۡطَـٰنُ لَمَّا قُضِیَ ٱلۡأَمۡرُ إِنَّ ٱللَّهَ وَعَدَكُمۡ وَعۡدَ ٱلۡحَقِّ وَوَعَدتُّكُمۡ فَأَخۡلَفۡتُكُمۡۖ وَمَا كَانَ لِیَ عَلَیۡكُم مِّن سُلۡطَـٰنٍ إِلَّاۤ أَن دَعَوۡتُكُمۡ فَٱسۡتَجَبۡتُمۡ لِیۖ فَلَا تَلُومُونِی وَلُومُوۤاْ أَنفُسَكُمۖ مَّاۤ أَنَا۠ بِمُصۡرِخِكُمۡ وَمَاۤ أَنتُم بِمُصۡرِخِیَّ إِنِّی كَفَرۡتُ بِمَاۤ أَشۡرَكۡتُمُونِ مِن قَبۡلُۗ إِنَّ ٱلظَّـٰلِمِینَ لَهُمۡ عَذَابٌ أَلِیمࣱ ﴿٢٢﴾
Magsasabi ang demonyo kapag tinapos ang pasya: “Tunay na si Allāh ay nangako sa inyo ng pangako ng katotohanan, at nangako ako sa inyo ngunit sumira ako sa inyo. Hindi ako nagkaroon sa inyo ng anumang kapamahalaan maliban na nag-anyaya ako sa inyo saka tumugon naman kayo sa akin. Kaya huwag kayong manisi sa akin. Sisihin ninyo ang mga sarili ninyo. Hindi ako makasasalba sa inyo at hindi kayo makasasalba sa akin. Tunay na ako ay nagkaila sa pagtambal ninyo sa akin [kay Allāh] bago pa niyan.” Tunay na ang mga tagalabag sa katarungan,[268] ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit.
وَأُدۡخِلَ ٱلَّذِینَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّـٰلِحَـٰتِ جَنَّـٰتࣲ تَجۡرِی مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَـٰرُ خَـٰلِدِینَ فِیهَا بِإِذۡنِ رَبِّهِمۡۖ تَحِیَّتُهُمۡ فِیهَا سَلَـٰمٌ ﴿٢٣﴾
Papapasukin ang mga sumampalataya at gumagawa ng mga maayos sa mga Hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito ayon sa pahintulot ng Panginoon nila. Ang pagbati nila roon ay kapayapaan.
أَلَمۡ تَرَ كَیۡفَ ضَرَبَ ٱللَّهُ مَثَلࣰا كَلِمَةࣰ طَیِّبَةࣰ كَشَجَرَةࣲ طَیِّبَةٍ أَصۡلُهَا ثَابِتࣱ وَفَرۡعُهَا فِی ٱلسَّمَاۤءِ ﴿٢٤﴾
Hindi mo ba napag-alaman kung papaanong naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad na isang salitang kaaya-aya na gaya ng isang punong-kahoy na kaaya-aya na ang ugat nito ay matatag at ang mga sanga nito ay nasa langit?
تُؤۡتِیۤ أُكُلَهَا كُلَّ حِینِۭ بِإِذۡنِ رَبِّهَاۗ وَیَضۡرِبُ ٱللَّهُ ٱلۡأَمۡثَالَ لِلنَّاسِ لَعَلَّهُمۡ یَتَذَكَّرُونَ ﴿٢٥﴾
Nagbibigay ito ng bunga nito sa bawat sandali ayon sa pahintulot ng Panginoon nito. Naglalahad si Allāh ng mga paghahalintulad para sa mga tao nang sa gayon sila ay magsasaalaala.
وَمَثَلُ كَلِمَةٍ خَبِیثَةࣲ كَشَجَرَةٍ خَبِیثَةٍ ٱجۡتُثَّتۡ مِن فَوۡقِ ٱلۡأَرۡضِ مَا لَهَا مِن قَرَارࣲ ﴿٢٦﴾
Ang paghahalintulad sa isang salitang karima-rimarim ay gaya sa isang punong-kahoy na karima-rimarin na nabunot mula sa ibabaw ng lupa; walang ukol dito na anumang pamamalagian.
یُثَبِّتُ ٱللَّهُ ٱلَّذِینَ ءَامَنُواْ بِٱلۡقَوۡلِ ٱلثَّابِتِ فِی ٱلۡحَیَوٰةِ ٱلدُّنۡیَا وَفِی ٱلۡـَٔاخِرَةِۖ وَیُضِلُّ ٱللَّهُ ٱلظَّـٰلِمِینَۚ وَیَفۡعَلُ ٱللَّهُ مَا یَشَاۤءُ ﴿٢٧﴾
Nagpapatatag si Allāh sa mga sumampalataya sa pamamagitan ng sinasabing matatag[269] sa buhay sa Mundo at sa Kabilang-buhay. Nagliligaw si Allāh sa mga tagalabag sa katarungan. Gumagawa si Allāh ng anumang niloloob Niya.
۞ أَلَمۡ تَرَ إِلَى ٱلَّذِینَ بَدَّلُواْ نِعۡمَتَ ٱللَّهِ كُفۡرࣰا وَأَحَلُّواْ قَوۡمَهُمۡ دَارَ ٱلۡبَوَارِ ﴿٢٨﴾
Hindi mo ba nakita ang mga nagpalit sa biyaya ni Allāh ng kawalang-pananampalataya at nagpatahan sa mga tao nila sa tahanan ng kapariwaraan?
جَهَنَّمَ یَصۡلَوۡنَهَاۖ وَبِئۡسَ ٱلۡقَرَارُ ﴿٢٩﴾
Sa Impiyerno ay masusunog sila. Kay saklap ang pamamalagian!
وَجَعَلُواْ لِلَّهِ أَندَادࣰا لِّیُضِلُّواْ عَن سَبِیلِهِۦۗ قُلۡ تَمَتَّعُواْ فَإِنَّ مَصِیرَكُمۡ إِلَى ٱلنَّارِ ﴿٣٠﴾
Gumawa sila para kay Allāh ng mga kaagaw upang magligaw ang mga ito palayo sa landas Niya. Sabihin mo: “Magpakatamasa kayo sapagkat tunay na ang kahahantungan ninyo ay tungo sa Apoy.”
قُل لِّعِبَادِیَ ٱلَّذِینَ ءَامَنُواْ یُقِیمُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَیُنفِقُواْ مِمَّا رَزَقۡنَـٰهُمۡ سِرࣰّا وَعَلَانِیَةࣰ مِّن قَبۡلِ أَن یَأۡتِیَ یَوۡمࣱ لَّا بَیۡعࣱ فِیهِ وَلَا خِلَـٰلٌ ﴿٣١﴾
Sabihin mo sa mga lingkod Ko na mga sumampalataya na magpanatili sila ng pagdarasal at gumugol sila mula sa itinustos Namin sa kanila nang palihim at nang hayagan bago pa may pumuntang isang araw na walang bilihan doon at walang pakikipagkaibigan.
ٱللَّهُ ٱلَّذِی خَلَقَ ٱلسَّمَـٰوَ ٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَأَنزَلَ مِنَ ٱلسَّمَاۤءِ مَاۤءࣰ فَأَخۡرَجَ بِهِۦ مِنَ ٱلثَّمَرَ ٰتِ رِزۡقࣰا لَّكُمۡۖ وَسَخَّرَ لَكُمُ ٱلۡفُلۡكَ لِتَجۡرِیَ فِی ٱلۡبَحۡرِ بِأَمۡرِهِۦۖ وَسَخَّرَ لَكُمُ ٱلۡأَنۡهَـٰرَ ﴿٣٢﴾
Si Allāh ang lumikha ng mga langit at lupa at nagpababa mula sa langit ng tubig kaya nagpalabas Siya sa pamamagitan nito ng mga bunga bilang panustos para sa inyo. Pinagsilbi Niya para sa inyo ang mga sasakyang-dagat upang maglayag sa dagat ayon sa utos Niya at pinagsilbi Niya para sa inyo ang mga ilog.
وَسَخَّرَ لَكُمُ ٱلشَّمۡسَ وَٱلۡقَمَرَ دَاۤىِٕبَیۡنِۖ وَسَخَّرَ لَكُمُ ٱلَّیۡلَ وَٱلنَّهَارَ ﴿٣٣﴾
Pinagsilbi Niya para sa inyo ang araw at ang buwan habang mga umiinog. Pinagsilbi Niya para sa inyo ang gabi at ang maghapon.
وَءَاتَىٰكُم مِّن كُلِّ مَا سَأَلۡتُمُوهُۚ وَإِن تَعُدُّواْ نِعۡمَتَ ٱللَّهِ لَا تُحۡصُوهَاۤۗ إِنَّ ٱلۡإِنسَـٰنَ لَظَلُومࣱ كَفَّارࣱ ﴿٣٤﴾
Nagbigay Siya sa inyo ng bawat hiningi ninyo. Kung magbibilang kayo ng biyaya ni Allāh ay hindi kayo makapag-iisa-isa sa mga ito. Tunay na ang tao ay talagang mapaglabag sa katarungan, palatangging sumampalataya.
وَإِذۡ قَالَ إِبۡرَ ٰهِیمُ رَبِّ ٱجۡعَلۡ هَـٰذَا ٱلۡبَلَدَ ءَامِنࣰا وَٱجۡنُبۡنِی وَبَنِیَّ أَن نَّعۡبُدَ ٱلۡأَصۡنَامَ ﴿٣٥﴾
[Banggitin] noong nagsabi si Abraham: “Panginoon ko, gawin Mo ang bayang ito [ng Makkah] na matiwasay at paiwasin Mo ako at ang mga anak ko na sumamba kami sa mga anito.
رَبِّ إِنَّهُنَّ أَضۡلَلۡنَ كَثِیرࣰا مِّنَ ٱلنَّاسِۖ فَمَن تَبِعَنِی فَإِنَّهُۥ مِنِّیۖ وَمَنۡ عَصَانِی فَإِنَّكَ غَفُورࣱ رَّحِیمࣱ ﴿٣٦﴾
Panginoon ko, tunay na ang mga [anitong] ito ay nagligaw sa marami sa mga tao. Kaya ang sinumang sumunod sa akin, tunay na siya ay kabilang sa akin; at ang sinumang sumuway sa akin, tunay na Ikaw ay Mapagpatawad, Maawain.
رَّبَّنَاۤ إِنِّیۤ أَسۡكَنتُ مِن ذُرِّیَّتِی بِوَادٍ غَیۡرِ ذِی زَرۡعٍ عِندَ بَیۡتِكَ ٱلۡمُحَرَّمِ رَبَّنَا لِیُقِیمُواْ ٱلصَّلَوٰةَ فَٱجۡعَلۡ أَفۡـِٔدَةࣰ مِّنَ ٱلنَّاسِ تَهۡوِیۤ إِلَیۡهِمۡ وَٱرۡزُقۡهُم مِّنَ ٱلثَّمَرَ ٰتِ لَعَلَّهُمۡ یَشۡكُرُونَ ﴿٣٧﴾
Panginoon namin, tunay na ako ay nagpatahan ng ilan sa mga supling ko[270] sa isang lambak na hindi may pananim, sa tabi ng Bahay Mong Pinabanal, Panginoon namin, upang magpanatili sila ng pagdarasal. Kaya gumawa Ka sa mga puso ng ilan sa mga tao na nahuhumaling sa kanila at magtustos Ka sa kanila mula sa mga bunga nang sa gayon sila ay magpapasalamat.
رَبَّنَاۤ إِنَّكَ تَعۡلَمُ مَا نُخۡفِی وَمَا نُعۡلِنُۗ وَمَا یَخۡفَىٰ عَلَى ٱللَّهِ مِن شَیۡءࣲ فِی ٱلۡأَرۡضِ وَلَا فِی ٱلسَّمَاۤءِ ﴿٣٨﴾
Panginoon namin, tunay na Ikaw ay nakaaalam sa anumang ikinukubli namin at anumang inihahayag namin. Walang nakakukubli kay Allāh na anuman sa lupa ni sa langit.
ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ ٱلَّذِی وَهَبَ لِی عَلَى ٱلۡكِبَرِ إِسۡمَـٰعِیلَ وَإِسۡحَـٰقَۚ إِنَّ رَبِّی لَسَمِیعُ ٱلدُّعَاۤءِ ﴿٣٩﴾
Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagkaloob para sa akin sa katandaan kina Ismael at Isaac. Tunay na ang Panginoon ko ay talagang Madinigin sa panalangin.
رَبِّ ٱجۡعَلۡنِی مُقِیمَ ٱلصَّلَوٰةِ وَمِن ذُرِّیَّتِیۚ رَبَّنَا وَتَقَبَّلۡ دُعَاۤءِ ﴿٤٠﴾
Panginoon ko, gawin Mo ako na tagapagpanatili ng pagdarasal at ang [marami] kabilang sa mga supling ko, Panginoon Namin, at tanggapin Mo ang panalangin ko.
رَبَّنَا ٱغۡفِرۡ لِی وَلِوَ ٰلِدَیَّ وَلِلۡمُؤۡمِنِینَ یَوۡمَ یَقُومُ ٱلۡحِسَابُ ﴿٤١﴾
Panginoon namin, magpatawad Ka sa akin, sa mga magulang ko, at sa mga mananampalataya sa araw na magaganap ang pagtutuos.”
وَلَا تَحۡسَبَنَّ ٱللَّهَ غَـٰفِلًا عَمَّا یَعۡمَلُ ٱلظَّـٰلِمُونَۚ إِنَّمَا یُؤَخِّرُهُمۡ لِیَوۡمࣲ تَشۡخَصُ فِیهِ ٱلۡأَبۡصَـٰرُ ﴿٤٢﴾
Huwag ka ngang mag-akalang si Allāh ay nalilingat sa anumang ginagawa ng mga tagalabag sa katarungan. Nag-aantala lamang Siya sa kanila para sa isang araw na mapatititig doon ang mga paningin.
مُهۡطِعِینَ مُقۡنِعِی رُءُوسِهِمۡ لَا یَرۡتَدُّ إِلَیۡهِمۡ طَرۡفُهُمۡۖ وَأَفۡـِٔدَتُهُمۡ هَوَاۤءࣱ ﴿٤٣﴾
Mga kumakaripas na mga nagtitingala ng mga ulo nila, hindi manunumbalik sa kanila ang sulyap nila habang ang mga puso nila ay hungkag [dahil sa pagkasindak].
وَأَنذِرِ ٱلنَّاسَ یَوۡمَ یَأۡتِیهِمُ ٱلۡعَذَابُ فَیَقُولُ ٱلَّذِینَ ظَلَمُواْ رَبَّنَاۤ أَخِّرۡنَاۤ إِلَىٰۤ أَجَلࣲ قَرِیبࣲ نُّجِبۡ دَعۡوَتَكَ وَنَتَّبِعِ ٱلرُّسُلَۗ أَوَلَمۡ تَكُونُوۤاْ أَقۡسَمۡتُم مِّن قَبۡلُ مَا لَكُم مِّن زَوَالࣲ ﴿٤٤﴾
Magbabala ka sa mga tao ng isang araw na pupunta sa kanila ang pagdurusa kaya magsasabi ang mga lumabag sa katarungan [dahil sa kawalang-pananampalataya]: “Panginoon namin, mag-antala Ka sa amin hanggang sa isang taning na malapit, sasagot kami sa paanyaya Mo at susunod kami sa mga sugo Mo.” [Magsasabi si Allāh:] “Hindi ba nangyaring kayo ay sumumpa bago pa niyan na wala kayong anumang pagtigil [sa buhay sa Mundo]?
وَسَكَنتُمۡ فِی مَسَـٰكِنِ ٱلَّذِینَ ظَلَمُوۤاْ أَنفُسَهُمۡ وَتَبَیَّنَ لَكُمۡ كَیۡفَ فَعَلۡنَا بِهِمۡ وَضَرَبۡنَا لَكُمُ ٱلۡأَمۡثَالَ ﴿٤٥﴾
Tumira kayo sa mga tirahan ng mga lumabag sa katarungan sa mga sarili nila. Luminaw para sa inyo kung papaano ang ginawa Namin sa kanila. Naglahad Kami para sa inyo ng mga paghahalintulad.”
وَقَدۡ مَكَرُواْ مَكۡرَهُمۡ وَعِندَ ٱللَّهِ مَكۡرُهُمۡ وَإِن كَانَ مَكۡرُهُمۡ لِتَزُولَ مِنۡهُ ٱلۡجِبَالُ ﴿٤٦﴾
Nagpakana nga sila ng pakana nila samantalang nasa ganang kay Allāh ang [kaalaman sa] pakana nila, kahit pa man ang pakana nila ay upang maalis dahil dito ang mga bundok.
فَلَا تَحۡسَبَنَّ ٱللَّهَ مُخۡلِفَ وَعۡدِهِۦ رُسُلَهُۥۤۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَزِیزࣱ ذُو ٱنتِقَامࣲ ﴿٤٧﴾
Kaya huwag ka ngang mag-akalang si Allāh ay sisira sa pangako Niya sa mga sugo Niya. Tunay na si Allāh ay Makapangyarihan, May paghihiganti.
یَوۡمَ تُبَدَّلُ ٱلۡأَرۡضُ غَیۡرَ ٱلۡأَرۡضِ وَٱلسَّمَـٰوَ ٰتُۖ وَبَرَزُواْ لِلَّهِ ٱلۡوَ ٰحِدِ ٱلۡقَهَّارِ ﴿٤٨﴾
Sa Araw na papalitan ang lupa ng ibang lupa at ang mga langit, at lalantad sila[271] kay Allāh, ang Nag-iisa, ang Palalupig.
وَتَرَى ٱلۡمُجۡرِمِینَ یَوۡمَىِٕذࣲ مُّقَرَّنِینَ فِی ٱلۡأَصۡفَادِ ﴿٤٩﴾
Makakikita ka sa mga salarin sa Araw na iyon na mga pinaggagapos sa mga posas,
سَرَابِیلُهُم مِّن قَطِرَانࣲ وَتَغۡشَىٰ وُجُوهَهُمُ ٱلنَّارُ ﴿٥٠﴾
na ang mga damit nila ay yari sa alkitran at bumabalot sa mga mukha nila ang apoy,
لِیَجۡزِیَ ٱللَّهُ كُلَّ نَفۡسࣲ مَّا كَسَبَتۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ سَرِیعُ ٱلۡحِسَابِ ﴿٥١﴾
upang gumanti si Allāh sa bawat kaluluwa sa nakamit nito [na mabuti o masama]. Tunay na si Allāh ay mabilis ang pagtutuos.
هَـٰذَا بَلَـٰغࣱ لِّلنَّاسِ وَلِیُنذَرُواْ بِهِۦ وَلِیَعۡلَمُوۤاْ أَنَّمَا هُوَ إِلَـٰهࣱ وَ ٰحِدࣱ وَلِیَذَّكَّرَ أُوْلُواْ ٱلۡأَلۡبَـٰبِ ﴿٥٢﴾
Ito ay isang pagpapaabot para sa mga tao at upang mapagbalaan sila sa pamamagitan nito, upang makaalam sila na Siya ay Diyos na nag-iisa lamang, at upang magsaalaala ang mga may isip.