Surah Al-Hijr

Listen

Filipino (Tagalog)

Surah Al-Hijr - Aya count 99

الۤرۚ تِلۡكَ ءَایَـٰتُ ٱلۡكِتَـٰبِ وَقُرۡءَانࣲ مُّبِینࣲ ﴿١﴾

Alif. Lām. Rā’.[272] Ang mga ito ay mga talata ng Aklat at isang Qur’ān na malinaw.[273]

[272] Ang Qur’ān ay nasa wikang Arabe na binubuo ng mga titiks Arabe gaya ng mga ito subalit walang isa mang nakagawa ng kahit pinkamaiikling kabanata ng mahimalang kababalaghan ng Qur’ān. [273] sa Tawḥīd at mga batas


Arabic explanations of the Qur’an:

رُّبَمَا یَوَدُّ ٱلَّذِینَ كَفَرُواْ لَوۡ كَانُواْ مُسۡلِمِینَ ﴿٢﴾

Marahil mag-aasam ang mga tumangging sumampalataya [sa Araw ng Pagbangon] na kung sana sila ay naging mga Muslim.


Arabic explanations of the Qur’an:

ذَرۡهُمۡ یَأۡكُلُواْ وَیَتَمَتَّعُواْ وَیُلۡهِهِمُ ٱلۡأَمَلُۖ فَسَوۡفَ یَعۡلَمُونَ ﴿٣﴾

Hayaan mo sila na kumain, magpakatamasa, at maglibang sa kanila ang [tagal ng] pag-asa sapagkat makaaalam sila.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَمَاۤ أَهۡلَكۡنَا مِن قَرۡیَةٍ إِلَّا وَلَهَا كِتَابࣱ مَّعۡلُومࣱ ﴿٤﴾

Hindi Kami nagpahamak ng anumang pamayanan malibang habang mayroon itong isang pagtatakdang nalalaman.


Arabic explanations of the Qur’an:

مَّا تَسۡبِقُ مِنۡ أُمَّةٍ أَجَلَهَا وَمَا یَسۡتَـٔۡخِرُونَ ﴿٥﴾

Walang nakauuna na anumang kalipunan sa taning nito at hindi sila nakapag-aantala.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَقَالُواْ یَـٰۤأَیُّهَا ٱلَّذِی نُزِّلَ عَلَیۡهِ ٱلذِّكۡرُ إِنَّكَ لَمَجۡنُونࣱ ﴿٦﴾

Nagsabi sila: “O siyang ibinaba sa kanya ang paalaala, tunay na ikaw ay talagang isang baliw.


Arabic explanations of the Qur’an:

لَّوۡ مَا تَأۡتِینَا بِٱلۡمَلَـٰۤىِٕكَةِ إِن كُنتَ مِنَ ٱلصَّـٰدِقِینَ ﴿٧﴾

Bakit kasi hindi ka nagdadala sa amin ng mga anghel kung ikaw ay naging kabilang sa mga tapat?”


Arabic explanations of the Qur’an:

مَا نُنَزِّلُ ٱلۡمَلَـٰۤىِٕكَةَ إِلَّا بِٱلۡحَقِّ وَمَا كَانُوۤاْ إِذࣰا مُّنظَرِینَ ﴿٨﴾

Hindi Kami nagbababa ng mga anghel malibang kalakip ng katotohanan; at hindi sila, samakatuwid, naging mga ipinagpapaliban.


Arabic explanations of the Qur’an:

إِنَّا نَحۡنُ نَزَّلۡنَا ٱلذِّكۡرَ وَإِنَّا لَهُۥ لَحَـٰفِظُونَ ﴿٩﴾

Tunay na Kami ay nagbaba ng [Qur’ān na] Paalaala at tunay na Kami rito ay talagang mag-iingat [laban sa pagbabago].


Arabic explanations of the Qur’an:

وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا مِن قَبۡلِكَ فِی شِیَعِ ٱلۡأَوَّلِینَ ﴿١٠﴾

Talaga ngang nagsugo Kami bago mo pa sa mga kampihan ng mga sinauna.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَمَا یَأۡتِیهِم مِّن رَّسُولٍ إِلَّا كَانُواْ بِهِۦ یَسۡتَهۡزِءُونَ ﴿١١﴾

Walang pumupunta sa kanila na isang sugo malibang sila noon sa kanya ay nangungutya.


Arabic explanations of the Qur’an:

كَذَ ٰ⁠لِكَ نَسۡلُكُهُۥ فِی قُلُوبِ ٱلۡمُجۡرِمِینَ ﴿١٢﴾

Gayon Kami nagpapasok nito sa mga puso ng mga salarin.


Arabic explanations of the Qur’an:

لَا یُؤۡمِنُونَ بِهِۦ وَقَدۡ خَلَتۡ سُنَّةُ ٱلۡأَوَّلِینَ ﴿١٣﴾

Hindi sila sumasampalataya rito [sa Qur’ān] samantalang lumipas na ang kalakaran sa mga sinauna.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَلَوۡ فَتَحۡنَا عَلَیۡهِم بَابࣰا مِّنَ ٱلسَّمَاۤءِ فَظَلُّواْ فِیهِ یَعۡرُجُونَ ﴿١٤﴾

Kahit pa nagbukas Kami sa kanila ng isang pinto mula sa langit saka nanatili sila roon na pumapanik,


Arabic explanations of the Qur’an:

لَقَالُوۤاْ إِنَّمَا سُكِّرَتۡ أَبۡصَـٰرُنَا بَلۡ نَحۡنُ قَوۡمࣱ مَّسۡحُورُونَ ﴿١٥﴾

talaga sanang nagsabi sila: “Nilango lamang ang mga paningin namin, bagkus kami ay mga taong nagaway.”


Arabic explanations of the Qur’an:

وَلَقَدۡ جَعَلۡنَا فِی ٱلسَّمَاۤءِ بُرُوجࣰا وَزَیَّنَّـٰهَا لِلنَّـٰظِرِینَ ﴿١٦﴾

Talaga ngang naglagay Kami sa langit ng mga kumpulan [ng mga bituin] at naggayak sa mga ito para sa mga tagapagmasid.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَحَفِظۡنَـٰهَا مِن كُلِّ شَیۡطَـٰنࣲ رَّجِیمٍ ﴿١٧﴾

Nag-ingat Kami rito[274] laban sa bawat demonyong kasumpa-sumpa,

[274] Ibig sabihin: langt.


Arabic explanations of the Qur’an:

إِلَّا مَنِ ٱسۡتَرَقَ ٱلسَّمۡعَ فَأَتۡبَعَهُۥ شِهَابࣱ مُّبِینࣱ ﴿١٨﴾

maliban sa sinumang nagnakaw-nakaw ng pagdinig kaya may sumunod sa kanya na isang bulalakaw na malinaw.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَٱلۡأَرۡضَ مَدَدۡنَـٰهَا وَأَلۡقَیۡنَا فِیهَا رَوَ ٰ⁠سِیَ وَأَنۢبَتۡنَا فِیهَا مِن كُلِّ شَیۡءࣲ مَّوۡزُونࣲ ﴿١٩﴾

Ang lupa, bumanat Kami nito, naglapat Kami rito ng mga matatag na bundok, at nagpatubo Kami rito ng bawat bagay na balanse.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَجَعَلۡنَا لَكُمۡ فِیهَا مَعَـٰیِشَ وَمَن لَّسۡتُمۡ لَهُۥ بِرَ ٰ⁠زِقِینَ ﴿٢٠﴾

Gumawa Kami para sa inyo rito ng mga kabuhayan at sa sinumang hindi kayo sa kanya mga tagapagtustos.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَإِن مِّن شَیۡءٍ إِلَّا عِندَنَا خَزَاۤىِٕنُهُۥ وَمَا نُنَزِّلُهُۥۤ إِلَّا بِقَدَرࣲ مَّعۡلُومࣲ ﴿٢١﴾

Walang anumang bagay malibang nasa ganang Amin ang mga lagakan nito, at hindi Kami nagbababa nito malibang ayon sa sukat na nalalaman.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَأَرۡسَلۡنَا ٱلرِّیَـٰحَ لَوَ ٰ⁠قِحَ فَأَنزَلۡنَا مِنَ ٱلسَّمَاۤءِ مَاۤءࣰ فَأَسۡقَیۡنَـٰكُمُوهُ وَمَاۤ أَنتُمۡ لَهُۥ بِخَـٰزِنِینَ ﴿٢٢﴾

Nagsugo Kami ng mga hangin bilang mga tagapagsemilya at nagpababa Kami mula sa langit ng tubig kaya nagpainom Kami sa inyo nito samantalang kayo para rito ay hindi mga tagapag-imbak.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَإِنَّا لَنَحۡنُ نُحۡیِۦ وَنُمِیتُ وَنَحۡنُ ٱلۡوَ ٰ⁠رِثُونَ ﴿٢٣﴾

Tunay na Kami, talagang Kami ay nagbibigay-buhay at nagbibigay-kamatayan at Kami ay ang Tagapagmana.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَلَقَدۡ عَلِمۡنَا ٱلۡمُسۡتَقۡدِمِینَ مِنكُمۡ وَلَقَدۡ عَلِمۡنَا ٱلۡمُسۡتَـٔۡخِرِینَ ﴿٢٤﴾

Talaga ngang nakaalam Kami sa mga nakapagpapauna kabilang sa inyo at talaga ngang nakaalam Kami sa mga nakapagpapaantala.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَإِنَّ رَبَّكَ هُوَ یَحۡشُرُهُمۡۚ إِنَّهُۥ حَكِیمٌ عَلِیمࣱ ﴿٢٥﴾

Tunay na ang Panginoon mo ay kakalap sa kanila [para gantihan]. Tunay na Siya ay Marunong, Maalam.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَلَقَدۡ خَلَقۡنَا ٱلۡإِنسَـٰنَ مِن صَلۡصَـٰلࣲ مِّنۡ حَمَإࣲ مَّسۡنُونࣲ ﴿٢٦﴾

Talaga ngang lumikha Kami sa tao mula sa kumakalansing na luwad mula sa burak na inanyuan.[275]

[275] O nabago ang kulay at amoy


Arabic explanations of the Qur’an:

وَٱلۡجَاۤنَّ خَلَقۡنَـٰهُ مِن قَبۡلُ مِن نَّارِ ٱلسَّمُومِ ﴿٢٧﴾

Ang jinn ay nilikha Namin ito bago pa niyan mula sa apoy ng nakapapasong hangin.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَإِذۡ قَالَ رَبُّكَ لِلۡمَلَـٰۤىِٕكَةِ إِنِّی خَـٰلِقُۢ بَشَرࣰا مِّن صَلۡصَـٰلࣲ مِّنۡ حَمَإࣲ مَّسۡنُونࣲ ﴿٢٨﴾

[Banggitin] noong nagsabi ang Panginoon mo sa mga anghel: “Tunay na Ako ay lilikha ng isang mortal mula sa kumakalansing na luwad mula sa burak na inanyuan.”[276]

[276] O nabago ang kulay at amoy


Arabic explanations of the Qur’an:

فَإِذَا سَوَّیۡتُهُۥ وَنَفَخۡتُ فِیهِ مِن رُّوحِی فَقَعُواْ لَهُۥ سَـٰجِدِینَ ﴿٢٩﴾

Kaya noong humubog Ako rito at umihip Ako rito mula sa espiritu Ko ay magsibagsak kayo sa kanya na mga nakapatirapa.


Arabic explanations of the Qur’an:

فَسَجَدَ ٱلۡمَلَـٰۤىِٕكَةُ كُلُّهُمۡ أَجۡمَعُونَ ﴿٣٠﴾

Kaya nagpatirapa ang mga anghel sa kabuuan nila nang magkakasama,


Arabic explanations of the Qur’an:

إِلَّاۤ إِبۡلِیسَ أَبَىٰۤ أَن یَكُونَ مَعَ ٱلسَّـٰجِدِینَ ﴿٣١﴾

maliban si Satanas; tumanggi siya na maging kasama sa mga tagapagpatirapa.


Arabic explanations of the Qur’an:

قَالَ یَـٰۤإِبۡلِیسُ مَا لَكَ أَلَّا تَكُونَ مَعَ ٱلسَّـٰجِدِینَ ﴿٣٢﴾

Nagsabi Siya: “O Satanas, ano ang mayroon sa iyo na hindi ka maging kasama sa mga tagapagpatirapa.”


Arabic explanations of the Qur’an:

قَالَ لَمۡ أَكُن لِّأَسۡجُدَ لِبَشَرٍ خَلَقۡتَهُۥ مِن صَلۡصَـٰلࣲ مِّنۡ حَمَإࣲ مَّسۡنُونࣲ ﴿٣٣﴾

Nagsabi ito: “Hindi ako naging ukol na magpatirapa sa isang mortal na nilikha Mo mula sa kumakalansing na luwad mula sa burak na inanyuan.”


Arabic explanations of the Qur’an:

قَالَ فَٱخۡرُجۡ مِنۡهَا فَإِنَّكَ رَجِیمࣱ ﴿٣٤﴾

Nagsabi Siya: “Kaya lumabas ka mula riyan [sa Paraiso] sapagkat tunay na ikaw ay kasumpa-sumpa,


Arabic explanations of the Qur’an:

وَإِنَّ عَلَیۡكَ ٱللَّعۡنَةَ إِلَىٰ یَوۡمِ ٱلدِّینِ ﴿٣٥﴾

at tunay na sumaiyo ang sumpa hanggang sa Araw ng Pagtutumbas.”


Arabic explanations of the Qur’an:

قَالَ رَبِّ فَأَنظِرۡنِیۤ إِلَىٰ یَوۡمِ یُبۡعَثُونَ ﴿٣٦﴾

Nagsabi ito: “Panginoon ko, kaya magpaliban Ka sa akin hanggang sa Araw na bubuhayin sila.”


Arabic explanations of the Qur’an:

قَالَ فَإِنَّكَ مِنَ ٱلۡمُنظَرِینَ ﴿٣٧﴾

Nagsabi Siya: “Kaya tunay na ikaw ay kabilang sa mga ipinagpapaliban


Arabic explanations of the Qur’an:

إِلَىٰ یَوۡمِ ٱلۡوَقۡتِ ٱلۡمَعۡلُومِ ﴿٣٨﴾

hanggang sa araw ng panahong nalalaman [Ko].”


Arabic explanations of the Qur’an:

قَالَ رَبِّ بِمَاۤ أَغۡوَیۡتَنِی لَأُزَیِّنَنَّ لَهُمۡ فِی ٱلۡأَرۡضِ وَلَأُغۡوِیَنَّهُمۡ أَجۡمَعِینَ ﴿٣٩﴾

Nagsabi ito: “Panginoon ko, dahil naglisya Ka sa akin, talagang mang-aakit nga ako sa kanila[277] sa lupa at talagang maglilisya nga ako sa kanila nang magkakasama,

[277] Ibig sabihin: sa mga anak ni Adan.


Arabic explanations of the Qur’an:

إِلَّا عِبَادَكَ مِنۡهُمُ ٱلۡمُخۡلَصِینَ ﴿٤٠﴾

maliban sa mga lingkod Mo kabilang sa kanila na mga itinangi.”


Arabic explanations of the Qur’an:

قَالَ هَـٰذَا صِرَ ٰ⁠طٌ عَلَیَّ مُسۡتَقِیمٌ ﴿٤١﴾

Nagsabi Siya: “Ito ay isang landasin sa Akin na tuwid.


Arabic explanations of the Qur’an:

إِنَّ عِبَادِی لَیۡسَ لَكَ عَلَیۡهِمۡ سُلۡطَـٰنٌ إِلَّا مَنِ ٱتَّبَعَكَ مِنَ ٱلۡغَاوِینَ ﴿٤٢﴾

Tunay na ang mga lingkod Ko ay walang ukol sa iyo na kapamahalaanan sa kanila [sa paglilisya sa kanila], maliban sa sinumang sumunod sa iyo kabilang sa mga nalilisya.s


Arabic explanations of the Qur’an:

وَإِنَّ جَهَنَّمَ لَمَوۡعِدُهُمۡ أَجۡمَعِینَ ﴿٤٣﴾

Tunay na ang Impiyerno ay talagang ang tipanan nila nang magkakasama.


Arabic explanations of the Qur’an:

لَهَا سَبۡعَةُ أَبۡوَ ٰ⁠بࣲ لِّكُلِّ بَابࣲ مِّنۡهُمۡ جُزۡءࣱ مَّقۡسُومٌ ﴿٤٤﴾

Mayroon itong pitong pinto; para sa bawat pinto, mula sa ‌kanila ay may isang bahaging itinalaga [sa mga tagasunod ni Satanas].”


Arabic explanations of the Qur’an:

إِنَّ ٱلۡمُتَّقِینَ فِی جَنَّـٰتࣲ وَعُیُونٍ ﴿٤٥﴾

Tunay na ang mga tagapangilag magkasala ay nasa mga hardin at mga bukal.


Arabic explanations of the Qur’an:

ٱدۡخُلُوهَا بِسَلَـٰمٍ ءَامِنِینَ ﴿٤٦﴾

[Sasabihin:] “Pumasok kayo sa mga ito nang may kapayapaan habang mga natitiwasay.”


Arabic explanations of the Qur’an:

وَنَزَعۡنَا مَا فِی صُدُورِهِم مِّنۡ غِلٍّ إِخۡوَ ٰ⁠نًا عَلَىٰ سُرُرࣲ مُّتَقَـٰبِلِینَ ﴿٤٧﴾

Magtatanggal Kami ng anumang nasa mga dibdib nila na pagkamuhi, bilang magkakapatid habang nasa mga kama na mga nagkakaharapan.


Arabic explanations of the Qur’an:

لَا یَمَسُّهُمۡ فِیهَا نَصَبࣱ وَمَا هُم مِّنۡهَا بِمُخۡرَجِینَ ﴿٤٨﴾

Walang sumasaling sa kanila roon na isang pagkapagal at hindi sila mula roon mga palalabasin.


Arabic explanations of the Qur’an:

۞ نَبِّئۡ عِبَادِیۤ أَنِّیۤ أَنَا ٱلۡغَفُورُ ٱلرَّحِیمُ ﴿٤٩﴾

Magbalita ka sa mga lingkod Ko na Ako ay ang Mapagpatawad, ang Maawain,


Arabic explanations of the Qur’an:

وَأَنَّ عَذَابِی هُوَ ٱلۡعَذَابُ ٱلۡأَلِیمُ ﴿٥٠﴾

at na ang pagdurusang dulot Ko ay ang pagdurusang masakit.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَنَبِّئۡهُمۡ عَن ضَیۡفِ إِبۡرَ ٰ⁠هِیمَ ﴿٥١﴾

Magbalita ka sa kanila tungkol sa mga [anghel na] panauhin ni Abraham.


Arabic explanations of the Qur’an:

إِذۡ دَخَلُواْ عَلَیۡهِ فَقَالُواْ سَلَـٰمࣰا قَالَ إِنَّا مِنكُمۡ وَجِلُونَ ﴿٥٢﴾

[Banggitin] noong pumasok sila[278] sa kanya at nagsabi sila: “Kapayapaan” ay nagsabi siya: “Tunay na kami sa inyo ay mga nasisindak.”

[278] Ibig sabihin: ang mga anghel.


Arabic explanations of the Qur’an:

قَالُواْ لَا تَوۡجَلۡ إِنَّا نُبَشِّرُكَ بِغُلَـٰمٍ عَلِیمࣲ ﴿٥٣﴾

Nagsabi sila: “Huwag kang masindak; tunay na kami ay magbabalita ng nakagagalak sa iyo hinggil sa isang batang lalaking maalam.”


Arabic explanations of the Qur’an:

قَالَ أَبَشَّرۡتُمُونِی عَلَىٰۤ أَن مَّسَّنِیَ ٱلۡكِبَرُ فَبِمَ تُبَشِّرُونَ ﴿٥٤﴾

Nagsabi siya:[279] “Nagbalita ba kayo ng nakagagalak sa akin [hinggil sa isang anak] sa kabila na sumaling sa akin ang kagulangan? Kaya hinggil sa ano nagbabalita kayo ng nakagagalak sa akin?”

[279] Ibig sabihin: si Abraham.


Arabic explanations of the Qur’an:

قَالُواْ بَشَّرۡنَـٰكَ بِٱلۡحَقِّ فَلَا تَكُن مِّنَ ٱلۡقَـٰنِطِینَ ﴿٥٥﴾

Nagsabi sila: “Nagbalita kami ng nakagagalak sa iyo hinggil sa katotohanan kaya huwag kang maging kabilang sa mga nasisiraan ng loob.”


Arabic explanations of the Qur’an:

قَالَ وَمَن یَقۡنَطُ مِن رَّحۡمَةِ رَبِّهِۦۤ إِلَّا ٱلضَّاۤلُّونَ ﴿٥٦﴾

Nagsabi siya: “Sino ang nasisiraan ng loob sa awa ng Panginoon niya maliban sa mga ligaw?”


Arabic explanations of the Qur’an:

قَالَ فَمَا خَطۡبُكُمۡ أَیُّهَا ٱلۡمُرۡسَلُونَ ﴿٥٧﴾

Nagsabi siya: “Kaya ano ang pakay ninyo, O mga isinugo?”


Arabic explanations of the Qur’an:

قَالُوۤاْ إِنَّاۤ أُرۡسِلۡنَاۤ إِلَىٰ قَوۡمࣲ مُّجۡرِمِینَ ﴿٥٨﴾

Nagsabi sila: “Tunay na kami ay isinugo sa mga taong salarin,


Arabic explanations of the Qur’an:

إِلَّاۤ ءَالَ لُوطٍ إِنَّا لَمُنَجُّوهُمۡ أَجۡمَعِینَ ﴿٥٩﴾

maliban sa mag-anak ni Lot; tunay na kami ay mga magliligtas sa kanila nang magkakasama,


Arabic explanations of the Qur’an:

إِلَّا ٱمۡرَأَتَهُۥ قَدَّرۡنَاۤ إِنَّهَا لَمِنَ ٱلۡغَـٰبِرِینَ ﴿٦٠﴾

maliban sa maybahay niya [sapagkat nagsabi si Allāh:] Nagtakda Kami na tunay na ito ay talagang kabilang sa mga magpapaiwan [para mapahamak].”


Arabic explanations of the Qur’an:

فَلَمَّا جَاۤءَ ءَالَ لُوطٍ ٱلۡمُرۡسَلُونَ ﴿٦١﴾

Kaya noong dumating sa mag-anak ni Lot ang mga [anghel na] isinugo,


Arabic explanations of the Qur’an:

قَالَ إِنَّكُمۡ قَوۡمࣱ مُّنكَرُونَ ﴿٦٢﴾

nagsabi siya: “Tunay na kayo ay mga taong di-kilala.”


Arabic explanations of the Qur’an:

قَالُواْ بَلۡ جِئۡنَـٰكَ بِمَا كَانُواْ فِیهِ یَمۡتَرُونَ ﴿٦٣﴾

Nagsabi sila: “Bagkus naghatid kami sa iyo ng [pagdurusang] sila dati kaugnay rito ay nagtataltalan.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَأَتَیۡنَـٰكَ بِٱلۡحَقِّ وَإِنَّا لَصَـٰدِقُونَ ﴿٦٤﴾

Nagdala kami sa iyo ng katotohanan at tunay na kami ay talagang mga tapat.


Arabic explanations of the Qur’an:

فَأَسۡرِ بِأَهۡلِكَ بِقِطۡعࣲ مِّنَ ٱلَّیۡلِ وَٱتَّبِعۡ أَدۡبَـٰرَهُمۡ وَلَا یَلۡتَفِتۡ مِنكُمۡ أَحَدࣱ وَٱمۡضُواْ حَیۡثُ تُؤۡمَرُونَ ﴿٦٥﴾

Kaya lumisan ka kasama ng mag-anak mo sa isang bahagi ng gabi. Sumunod ka sa mga likuran nila at walang lilingon kabilang sa inyo na isa man. Tumuloy kayo sa kung saan kayo uutusan.”


Arabic explanations of the Qur’an:

وَقَضَیۡنَاۤ إِلَیۡهِ ذَ ٰ⁠لِكَ ٱلۡأَمۡرَ أَنَّ دَابِرَ هَـٰۤؤُلَاۤءِ مَقۡطُوعࣱ مُّصۡبِحِینَ ﴿٦٦﴾

Nagsiwalat Kami sa kanya ng bagay na iyon: na ang pinag-ugatan ng mga ito ay puputulin kapag inumaga.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَجَاۤءَ أَهۡلُ ٱلۡمَدِینَةِ یَسۡتَبۡشِرُونَ ﴿٦٧﴾

Dumating ang mga naninirahan sa lungsod na nagagalak.


Arabic explanations of the Qur’an:

قَالَ إِنَّ هَـٰۤؤُلَاۤءِ ضَیۡفِی فَلَا تَفۡضَحُونِ ﴿٦٨﴾

Nagsabi siya: “Ang mga ito ay mga panauhin ko kaya huwag kayong mag-iskandalo sa akin.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَلَا تُخۡزُونِ ﴿٦٩﴾

Mangilag kayong magkasala kay Allāh at huwag kayong magpahiya sa akin.”


Arabic explanations of the Qur’an:

قَالُوۤاْ أَوَلَمۡ نَنۡهَكَ عَنِ ٱلۡعَـٰلَمِینَ ﴿٧٠﴾

Nagsabi sila: “Hindi ba sumaway kami sa iyo laban sa mga nilalang?”


Arabic explanations of the Qur’an:

قَالَ هَـٰۤؤُلَاۤءِ بَنَاتِیۤ إِن كُنتُمۡ فَـٰعِلِینَ ﴿٧١﴾

Nagsabi siya: “Ang mga ito ay mga babaing anak ko [na mapakakasalan ninyo], kung kayo ay mga magsasagawa [ng pakikipagtalik].”


Arabic explanations of the Qur’an:

لَعَمۡرُكَ إِنَّهُمۡ لَفِی سَكۡرَتِهِمۡ یَعۡمَهُونَ ﴿٧٢﴾

Sumpa man sa buhay mo, tunay na sila ay talagang nasa kalanguan nila habang nag-aapuhap sila.


Arabic explanations of the Qur’an:

فَأَخَذَتۡهُمُ ٱلصَّیۡحَةُ مُشۡرِقِینَ ﴿٧٣﴾

Kaya dumaklot sa kanila ang sigaw nang sumisikat [sa kanila ang araw].


Arabic explanations of the Qur’an:

فَجَعَلۡنَا عَـٰلِیَهَا سَافِلَهَا وَأَمۡطَرۡنَا عَلَیۡهِمۡ حِجَارَةࣰ مِّن سِجِّیلٍ ﴿٧٤﴾

Kaya gumawa Kami sa itaas ng mga [pamayanang] ito na maging ibaba ng [mga pamayanang] ito. Nagpaulan Kami sa kanila ng mga batong yari sa nanigas na luwad.


Arabic explanations of the Qur’an:

إِنَّ فِی ذَ ٰ⁠لِكَ لَـَٔایَـٰتࣲ لِّلۡمُتَوَسِّمِینَ ﴿٧٥﴾

Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga tagapaghinuha.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَإِنَّهَا لَبِسَبِیلࣲ مُّقِیمٍ ﴿٧٦﴾

Tunay na [ang mga pamayanang] ito ay talagang nasa isang landas na nananatili.


Arabic explanations of the Qur’an:

إِنَّ فِی ذَ ٰ⁠لِكَ لَـَٔایَةࣰ لِّلۡمُؤۡمِنِینَ ﴿٧٧﴾

Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa mga mananampalataya.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَإِن كَانَ أَصۡحَـٰبُ ٱلۡأَیۡكَةِ لَظَـٰلِمِینَ ﴿٧٨﴾

Tunay na noon ang mga naninirahan sa kasukalan [ng Midyan] ay talagang mga tagalabag sa katarungan.


Arabic explanations of the Qur’an:

فَٱنتَقَمۡنَا مِنۡهُمۡ وَإِنَّهُمَا لَبِإِمَامࣲ مُّبِینࣲ ﴿٧٩﴾

Kaya naghiganti Kami sa kanila. Tunay na ang dalawang [pamayanang] ito ay talagang nasa isang daanang malinaw.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَلَقَدۡ كَذَّبَ أَصۡحَـٰبُ ٱلۡحِجۡرِ ٱلۡمُرۡسَلِینَ ﴿٨٠﴾

Talaga ngang nagpasinungaling ang mga mamamayan ng Batuhan sa mga isinugo.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَءَاتَیۡنَـٰهُمۡ ءَایَـٰتِنَا فَكَانُواْ عَنۡهَا مُعۡرِضِینَ ﴿٨١﴾

Nagbigay Kami sa kanila ng mga tanda Namin ngunit sila noon sa mga ito ay mga tagaayaw.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَكَانُواْ یَنۡحِتُونَ مِنَ ٱلۡجِبَالِ بُیُوتًا ءَامِنِینَ ﴿٨٢﴾

Sila noon ay lumililok mula sa mga bundok ng mga bahay bilang mga matiwasay.


Arabic explanations of the Qur’an:

فَأَخَذَتۡهُمُ ٱلصَّیۡحَةُ مُصۡبِحِینَ ﴿٨٣﴾

Ngunit dumaklot sa kanila ang sigaw nang inumaga.


Arabic explanations of the Qur’an:

فَمَاۤ أَغۡنَىٰ عَنۡهُم مَّا كَانُواْ یَكۡسِبُونَ ﴿٨٤﴾

Kaya walang naidulot para sa kanila ang anumang dating nakakamit nila.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَمَا خَلَقۡنَا ٱلسَّمَـٰوَ ٰ⁠تِ وَٱلۡأَرۡضَ وَمَا بَیۡنَهُمَاۤ إِلَّا بِٱلۡحَقِّۗ وَإِنَّ ٱلسَّاعَةَ لَـَٔاتِیَةࣱۖ فَٱصۡفَحِ ٱلصَّفۡحَ ٱلۡجَمِیلَ ﴿٨٥﴾

Hindi Kami lumikha ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito malibang ayon sa katotohanan. Tunay na ang Huling Sandali ay talagang darating kaya magpalampas ka nang pagpapalampas na marilag.


Arabic explanations of the Qur’an:

إِنَّ رَبَّكَ هُوَ ٱلۡخَلَّـٰقُ ٱلۡعَلِیمُ ﴿٨٦﴾

Tunay na ang Panginoon mo ay ang Palalikha, ang Maalam.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَلَقَدۡ ءَاتَیۡنَـٰكَ سَبۡعࣰا مِّنَ ٱلۡمَثَانِی وَٱلۡقُرۡءَانَ ٱلۡعَظِیمَ ﴿٨٧﴾

Talaga ngang nagbigay Kami sa iyo ng pito mula mga inuulit-ulit at Dakilang Qur’ān.


Arabic explanations of the Qur’an:

لَا تَمُدَّنَّ عَیۡنَیۡكَ إِلَىٰ مَا مَتَّعۡنَا بِهِۦۤ أَزۡوَ ٰ⁠جࣰا مِّنۡهُمۡ وَلَا تَحۡزَنۡ عَلَیۡهِمۡ وَٱخۡفِضۡ جَنَاحَكَ لِلۡمُؤۡمِنِینَ ﴿٨٨﴾

Huwag ka ngang magpatagal ng mga mata mo sa anumang ipinatamasa Namin na mga uri mula sa kanila, huwag kang malungkot sa kanila, magbaba ka ng loob mo para sa mga mananampalataya,


Arabic explanations of the Qur’an:

وَقُلۡ إِنِّیۤ أَنَا ٱلنَّذِیرُ ٱلۡمُبِینُ ﴿٨٩﴾

magsabi ka: “Tunay na ako mismo ay ang mapagbabalang malinaw [ng pagdursa]”


Arabic explanations of the Qur’an:

كَمَاۤ أَنزَلۡنَا عَلَى ٱلۡمُقۡتَسِمِینَ ﴿٩٠﴾

gaya ng nagpababa Kami [ng kasulatan] sa mga nagkahati-hati,


Arabic explanations of the Qur’an:

ٱلَّذِینَ جَعَلُواْ ٱلۡقُرۡءَانَ عِضِینَ ﴿٩١﴾

na mga gumawa sa Qur’ān bilang mga baha-bahagi.


Arabic explanations of the Qur’an:

فَوَرَبِّكَ لَنَسۡـَٔلَنَّهُمۡ أَجۡمَعِینَ ﴿٩٢﴾

Kaya sumpa man sa Panginoon mo, talaga ngang magtatanong Kami sa kanila nang magkakasama


Arabic explanations of the Qur’an:

عَمَّا كَانُواْ یَعۡمَلُونَ ﴿٩٣﴾

tungkol sa anumang dati nilang ginagawa.


Arabic explanations of the Qur’an:

فَٱصۡدَعۡ بِمَا تُؤۡمَرُ وَأَعۡرِضۡ عَنِ ٱلۡمُشۡرِكِینَ ﴿٩٤﴾

Kaya maglantad ka ng ipinag-uutos sa iyo [ni Allāh] at umayaw ka sa mga tagapagtambal.


Arabic explanations of the Qur’an:

إِنَّا كَفَیۡنَـٰكَ ٱلۡمُسۡتَهۡزِءِینَ ﴿٩٥﴾

Tunay na Kami ay nakasapat sa iyo sa mga tagapangutya


Arabic explanations of the Qur’an:

ٱلَّذِینَ یَجۡعَلُونَ مَعَ ٱللَّهِ إِلَـٰهًا ءَاخَرَۚ فَسَوۡفَ یَعۡلَمُونَ ﴿٩٦﴾

na gumagawa kasama kay Allāh ng isang diyos na iba pa, ngunit malalaman nila.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَلَقَدۡ نَعۡلَمُ أَنَّكَ یَضِیقُ صَدۡرُكَ بِمَا یَقُولُونَ ﴿٩٧﴾

Talaga ngang nakaaalam Kami na ikaw ay napaninikipan ng dibdib mo dahil sa sinasabi nila.


Arabic explanations of the Qur’an:

فَسَبِّحۡ بِحَمۡدِ رَبِّكَ وَكُن مِّنَ ٱلسَّـٰجِدِینَ ﴿٩٨﴾

Kaya magluwalhati ka kasabay ng papuri sa Panginoon mo at maging kabilang ka sa mga tagapagpatirapa.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَٱعۡبُدۡ رَبَّكَ حَتَّىٰ یَأۡتِیَكَ ٱلۡیَقِینُ ﴿٩٩﴾

Sambahin mo ang Panginoon mo hanggang sa pumunta sa iyo ang katiyakan [ng kamatayan].


Arabic explanations of the Qur’an: