Surah An-Nahl

Listen

Filipino (Tagalog)

Surah An-Nahl - Aya count 128

أَتَىٰۤ أَمۡرُ ٱللَّهِ فَلَا تَسۡتَعۡجِلُوهُۚ سُبۡحَـٰنَهُۥ وَتَعَـٰلَىٰ عَمَّا یُشۡرِكُونَ ﴿١﴾

Darating ang pasya ni Allāh kaya huwag kayong magmadali nito. Kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya higit sa anumang itinatambal nila.


Arabic explanations of the Qur’an:

یُنَزِّلُ ٱلۡمَلَـٰۤىِٕكَةَ بِٱلرُّوحِ مِنۡ أَمۡرِهِۦ عَلَىٰ مَن یَشَاۤءُ مِنۡ عِبَادِهِۦۤ أَنۡ أَنذِرُوۤاْ أَنَّهُۥ لَاۤ إِلَـٰهَ إِلَّاۤ أَنَا۠ فَٱتَّقُونِ ﴿٢﴾

Nagbababa Siya ng mga anghel, kalakip ng espiritu mula sa utos Niya, sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya, [na nagsasabi:] “Magbabala kayo na walang Diyos kundi Ako, kaya mangilag kayang magkasala sa Akin.”


Arabic explanations of the Qur’an:

خَلَقَ ٱلسَّمَـٰوَ ٰ⁠تِ وَٱلۡأَرۡضَ بِٱلۡحَقِّۚ تَعَـٰلَىٰ عَمَّا یُشۡرِكُونَ ﴿٣﴾

Lumikha Siya ng mga langit at lupa sa katotohanan. Napakataas Siya higit sa anumang itinatambal nila.


Arabic explanations of the Qur’an:

خَلَقَ ٱلۡإِنسَـٰنَ مِن نُّطۡفَةࣲ فَإِذَا هُوَ خَصِیمࣱ مُّبِینࣱ ﴿٤﴾

Lumikha Siya ng tao mula sa isang patak ng punlay, saka biglang iyon ay isang kaalitang malinaw.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَٱلۡأَنۡعَـٰمَ خَلَقَهَاۖ لَكُمۡ فِیهَا دِفۡءࣱ وَمَنَـٰفِعُ وَمِنۡهَا تَأۡكُلُونَ ﴿٥﴾

Ang mga hayupan, nilikha Niya ang mga ito para sa inyo; sa mga ito ay may init at mga pakinabang, at mula sa mga ito ay kumakain kayo.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَلَكُمۡ فِیهَا جَمَالٌ حِینَ تُرِیحُونَ وَحِینَ تَسۡرَحُونَ ﴿٦﴾

Ukol sa inyo sa mga ito ay karilagan kapag nagpapahinga kayo at nagpapastol kayo.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَتَحۡمِلُ أَثۡقَالَكُمۡ إِلَىٰ بَلَدࣲ لَّمۡ تَكُونُواْ بَـٰلِغِیهِ إِلَّا بِشِقِّ ٱلۡأَنفُسِۚ إِنَّ رَبَّكُمۡ لَرَءُوفࣱ رَّحِیمࣱ ﴿٧﴾

Nagdadala ang mga ito ng mga pasanin ninyo tungo sa isang bayang hindi kayo aabot doon malibang may hirap ng mga sarili. Tunay na ang Panginoon ninyo ay talagang Mahabagin, Maawain.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَٱلۡخَیۡلَ وَٱلۡبِغَالَ وَٱلۡحَمِیرَ لِتَرۡكَبُوهَا وَزِینَةࣰۚ وَیَخۡلُقُ مَا لَا تَعۡلَمُونَ ﴿٨﴾

Ang mga kabayo, ang mga mola, at ang mga asno ay upang sumakay kayo sa mga ito at bilang gayak. Lumilikha Siya ng mga hindi ninyo nalalaman [na sasakyan].


Arabic explanations of the Qur’an:

وَعَلَى ٱللَّهِ قَصۡدُ ٱلسَّبِیلِ وَمِنۡهَا جَاۤىِٕرࣱۚ وَلَوۡ شَاۤءَ لَهَدَىٰكُمۡ أَجۡمَعِینَ ﴿٩﴾

Nasa kay Allāh ang pagtukoy sa landas, at kabilang sa mga [landas na] ito ay nakatabingi [palayo sa katotohanan]. Kung sakaling niloob Niya, talaga sanang nagpatnubay Siya sa inyo nang magkakasama.


Arabic explanations of the Qur’an:

هُوَ ٱلَّذِیۤ أَنزَلَ مِنَ ٱلسَّمَاۤءِ مَاۤءࣰۖ لَّكُم مِّنۡهُ شَرَابࣱ وَمِنۡهُ شَجَرࣱ فِیهِ تُسِیمُونَ ﴿١٠﴾

Siya ay ang nagpababa mula sa langit ng tubig, na para sa inyo mula rito ay may inumin at mula rito ay may mga punong-kahoy na sa mga ito nagpapastol kayo.


Arabic explanations of the Qur’an:

یُنۢبِتُ لَكُم بِهِ ٱلزَّرۡعَ وَٱلزَّیۡتُونَ وَٱلنَّخِیلَ وَٱلۡأَعۡنَـٰبَ وَمِن كُلِّ ٱلثَّمَرَ ٰ⁠تِۚ إِنَّ فِی ذَ ٰ⁠لِكَ لَـَٔایَةࣰ لِّقَوۡمࣲ یَتَفَكَّرُونَ ﴿١١﴾

Nagpapatubo Siya para sa inyo sa pamamagitan niyon ng mga pananim, mga oliba, mga datiles, mga ubas, at kabilang sa lahat ng mga bunga. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa mga taong nag-iisip-isip.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَسَخَّرَ لَكُمُ ٱلَّیۡلَ وَٱلنَّهَارَ وَٱلشَّمۡسَ وَٱلۡقَمَرَۖ وَٱلنُّجُومُ مُسَخَّرَ ٰ⁠تُۢ بِأَمۡرِهِۦۤۚ إِنَّ فِی ذَ ٰ⁠لِكَ لَـَٔایَـٰتࣲ لِّقَوۡمࣲ یَعۡقِلُونَ ﴿١٢﴾

Pinagsilbi Niya para sa inyo ang gabi at ang maghapon, at ang araw at ang buwan. Ang mga bituin ay mga pinagsisilbi ayon sa utos Niya. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong nakapag-uunawa.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَمَا ذَرَأَ لَكُمۡ فِی ٱلۡأَرۡضِ مُخۡتَلِفًا أَلۡوَ ٰ⁠نُهُۥۤۚ إِنَّ فِی ذَ ٰ⁠لِكَ لَـَٔایَةࣰ لِّقَوۡمࣲ یَذَّكَّرُونَ ﴿١٣﴾

[Pinagsilbi Niya] ang nilalang Niya para sa inyo sa lupa na nagkakaiba-iba ang mga kulay nito. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa mga taong nagsasaalaala.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَهُوَ ٱلَّذِی سَخَّرَ ٱلۡبَحۡرَ لِتَأۡكُلُواْ مِنۡهُ لَحۡمࣰا طَرِیࣰّا وَتَسۡتَخۡرِجُواْ مِنۡهُ حِلۡیَةࣰ تَلۡبَسُونَهَاۖ وَتَرَى ٱلۡفُلۡكَ مَوَاخِرَ فِیهِ وَلِتَبۡتَغُواْ مِن فَضۡلِهِۦ وَلَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ ﴿١٤﴾

Siya ay ang nagpasilbi ng dagat upang kumain kayo mula rito ng malambot na laman at humango kayo mula rito ng hiyas na isinusuot ninyo. Nakikita mo ang mga daong habang mga bumubungkal dito, upang maghangad kayo mula sa kabutihang-loob Niya; at nang sa gayon kayo ay magpapasalamat [sa Kanya].


Arabic explanations of the Qur’an:

وَأَلۡقَىٰ فِی ٱلۡأَرۡضِ رَوَ ٰ⁠سِیَ أَن تَمِیدَ بِكُمۡ وَأَنۡهَـٰرࣰا وَسُبُلࣰا لَّعَلَّكُمۡ تَهۡتَدُونَ ﴿١٥﴾

Naglapat Siya sa lupa ng mga matatag na bundok nang hindi gumalaw-galaw ang mga ito sa inyo, mga ilog, mga landas nang sa gayon kayo ay mapapatnubayan,


Arabic explanations of the Qur’an:

وَعَلَـٰمَـٰتࣲۚ وَبِٱلنَّجۡمِ هُمۡ یَهۡتَدُونَ ﴿١٦﴾

at mga palatandaan. Sa pamamagitan ng bituin, sila ay napapatnubayan.


Arabic explanations of the Qur’an:

أَفَمَن یَخۡلُقُ كَمَن لَّا یَخۡلُقُۚ أَفَلَا تَذَكَّرُونَ ﴿١٧﴾

Kaya ba ang sinumang lumilikha ay gaya ng sinumang hindi lumilikha? Kaya ba hindi kayo nagsasaalaala?


Arabic explanations of the Qur’an:

وَإِن تَعُدُّواْ نِعۡمَةَ ٱللَّهِ لَا تُحۡصُوهَاۤۗ إِنَّ ٱللَّهَ لَغَفُورࣱ رَّحِیمࣱ ﴿١٨﴾

Kung magbibilang kayo ng biyaya ni Allāh ay hindi kayo makapag-iisa-isa nito. Tunay na si Allāh ay talagang Mapagpatawad, Maawain.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَٱللَّهُ یَعۡلَمُ مَا تُسِرُّونَ وَمَا تُعۡلِنُونَ ﴿١٩﴾

Si Allāh ay nakaaalam sa anumang inililihim ninyo at anumang inihahayag ninyo.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَٱلَّذِینَ یَدۡعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ لَا یَخۡلُقُونَ شَیۡـࣰٔا وَهُمۡ یُخۡلَقُونَ ﴿٢٠﴾

Ang mga dinadalanginan nila bukod pa kay Allāh ay hindi lumilikha ng anuman samantalang ang mga ito ay nililikha.


Arabic explanations of the Qur’an:

أَمۡوَ ٰ⁠تٌ غَیۡرُ أَحۡیَاۤءࣲۖ وَمَا یَشۡعُرُونَ أَیَّانَ یُبۡعَثُونَ ﴿٢١﴾

Mga patay hindi mga buhay at hindi nakararamdam ang mga ito kung kailan bubuhayin ang mga ito.


Arabic explanations of the Qur’an:

إِلَـٰهُكُمۡ إِلَـٰهࣱ وَ ٰ⁠حِدࣱۚ فَٱلَّذِینَ لَا یُؤۡمِنُونَ بِٱلۡـَٔاخِرَةِ قُلُوبُهُم مُّنكِرَةࣱ وَهُم مُّسۡتَكۡبِرُونَ ﴿٢٢﴾

Ang Diyos ninyo ay Diyos na nag-iisa. Ang mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay, ang mga puso nila ay mga nagkakaila [sa kaisahan ni Allāh] habang sila ay mga nagmamalaki [sa pagtanggai sa katotohanan].


Arabic explanations of the Qur’an:

لَا جَرَمَ أَنَّ ٱللَّهَ یَعۡلَمُ مَا یُسِرُّونَ وَمَا یُعۡلِنُونَۚ إِنَّهُۥ لَا یُحِبُّ ٱلۡمُسۡتَكۡبِرِینَ ﴿٢٣﴾

Walang pasubali na si Allāh ay nakaaalam sa anumang inililihim nila at anumang inihahayag nila. Tunay na Siya ay hindi umiibig sa mga nagmamalaki.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَإِذَا قِیلَ لَهُم مَّاذَاۤ أَنزَلَ رَبُّكُمۡ قَالُوۤاْ أَسَـٰطِیرُ ٱلۡأَوَّلِینَ ﴿٢٤﴾

Kapag sinabi sa kanila: “Ano ang pinababa ng Panginoon ninyo?” ay magsasabi sila: “Mga alamat ng mga sinauna,”


Arabic explanations of the Qur’an:

لِیَحۡمِلُوۤاْ أَوۡزَارَهُمۡ كَامِلَةࣰ یَوۡمَ ٱلۡقِیَـٰمَةِ وَمِنۡ أَوۡزَارِ ٱلَّذِینَ یُضِلُّونَهُم بِغَیۡرِ عِلۡمٍۗ أَلَا سَاۤءَ مَا یَزِرُونَ ﴿٢٥﴾

upang magbuhat sila ng mga pasanin nila nang buo sa Araw ng Pagbangon at ng bahagi ng mga pasanin ng mga pinaliligaw nila nang walang kaalaman.[280] Pansinin, kay sagwa ang pinapasan nila!

[280] gayon pa man hindi pa rin mababawasan ang bigat ng mga ito


Arabic explanations of the Qur’an:

قَدۡ مَكَرَ ٱلَّذِینَ مِن قَبۡلِهِمۡ فَأَتَى ٱللَّهُ بُنۡیَـٰنَهُم مِّنَ ٱلۡقَوَاعِدِ فَخَرَّ عَلَیۡهِمُ ٱلسَّقۡفُ مِن فَوۡقِهِمۡ وَأَتَىٰهُمُ ٱلۡعَذَابُ مِنۡ حَیۡثُ لَا یَشۡعُرُونَ ﴿٢٦﴾

Nagpakana nga ang mga bago pa nila kaya pumunta si Allāh sa gusali nila mula sa mga pundasyon kaya bumagsak sa kanila ang bubong mula sa ibabaw nila at pumunta sa kanila ang pagdurusa mula sa kung saan hindi nila nararamdaman.


Arabic explanations of the Qur’an:

ثُمَّ یَوۡمَ ٱلۡقِیَـٰمَةِ یُخۡزِیهِمۡ وَیَقُولُ أَیۡنَ شُرَكَاۤءِیَ ٱلَّذِینَ كُنتُمۡ تُشَـٰۤقُّونَ فِیهِمۡۚ قَالَ ٱلَّذِینَ أُوتُواْ ٱلۡعِلۡمَ إِنَّ ٱلۡخِزۡیَ ٱلۡیَوۡمَ وَٱلسُّوۤءَ عَلَى ٱلۡكَـٰفِرِینَ ﴿٢٧﴾

Pagkatapos sa Araw ng Pagbangon ay magpapahiya Siya sa kanila at magsasabi Siya: “Nasaan na ang mga katambal [na itinambal ninyo] sa Akin na kayo dati ay nakikipaghidwaan dahil sa kanila?” Magsasabi ang mga binigyan ng kaalaman: “Tunay na ang kahihiyan sa Araw na ito at ang kasagwaan ay ukol sa mga tagatangging sumampalataya,


Arabic explanations of the Qur’an:

ٱلَّذِینَ تَتَوَفَّىٰهُمُ ٱلۡمَلَـٰۤىِٕكَةُ ظَالِمِیۤ أَنفُسِهِمۡۖ فَأَلۡقَوُاْ ٱلسَّلَمَ مَا كُنَّا نَعۡمَلُ مِن سُوۤءِۭۚ بَلَىٰۤۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلِیمُۢ بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ ﴿٢٨﴾

na mga nagpapapanaw sa kanila ang mga anghel habang mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila.” Kaya mag-uukol sila ng pagsuko, [na nagsasabi]: “Hindi kami dati gumagawa ng anumang kasagwaan.” [Sasabihin sa kanila:] Bagkus tunay na si Allāh ay Maalam sa anumang dati ninyong ginagawa.


Arabic explanations of the Qur’an:

فَٱدۡخُلُوۤاْ أَبۡوَ ٰ⁠بَ جَهَنَّمَ خَـٰلِدِینَ فِیهَاۖ فَلَبِئۡسَ مَثۡوَى ٱلۡمُتَكَبِّرِینَ ﴿٢٩﴾

Kaya magsipasok kayo sa mga pinto ng Impiyerno bilang mga mananatili roon. Saka talagang kay saklap ang tuluyan ng mga nagpapakamalaki!


Arabic explanations of the Qur’an:

۞ وَقِیلَ لِلَّذِینَ ٱتَّقَوۡاْ مَاذَاۤ أَنزَلَ رَبُّكُمۡۚ قَالُواْ خَیۡرࣰاۗ لِّلَّذِینَ أَحۡسَنُواْ فِی هَـٰذِهِ ٱلدُّنۡیَا حَسَنَةࣱۚ وَلَدَارُ ٱلۡـَٔاخِرَةِ خَیۡرࣱۚ وَلَنِعۡمَ دَارُ ٱلۡمُتَّقِینَ ﴿٣٠﴾

Sasabihin sa mga nangilag magkasala: “Ano ang pinababa ng Panginoon ninyo?” Magsasabi sila: “Kabutihan.” Ukol sa mga gumawa ng maganda sa Mundong ito ay isang maganda. Talagang ang tahanan sa Kabilang-buhay at higit na mabuti. Talagang kay inam ang tahanan ng mga tagapangilag magkasala:


Arabic explanations of the Qur’an:

جَنَّـٰتُ عَدۡنࣲ یَدۡخُلُونَهَا تَجۡرِی مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَـٰرُۖ لَهُمۡ فِیهَا مَا یَشَاۤءُونَۚ كَذَ ٰ⁠لِكَ یَجۡزِی ٱللَّهُ ٱلۡمُتَّقِینَ ﴿٣١﴾

mga Hardin ng Eden na papasukin nila, na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog. Ukol sa kanila roon ang anumang loloobin nila. Gayon gaganti si Allāh sa mga tagapangilag magkasala,


Arabic explanations of the Qur’an:

ٱلَّذِینَ تَتَوَفَّىٰهُمُ ٱلۡمَلَـٰۤىِٕكَةُ طَیِّبِینَ یَقُولُونَ سَلَـٰمٌ عَلَیۡكُمُ ٱدۡخُلُواْ ٱلۡجَنَّةَ بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ ﴿٣٢﴾

na mga nagpapapanaw sa kanila ang mga anghel habang mga kaaya-aya, na nagsasabi: “Kapayapaan ay sumainyo. Magsipasok kayo sa Paraiso dahil sa dati ninyong ginagawa [na pagsampalataya].”


Arabic explanations of the Qur’an:

هَلۡ یَنظُرُونَ إِلَّاۤ أَن تَأۡتِیَهُمُ ٱلۡمَلَـٰۤىِٕكَةُ أَوۡ یَأۡتِیَ أَمۡرُ رَبِّكَۚ كَذَ ٰ⁠لِكَ فَعَلَ ٱلَّذِینَ مِن قَبۡلِهِمۡۚ وَمَا ظَلَمَهُمُ ٱللَّهُ وَلَـٰكِن كَانُوۤاْ أَنفُسَهُمۡ یَظۡلِمُونَ ﴿٣٣﴾

33 Naghihintay kaya sila maliban pa na pumunta sa kanila ang mga anghel o pumunta sa kanila ang utos ng Panginoon mo? Gayon gumawa ang mga nauna pa sa kanila. Hindi lumabag sa kanila si Allāh sa katarungan subalit sila dati sa mga sarili nila ay lumalabag sa katarungan.


Arabic explanations of the Qur’an:

فَأَصَابَهُمۡ سَیِّـَٔاتُ مَا عَمِلُواْ وَحَاقَ بِهِم مَّا كَانُواْ بِهِۦ یَسۡتَهۡزِءُونَ ﴿٣٤﴾

Kaya tumama sa kanila ang mga masagwa ng ginawa nila at pumaligid sa kanila ang dati nilang kinukutya.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَقَالَ ٱلَّذِینَ أَشۡرَكُواْ لَوۡ شَاۤءَ ٱللَّهُ مَا عَبَدۡنَا مِن دُونِهِۦ مِن شَیۡءࣲ نَّحۡنُ وَلَاۤ ءَابَاۤؤُنَا وَلَا حَرَّمۡنَا مِن دُونِهِۦ مِن شَیۡءࣲۚ كَذَ ٰ⁠لِكَ فَعَلَ ٱلَّذِینَ مِن قَبۡلِهِمۡۚ فَهَلۡ عَلَى ٱلرُّسُلِ إِلَّا ٱلۡبَلَـٰغُ ٱلۡمُبِینُ ﴿٣٥﴾

Nagsabi ang mga nagtambal: “Kung sakaling niloob ni Allāh ay hindi kami sumamba sa isang anuman bukod pa sa Kanya: [hindi] kami ni ang mga ninuno namin, at hindi kami nagbawal ng isang anuman bukod pa sa ayon sa Kanya.” Gayon gumawa ang mga bago pa nila. Kaya may kailangan pa kaya sa mga sugo kundi ang pagpapaabot na malinaw [ng mensahe]?


Arabic explanations of the Qur’an:

وَلَقَدۡ بَعَثۡنَا فِی كُلِّ أُمَّةࣲ رَّسُولًا أَنِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ وَٱجۡتَنِبُواْ ٱلطَّـٰغُوتَۖ فَمِنۡهُم مَّنۡ هَدَى ٱللَّهُ وَمِنۡهُم مَّنۡ حَقَّتۡ عَلَیۡهِ ٱلضَّلَـٰلَةُۚ فَسِیرُواْ فِی ٱلۡأَرۡضِ فَٱنظُرُواْ كَیۡفَ كَانَ عَـٰقِبَةُ ٱلۡمُكَذِّبِینَ ﴿٣٦﴾

Talaga ngang nagpadala Kami sa bawat kalipunan ng isang sugo, na [nagsasabi]: “Sumamba kayo kay Allāh at umiwas kayo sa nagpapakadiyos.” Kaya mayroon sa kanila na pinatnubayan ni Allāh at mayroon sa kanila na nagindapat sa kanya ang kaligawan. Kaya humayo kayo sa lupain saka tumingin kayo kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga tagapagpasinungaling.


Arabic explanations of the Qur’an:

إِن تَحۡرِصۡ عَلَىٰ هُدَىٰهُمۡ فَإِنَّ ٱللَّهَ لَا یَهۡدِی مَن یُضِلُّۖ وَمَا لَهُم مِّن نَّـٰصِرِینَ ﴿٣٧﴾

Kung nagsisigasig ka sa pagpatnubay sa kanila, tunay na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa pinaliligaw Niya at walang ukol sa kanila na anumang mga tagapag-adya.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَأَقۡسَمُواْ بِٱللَّهِ جَهۡدَ أَیۡمَـٰنِهِمۡ لَا یَبۡعَثُ ٱللَّهُ مَن یَمُوتُۚ بَلَىٰ وَعۡدًا عَلَیۡهِ حَقࣰّا وَلَـٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا یَعۡلَمُونَ ﴿٣٨﴾

Nanumpa sila kay Allāh ng pinakamariin sa panunumpa nila na hindi bubuhay si Allāh sa sinumang mamamatay. Bagkus, [bubuhay Siya] bilang pangako mula sa Kanya na totoo, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam,


Arabic explanations of the Qur’an:

لِیُبَیِّنَ لَهُمُ ٱلَّذِی یَخۡتَلِفُونَ فِیهِ وَلِیَعۡلَمَ ٱلَّذِینَ كَفَرُوۤاْ أَنَّهُمۡ كَانُواْ كَـٰذِبِینَ ﴿٣٩﴾

upang maglinaw Siya sa kanila ng anumang nagkakaiba-iba sila hinggil doon at upang makaalam ang mga tumatangging sumampalataya na sila noon ay mga sinungaling.


Arabic explanations of the Qur’an:

إِنَّمَا قَوۡلُنَا لِشَیۡءٍ إِذَاۤ أَرَدۡنَـٰهُ أَن نَّقُولَ لَهُۥ كُن فَیَكُونُ ﴿٤٠﴾

Ang sabi Namin lamang sa isang bagay kapag nagnais Kami nito ay na magsabi Kami rito na mangyari saka mangyayari ito.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَٱلَّذِینَ هَاجَرُواْ فِی ٱللَّهِ مِنۢ بَعۡدِ مَا ظُلِمُواْ لَنُبَوِّئَنَّهُمۡ فِی ٱلدُّنۡیَا حَسَنَةࣰۖ وَلَأَجۡرُ ٱلۡـَٔاخِرَةِ أَكۡبَرُۚ لَوۡ كَانُواْ یَعۡلَمُونَ ﴿٤١﴾

Ang mga lumikas alang-alang kay Allāh matapos na nilabag sila sa katarungan ay talagang magpapatahan nga Kami sa kanila sa Mundo nang maganda. Talagang ang gantimpala sa Kabilang-buhay ay higit na malaki kung sakaling sila dati ay nakaaalam.


Arabic explanations of the Qur’an:

ٱلَّذِینَ صَبَرُواْ وَعَلَىٰ رَبِّهِمۡ یَتَوَكَّلُونَ ﴿٤٢﴾

[Sila] ang mga nagtiis at sa Panginoon nila ay nananalig.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَمَاۤ أَرۡسَلۡنَا مِن قَبۡلِكَ إِلَّا رِجَالࣰا نُّوحِیۤ إِلَیۡهِمۡۖ فَسۡـَٔلُوۤاْ أَهۡلَ ٱلذِّكۡرِ إِن كُنتُمۡ لَا تَعۡلَمُونَ ﴿٤٣﴾

Hindi Kami nagsugo bago mo pa kundi ng mga lalaking nagkakasi Kami sa kanila. Kaya magtanong kayo sa mga may paalaala kung kayo ay hindi nakaaalam.


Arabic explanations of the Qur’an:

بِٱلۡبَیِّنَـٰتِ وَٱلزُّبُرِۗ وَأَنزَلۡنَاۤ إِلَیۡكَ ٱلذِّكۡرَ لِتُبَیِّنَ لِلنَّاسِ مَا نُزِّلَ إِلَیۡهِمۡ وَلَعَلَّهُمۡ یَتَفَكَّرُونَ ﴿٤٤﴾

[Isinugo ang mga sugo] kalakip ng mga malinaw na patunay at mga kasulatan. Nagpababa Kami sa iyo ng paalaala upang maglinaw ka sa mga tao ng pinababa sa kanila at nang sa gayon sila ay mag-iisip-isip.


Arabic explanations of the Qur’an:

أَفَأَمِنَ ٱلَّذِینَ مَكَرُواْ ٱلسَّیِّـَٔاتِ أَن یَخۡسِفَ ٱللَّهُ بِهِمُ ٱلۡأَرۡضَ أَوۡ یَأۡتِیَهُمُ ٱلۡعَذَابُ مِنۡ حَیۡثُ لَا یَشۡعُرُونَ ﴿٤٥﴾

Kaya natiwasay ba ang mga nagpakana ng mga gawang masagwa na baka magpalamon si Allāh sa kanila sa lupa, o pumunta sa kanila ang pagdurusa mula sa kung saan hindi nila nararamdaman,


Arabic explanations of the Qur’an:

أَوۡ یَأۡخُذَهُمۡ فِی تَقَلُّبِهِمۡ فَمَا هُم بِمُعۡجِزِینَ ﴿٤٦﴾

o dumaklot Siya sa kanila habang nasa paggala-gala nila kaya hindi sila mga makalulusot,


Arabic explanations of the Qur’an:

أَوۡ یَأۡخُذَهُمۡ عَلَىٰ تَخَوُّفࣲ فَإِنَّ رَبَّكُمۡ لَرَءُوفࣱ رَّحِیمٌ ﴿٤٧﴾

o dumaklot Siya sa kanila habang nasa isang pangangamba-ngamba? Ngunit tunay na ang Panginoon ninyo ay talagang Mahabagin, Maawain.


Arabic explanations of the Qur’an:

أَوَلَمۡ یَرَوۡاْ إِلَىٰ مَا خَلَقَ ٱللَّهُ مِن شَیۡءࣲ یَتَفَیَّؤُاْ ظِلَـٰلُهُۥ عَنِ ٱلۡیَمِینِ وَٱلشَّمَاۤىِٕلِ سُجَّدࣰا لِّلَّهِ وَهُمۡ دَ ٰ⁠خِرُونَ ﴿٤٨﴾

Hindi ba sila nakakita sa mga nilikha ni Allāh na anuman? Humihilig ang mga anino ng mga iyon sa dakong kanan at sa mga dakong kaliwa, na mga nagpapatirapa kay Allāh habang ang mga iyon ay mga nagpapakaaba.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَلِلَّهِ یَسۡجُدُ مَا فِی ٱلسَّمَـٰوَ ٰ⁠تِ وَمَا فِی ٱلۡأَرۡضِ مِن دَاۤبَّةࣲ وَٱلۡمَلَـٰۤىِٕكَةُ وَهُمۡ لَا یَسۡتَكۡبِرُونَ ﴿٤٩﴾

Kay Allāh nagpapatirapa ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa na gumagalaw na nilalang, at ang mga anghel habang sila ay hindi nagmamalaki.


Arabic explanations of the Qur’an:

یَخَافُونَ رَبَّهُم مِّن فَوۡقِهِمۡ وَیَفۡعَلُونَ مَا یُؤۡمَرُونَ ۩ ﴿٥٠﴾

Nangangamba sila sa Panginoon nila mula sa itaas nila at gumagawa sila ng ipinag-uutos sa kanila.


Arabic explanations of the Qur’an:

۞ وَقَالَ ٱللَّهُ لَا تَتَّخِذُوۤاْ إِلَـٰهَیۡنِ ٱثۡنَیۡنِۖ إِنَّمَا هُوَ إِلَـٰهࣱ وَ ٰ⁠حِدࣱ فَإِیَّـٰیَ فَٱرۡهَبُونِ ﴿٥١﴾

Nagsabi si Allāh: “Huwag kayong gumawa ng dalawang diyos; Siya ay Diyos na nag-iisa lamang. Kaya sa Akin ay mangilabot kayo.”


Arabic explanations of the Qur’an:

وَلَهُۥ مَا فِی ٱلسَّمَـٰوَ ٰ⁠تِ وَٱلۡأَرۡضِ وَلَهُ ٱلدِّینُ وَاصِبًاۚ أَفَغَیۡرَ ٱللَّهِ تَتَّقُونَ ﴿٥٢﴾

Sa Kanya ang anumang nasa mga langit at lupa at ukol sa Kanya ang pagtalima nang palagian. Kaya ba sa iba pa kay Allāh kayo nangingilag magkasala?


Arabic explanations of the Qur’an:

وَمَا بِكُم مِّن نِّعۡمَةࣲ فَمِنَ ٱللَّهِۖ ثُمَّ إِذَا مَسَّكُمُ ٱلضُّرُّ فَإِلَیۡهِ تَجۡـَٔرُونَ ﴿٥٣﴾

Ang anumang nasa inyo na biyaya ay mula kay Allāh. Pagkatapos kapag sumaling sa inyo ang kapinsalaan ay sa Kanya kayo lumuluhog.


Arabic explanations of the Qur’an:

ثُمَّ إِذَا كَشَفَ ٱلضُّرَّ عَنكُمۡ إِذَا فَرِیقࣱ مِّنكُم بِرَبِّهِمۡ یُشۡرِكُونَ ﴿٥٤﴾

Pagkatapos kapag pumawi Siya ng pinsala palayo sa inyo, biglang may isang pangkat kabilang sa inyo na sa Panginoon nila ay nagtatambal


Arabic explanations of the Qur’an:

لِیَكۡفُرُواْ بِمَاۤ ءَاتَیۡنَـٰهُمۡۚ فَتَمَتَّعُواْ فَسَوۡفَ تَعۡلَمُونَ ﴿٥٥﴾

upang magkaila sila sa anumang ibinigay Namin sa kanila. Kaya magpakatamasa kayo sapagkat makaaalam kayo.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَیَجۡعَلُونَ لِمَا لَا یَعۡلَمُونَ نَصِیبࣰا مِّمَّا رَزَقۡنَـٰهُمۡۗ تَٱللَّهِ لَتُسۡـَٔلُنَّ عَمَّا كُنتُمۡ تَفۡتَرُونَ ﴿٥٦﴾

Nagtatalaga sila para sa [mga anito], na hindi nakaaalam, ng isang bahagi mula sa itinustos Namin sa kanila. Sumpa man kay Allāh, talagang tatanungin nga kayo tungkol sa dati ninyong ginagawa-gawa [na kasinungalingan].


Arabic explanations of the Qur’an:

وَیَجۡعَلُونَ لِلَّهِ ٱلۡبَنَـٰتِ سُبۡحَـٰنَهُۥ وَلَهُم مَّا یَشۡتَهُونَ ﴿٥٧﴾

Nagtatalaga sila para kay Allāh ng mga babaing anak – kaluwalhatian sa Kanya – at para sa kanila ng ninanasa nila.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَإِذَا بُشِّرَ أَحَدُهُم بِٱلۡأُنثَىٰ ظَلَّ وَجۡهُهُۥ مُسۡوَدࣰّا وَهُوَ كَظِیمࣱ ﴿٥٨﴾

Kapag binalitaan ang isa sa kanila[281] hinggil sa [pagkasilang ng anak na] babae, ang mukha niya ay naging nangingitim habang siya ay hapis.

[281] Ibig sabihin: ang isa sa mga tagapagtambal noon.


Arabic explanations of the Qur’an:

یَتَوَ ٰ⁠رَىٰ مِنَ ٱلۡقَوۡمِ مِن سُوۤءِ مَا بُشِّرَ بِهِۦۤۚ أَیُمۡسِكُهُۥ عَلَىٰ هُونٍ أَمۡ یَدُسُّهُۥ فِی ٱلتُّرَابِۗ أَلَا سَاۤءَ مَا یَحۡكُمُونَ ﴿٥٩﴾

Nagtatago siya sa mga tao dahil sa kasagwaan daw ng ibinalita sa kanya. Magpapanatili ba siya nito sa pagkahamak o magbabaon siya nito sa alabok? Pansinin, kay sagwa ang ihinahatol nila!


Arabic explanations of the Qur’an:

لِلَّذِینَ لَا یُؤۡمِنُونَ بِٱلۡـَٔاخِرَةِ مَثَلُ ٱلسَّوۡءِۖ وَلِلَّهِ ٱلۡمَثَلُ ٱلۡأَعۡلَىٰۚ وَهُوَ ٱلۡعَزِیزُ ٱلۡحَكِیمُ ﴿٦٠﴾

Ukol sa mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay ang paglalarawan ng kasagwaan at ukol kay Allāh ang paglalarawang pinakamataas. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَلَوۡ یُؤَاخِذُ ٱللَّهُ ٱلنَّاسَ بِظُلۡمِهِم مَّا تَرَكَ عَلَیۡهَا مِن دَاۤبَّةࣲ وَلَـٰكِن یُؤَخِّرُهُمۡ إِلَىٰۤ أَجَلࣲ مُّسَمࣰّىۖ فَإِذَا جَاۤءَ أَجَلُهُمۡ لَا یَسۡتَـٔۡخِرُونَ سَاعَةࣰ وَلَا یَسۡتَقۡدِمُونَ ﴿٦١﴾

Kung sakaling magpapanagot si Allāh sa mga tao dahil sa kawalang-katarungan nila ay hindi sana Siya nag-iwan sa ibabaw nito ng anumang gumagalaw na nilalang subalit nag-aantala Siya sa kanila hanggang sa isang taning na tinukoy. Kaya kapag dumating ang taning nila ay hindi sila makapagpapaantala ng isang sandali at hindi sila makapagpapauna.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَیَجۡعَلُونَ لِلَّهِ مَا یَكۡرَهُونَۚ وَتَصِفُ أَلۡسِنَتُهُمُ ٱلۡكَذِبَ أَنَّ لَهُمُ ٱلۡحُسۡنَىٰۚ لَا جَرَمَ أَنَّ لَهُمُ ٱلنَّارَ وَأَنَّهُم مُّفۡرَطُونَ ﴿٦٢﴾

Nagtatalaga sila para kay Allāh ng kinasusuklaman nila [na pagkakaroon ng anak na babae]. Naglalarawan ang mga dila nila ng kasinungalingan na ukol daw sa kanila ang pinakamaganda. Walang pasubali na ukol sa kanila ang Apoy at na sila ay mga pababayaan.


Arabic explanations of the Qur’an:

تَٱللَّهِ لَقَدۡ أَرۡسَلۡنَاۤ إِلَىٰۤ أُمَمࣲ مِّن قَبۡلِكَ فَزَیَّنَ لَهُمُ ٱلشَّیۡطَـٰنُ أَعۡمَـٰلَهُمۡ فَهُوَ وَلِیُّهُمُ ٱلۡیَوۡمَ وَلَهُمۡ عَذَابٌ أَلِیمࣱ ﴿٦٣﴾

Sumpa man kay Allāh, talaga ngang nagsugo sa mga kalipunan bago mo pa ngunit ipinang-akit sa kanila ng demonyo ang mga gawa nila kaya siya ay tagatangkilik nila sa araw na ito at ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَمَاۤ أَنزَلۡنَا عَلَیۡكَ ٱلۡكِتَـٰبَ إِلَّا لِتُبَیِّنَ لَهُمُ ٱلَّذِی ٱخۡتَلَفُواْ فِیهِ وَهُدࣰى وَرَحۡمَةࣰ لِّقَوۡمࣲ یُؤۡمِنُونَ ﴿٦٤﴾

Hindi Kami nagpababa sa iyo ng Aklat kundi upang maglinaw ka sa kanila ng nagkaiba-iba sila hinggil doon, at bilang patnubay at bilang awa para sa mga taong sumasampalataya.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَٱللَّهُ أَنزَلَ مِنَ ٱلسَّمَاۤءِ مَاۤءࣰ فَأَحۡیَا بِهِ ٱلۡأَرۡضَ بَعۡدَ مَوۡتِهَاۤۚ إِنَّ فِی ذَ ٰ⁠لِكَ لَـَٔایَةࣰ لِّقَوۡمࣲ یَسۡمَعُونَ ﴿٦٥﴾

Si Allāh ay nagpababa mula sa langit ng tubig saka nagbigay-buhay sa pamamagitan niyon sa lupa matapos ng kamatayan nito. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa mga taong dumidinig.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَإِنَّ لَكُمۡ فِی ٱلۡأَنۡعَـٰمِ لَعِبۡرَةࣰۖ نُّسۡقِیكُم مِّمَّا فِی بُطُونِهِۦ مِنۢ بَیۡنِ فَرۡثࣲ وَدَمࣲ لَّبَنًا خَالِصࣰا سَاۤىِٕغࣰا لِّلشَّـٰرِبِینَ ﴿٦٦﴾

Tunay na para sa inyo sa mga hayupan ay talagang may maisasaalang-alang. Nagpapainom Kami sa inyo ― mula sa mga tiyan ng mga ito sa pagitan ng dumi at dugo ― ng isang gatas na dalisay na kasiya-siya para sa mga umiinom.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَمِن ثَمَرَ ٰ⁠تِ ٱلنَّخِیلِ وَٱلۡأَعۡنَـٰبِ تَتَّخِذُونَ مِنۡهُ سَكَرࣰا وَرِزۡقًا حَسَنًاۚ إِنَّ فِی ذَ ٰ⁠لِكَ لَـَٔایَةࣰ لِّقَوۡمࣲ یَعۡقِلُونَ ﴿٦٧﴾

Mula sa mga bunga ng mga punong-datiles at mga ubas ay gumagawa kayo mula sa mga ito ng isang nakalalasing at isang panustos na maganda. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa mga taong nakapag-uunawa.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَأَوۡحَىٰ رَبُّكَ إِلَى ٱلنَّحۡلِ أَنِ ٱتَّخِذِی مِنَ ٱلۡجِبَالِ بُیُوتࣰا وَمِنَ ٱلشَّجَرِ وَمِمَّا یَعۡرِشُونَ ﴿٦٨﴾

Nagkasi ang Panginoon mo sa babaing bubuyog, na [nagsasabi]: “Gumawa ka mula sa mga bundok ng mga bahay, mula sa mga punong-kahoy, at mula sa ipinatitindig nila.


Arabic explanations of the Qur’an:

ثُمَّ كُلِی مِن كُلِّ ٱلثَّمَرَ ٰ⁠تِ فَٱسۡلُكِی سُبُلَ رَبِّكِ ذُلُلࣰاۚ یَخۡرُجُ مِنۢ بُطُونِهَا شَرَابࣱ مُّخۡتَلِفٌ أَلۡوَ ٰ⁠نُهُۥ فِیهِ شِفَاۤءࣱ لِّلنَّاسِۚ إِنَّ فِی ذَ ٰ⁠لِكَ لَـَٔایَةࣰ لِّقَوۡمࣲ یَتَفَكَّرُونَ ﴿٦٩﴾

Pagkatapos kumain ka mula sa lahat ng mga bunga saka tumahak ka sa mga landas ng Panginoon mo nang sunud-sunuran.” May lumalabas mula sa mga tiyan ng mga iyon na isang inuming nagkakaiba-iba ang mga kulay nito, na may taglay itong lunas para sa mga tao. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa mga taong nag-iisip-isip.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَٱللَّهُ خَلَقَكُمۡ ثُمَّ یَتَوَفَّىٰكُمۡۚ وَمِنكُم مَّن یُرَدُّ إِلَىٰۤ أَرۡذَلِ ٱلۡعُمُرِ لِكَیۡ لَا یَعۡلَمَ بَعۡدَ عِلۡمࣲ شَیۡـًٔاۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلِیمࣱ قَدِیرࣱ ﴿٧٠﴾

Si Allāh ay lumikha sa inyo, pagkatapos nagpapapanaw sa inyo. Mayroon sa inyo na pinaaabot sa pinakahamak na gulang upang hindi siya makaalam, matapos ng pagkakaalam, ng anuman. Tunay na si Allāh ay Maalam, May-kakayahan.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَٱللَّهُ فَضَّلَ بَعۡضَكُمۡ عَلَىٰ بَعۡضࣲ فِی ٱلرِّزۡقِۚ فَمَا ٱلَّذِینَ فُضِّلُواْ بِرَاۤدِّی رِزۡقِهِمۡ عَلَىٰ مَا مَلَكَتۡ أَیۡمَـٰنُهُمۡ فَهُمۡ فِیهِ سَوَاۤءٌۚ أَفَبِنِعۡمَةِ ٱللَّهِ یَجۡحَدُونَ ﴿٧١﴾

Si Allāh ay nagtangi ng iba sa inyo higit sa iba sa pagtutustos ngunit ang mga itinangi ay hindi maglilipat ng panustos sa kanila sa mga minay-ari ng mga kanang kamay nila para sila rito ay maging pantay. Kaya ba sa biyaya ni Allāh ay nagkakaila sila?


Arabic explanations of the Qur’an:

وَٱللَّهُ جَعَلَ لَكُم مِّنۡ أَنفُسِكُمۡ أَزۡوَ ٰ⁠جࣰا وَجَعَلَ لَكُم مِّنۡ أَزۡوَ ٰ⁠جِكُم بَنِینَ وَحَفَدَةࣰ وَرَزَقَكُم مِّنَ ٱلطَّیِّبَـٰتِۚ أَفَبِٱلۡبَـٰطِلِ یُؤۡمِنُونَ وَبِنِعۡمَتِ ٱللَّهِ هُمۡ یَكۡفُرُونَ ﴿٧٢﴾

Si Allāh ay gumawa para sa inyo mula sa mga sarili ninyo ng mga asawa, gumawa para sa inyo mula sa mga asawa ninyo ng mga anak at mga apo, at tumustos sa inyo mula sa mga kaaya-ayang bagay. Kaya ba sa kabulaanan sumasampalataya kayo at sa biyaya ni Allāh kayo ay tumatangging kumilala [dahil sa hindi pagbubukod-tangi sa Kanya]?


Arabic explanations of the Qur’an:

وَیَعۡبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ مَا لَا یَمۡلِكُ لَهُمۡ رِزۡقࣰا مِّنَ ٱلسَّمَـٰوَ ٰ⁠تِ وَٱلۡأَرۡضِ شَیۡـࣰٔا وَلَا یَسۡتَطِیعُونَ ﴿٧٣﴾

Sumasamba sila sa bukod pa kay Allāh, na hindi nakapagdudulot para sa kanila ng isang panustos mula sa mga langit at lupa na anuman, at hindi nakakakaya.


Arabic explanations of the Qur’an:

فَلَا تَضۡرِبُواْ لِلَّهِ ٱلۡأَمۡثَالَۚ إِنَّ ٱللَّهَ یَعۡلَمُ وَأَنتُمۡ لَا تَعۡلَمُونَ ﴿٧٤﴾

Kaya huwag kayong maglahad para kay Allāh ng mga paghahalintulad. Tunay na si Allāh ay nakaaalam samantalang kayo ay hindi nakaaalam.


Arabic explanations of the Qur’an:

۞ ضَرَبَ ٱللَّهُ مَثَلًا عَبۡدࣰا مَّمۡلُوكࣰا لَّا یَقۡدِرُ عَلَىٰ شَیۡءࣲ وَمَن رَّزَقۡنَـٰهُ مِنَّا رِزۡقًا حَسَنࣰا فَهُوَ یُنفِقُ مِنۡهُ سِرࣰّا وَجَهۡرًاۖ هَلۡ یَسۡتَوُۥنَۚ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِۚ بَلۡ أَكۡثَرُهُمۡ لَا یَعۡلَمُونَ ﴿٧٥﴾

Naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad na isang aliping pinagmamay-ari na hindi nakakakaya ng anuman at sa isang tinustusan Namin mula sa Amin ng isang panustos na maganda kaya siya ay gumugugol mula roon nang palihim at hayagan. Nagkakapantay kaya sila? Ang papuri ay ukol kay Allāh. Bagkus ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam.[282]

[282] sa pamumukod-tangi ni Allāh sa pagkadiyos at pagkakarapat-dapat na sambahin Siya nang mag-isa


Arabic explanations of the Qur’an:

وَضَرَبَ ٱللَّهُ مَثَلࣰا رَّجُلَیۡنِ أَحَدُهُمَاۤ أَبۡكَمُ لَا یَقۡدِرُ عَلَىٰ شَیۡءࣲ وَهُوَ كَلٌّ عَلَىٰ مَوۡلَىٰهُ أَیۡنَمَا یُوَجِّههُّ لَا یَأۡتِ بِخَیۡرٍ هَلۡ یَسۡتَوِی هُوَ وَمَن یَأۡمُرُ بِٱلۡعَدۡلِ وَهُوَ عَلَىٰ صِرَ ٰ⁠طࣲ مُّسۡتَقِیمࣲ ﴿٧٦﴾

Naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad[283] na dalawang lalaki na ang isa sa kanilang dalawa ay pipi na hindi nakakakaya ng anuman at siya ay isang pabigat sa tagatangkilik niya, na saan man ito magbaling sa kanya ay hindi siya nakagagawa ng isang kabutihan. Nagkakapantay kaya siya mismo at ang sinumang nag-uutos ayon sa katarungan habang at ito ay nasa isang landasing tuwid?

[283] sa kawalang-kabuluhan ng pagtatambal kay Allāh


Arabic explanations of the Qur’an:

وَلِلَّهِ غَیۡبُ ٱلسَّمَـٰوَ ٰ⁠تِ وَٱلۡأَرۡضِۚ وَمَاۤ أَمۡرُ ٱلسَّاعَةِ إِلَّا كَلَمۡحِ ٱلۡبَصَرِ أَوۡ هُوَ أَقۡرَبُۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَیۡءࣲ قَدِیرࣱ ﴿٧٧﴾

Ukol kay Allāh ang [kaalaman sa] nakalingid sa mga langit at lupa. Walang iba ang lagay ng Huling Sandali kundi gaya ng kisap ng paningin o higit na malapit. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَٱللَّهُ أَخۡرَجَكُم مِّنۢ بُطُونِ أُمَّهَـٰتِكُمۡ لَا تَعۡلَمُونَ شَیۡـࣰٔا وَجَعَلَ لَكُمُ ٱلسَّمۡعَ وَٱلۡأَبۡصَـٰرَ وَٱلۡأَفۡـِٔدَةَ لَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ ﴿٧٨﴾

Si Allāh ay nagpalabas sa inyo mula sa mga tiyan ng mga ina ninyo nang hindi kayo nakaaalam ng anuman at gumawa para sa inyo ng pandinig, mga paningin, at mga puso nang sa gayon kayo ay magpapasalamat.


Arabic explanations of the Qur’an:

أَلَمۡ یَرَوۡاْ إِلَى ٱلطَّیۡرِ مُسَخَّرَ ٰ⁠تࣲ فِی جَوِّ ٱلسَّمَاۤءِ مَا یُمۡسِكُهُنَّ إِلَّا ٱللَّهُۚ إِنَّ فِی ذَ ٰ⁠لِكَ لَـَٔایَـٰتࣲ لِّقَوۡمࣲ یُؤۡمِنُونَ ﴿٧٩﴾

Hindi ba sila nakakita sa mga ibon habang mga pinagsisilbi sa himpapawid ng langit? Walang humahawak sa mga ito kundi si Allāh. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong sumasampalataya.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَٱللَّهُ جَعَلَ لَكُم مِّنۢ بُیُوتِكُمۡ سَكَنࣰا وَجَعَلَ لَكُم مِّن جُلُودِ ٱلۡأَنۡعَـٰمِ بُیُوتࣰا تَسۡتَخِفُّونَهَا یَوۡمَ ظَعۡنِكُمۡ وَیَوۡمَ إِقَامَتِكُمۡ وَمِنۡ أَصۡوَافِهَا وَأَوۡبَارِهَا وَأَشۡعَارِهَاۤ أَثَـٰثࣰا وَمَتَـٰعًا إِلَىٰ حِینࣲ ﴿٨٠﴾

Si Allāh ay gumawa para sa inyo mula sa mga bahay ninyo ng isang pagtahan; gumawa para sa inyo mula sa mga balat ng mga hayupan ng mga bahay na magagaanan kayo sa mga ito sa araw ng paglalakbay ninyo at sa araw ng paninirahan ninyo; at [gumawa] mula sa mga lana ng mga ito, mga balahibo ng mga ito, at mga buhok ng mga ito ng kasangkapan at natatamasa hanggang sa isang panahon.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَٱللَّهُ جَعَلَ لَكُم مِّمَّا خَلَقَ ظِلَـٰلࣰا وَجَعَلَ لَكُم مِّنَ ٱلۡجِبَالِ أَكۡنَـٰنࣰا وَجَعَلَ لَكُمۡ سَرَ ٰ⁠بِیلَ تَقِیكُمُ ٱلۡحَرَّ وَسَرَ ٰ⁠بِیلَ تَقِیكُم بَأۡسَكُمۡۚ كَذَ ٰ⁠لِكَ یُتِمُّ نِعۡمَتَهُۥ عَلَیۡكُمۡ لَعَلَّكُمۡ تُسۡلِمُونَ ﴿٨١﴾

Si Allāh ay gumawa para sa inyo mula sa nilikha Niya ng mga silungan, gumawa para sa inyo mula sa mga bundok ng mga kanlungan, at gumawa para sa inyo ng mga kasuutang nagsasanggalang sa inyo sa init at mga kasuutang nagsasanggalang sa inyo sa karahasan sa inyo. Gayon Siya naglulubos ng biyaya Niya sa inyo nang sa gayon kayo ay magpapasakop.


Arabic explanations of the Qur’an:

فَإِن تَوَلَّوۡاْ فَإِنَّمَا عَلَیۡكَ ٱلۡبَلَـٰغُ ٱلۡمُبِینُ ﴿٨٢﴾

Kaya kung tumalikod sila, tanging kailangan sa iyo ang pagpapaabot na malinaw [ng mensahe].


Arabic explanations of the Qur’an:

یَعۡرِفُونَ نِعۡمَتَ ٱللَّهِ ثُمَّ یُنكِرُونَهَا وَأَكۡثَرُهُمُ ٱلۡكَـٰفِرُونَ ﴿٨٣﴾

Nakakikilala sila sa biyaya ni Allāh,[284] pagkatapos nagkakaila sila nito, at ang higit na marami sa kanila ay tagatangging sumampalataya.[285]

[284] na kabilang sa mga ito ang mga biyaya sa kanila at ang pagkapropeta ni Muḥammad [285] dahil sa kawalang-pasasalamat nila kay Allāh


Arabic explanations of the Qur’an:

وَیَوۡمَ نَبۡعَثُ مِن كُلِّ أُمَّةࣲ شَهِیدࣰا ثُمَّ لَا یُؤۡذَنُ لِلَّذِینَ كَفَرُواْ وَلَا هُمۡ یُسۡتَعۡتَبُونَ ﴿٨٤﴾

[Banggitin] ang araw na bubuhay Kami mula sa bawat kalipunan ng isang saksi. Pagkatapos hindi magpapahintulot para sa mga tumangging sumampalataya ni sila ay hihilinging magpasiya [kay Allāh].


Arabic explanations of the Qur’an:

وَإِذَا رَءَا ٱلَّذِینَ ظَلَمُواْ ٱلۡعَذَابَ فَلَا یُخَفَّفُ عَنۡهُمۡ وَلَا هُمۡ یُنظَرُونَ ﴿٨٥﴾

Kapag nakita ng mga lumabag sa katarungan ang pagdurusa, hindi ito pagagaanin sa kanila ni sila ay palulugitan.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَإِذَا رَءَا ٱلَّذِینَ أَشۡرَكُواْ شُرَكَاۤءَهُمۡ قَالُواْ رَبَّنَا هَـٰۤؤُلَاۤءِ شُرَكَاۤؤُنَا ٱلَّذِینَ كُنَّا نَدۡعُواْ مِن دُونِكَۖ فَأَلۡقَوۡاْ إِلَیۡهِمُ ٱلۡقَوۡلَ إِنَّكُمۡ لَكَـٰذِبُونَ ﴿٨٦﴾

Kapag nakita ng mga nagtambal [kay Allāh] ang mga pantambal nila ay magsasabi sila: “Panginoon namin, ang mga ito ay ang mga pantambal namin [sa Iyo] na kami dati ay dumadalangin sa kanila bukod pa sa Iyo;” ngunit magpupukol ang mga [pantambal na] ito sa kanila ng sasabihin: “Tunay na kayo ay talagang mga sinungaling.”


Arabic explanations of the Qur’an:

وَأَلۡقَوۡاْ إِلَى ٱللَّهِ یَوۡمَىِٕذٍ ٱلسَّلَمَۖ وَضَلَّ عَنۡهُم مَّا كَانُواْ یَفۡتَرُونَ ﴿٨٧﴾

Magpaparating sila kay Allāh sa araw na iyon ng pagpapasakop at maglalaho sa kanila ang dati nilang ginagawa-gawa [na mga diyus-diyusan].


Arabic explanations of the Qur’an:

ٱلَّذِینَ كَفَرُواْ وَصَدُّواْ عَن سَبِیلِ ٱللَّهِ زِدۡنَـٰهُمۡ عَذَابࣰا فَوۡقَ ٱلۡعَذَابِ بِمَا كَانُواْ یُفۡسِدُونَ ﴿٨٨﴾

Ang mga tumangging sumampalataya at sumagabal sa landas ni Allāh ay magdaragdag sa kanila ng isang pagdurusa higit sa pagdurusa dahil sila dati ay nanggugulo.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَیَوۡمَ نَبۡعَثُ فِی كُلِّ أُمَّةࣲ شَهِیدًا عَلَیۡهِم مِّنۡ أَنفُسِهِمۡۖ وَجِئۡنَا بِكَ شَهِیدًا عَلَىٰ هَـٰۤؤُلَاۤءِۚ وَنَزَّلۡنَا عَلَیۡكَ ٱلۡكِتَـٰبَ تِبۡیَـٰنࣰا لِّكُلِّ شَیۡءࣲ وَهُدࣰى وَرَحۡمَةࣰ وَبُشۡرَىٰ لِلۡمُسۡلِمِینَ ﴿٨٩﴾

[Banggitin] ang araw na bubuhay Kami sa bawat kalipunan ng isang saksi sa kanila kabilang sa mga sarili nila at naghatid Kami sa iyo bilang saksi sa mga ito. Nagbaba Kami sa iyo ng Aklat[286] bilang pagpapalinaw para sa bawat bagay, bilang patnubay, bilang awa, at bilang balitang nakagagalak para sa mga Muslim.

[286] Ibig sabihin: ang Qur’an.


Arabic explanations of the Qur’an:

۞ إِنَّ ٱللَّهَ یَأۡمُرُ بِٱلۡعَدۡلِ وَٱلۡإِحۡسَـٰنِ وَإِیتَاۤىِٕ ذِی ٱلۡقُرۡبَىٰ وَیَنۡهَىٰ عَنِ ٱلۡفَحۡشَاۤءِ وَٱلۡمُنكَرِ وَٱلۡبَغۡیِۚ یَعِظُكُمۡ لَعَلَّكُمۡ تَذَكَّرُونَ ﴿٩٠﴾

Tunay na si Allāh ay nag-uutos ng katarungan, paggawa ng maganda, at pagbibigay sa may pagkakamag-anak; at sumasaway sa kahalayan, nakasasama, at paglabag. Nangangaral Siya sa inyo nang sa gayon kayo ay magsasaalaala.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَأَوۡفُواْ بِعَهۡدِ ٱللَّهِ إِذَا عَـٰهَدتُّمۡ وَلَا تَنقُضُواْ ٱلۡأَیۡمَـٰنَ بَعۡدَ تَوۡكِیدِهَا وَقَدۡ جَعَلۡتُمُ ٱللَّهَ عَلَیۡكُمۡ كَفِیلًاۚ إِنَّ ٱللَّهَ یَعۡلَمُ مَا تَفۡعَلُونَ ﴿٩١﴾

Magpatupad kayo sa kasunduan kay Allāh kapag nakipagkasunduan kayo at huwag kayong kumalas sa mga sinumpaan ninyo matapos ng pagbibigay-diin sa mga ito. Gumawa nga kayo kay Allāh sa inyo bilang Mapagpanagot. Tunay na si Allāh ay nakaaalam sa anumang ginagawa ninyo.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَلَا تَكُونُواْ كَٱلَّتِی نَقَضَتۡ غَزۡلَهَا مِنۢ بَعۡدِ قُوَّةٍ أَنكَـٰثࣰا تَتَّخِذُونَ أَیۡمَـٰنَكُمۡ دَخَلَۢا بَیۡنَكُمۡ أَن تَكُونَ أُمَّةٌ هِیَ أَرۡبَىٰ مِنۡ أُمَّةٍۚ إِنَّمَا یَبۡلُوكُمُ ٱللَّهُ بِهِۦۚ وَلَیُبَیِّنَنَّ لَكُمۡ یَوۡمَ ٱلۡقِیَـٰمَةِ مَا كُنتُمۡ فِیهِ تَخۡتَلِفُونَ ﴿٩٢﴾

Huwag kayong maging gaya ng [babaing] kumalas sa pagsisinulid niya, matapos na ng isang kalakasan [ng pagkasinulid] nito, para maging mga himaymay. Gumagawa kayo sa mga sinumpaan ninyo bilang pandaraya sa pagitan ninyo dahil baka may isang kalipunang ito ay maging higit na malago kaysa sa isang kalipunan. Sumusubok lamang sa inyo si Allāh sa pamamagitan nito at talagang maglilinaw nga Siya para sa inyo sa Araw ng Pagbangon ng anumang dati kayo hinggil doon ay nagkakaiba-iba.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَلَوۡ شَاۤءَ ٱللَّهُ لَجَعَلَكُمۡ أُمَّةࣰ وَ ٰ⁠حِدَةࣰ وَلَـٰكِن یُضِلُّ مَن یَشَاۤءُ وَیَهۡدِی مَن یَشَاۤءُۚ وَلَتُسۡـَٔلُنَّ عَمَّا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ ﴿٩٣﴾

Kung sakaling niloob ni Allāh ay talaga sanang gumawa Siya sa inyo bilang kalipunang nag-iisa, subalit [makatarungang] nagliligaw Siya sa sinumang niloloob Niya at nagpapatnubay Siya sa sinumang niloloob Niya [dahil sa kabutihang-loob Niya]. Talagang tatanungin nga kayo tungkol sa anumang dati ninyong ginagawa.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَلَا تَتَّخِذُوۤاْ أَیۡمَـٰنَكُمۡ دَخَلَۢا بَیۡنَكُمۡ فَتَزِلَّ قَدَمُۢ بَعۡدَ ثُبُوتِهَا وَتَذُوقُواْ ٱلسُّوۤءَ بِمَا صَدَدتُّمۡ عَن سَبِیلِ ٱللَّهِ وَلَكُمۡ عَذَابٌ عَظِیمࣱ ﴿٩٤﴾

Huwag kayong gumawa sa mga sinumpaan ninyo bilang pandaraya sa pagitan ninyo dahil baka may matisod na paa matapos ng katatagan nito at lumasap kayo ng kasagwaan dahil sa sumagabal kayo sa landas ni Allāh. Ukol sa inyo ay isang pagdurusang sukdulan.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَلَا تَشۡتَرُواْ بِعَهۡدِ ٱللَّهِ ثَمَنࣰا قَلِیلًاۚ إِنَّمَا عِندَ ٱللَّهِ هُوَ خَیۡرࣱ لَّكُمۡ إِن كُنتُمۡ تَعۡلَمُونَ ﴿٩٥﴾

Huwag kayong bumili kapalit ng kasunduan kay Allāh ng isang kaunting panumbas. Tunay na ang nasa ganang kay Allāh ay pinakamabuti para sa inyo, kung kayo ay nakaaalam.


Arabic explanations of the Qur’an:

مَا عِندَكُمۡ یَنفَدُ وَمَا عِندَ ٱللَّهِ بَاقࣲۗ وَلَنَجۡزِیَنَّ ٱلَّذِینَ صَبَرُوۤاْ أَجۡرَهُم بِأَحۡسَنِ مَا كَانُواْ یَعۡمَلُونَ ﴿٩٦﴾

Ang anumang nasa ganang inyo ay nauubos samantalang ang anumang nasa ganang kay Allāh ay mananatili. Talagang gaganti nga Kami sa mga nagtiis ng pabuya sa kanila ayon sa higit na maganda sa anumang dati nilang ginagawa [na kabutihan].


Arabic explanations of the Qur’an:

مَنۡ عَمِلَ صَـٰلِحࣰا مِّن ذَكَرٍ أَوۡ أُنثَىٰ وَهُوَ مُؤۡمِنࣱ فَلَنُحۡیِیَنَّهُۥ حَیَوٰةࣰ طَیِّبَةࣰۖ وَلَنَجۡزِیَنَّهُمۡ أَجۡرَهُم بِأَحۡسَنِ مَا كَانُواْ یَعۡمَلُونَ ﴿٩٧﴾

Ang sinumang gumawa ng isang maayos, na isang lalaki o isang babae, habang siya ay isang mananampalataya ay talagang magpapamuhay nga Kami sa kanya nang isang buhay na kaaya-aya at talagang gaganti nga Kami sa kanila ng pabuya sa kanila ayon sa higit na maganda sa anumang dati nilang ginagawa [na maayos na gawa].


Arabic explanations of the Qur’an:

فَإِذَا قَرَأۡتَ ٱلۡقُرۡءَانَ فَٱسۡتَعِذۡ بِٱللَّهِ مِنَ ٱلشَّیۡطَـٰنِ ٱلرَّجِیمِ ﴿٩٨﴾

Kaya kapag bumigkas ka ng Qur’ān ay humiling ka ng pagkukupkop ni Allāh laban sa demonyong kasumpa-sumpa.


Arabic explanations of the Qur’an:

إِنَّهُۥ لَیۡسَ لَهُۥ سُلۡطَـٰنٌ عَلَى ٱلَّذِینَ ءَامَنُواْ وَعَلَىٰ رَبِّهِمۡ یَتَوَكَّلُونَ ﴿٩٩﴾

Tunay na siya ay walang kapamahalaan sa mga sumampalataya at sa Panginoon nila ay nananalig.


Arabic explanations of the Qur’an:

إِنَّمَا سُلۡطَـٰنُهُۥ عَلَى ٱلَّذِینَ یَتَوَلَّوۡنَهُۥ وَٱلَّذِینَ هُم بِهِۦ مُشۡرِكُونَ ﴿١٠٠﴾

Tanging ang kapamahalaan niya ay nasa mga tumatangkilik sa kanya at mga dahil sa kanya ay mga tagapagtambal [kay Allāh].


Arabic explanations of the Qur’an:

وَإِذَا بَدَّلۡنَاۤ ءَایَةࣰ مَّكَانَ ءَایَةࣲ وَٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِمَا یُنَزِّلُ قَالُوۤاْ إِنَّمَاۤ أَنتَ مُفۡتَرِۭۚ بَلۡ أَكۡثَرُهُمۡ لَا یَعۡلَمُونَ ﴿١٠١﴾

Kapag nagpalit ng isang talata sa halip ng isang talata – at si Allāh ay higit na maalam sa ibinababa Niya – ay nagsasabi sila: “Ikaw ay isang gumagawa-gawa lamang.” Bagkus ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam.


Arabic explanations of the Qur’an:

قُلۡ نَزَّلَهُۥ رُوحُ ٱلۡقُدُسِ مِن رَّبِّكَ بِٱلۡحَقِّ لِیُثَبِّتَ ٱلَّذِینَ ءَامَنُواْ وَهُدࣰى وَبُشۡرَىٰ لِلۡمُسۡلِمِینَ ﴿١٠٢﴾

Sabihin mo: “Nagbaba nito ang Espiritu ng Kabanalan[287] mula sa Panginoon mo kalakip ng katotohanan upang magpatatag siya mga sumampalataya at bilang patnubay at bilang balitang nakagagalak para sa mga Muslim.”

[287] na si Anghel Gabriel


Arabic explanations of the Qur’an:

وَلَقَدۡ نَعۡلَمُ أَنَّهُمۡ یَقُولُونَ إِنَّمَا یُعَلِّمُهُۥ بَشَرࣱۗ لِّسَانُ ٱلَّذِی یُلۡحِدُونَ إِلَیۡهِ أَعۡجَمِیࣱّ وَهَـٰذَا لِسَانٌ عَرَبِیࣱّ مُّبِینٌ ﴿١٠٣﴾

Talaga ngang nakaaalam Kami na sila ay nagsasabi: “Tinuturuan lamang siya ng isang tao.” Ang dila ng ipinasasaring nila ay banyaga samantalang [ang Qur’ān na] ito ay isang dilang Arabeng malinaw.”


Arabic explanations of the Qur’an:

إِنَّ ٱلَّذِینَ لَا یُؤۡمِنُونَ بِـَٔایَـٰتِ ٱللَّهِ لَا یَهۡدِیهِمُ ٱللَّهُ وَلَهُمۡ عَذَابٌ أَلِیمٌ ﴿١٠٤﴾

Tunay na ang mga hindi sumasampalataya sa mga talata ni Allāh [sa Qur’ān] ay hindi magpapatnubay sa kanila si Allāh at ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit.


Arabic explanations of the Qur’an:

إِنَّمَا یَفۡتَرِی ٱلۡكَذِبَ ٱلَّذِینَ لَا یُؤۡمِنُونَ بِـَٔایَـٰتِ ٱللَّهِۖ وَأُوْلَـٰۤىِٕكَ هُمُ ٱلۡكَـٰذِبُونَ ﴿١٠٥﴾

Gumagawa-gawa lamang ng kasinungalingan ang mga hindi sumasampalataya sa mga tanda ni Allāh. Ang mga iyon ay ang mga sinungaling.


Arabic explanations of the Qur’an:

مَن كَفَرَ بِٱللَّهِ مِنۢ بَعۡدِ إِیمَـٰنِهِۦۤ إِلَّا مَنۡ أُكۡرِهَ وَقَلۡبُهُۥ مُطۡمَىِٕنُّۢ بِٱلۡإِیمَـٰنِ وَلَـٰكِن مَّن شَرَحَ بِٱلۡكُفۡرِ صَدۡرࣰا فَعَلَیۡهِمۡ غَضَبࣱ مِّنَ ٱللَّهِ وَلَهُمۡ عَذَابٌ عَظِیمࣱ ﴿١٠٦﴾

Ang sinumang tumangging sumampalataya kay Allāh matapos na ng pagsampalataya niya – hindi ang sinumang pinilit habang ang puso niya ay napapanatag sa pananampalataya subalit ang sinumang nagbukas ng dibdib sa kawalang-pananampalataya – laban sa kanila ay isang galit mula kay Allāh at ukol sa kanila ay isang pagdurusang sukdulan.


Arabic explanations of the Qur’an:

ذَ ٰ⁠لِكَ بِأَنَّهُمُ ٱسۡتَحَبُّواْ ٱلۡحَیَوٰةَ ٱلدُّنۡیَا عَلَى ٱلۡـَٔاخِرَةِ وَأَنَّ ٱللَّهَ لَا یَهۡدِی ٱلۡقَوۡمَ ٱلۡكَـٰفِرِینَ ﴿١٠٧﴾

Iyon ay dahil sila ay napaibig sa buhay na pangmundo higit sa Kabilang-buhay at na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagatangging sumampalataya.


Arabic explanations of the Qur’an:

أُوْلَـٰۤىِٕكَ ٱلَّذِینَ طَبَعَ ٱللَّهُ عَلَىٰ قُلُوبِهِمۡ وَسَمۡعِهِمۡ وَأَبۡصَـٰرِهِمۡۖ وَأُوْلَـٰۤىِٕكَ هُمُ ٱلۡغَـٰفِلُونَ ﴿١٠٨﴾

Ang mga iyon ang mga nagsara si Allāh sa mga puso nila, pandinig nila, at mga paningin nila. Ang mga iyon ay ang mga nalilingat.


Arabic explanations of the Qur’an:

لَا جَرَمَ أَنَّهُمۡ فِی ٱلۡـَٔاخِرَةِ هُمُ ٱلۡخَـٰسِرُونَ ﴿١٠٩﴾

Walang pasubali na sila sa Kabilang-buhay ay ang mga lugi.


Arabic explanations of the Qur’an:

ثُمَّ إِنَّ رَبَّكَ لِلَّذِینَ هَاجَرُواْ مِنۢ بَعۡدِ مَا فُتِنُواْ ثُمَّ جَـٰهَدُواْ وَصَبَرُوۤاْ إِنَّ رَبَّكَ مِنۢ بَعۡدِهَا لَغَفُورࣱ رَّحِیمࣱ ﴿١١٠﴾

Pagkatapos tunay na ang Panginoon mo para sa mga lumikas matapos na niligalig sila pagkatapos nakibaka sila at nagtiis sila, tunay na ang Panginoon mo matapos na niyon ay talagang Mapagpatawad, Maawain.


Arabic explanations of the Qur’an:

۞ یَوۡمَ تَأۡتِی كُلُّ نَفۡسࣲ تُجَـٰدِلُ عَن نَّفۡسِهَا وَتُوَفَّىٰ كُلُّ نَفۡسࣲ مَّا عَمِلَتۡ وَهُمۡ لَا یُظۡلَمُونَ ﴿١١١﴾

[Banggitin] ang araw na pupunta ang bawat kaluluwa na makikipagtalo para sa sarili nito, lulubus-lubusin ang bawat kaluluwa sa [kabayaran sa] anumang ginawa nito at sila ay hindi lalabagin sa katarungan.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَضَرَبَ ٱللَّهُ مَثَلࣰا قَرۡیَةࣰ كَانَتۡ ءَامِنَةࣰ مُّطۡمَىِٕنَّةࣰ یَأۡتِیهَا رِزۡقُهَا رَغَدࣰا مِّن كُلِّ مَكَانࣲ فَكَفَرَتۡ بِأَنۡعُمِ ٱللَّهِ فَأَذَ ٰ⁠قَهَا ٱللَّهُ لِبَاسَ ٱلۡجُوعِ وَٱلۡخَوۡفِ بِمَا كَانُواْ یَصۡنَعُونَ ﴿١١٢﴾

Naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad na isang pamayanan na iyon dati ay matiwasay at napapanatag. Pumupunta roon ang panustos niyon nang masagana mula sa bawat pook ngunit nagkaila iyon sa mga biyaya ni Allāh kaya nagpatikim doon si Allāh ng damit ng pagkagutom at pangamba dahil sa dati nilang niyayari [na kawalang-pananampalataya].


Arabic explanations of the Qur’an:

وَلَقَدۡ جَاۤءَهُمۡ رَسُولࣱ مِّنۡهُمۡ فَكَذَّبُوهُ فَأَخَذَهُمُ ٱلۡعَذَابُ وَهُمۡ ظَـٰلِمُونَ ﴿١١٣﴾

Talaga ngang may dumating sa kanila na isang sugong kabilang sa kanila ngunit nagpasinungaling sila sa kanya kaya dumaklot sa kanila ang pagdurusa habang sila ay mga tagalabag sa katarungan.


Arabic explanations of the Qur’an:

فَكُلُواْ مِمَّا رَزَقَكُمُ ٱللَّهُ حَلَـٰلࣰا طَیِّبࣰا وَٱشۡكُرُواْ نِعۡمَتَ ٱللَّهِ إِن كُنتُمۡ إِیَّاهُ تَعۡبُدُونَ ﴿١١٤﴾

Kaya kumain kayo mula sa itinustos sa inyo ni Allāh bilang ipinahihintulot na kaaya-aya at magpasalamat kayo sa biyaya ni Allāh, kung kayo ay sa Kanya sumasamba.


Arabic explanations of the Qur’an:

إِنَّمَا حَرَّمَ عَلَیۡكُمُ ٱلۡمَیۡتَةَ وَٱلدَّمَ وَلَحۡمَ ٱلۡخِنزِیرِ وَمَاۤ أُهِلَّ لِغَیۡرِ ٱللَّهِ بِهِۦۖ فَمَنِ ٱضۡطُرَّ غَیۡرَ بَاغࣲ وَلَا عَادࣲ فَإِنَّ ٱللَّهَ غَفُورࣱ رَّحِیمࣱ ﴿١١٥﴾

Nagbawal lamang Siya sa inyo ng namatay,[288] dugo, laman ng baboy, at anumang inialay sa iba pa kay Allāh; ngunit ang sinumang napilitan nang hindi lumalabag ni lumalampas, tunay na ang Panginoon mo ay Mapagpatawad, Maawain.

[288] O ang karne na hayop na namatay na hindi nakatay ayon sa panuntunan ng Islam.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَلَا تَقُولُواْ لِمَا تَصِفُ أَلۡسِنَتُكُمُ ٱلۡكَذِبَ هَـٰذَا حَلَـٰلࣱ وَهَـٰذَا حَرَامࣱ لِّتَفۡتَرُواْ عَلَى ٱللَّهِ ٱلۡكَذِبَۚ إِنَّ ٱلَّذِینَ یَفۡتَرُونَ عَلَى ٱللَّهِ ٱلۡكَذِبَ لَا یُفۡلِحُونَ ﴿١١٦﴾

Huwag kayong magsabi ukol sa anumang naglalarawan ang mga dila ninyo ng kasinungalingan: “Ito ay ipinahihintulot at ito ay ipinagbabawal,” upang gumawa-gawa kayo laban kay Allāh ng kasinungalingan. Tunay na ang mga gumagawa-gawa laban kay Allāh ng kasinungalingan ay hindi magtatagumpay.


Arabic explanations of the Qur’an:

مَتَـٰعࣱ قَلِیلࣱ وَلَهُمۡ عَذَابٌ أَلِیمࣱ ﴿١١٧﴾

[Ukol sa kanila ay] isang natatamasang kaunti at ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَعَلَى ٱلَّذِینَ هَادُواْ حَرَّمۡنَا مَا قَصَصۡنَا عَلَیۡكَ مِن قَبۡلُۖ وَمَا ظَلَمۡنَـٰهُمۡ وَلَـٰكِن كَانُوۤاْ أَنفُسَهُمۡ یَظۡلِمُونَ ﴿١١٨﴾

Sa mga nagpakahudyo ay nagbawal Kami ng isinalaysay Namin sa iyo bago pa niyan. Hindi Kami lumabag sa kanila sa katarungan subalit sila dati sa mga sarili nila ay lumalabag sa katarungan.


Arabic explanations of the Qur’an:

ثُمَّ إِنَّ رَبَّكَ لِلَّذِینَ عَمِلُواْ ٱلسُّوۤءَ بِجَهَـٰلَةࣲ ثُمَّ تَابُواْ مِنۢ بَعۡدِ ذَ ٰ⁠لِكَ وَأَصۡلَحُوۤاْ إِنَّ رَبَّكَ مِنۢ بَعۡدِهَا لَغَفُورࣱ رَّحِیمٌ ﴿١١٩﴾

Pagkatapos tunay na ang Panginoon mo para sa mga gumawa ng kasagwaan dahil sa kamangmangan, pagkatapos nagbalik-loob sila matapos na niyon at nagsaayos sila, tunay na ang Panginoon mo matapos na niyon ay talagang Mapagpatawad, Maawain.


Arabic explanations of the Qur’an:

إِنَّ إِبۡرَ ٰ⁠هِیمَ كَانَ أُمَّةࣰ قَانِتࣰا لِّلَّهِ حَنِیفࣰا وَلَمۡ یَكُ مِنَ ٱلۡمُشۡرِكِینَ ﴿١٢٠﴾

Tunay na si Abraham noon ay isang kalipunan[289] na masunurin kay Allāh bilang makatotoo – at hindi nangyaring siya ay kabilang sa mga tagapagtambal –

[289] isang tagapagbuklod ng mga katangian ng kabutihansa


Arabic explanations of the Qur’an:

شَاكِرࣰا لِّأَنۡعُمِهِۚ ٱجۡتَبَىٰهُ وَهَدَىٰهُ إِلَىٰ صِرَ ٰ⁠طࣲ مُّسۡتَقِیمࣲ ﴿١٢١﴾

na tagapagpasalamat [kay Allāh] sa mga biyaya Niya. Humalal Siya rito at nagpatnubay Siya rito tungo sa isang landasing tuwid [ng Islām].


Arabic explanations of the Qur’an:

وَءَاتَیۡنَـٰهُ فِی ٱلدُّنۡیَا حَسَنَةࣰۖ وَإِنَّهُۥ فِی ٱلۡـَٔاخِرَةِ لَمِنَ ٱلصَّـٰلِحِینَ ﴿١٢٢﴾

Nagbigay Kami sa kanya sa Mundo ng isang maganda at tunay na siya sa Kabilang-buhay ay talagang kabilang sa mga maayos.


Arabic explanations of the Qur’an:

ثُمَّ أَوۡحَیۡنَاۤ إِلَیۡكَ أَنِ ٱتَّبِعۡ مِلَّةَ إِبۡرَ ٰ⁠هِیمَ حَنِیفࣰاۖ وَمَا كَانَ مِنَ ٱلۡمُشۡرِكِینَ ﴿١٢٣﴾

Pagkatapos nagkasi Kami sa iyo na sumunod ka sa kapaniwalaan ni Abraham bilang makatotoo. Hindi siya noon kabilang sa mga tagapagtambal.


Arabic explanations of the Qur’an:

إِنَّمَا جُعِلَ ٱلسَّبۡتُ عَلَى ٱلَّذِینَ ٱخۡتَلَفُواْ فِیهِۚ وَإِنَّ رَبَّكَ لَیَحۡكُمُ بَیۡنَهُمۡ یَوۡمَ ٱلۡقِیَـٰمَةِ فِیمَا كَانُواْ فِیهِ یَخۡتَلِفُونَ ﴿١٢٤﴾

Itinalaga lamang ang Sabath para sa mga [Hudyo na] nagkaiba-iba hinggil dito.[290] Tunay na ang Panginoon mo ay talagang maghahatol sa pagitan nila sa Araw ng Pagbangon hinggil sa sila dati hinggil doon ay nagkakaiba-iba.

[290] matapos na nalayo sia sa araw ng Biyernes, na ipinag-utos sa kanila na ipangilin


Arabic explanations of the Qur’an:

ٱدۡعُ إِلَىٰ سَبِیلِ رَبِّكَ بِٱلۡحِكۡمَةِ وَٱلۡمَوۡعِظَةِ ٱلۡحَسَنَةِۖ وَجَـٰدِلۡهُم بِٱلَّتِی هِیَ أَحۡسَنُۚ إِنَّ رَبَّكَ هُوَ أَعۡلَمُ بِمَن ضَلَّ عَن سَبِیلِهِۦ وَهُوَ أَعۡلَمُ بِٱلۡمُهۡتَدِینَ ﴿١٢٥﴾

Mag-anyaya ka tungo sa landas ng Panginoon mo sa pamamagitan ng karunungan at pangaral na maganda,[291] at makipagtalo ka sa kanila ayon sa siyang pinakamaganda. Tunay na ang Panginoon mo ay higit na maalam sa sinumang naligaw palayo sa landas Niya. Siya ay higit na maalam sa mga napatnubayan.

[291] O magaling.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَإِنۡ عَاقَبۡتُمۡ فَعَاقِبُواْ بِمِثۡلِ مَا عُوقِبۡتُم بِهِۦۖ وَلَىِٕن صَبَرۡتُمۡ لَهُوَ خَیۡرࣱ لِّلصَّـٰبِرِینَ ﴿١٢٦﴾

Kung magpaparusa kayo ay magparusa kayo ng tulad ng ipinarusa sa inyo. Talagang kung magtitiis kayo, talagang iyon ay pinakamabuti para sa mga nagtitiis.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَٱصۡبِرۡ وَمَا صَبۡرُكَ إِلَّا بِٱللَّهِۚ وَلَا تَحۡزَنۡ عَلَیۡهِمۡ وَلَا تَكُ فِی ضَیۡقࣲ مِّمَّا یَمۡكُرُونَ ﴿١٢٧﴾

Magtiis ka at walang iba ang pagtitiis mo kundi sa pamamagitan ni Allāh. Huwag kang malungkot para sa kanila[292] at huwag kang maging nasa isang paninikip [ng dibdib] mula sa anumang ipinakakana nila.

[292] Ibig sabihin: sa mga tagatangging sumampalataya.


Arabic explanations of the Qur’an:

إِنَّ ٱللَّهَ مَعَ ٱلَّذِینَ ٱتَّقَواْ وَّٱلَّذِینَ هُم مُّحۡسِنُونَ ﴿١٢٨﴾

Tunay na si Allāh ay kasama ng mga nangilag magkasala at ng mga gumagawa ng maganda.


Arabic explanations of the Qur’an: