ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ ٱلَّذِیۤ أَنزَلَ عَلَىٰ عَبۡدِهِ ٱلۡكِتَـٰبَ وَلَمۡ یَجۡعَل لَّهُۥ عِوَجَاۜ ﴿١﴾
Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagpababa sa lingkod Niya ng Aklat at hindi Siya naglagay rito ng isang kabaluktutan.
قَیِّمࣰا لِّیُنذِرَ بَأۡسࣰا شَدِیدࣰا مِّن لَّدُنۡهُ وَیُبَشِّرَ ٱلۡمُؤۡمِنِینَ ٱلَّذِینَ یَعۡمَلُونَ ٱلصَّـٰلِحَـٰتِ أَنَّ لَهُمۡ أَجۡرًا حَسَنࣰا ﴿٢﴾
[Ginawa Niya itong] matuwid upang magbabala ng isang matinding parusa mula sa nasa Kanya, magbalita ng nakagagalak sa mga mananampalatayang gumagawa ng mga maayos na ukol sa kanila ay isang pabuyang maganda
وَیُنذِرَ ٱلَّذِینَ قَالُواْ ٱتَّخَذَ ٱللَّهُ وَلَدࣰا ﴿٤﴾
at magbabala sa mga nagsabing gumawa si Allāh ng isang anak.
مَّا لَهُم بِهِۦ مِنۡ عِلۡمࣲ وَلَا لِـَٔابَاۤىِٕهِمۡۚ كَبُرَتۡ كَلِمَةࣰ تَخۡرُجُ مِنۡ أَفۡوَ ٰهِهِمۡۚ إِن یَقُولُونَ إِلَّا كَذِبࣰا ﴿٥﴾
Walang ukol sa kanila hinggil dito na kaalaman at walang ukol sa mga magulang nila. May bumigat na isang salitang lumalabas sa mga bibig nila; wala silang sinasabi kundi kasinungalingan!
فَلَعَلَّكَ بَـٰخِعࣱ نَّفۡسَكَ عَلَىٰۤ ءَاثَـٰرِهِمۡ إِن لَّمۡ یُؤۡمِنُواْ بِهَـٰذَا ٱلۡحَدِیثِ أَسَفًا ﴿٦﴾
Kaya baka ikaw ay kikitil sa sarili mo dahil sa mga bakas nila, kung hindi sila sumampalataya sa salaysay na ito, dala ng dalamhati.
إِنَّا جَعَلۡنَا مَا عَلَى ٱلۡأَرۡضِ زِینَةࣰ لَّهَا لِنَبۡلُوَهُمۡ أَیُّهُمۡ أَحۡسَنُ عَمَلࣰا ﴿٧﴾
Tunay na Kami ay gumawa sa anumang nasa lupa bilang gayak para rito upang sumubok Kami sa kanila kung alin sa kanila ang pinakamaganda sa gawa.
وَإِنَّا لَجَـٰعِلُونَ مَا عَلَیۡهَا صَعِیدࣰا جُرُزًا ﴿٨﴾
Tunay na Kami ay talagang gagawa sa nasa ibabaw nito na isang lupang tigang.
أَمۡ حَسِبۡتَ أَنَّ أَصۡحَـٰبَ ٱلۡكَهۡفِ وَٱلرَّقِیمِ كَانُواْ مِنۡ ءَایَـٰتِنَا عَجَبًا ﴿٩﴾
O nag-akala ka na ang magkakasama sa yungib at pinag-ukitan ay noon kataka-takang kabilang sa mga tanda Namin?
إِذۡ أَوَى ٱلۡفِتۡیَةُ إِلَى ٱلۡكَهۡفِ فَقَالُواْ رَبَّنَاۤ ءَاتِنَا مِن لَّدُنكَ رَحۡمَةࣰ وَهَیِّئۡ لَنَا مِنۡ أَمۡرِنَا رَشَدࣰا ﴿١٠﴾
[Banggitin]noong] nagpakanlong ang mga binata sa yungib[300] saka nagsabi sila: “Panginoon namin, magbigay Ka sa amin ng awa mula sa nasa Iyo at maglaan Ka para sa amin, kaugnay sa nauukol sa amin, ng isang kagabayan.”
فَضَرَبۡنَا عَلَىٰۤ ءَاذَانِهِمۡ فِی ٱلۡكَهۡفِ سِنِینَ عَدَدࣰا ﴿١١﴾
Kaya nagtakip Kami sa mga tainga nila [para makatulog] sa yungib sa [loob ng] mga taon ayon sa bilang.
ثُمَّ بَعَثۡنَـٰهُمۡ لِنَعۡلَمَ أَیُّ ٱلۡحِزۡبَیۡنِ أَحۡصَىٰ لِمَا لَبِثُوۤاْ أَمَدࣰا ﴿١٢﴾
Pagkatapos pumukaw Kami sa kanila upang magpaalam Kami kung alin sa dalawang panig ang higit na magaling sa pagtataya sa ipinamalagi nila ayon sa yugto.
نَّحۡنُ نَقُصُّ عَلَیۡكَ نَبَأَهُم بِٱلۡحَقِّۚ إِنَّهُمۡ فِتۡیَةٌ ءَامَنُواْ بِرَبِّهِمۡ وَزِدۡنَـٰهُمۡ هُدࣰى ﴿١٣﴾
Kami ay nagsasalaysay sa iyo ng balita sa kanila ayon sa katotohanan. Tunay na sila ay mga binatang sumampalataya sa Panginoon nila. Nagdagdag Kami sa kanila ng patnubay.
وَرَبَطۡنَا عَلَىٰ قُلُوبِهِمۡ إِذۡ قَامُواْ فَقَالُواْ رَبُّنَا رَبُّ ٱلسَّمَـٰوَ ٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ لَن نَّدۡعُوَاْ مِن دُونِهِۦۤ إِلَـٰهࣰاۖ لَّقَدۡ قُلۡنَاۤ إِذࣰا شَطَطًا ﴿١٤﴾
Nagpatibay Kami sa mga puso nila noong tumindig sila saka nagsabi:[301] “Ang Panginoon Namin ay ang Panginoon ng mga langit at lupa. Hindi kami mananalangin sa bukod pa sa Kanya bilang diyos [dahil] talaga ngang makapagsasabi Kami, samakatuwid, ng isang pagkalayu-layo [sa katotohanan].”
هَـٰۤؤُلَاۤءِ قَوۡمُنَا ٱتَّخَذُواْ مِن دُونِهِۦۤ ءَالِهَةࣰۖ لَّوۡلَا یَأۡتُونَ عَلَیۡهِم بِسُلۡطَـٰنِۭ بَیِّنࣲۖ فَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّنِ ٱفۡتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبࣰا ﴿١٥﴾
Ang mga ito, ang mga tao namin, ay gumawa sa bukod pa sa Kanya bilang mga diyos. Bakit kaya hindi sila naghahatid sa mga ito ng isang katunayang malinaw? Kaya sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay Allāh ng isang kasinungalingan?
وَإِذِ ٱعۡتَزَلۡتُمُوهُمۡ وَمَا یَعۡبُدُونَ إِلَّا ٱللَّهَ فَأۡوُۥۤاْ إِلَى ٱلۡكَهۡفِ یَنشُرۡ لَكُمۡ رَبُّكُم مِّن رَّحۡمَتِهِۦ وَیُهَیِّئۡ لَكُم مِّنۡ أَمۡرِكُم مِّرۡفَقࣰا ﴿١٦﴾
[Nagsabi ang magkakasama]: “Kung nagpakalayu-layo kayo sa kanila at sa anumang sinasamba nila maliban kay Allāh ay kumanlong kayo sa yungib; magpapalaganap para sa inyo ang Panginoon ninyo ng awa Niya at maglalaan Siya para sa inyo kaugnay sa nauukol sa inyo ng isang magagamit.”
۞ وَتَرَى ٱلشَّمۡسَ إِذَا طَلَعَت تَّزَ ٰوَرُ عَن كَهۡفِهِمۡ ذَاتَ ٱلۡیَمِینِ وَإِذَا غَرَبَت تَّقۡرِضُهُمۡ ذَاتَ ٱلشِّمَالِ وَهُمۡ فِی فَجۡوَةࣲ مِّنۡهُۚ ذَ ٰلِكَ مِنۡ ءَایَـٰتِ ٱللَّهِۗ مَن یَهۡدِ ٱللَّهُ فَهُوَ ٱلۡمُهۡتَدِۖ وَمَن یُضۡلِلۡ فَلَن تَجِدَ لَهُۥ وَلِیࣰّا مُّرۡشِدࣰا ﴿١٧﴾
[Kung sakaling naroon ka,] makikita mo ang araw, kapag lumitaw iyon, na humihilig palayo sa yungib nila sa gawing kanan, at kapag lumubog iyon, na lumalampas sa kanila sa gawing kaliwa habang sila ay nasa isang puwang mula roon. Iyon ay kabilang sa mga tanda ni Allāh. Ang sinumang pinapatnubayan ni Allāh ay siya ang napapatnubayan. Ang sinumang pinaliligaw Niya ay hindi ka makatatagpo para rito ng isang katangkilik na tagagabay [sa kapatnubayan].
وَتَحۡسَبُهُمۡ أَیۡقَاظࣰا وَهُمۡ رُقُودࣱۚ وَنُقَلِّبُهُمۡ ذَاتَ ٱلۡیَمِینِ وَذَاتَ ٱلشِّمَالِۖ وَكَلۡبُهُم بَـٰسِطࣱ ذِرَاعَیۡهِ بِٱلۡوَصِیدِۚ لَوِ ٱطَّلَعۡتَ عَلَیۡهِمۡ لَوَلَّیۡتَ مِنۡهُمۡ فِرَارࣰا وَلَمُلِئۡتَ مِنۡهُمۡ رُعۡبࣰا ﴿١٨﴾
Mag-aakala kang sila ay mga gising samantalang sila ay mga tulog. Nagpapabaling Kami sa kanila sa gawing kanan at sa gawing kaliwa habang ang aso nila ay nakaunat ang dalawang unahang biyas nito sa bungad. Kung sakaling tumingin ka sa kanila ay talaga sanang tumalikod ka mula sa kanila sa pagtakas at talaga sanang napuno ka dahil sa kanila ng hilakbot.
وَكَذَ ٰلِكَ بَعَثۡنَـٰهُمۡ لِیَتَسَاۤءَلُواْ بَیۡنَهُمۡۚ قَالَ قَاۤىِٕلࣱ مِّنۡهُمۡ كَمۡ لَبِثۡتُمۡۖ قَالُواْ لَبِثۡنَا یَوۡمًا أَوۡ بَعۡضَ یَوۡمࣲۚ قَالُواْ رَبُّكُمۡ أَعۡلَمُ بِمَا لَبِثۡتُمۡ فَٱبۡعَثُوۤاْ أَحَدَكُم بِوَرِقِكُمۡ هَـٰذِهِۦۤ إِلَى ٱلۡمَدِینَةِ فَلۡیَنظُرۡ أَیُّهَاۤ أَزۡكَىٰ طَعَامࣰا فَلۡیَأۡتِكُم بِرِزۡقࣲ مِّنۡهُ وَلۡیَتَلَطَّفۡ وَلَا یُشۡعِرَنَّ بِكُمۡ أَحَدًا ﴿١٩﴾
Gayon din, pumukaw Kami sa kanila upang magtanungan sila sa pagitan nila. May nagsabing isang tagapagsabi kabilang sa kanila: “Gaano katagal kayo namalagi?” Nagsabi sila: “Namalagi kami nang isang araw o isang bahagi ng araw.” Nagsabi pa sila: “Ang Panginoon ninyo ay higit na maalam sa ipinamalagi ninyo. Kaya magpadala kayo ng isa sa inyo kalakip ng salaping pilak ninyong ito sa lungsod saka tumingin siya kung alin doon ang pinakabusilak bilang pagkain saka magdala siya sa inyo ng isang panustos mula rito at magpakaingat-ingat siya. Huwag nga siyang magparamdam hinggil sa inyo sa isa man.
إِنَّهُمۡ إِن یَظۡهَرُواْ عَلَیۡكُمۡ یَرۡجُمُوكُمۡ أَوۡ یُعِیدُوكُمۡ فِی مِلَّتِهِمۡ وَلَن تُفۡلِحُوۤاْ إِذًا أَبَدࣰا ﴿٢٠﴾
Tunay na sila, kung makababatid sa inyo, ay mambabato sa inyo o magpapanumbalik sa inyo sa kapaniwalaan nila at hindi kayo magtatagumpay, samakatuwid, magpakailanman.”
وَكَذَ ٰلِكَ أَعۡثَرۡنَا عَلَیۡهِمۡ لِیَعۡلَمُوۤاْ أَنَّ وَعۡدَ ٱللَّهِ حَقࣱّ وَأَنَّ ٱلسَّاعَةَ لَا رَیۡبَ فِیهَاۤ إِذۡ یَتَنَـٰزَعُونَ بَیۡنَهُمۡ أَمۡرَهُمۡۖ فَقَالُواْ ٱبۡنُواْ عَلَیۡهِم بُنۡیَـٰنࣰاۖ رَّبُّهُمۡ أَعۡلَمُ بِهِمۡۚ قَالَ ٱلَّذِینَ غَلَبُواْ عَلَىٰۤ أَمۡرِهِمۡ لَنَتَّخِذَنَّ عَلَیۡهِم مَّسۡجِدࣰا ﴿٢١﴾
Gayon din, ipinatuklas sa kanila upang makaalam sila na ang pangako ni Allāh ay totoo at na ang Huling Sandali ay walang pag-aalinlangan doon. [Iyon ay] noong naghihidwaan ang mga ito sa pagitan ng mga ito sa nauukol sa kanila kaya nagsabi ang mga ito: “Magpatayo kayo sa ibabaw nila ng isang gusali. Ang Panginoon nila ay higit na maalam sa kanila.” Nagsabi ang mga nanaig sa usapin nila: “Talagang gagawa nga kami sa ibabaw nila ng isang patirapaan.”
سَیَقُولُونَ ثَلَـٰثَةࣱ رَّابِعُهُمۡ كَلۡبُهُمۡ وَیَقُولُونَ خَمۡسَةࣱ سَادِسُهُمۡ كَلۡبُهُمۡ رَجۡمَۢا بِٱلۡغَیۡبِۖ وَیَقُولُونَ سَبۡعَةࣱ وَثَامِنُهُمۡ كَلۡبُهُمۡۚ قُل رَّبِّیۤ أَعۡلَمُ بِعِدَّتِهِم مَّا یَعۡلَمُهُمۡ إِلَّا قَلِیلࣱۗ فَلَا تُمَارِ فِیهِمۡ إِلَّا مِرَاۤءࣰ ظَـٰهِرࣰا وَلَا تَسۡتَفۡتِ فِیهِم مِّنۡهُمۡ أَحَدࣰا ﴿٢٢﴾
Magsasabi ang mga iyon na [sila ay] tatlo, na ang ikaapat sa kanila ay ang aso nila; at magsasabi pa ang mga iyon na [sila ay] lima, na ang ikaanim sa kanila ay ang aso nila – bilang panghuhula sa nakalingid. Magsasabi ang mga iyon na [sila ay] pito, na ang ikawalo sa kanila ay ang aso nila. Sabihin mo: “Ang Panginoon ko ay higit na maalam sa bilang nila; walang nakaaalam sa kanila kundi kaunti. Kaya huwag kayong makipagtaltalan hinggil sa kanila [sa bilang] malibang ayon sa pakikipagtaltalang hayag at huwag kayong magsiyasat hinggil sa kanila mula sa mga iyon[302] sa isa man.”
وَلَا تَقُولَنَّ لِشَاْیۡءٍ إِنِّی فَاعِلࣱ ذَ ٰلِكَ غَدًا ﴿٢٣﴾
Huwag ka ngang magsasabi sa anuman: “Tunay na ako ay gagawa niyon bukas,”
إِلَّاۤ أَن یَشَاۤءَ ٱللَّهُۚ وَٱذۡكُر رَّبَّكَ إِذَا نَسِیتَ وَقُلۡ عَسَىٰۤ أَن یَهۡدِیَنِ رَبِّی لِأَقۡرَبَ مِنۡ هَـٰذَا رَشَدࣰا ﴿٢٤﴾
maliban na [magsabing] loobin ni Allāh. Alalahanin mo ang Panginoon mo kapag nakalimot ka at sabihin mo: “Harinawang magpatnubay sa akin ang Panginoon ko para sa higit na malapit kaysa rito sa kagabayan.”
وَلَبِثُواْ فِی كَهۡفِهِمۡ ثَلَـٰثَ مِاْئَةࣲ سِنِینَ وَٱزۡدَادُواْ تِسۡعࣰا ﴿٢٥﴾
Namalagi sila sa yungib nila nang tatlong daang taon at nadagdagan sila ng siyam.[303]
قُلِ ٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِمَا لَبِثُواْۖ لَهُۥ غَیۡبُ ٱلسَّمَـٰوَ ٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ أَبۡصِرۡ بِهِۦ وَأَسۡمِعۡۚ مَا لَهُم مِّن دُونِهِۦ مِن وَلِیࣲّ وَلَا یُشۡرِكُ فِی حُكۡمِهِۦۤ أَحَدࣰا ﴿٢٦﴾
Sabihin mo: “Si Allāh ay higit na maalam sa tagal ng ipinamalagi nila. Ukol sa Kanya ang [kaalaman sa] nakalingid sa mga langit at lupa. Kay husay ng pagkakita Niya at kay husay ng pagkarinig Niya. Walang ukol sa kanila bukod pa sa Kanya na anumang katangkilik. Hindi Siya nagpapatambal sa paghahatol Niya ng isa man.”
وَٱتۡلُ مَاۤ أُوحِیَ إِلَیۡكَ مِن كِتَابِ رَبِّكَۖ لَا مُبَدِّلَ لِكَلِمَـٰتِهِۦ وَلَن تَجِدَ مِن دُونِهِۦ مُلۡتَحَدࣰا ﴿٢٧﴾
Bumigkas ka ng ikinasi sa iyo mula sa Aklat ng Panginoon mo. Walang tagapagpalit sa mga salita Niya at hindi ka makatatagpo bukod pa sa Kanya ng isang madadaupan.
وَٱصۡبِرۡ نَفۡسَكَ مَعَ ٱلَّذِینَ یَدۡعُونَ رَبَّهُم بِٱلۡغَدَوٰةِ وَٱلۡعَشِیِّ یُرِیدُونَ وَجۡهَهُۥۖ وَلَا تَعۡدُ عَیۡنَاكَ عَنۡهُمۡ تُرِیدُ زِینَةَ ٱلۡحَیَوٰةِ ٱلدُّنۡیَاۖ وَلَا تُطِعۡ مَنۡ أَغۡفَلۡنَا قَلۡبَهُۥ عَن ذِكۡرِنَا وَٱتَّبَعَ هَوَىٰهُ وَكَانَ أَمۡرُهُۥ فُرُطࣰا ﴿٢٨﴾
Magpatiis ka ng sarili mo kasama sa mga dumadalangin sa Panginoon nila sa umaga at gabi, na nagnanais [ng kaluguran] ng mukha Niya. Huwag lumampas ang dalawang mata mo palayo sa kanila, na nagnanais ng gayak ng buhay na pangmundo. Huwag kang tumalima sa sinumang nagpalingat Kami sa puso niya palayo sa pag-aalaala sa Amin at sumunod sa pithaya niya habang ang nauukol sa kanya ay naging kapabayaan.
وَقُلِ ٱلۡحَقُّ مِن رَّبِّكُمۡۖ فَمَن شَاۤءَ فَلۡیُؤۡمِن وَمَن شَاۤءَ فَلۡیَكۡفُرۡۚ إِنَّاۤ أَعۡتَدۡنَا لِلظَّـٰلِمِینَ نَارًا أَحَاطَ بِهِمۡ سُرَادِقُهَاۚ وَإِن یَسۡتَغِیثُواْ یُغَاثُواْ بِمَاۤءࣲ كَٱلۡمُهۡلِ یَشۡوِی ٱلۡوُجُوهَۚ بِئۡسَ ٱلشَّرَابُ وَسَاۤءَتۡ مُرۡتَفَقًا ﴿٢٩﴾
Sabihin mo: “Ang katotohanan ay mula sa Panginoon ninyo. Kaya ang sinumang lumuob ay sumampalataya siya, at ang sinumang lumuob ay tumanggi siyang sumampalataya.” Tunay na Kami ay naglaan para sa mga tagalabag sa katarungan ng isang apoy na papaligid sa kanila ang mga pader nito. Kung magpapasaklolo sila ay sasakloluhan sila ng isang tubig na gaya ng kumukulong langis, na iihaw sa mga mukha nila. Kay saklap ang inumin at kay sagwa ito bilang pahingahan!
إِنَّ ٱلَّذِینَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّـٰلِحَـٰتِ إِنَّا لَا نُضِیعُ أَجۡرَ مَنۡ أَحۡسَنَ عَمَلًا ﴿٣٠﴾
Tunay na ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, tunay na Kami ay hindi nagsasayang sa pabuya sa sinumang nagpaganda ng gawa.
أُوْلَـٰۤىِٕكَ لَهُمۡ جَنَّـٰتُ عَدۡنࣲ تَجۡرِی مِن تَحۡتِهِمُ ٱلۡأَنۡهَـٰرُ یُحَلَّوۡنَ فِیهَا مِنۡ أَسَاوِرَ مِن ذَهَبࣲ وَیَلۡبَسُونَ ثِیَابًا خُضۡرࣰا مِّن سُندُسࣲ وَإِسۡتَبۡرَقࣲ مُّتَّكِـِٔینَ فِیهَا عَلَى ٱلۡأَرَاۤىِٕكِۚ نِعۡمَ ٱلثَّوَابُ وَحَسُنَتۡ مُرۡتَفَقࣰا ﴿٣١﴾
Ang mga iyon ay ukol sa kanila ang mga hardin ng Eden, na dumadaloy mula sa ilalim nila ang mga ilog, habang ginagayakan sila roon mula sa mga pulseras na ginto at nagsusuot sila ng mga kasuutang luntian mula sa manipis na sutla at makapal na sutla, habang mga nakasandal doon sa mga sopa. Kay inam ang pabuya at kay ganda iyon bilang pahingahan!
۞ وَٱضۡرِبۡ لَهُم مَّثَلࣰا رَّجُلَیۡنِ جَعَلۡنَا لِأَحَدِهِمَا جَنَّتَیۡنِ مِنۡ أَعۡنَـٰبࣲ وَحَفَفۡنَـٰهُمَا بِنَخۡلࣲ وَجَعَلۡنَا بَیۡنَهُمَا زَرۡعࣰا ﴿٣٢﴾
Maglahad ka para sa kanila ng isang paghahalintulad na dalawang lalaki. Nagtalaga Kami para sa isa sa kanilang dalawa ng dalawang hardin ng mga ubas, nagpalibot Kami sa dalawang ito ng mga punong-datiles, at naglagay Kami sa pagitan ng dalawang ito ng mga pananim.
كِلۡتَا ٱلۡجَنَّتَیۡنِ ءَاتَتۡ أُكُلَهَا وَلَمۡ تَظۡلِم مِّنۡهُ شَیۡـࣰٔاۚ وَفَجَّرۡنَا خِلَـٰلَهُمَا نَهَرࣰا ﴿٣٣﴾
Ang kapwa hardin ay nagbigay ng bunga nito at hindi nagkulang ito roon ng anuman. Nagpabulwak Kami sa gitna ng dalawang ito ng isang ilog.
وَكَانَ لَهُۥ ثَمَرࣱ فَقَالَ لِصَـٰحِبِهِۦ وَهُوَ یُحَاوِرُهُۥۤ أَنَا۠ أَكۡثَرُ مِنكَ مَالࣰا وَأَعَزُّ نَفَرࣰا ﴿٣٤﴾
Nagkaroon siya ng bunga kaya nagsabi siya sa kasamahan niya habang siya ay nakikipagtalakayan dito: “Ako ay higit na marami kaysa sa iyo sa yaman at higit na makapangyarihan sa mga tauhan.”
وَدَخَلَ جَنَّتَهُۥ وَهُوَ ظَالِمࣱ لِّنَفۡسِهِۦ قَالَ مَاۤ أَظُنُّ أَن تَبِیدَ هَـٰذِهِۦۤ أَبَدࣰا ﴿٣٥﴾
Pumasok siya sa hardin niya habang siya ay lumalabag sa katarungan sa sarili niya. Nagsabi siya: “Hindi ako nagpapalagay na mapupuksa ito magpakailanman.
وَمَاۤ أَظُنُّ ٱلسَّاعَةَ قَاۤىِٕمَةࣰ وَلَىِٕن رُّدِدتُّ إِلَىٰ رَبِّی لَأَجِدَنَّ خَیۡرࣰا مِّنۡهَا مُنقَلَبࣰا ﴿٣٦﴾
Hindi ako nagpapalagay na ang Huling Sandali ay magaganap. Talagang kung isasauli ako sa Panginoon ko ay talagang makatatagpo nga ako ng higit na mabuti kaysa rito bilang uwian.”
قَالَ لَهُۥ صَاحِبُهُۥ وَهُوَ یُحَاوِرُهُۥۤ أَكَفَرۡتَ بِٱلَّذِی خَلَقَكَ مِن تُرَابࣲ ثُمَّ مِن نُّطۡفَةࣲ ثُمَّ سَوَّىٰكَ رَجُلࣰا ﴿٣٧﴾
Nagsabi sa kanya ang kasamahan niya habang ito ay nakikipagtalakayan sa kanya: “Tumanggi ka bang sumampalataya sa lumikha sa iyo mula sa alabok, pagkatapos mula sa patak ng punlay, pagkatapos bumuo sa iyo bilang lalaki?
لَّـٰكِنَّا۠ هُوَ ٱللَّهُ رَبِّی وَلَاۤ أُشۡرِكُ بِرَبِّیۤ أَحَدࣰا ﴿٣٨﴾
Subalit Siyang si Allāh ay Panginoon ko, at hindi ako nagtatambal sa Panginoon ko ng isa man.
وَلَوۡلَاۤ إِذۡ دَخَلۡتَ جَنَّتَكَ قُلۡتَ مَا شَاۤءَ ٱللَّهُ لَا قُوَّةَ إِلَّا بِٱللَّهِۚ إِن تَرَنِ أَنَا۠ أَقَلَّ مِنكَ مَالࣰا وَوَلَدࣰا ﴿٣٩﴾
Bakit hindi ka, noong pumasok ka sa hardin mo, nagsabi: “Ang niloob ni Allāh [ay naganap]; walang lakas maliban sa kay Allāh. Kung nakikita mo man ako mismo na higit na kaunti kaysa sa iyo sa yaman at anak,
فَعَسَىٰ رَبِّیۤ أَن یُؤۡتِیَنِ خَیۡرࣰا مِّن جَنَّتِكَ وَیُرۡسِلَ عَلَیۡهَا حُسۡبَانࣰا مِّنَ ٱلسَّمَاۤءِ فَتُصۡبِحَ صَعِیدࣰا زَلَقًا ﴿٤٠﴾
marahil ang Panginoon ko ay magbigay sa akin ng higit na mabuti kaysa sa hardin mo at magpadala riyan ng isang sakuna mula sa langit para iyan ay maging isang lupaing madulas,
أَوۡ یُصۡبِحَ مَاۤؤُهَا غَوۡرࣰا فَلَن تَسۡتَطِیعَ لَهُۥ طَلَبࣰا ﴿٤١﴾
o ang tubig niyan ay maging lubog [sa lupa] kaya hindi mo kakayaning makahanap nito.”
وَأُحِیطَ بِثَمَرِهِۦ فَأَصۡبَحَ یُقَلِّبُ كَفَّیۡهِ عَلَىٰ مَاۤ أَنفَقَ فِیهَا وَهِیَ خَاوِیَةٌ عَلَىٰ عُرُوشِهَا وَیَقُولُ یَـٰلَیۡتَنِی لَمۡ أُشۡرِكۡ بِرَبِّیۤ أَحَدࣰا ﴿٤٢﴾
Pumaligid sa mga bunga niya [ang pagkawasak] kaya nagsimula siyang nagbaling-baling ng mga kamay niya [sa panghihinayang] sa ginugol niya roon, samantalang iyon ay gumuho sa mga balag niyon, at nagsasabi: “O kung sana ako ay hindi nagtambal sa Panginoon ko ng isa man!”
وَلَمۡ تَكُن لَّهُۥ فِئَةࣱ یَنصُرُونَهُۥ مِن دُونِ ٱللَّهِ وَمَا كَانَ مُنتَصِرًا ﴿٤٣﴾
Hindi siya nagkaroon ng isang pangkatin na mag-aadya sa kanya bukod pa kay Allāh at hindi siya naging isang naiaadya.
هُنَالِكَ ٱلۡوَلَـٰیَةُ لِلَّهِ ٱلۡحَقِّۚ هُوَ خَیۡرࣱ ثَوَابࣰا وَخَیۡرٌ عُقۡبࣰا ﴿٤٤﴾
Doon, ang pagtangkilik ay ukol kay Allāh, ang Totoo. Siya ay pinakamabuti sa gantimpala at pinakamabuti sa kinahihinatnan [sa Kabilang-buhay].
وَٱضۡرِبۡ لَهُم مَّثَلَ ٱلۡحَیَوٰةِ ٱلدُّنۡیَا كَمَاۤءٍ أَنزَلۡنَـٰهُ مِنَ ٱلسَّمَاۤءِ فَٱخۡتَلَطَ بِهِۦ نَبَاتُ ٱلۡأَرۡضِ فَأَصۡبَحَ هَشِیمࣰا تَذۡرُوهُ ٱلرِّیَـٰحُۗ وَكَانَ ٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَیۡءࣲ مُّقۡتَدِرًا ﴿٤٥﴾
Maglahad ka para sa kanila ng paghahalintulad sa buhay na pangmundo, na gaya ng tubig na pinababa Namin mula sa langit saka nahalo rito ang halaman ng lupa saka ito ay naging durog na tuyot na ikinakalat ng mga hangin. Laging si Allāh sa bawat bagay ay Tagakaya.
ٱلۡمَالُ وَٱلۡبَنُونَ زِینَةُ ٱلۡحَیَوٰةِ ٱلدُّنۡیَاۖ وَٱلۡبَـٰقِیَـٰتُ ٱلصَّـٰلِحَـٰتُ خَیۡرٌ عِندَ رَبِّكَ ثَوَابࣰا وَخَیۡرٌ أَمَلࣰا ﴿٤٦﴾
Ang yaman at ang mga anak ay gayak ng buhay na pangmundo samantalang ang mga nanatiling gawang maayos ay higit na mabuti sa ganang Panginoon mo sa gantimpala at higit na mabuti sa pag-asa.
وَیَوۡمَ نُسَیِّرُ ٱلۡجِبَالَ وَتَرَى ٱلۡأَرۡضَ بَارِزَةࣰ وَحَشَرۡنَـٰهُمۡ فَلَمۡ نُغَادِرۡ مِنۡهُمۡ أَحَدࣰا ﴿٤٧﴾
[Banggitin] ang araw na mag-uusad Kami ng mga bundok at makikita mo ang lupa na nakalitaw at kakalap Kami sa kanila saka hindi lilisan sa isa man mula sa kanila.
وَعُرِضُواْ عَلَىٰ رَبِّكَ صَفࣰّا لَّقَدۡ جِئۡتُمُونَا كَمَا خَلَقۡنَـٰكُمۡ أَوَّلَ مَرَّةِۭۚ بَلۡ زَعَمۡتُمۡ أَلَّن نَّجۡعَلَ لَكُم مَّوۡعِدࣰا ﴿٤٨﴾
Itatanghal sila sa Panginoon mo na nakahanay [at sasabihin:] “Talaga ngang pumunta kayo sa Amin gaya ng nilikha Namin kayo sa unang pagkakataon. Bagkus nag-angkin kayo na hindi Kami gagawa para sa inyo ng isang tipanan [na paggagantihan sa inyo].”
وَوُضِعَ ٱلۡكِتَـٰبُ فَتَرَى ٱلۡمُجۡرِمِینَ مُشۡفِقِینَ مِمَّا فِیهِ وَیَقُولُونَ یَـٰوَیۡلَتَنَا مَالِ هَـٰذَا ٱلۡكِتَـٰبِ لَا یُغَادِرُ صَغِیرَةࣰ وَلَا كَبِیرَةً إِلَّاۤ أَحۡصَىٰهَاۚ وَوَجَدُواْ مَا عَمِلُواْ حَاضِرࣰاۗ وَلَا یَظۡلِمُ رَبُّكَ أَحَدࣰا ﴿٤٩﴾
Ilalagay ang talaan saka makikita mo ang mga salarin habang mga nababagabag dahil sa nasaad dito at magsasabi sila: “O kapighatian sa amin; ano ang mayroon sa talaang ito na hindi lumilisan sa isang maliit ni isang malaki malibang inisa-isa nito iyon.” Matatagpuan nila ang anumang ginawa nila na nakadalo. Hindi lumalabag sa katarungan ang Panginoon mo sa isa man.
وَإِذۡ قُلۡنَا لِلۡمَلَـٰۤىِٕكَةِ ٱسۡجُدُواْ لِـَٔادَمَ فَسَجَدُوۤاْ إِلَّاۤ إِبۡلِیسَ كَانَ مِنَ ٱلۡجِنِّ فَفَسَقَ عَنۡ أَمۡرِ رَبِّهِۦۤۗ أَفَتَتَّخِذُونَهُۥ وَذُرِّیَّتَهُۥۤ أَوۡلِیَاۤءَ مِن دُونِی وَهُمۡ لَكُمۡ عَدُوُّۢۚ بِئۡسَ لِلظَّـٰلِمِینَ بَدَلࣰا ﴿٥٠﴾
[Banggitin] noong nagsabi Kami sa mga anghel: “Magpatirapa kayo kay Adan [bilang pagpipitagan],” kaya nagpatirapa naman sila maliban si Satanas; siya noon ay kabilang sa mga jinn [hindi mga anghel] ngunit nagpakasuwail siya sa utos ng Panginoon niya. Kaya ba gagawa kayo sa kanya at sa mga supling niya bilang mga katangkilik bukod pa sa Akin, samantalang sila para sa inyo ay kaaway? Kay saklap ito para sa mga tagalabag sa katarungan bilang pamalit!
۞ مَّاۤ أَشۡهَدتُّهُمۡ خَلۡقَ ٱلسَّمَـٰوَ ٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَلَا خَلۡقَ أَنفُسِهِمۡ وَمَا كُنتُ مُتَّخِذَ ٱلۡمُضِلِّینَ عَضُدࣰا ﴿٥١﴾
Hindi Ko sila pinasaksi sa paglikha sa mga langit at lupa ni sa paglikha sa mga sarili nila. Hindi nangyaring Ako ay gagawa sa mga tagapagligaw bilang mga tagakatig.
وَیَوۡمَ یَقُولُ نَادُواْ شُرَكَاۤءِیَ ٱلَّذِینَ زَعَمۡتُمۡ فَدَعَوۡهُمۡ فَلَمۡ یَسۡتَجِیبُواْ لَهُمۡ وَجَعَلۡنَا بَیۡنَهُم مَّوۡبِقࣰا ﴿٥٢﴾
[Banggitin] ang araw na magsasabi Siya: “Manawagan kayo sa mga katambal sa Akin na inangkin ninyo,” kaya tatawag sila sa mga iyon ngunit hindi tutugon ang mga iyon sa kanila at maglalagay Kami sa pagitan nila ng isang [lambak ng] kapahamakan.
وَرَءَا ٱلۡمُجۡرِمُونَ ٱلنَّارَ فَظَنُّوۤاْ أَنَّهُم مُّوَاقِعُوهَا وَلَمۡ یَجِدُواْ عَنۡهَا مَصۡرِفࣰا ﴿٥٣﴾
Makikita ng mga salarin ng Apoy saka makatitiyak sila na sila ay babagsak doon at hindi sila makatatagpo palayo roon ng isang malilihisan.
وَلَقَدۡ صَرَّفۡنَا فِی هَـٰذَا ٱلۡقُرۡءَانِ لِلنَّاسِ مِن كُلِّ مَثَلࣲۚ وَكَانَ ٱلۡإِنسَـٰنُ أَكۡثَرَ شَیۡءࣲ جَدَلࣰا ﴿٥٤﴾
Talaga ngang nagsarisari Kami sa Qur’ān na ito para sa mga tao ng bawat [uri ng] paghahalintulad. Laging ang tao ay pinakamadalas na bagay sa pakikipagtalo.
وَمَا مَنَعَ ٱلنَّاسَ أَن یُؤۡمِنُوۤاْ إِذۡ جَاۤءَهُمُ ٱلۡهُدَىٰ وَیَسۡتَغۡفِرُواْ رَبَّهُمۡ إِلَّاۤ أَن تَأۡتِیَهُمۡ سُنَّةُ ٱلۡأَوَّلِینَ أَوۡ یَأۡتِیَهُمُ ٱلۡعَذَابُ قُبُلࣰا ﴿٥٥﴾
Walang pumigil sa mga tao na sumampalataya sila noong dumating sa kanila ang patnubay at humingi sila ng tawad sa Panginoon nila kundi [ang paghiling] na pumunta sa kanila ang kalakaran ng mga sinauna o pumunta sa kanila ang pagdurusa nang harapan.
وَمَا نُرۡسِلُ ٱلۡمُرۡسَلِینَ إِلَّا مُبَشِّرِینَ وَمُنذِرِینَۚ وَیُجَـٰدِلُ ٱلَّذِینَ كَفَرُواْ بِٱلۡبَـٰطِلِ لِیُدۡحِضُواْ بِهِ ٱلۡحَقَّۖ وَٱتَّخَذُوۤاْ ءَایَـٰتِی وَمَاۤ أُنذِرُواْ هُزُوࣰا ﴿٥٦﴾
Hindi Kami nagsusugo ng mga isinugo kundi bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak at bilang mga tagapagbabala. Nakikipagtalo ang mga tumangging sumampalataya [kay Allāh at sa mga sugo] sa pamamagitan ng kabulaanan upang magpamali sa pamamagitan nito sa katotohanan. Gumawa sila sa mga tanda Ko at sa ibinabala sa kanila bilang pangungutya.
وَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّن ذُكِّرَ بِـَٔایَـٰتِ رَبِّهِۦ فَأَعۡرَضَ عَنۡهَا وَنَسِیَ مَا قَدَّمَتۡ یَدَاهُۚ إِنَّا جَعَلۡنَا عَلَىٰ قُلُوبِهِمۡ أَكِنَّةً أَن یَفۡقَهُوهُ وَفِیۤ ءَاذَانِهِمۡ وَقۡرࣰاۖ وَإِن تَدۡعُهُمۡ إِلَى ٱلۡهُدَىٰ فَلَن یَهۡتَدُوۤاْ إِذًا أَبَدࣰا ﴿٥٧﴾
Sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang napaalalahanan ng mga tanda ng Panginoon niya ngunit umayaw siya rito at lumimot siya ipinauna ng mga kamay niya. Tunay na Kami ay naglagay sa mga puso nila ng mga panakip sa pag-unawa nila nito at sa mga tainga nila ng pagkabingi. Kung mag-aanyaya ka sa kanila tungo sa patnubay ay hindi sila mapapatnubayan, samakatuwid, magpakailanman.
وَرَبُّكَ ٱلۡغَفُورُ ذُو ٱلرَّحۡمَةِۖ لَوۡ یُؤَاخِذُهُم بِمَا كَسَبُواْ لَعَجَّلَ لَهُمُ ٱلۡعَذَابَۚ بَل لَّهُم مَّوۡعِدࣱ لَّن یَجِدُواْ مِن دُونِهِۦ مَوۡىِٕلࣰا ﴿٥٨﴾
Ang Panginoon mo ay ang Mapagpatawad, ang may awa. Kung sakaling magpapanagot Siya sa kanila dahil sa nakamit nila ay talaga sanang nagpamadali Siya para sa kanila ng pagdurusa. Bagkus ukol sa kanila ay isang tipanang hindi sila makatatagpo bukod pa rito ng isang malulusutan.
وَتِلۡكَ ٱلۡقُرَىٰۤ أَهۡلَكۡنَـٰهُمۡ لَمَّا ظَلَمُواْ وَجَعَلۡنَا لِمَهۡلِكِهِم مَّوۡعِدࣰا ﴿٥٩﴾
Ang [mga mamamayan ng] mga pamayanang iyon,[304] nagpahamak Kami sa kanila noong lumabag sila sa katarungan [dahil sa kawalang-pananampalataya] at gumawa Kami para sa pagkakapahamakan nila ng isang tipanan.
وَإِذۡ قَالَ مُوسَىٰ لِفَتَىٰهُ لَاۤ أَبۡرَحُ حَتَّىٰۤ أَبۡلُغَ مَجۡمَعَ ٱلۡبَحۡرَیۡنِ أَوۡ أَمۡضِیَ حُقُبࣰا ﴿٦٠﴾
[Banggitin] noong nagsabi si Moises sa alila niya [na si Josue]: “Hindi ako lulubay [sa paglalakbay] hanggang sa umabot ako sa pinagtitipunan ng dalawang dagat o isang magpatuloy ako sa mahabang panahon.”
فَلَمَّا بَلَغَا مَجۡمَعَ بَیۡنِهِمَا نَسِیَا حُوتَهُمَا فَٱتَّخَذَ سَبِیلَهُۥ فِی ٱلۡبَحۡرِ سَرَبࣰا ﴿٦١﴾
Kaya noong umabot silang dalawa sa pinagtitipunan sa pagitan ng dalawang [dagat] ay nakalimot silang dalawa sa isda nilang dalawa kaya gumawa ito ng landas nito sa dagat nang pailalim.
فَلَمَّا جَاوَزَا قَالَ لِفَتَىٰهُ ءَاتِنَا غَدَاۤءَنَا لَقَدۡ لَقِینَا مِن سَفَرِنَا هَـٰذَا نَصَبࣰا ﴿٦٢﴾
Kaya noong lumampas silang dalawa ay nagsabi si Moises sa alila niya [na si Josue]: “Dalhin mo sa atin ang agahan natin. Talaga ngang dumanas tayo mula sa paglalakbay nating ito ng isang pagkapagal.”
قَالَ أَرَءَیۡتَ إِذۡ أَوَیۡنَاۤ إِلَى ٱلصَّخۡرَةِ فَإِنِّی نَسِیتُ ٱلۡحُوتَ وَمَاۤ أَنسَىٰنِیهُ إِلَّا ٱلشَّیۡطَـٰنُ أَنۡ أَذۡكُرَهُۥۚ وَٱتَّخَذَ سَبِیلَهُۥ فِی ٱلۡبَحۡرِ عَجَبࣰا ﴿٦٣﴾
Nagsabi [si Josue]: “Nakita mo ba noong kumanlong tayo sa bato sapagkat tunay na ako ay nakalimot sa isda [doon]? Walang nagpalimot sa akin niyon kundi ang demonyo, na bumanggit sana ako niyon. Gumawa iyon ng landas niyon sa dagat nang kataka-taka.”
قَالَ ذَ ٰلِكَ مَا كُنَّا نَبۡغِۚ فَٱرۡتَدَّا عَلَىٰۤ ءَاثَارِهِمَا قَصَصࣰا ﴿٦٤﴾
Nagsabi [si Moises]: “Iyon ay ang dati na nating hinahangad.” Kaya bumalik silang dalawa sa mga bakas nilang dalawa sa pagtunton.
فَوَجَدَا عَبۡدࣰا مِّنۡ عِبَادِنَاۤ ءَاتَیۡنَـٰهُ رَحۡمَةࣰ مِّنۡ عِندِنَا وَعَلَّمۡنَـٰهُ مِن لَّدُنَّا عِلۡمࣰا ﴿٦٥﴾
Kaya nakatagpo silang dalawa ng isang lingkod [na si Khiḍr] kabilang sa mga lingkod Namin, na nagbigay Kami rito ng awa mula sa ganang Amin at nagturo Kami rito, mula sa nasa Amin, ng kaalaman.
قَالَ لَهُۥ مُوسَىٰ هَلۡ أَتَّبِعُكَ عَلَىٰۤ أَن تُعَلِّمَنِ مِمَّا عُلِّمۡتَ رُشۡدࣰا ﴿٦٦﴾
Nagsabi [kay Khiḍr si Moises]: “Susunod kaya ako sa iyo para magturo ka sa akin mula sa itinuro sa iyo bilang gabay?”
قَالَ إِنَّكَ لَن تَسۡتَطِیعَ مَعِیَ صَبۡرࣰا ﴿٦٧﴾
Nagsabi [si Khiḍr]: “Tunay na ikaw ay hindi makakakaya sa akin sa pagtitiis.
وَكَیۡفَ تَصۡبِرُ عَلَىٰ مَا لَمۡ تُحِطۡ بِهِۦ خُبۡرࣰا ﴿٦٨﴾
Papaano kang magtitiis sa hindi ka nakapaligid doon sa kabatiran?”
قَالَ سَتَجِدُنِیۤ إِن شَاۤءَ ٱللَّهُ صَابِرࣰا وَلَاۤ أَعۡصِی لَكَ أَمۡرࣰا ﴿٦٩﴾
Nagsabi [si Moises]: “Matatagpuan mo ako, kung niloob ni Allāh, na isang magtitiis at hindi ako susuway sa iyo ng isang utos.”
قَالَ فَإِنِ ٱتَّبَعۡتَنِی فَلَا تَسۡـَٔلۡنِی عَن شَیۡءٍ حَتَّىٰۤ أُحۡدِثَ لَكَ مِنۡهُ ذِكۡرࣰا ﴿٧٠﴾
Nagsabi [si Khiḍr]: “Kaya kung susunod ka sa akin ay huwag kang magtanong sa akin tungkol sa isang bagay hanggang sa magpasimula ako para sa iyo mula rito ng isang pagbanggit.”
فَٱنطَلَقَا حَتَّىٰۤ إِذَا رَكِبَا فِی ٱلسَّفِینَةِ خَرَقَهَاۖ قَالَ أَخَرَقۡتَهَا لِتُغۡرِقَ أَهۡلَهَا لَقَدۡ جِئۡتَ شَیۡـًٔا إِمۡرࣰا ﴿٧١﴾
Kaya humayo silang dalawa; hanggang sa nang nakasakay silang dalawa sa daong ay binutas niyon ito. Nagsabi si Moises: “Binutas mo ba ito upang lumunod ka sa may-ari nito? Talaga ngang gumawa ka ng isang bagay na minamasama.”
قَالَ أَلَمۡ أَقُلۡ إِنَّكَ لَن تَسۡتَطِیعَ مَعِیَ صَبۡرࣰا ﴿٧٢﴾
Nagsabi [si Khiḍr]: “Hindi ba nagsabi ako tunay na ikaw ay hindi makakakaya sa pagtitiis sa akin?”
قَالَ لَا تُؤَاخِذۡنِی بِمَا نَسِیتُ وَلَا تُرۡهِقۡنِی مِنۡ أَمۡرِی عُسۡرࣰا ﴿٧٣﴾
Nagsabi [si Moises]: “Huwag kang magpanagot sa akin sa nakalimutan ko at huwag kang magpabigat sa akin sa nauukol sa akin ng isang pahirap.”
فَٱنطَلَقَا حَتَّىٰۤ إِذَا لَقِیَا غُلَـٰمࣰا فَقَتَلَهُۥ قَالَ أَقَتَلۡتَ نَفۡسࣰا زَكِیَّةَۢ بِغَیۡرِ نَفۡسࣲ لَّقَدۡ جِئۡتَ شَیۡـࣰٔا نُّكۡرࣰا ﴿٧٤﴾
Kaya humayo silang dalawa; hanggang sa nang nakasalubong silang dalawa ng isang batang lalaki ay pinatay niya iyon. Nagsabi [si Moises]: “Pumatay ka ba ng isang kaluluwang busilak nang hindi dahil [sa pagpatay nito] sa isang kaluluwa? Talaga ngang gumawa ka ng isang bagay na pagkasama-sama.”
۞ قَالَ أَلَمۡ أَقُل لَّكَ إِنَّكَ لَن تَسۡتَطِیعَ مَعِیَ صَبۡرࣰا ﴿٧٥﴾
Nagsabi [si Khiḍr]: “Hindi ba nagsabi ako tunay na ikaw ay hindi makakakaya sa akin sa pagtitiis?”
قَالَ إِن سَأَلۡتُكَ عَن شَیۡءِۭ بَعۡدَهَا فَلَا تُصَـٰحِبۡنِیۖ قَدۡ بَلَغۡتَ مِن لَّدُنِّی عُذۡرࣰا ﴿٧٦﴾
Nagsabi [si Moises]: “Kung magtatanong ako sa iyo tungkol sa isang bagay matapos nito ay huwag kang makisama sa akin. Nagtamo ka nga mula sa nasa akin ng isang paumanhin.”
فَٱنطَلَقَا حَتَّىٰۤ إِذَاۤ أَتَیَاۤ أَهۡلَ قَرۡیَةٍ ٱسۡتَطۡعَمَاۤ أَهۡلَهَا فَأَبَوۡاْ أَن یُضَیِّفُوهُمَا فَوَجَدَا فِیهَا جِدَارࣰا یُرِیدُ أَن یَنقَضَّ فَأَقَامَهُۥۖ قَالَ لَوۡ شِئۡتَ لَتَّخَذۡتَ عَلَیۡهِ أَجۡرࣰا ﴿٧٧﴾
Kaya humayo silang dalawa; hanggang sa nang nakapunta silang dalawa sa mga naninirahan sa isang pamayanan ay humingi silang dalawa ng makakain sa mga naninirahan doon ngunit tumanggi ang mga iyon na tumanggap sa kanilang dalawa bilang panauhin, saka nakatagpo silang dalawa roon ng isang pader na napipintong gumuho kaya itinayo niya iyon. Nagsabi [si Moises]: “Kung sakaling niloob mo ay talagang nakakuha ka para roon ng isang upa.”
قَالَ هَـٰذَا فِرَاقُ بَیۡنِی وَبَیۡنِكَۚ سَأُنَبِّئُكَ بِتَأۡوِیلِ مَا لَمۡ تَسۡتَطِع عَّلَیۡهِ صَبۡرًا ﴿٧٨﴾
Nagsabi [si Khiḍr]: “Ito ay ang paghihiwalay sa pagitan natin. Magbabalita ako sa iyo hinggil sa pagpapakahulugan ng hindi ka nakakaya roon ng isang pagtitiis.
أَمَّا ٱلسَّفِینَةُ فَكَانَتۡ لِمَسَـٰكِینَ یَعۡمَلُونَ فِی ٱلۡبَحۡرِ فَأَرَدتُّ أَنۡ أَعِیبَهَا وَكَانَ وَرَاۤءَهُم مَّلِكࣱ یَأۡخُذُ كُلَّ سَفِینَةٍ غَصۡبࣰا ﴿٧٩﴾
Hinggil sa daong, iyon ay pag-aari ng mga dukhang nagtatrabaho sa dagat. Kaya nagnais akong puminsala niyon, sa hulihan nila ay may haring nangunguha ng bawat daong bilang pangingikil.
وَأَمَّا ٱلۡغُلَـٰمُ فَكَانَ أَبَوَاهُ مُؤۡمِنَیۡنِ فَخَشِینَاۤ أَن یُرۡهِقَهُمَا طُغۡیَـٰنࣰا وَكُفۡرࣰا ﴿٨٠﴾
Hinggil sa batang lalaki, ang mga magulang niya ay mga mananampalataya kaya natakot kami na magpabigat siya sa kanilang dalawa ng isang pagmamalabis at isang kawalang-pananampalataya.
فَأَرَدۡنَاۤ أَن یُبۡدِلَهُمَا رَبُّهُمَا خَیۡرࣰا مِّنۡهُ زَكَوٰةࣰ وَأَقۡرَبَ رُحۡمࣰا ﴿٨١﴾
Kaya nagnais kami na magpalit sa kanilang dalawa ang Panginoon nilang dalawa ng isang higit na mabuti kaysa sa kanya sa kadalisayan at higit na malapit sa pagkaawa [sa mga magulang].
وَأَمَّا ٱلۡجِدَارُ فَكَانَ لِغُلَـٰمَیۡنِ یَتِیمَیۡنِ فِی ٱلۡمَدِینَةِ وَكَانَ تَحۡتَهُۥ كَنزࣱ لَّهُمَا وَكَانَ أَبُوهُمَا صَـٰلِحࣰا فَأَرَادَ رَبُّكَ أَن یَبۡلُغَاۤ أَشُدَّهُمَا وَیَسۡتَخۡرِجَا كَنزَهُمَا رَحۡمَةࣰ مِّن رَّبِّكَۚ وَمَا فَعَلۡتُهُۥ عَنۡ أَمۡرِیۚ ذَ ٰلِكَ تَأۡوِیلُ مَا لَمۡ تَسۡطِع عَّلَیۡهِ صَبۡرࣰا ﴿٨٢﴾
Hinggil sa pader, iyon ay pag-aari ng dalawang batang lalaking ulila sa lungsod. Sa ilalim nito ay may kayaman para sa kanilang dalawa. Ang ama nilang dalawa ay matuwid. Kaya nagnais ang Panginoon mo na umabot silang dalawa sa katindihan nilang dalawa at magpalabas silang dalawa ng kayamanan nilang dalawa bilang awa mula sa Panginoon mo. Hindi ako gumawa niyon dala ng pagkukusa ko. Iyon ay ang pagpapakahulugan ng hindi ka nakakaya roon ng isang pagtitiis.”
وَیَسۡـَٔلُونَكَ عَن ذِی ٱلۡقَرۡنَیۡنِۖ قُلۡ سَأَتۡلُواْ عَلَیۡكُم مِّنۡهُ ذِكۡرًا ﴿٨٣﴾
Nagtatanong sila sa iyo tungkol kay Dhulqarnayn. Sabihin mo: “Bibigkas ako sa inyo mula sa kanya ng isang pagbanggit.
إِنَّا مَكَّنَّا لَهُۥ فِی ٱلۡأَرۡضِ وَءَاتَیۡنَـٰهُ مِن كُلِّ شَیۡءࣲ سَبَبࣰا ﴿٨٤﴾
Tunay na Kami ay nagbigay-kapangyarihan para sa kanya sa lupain at nagbigay sa kanya mula sa bawat ng isang daanan.
حَتَّىٰۤ إِذَا بَلَغَ مَغۡرِبَ ٱلشَّمۡسِ وَجَدَهَا تَغۡرُبُ فِی عَیۡنٍ حَمِئَةࣲ وَوَجَدَ عِندَهَا قَوۡمࣰاۖ قُلۡنَا یَـٰذَا ٱلۡقَرۡنَیۡنِ إِمَّاۤ أَن تُعَذِّبَ وَإِمَّاۤ أَن تَتَّخِذَ فِیهِمۡ حُسۡنࣰا ﴿٨٦﴾
hanggang sa nang umabot siya sa lubugan ng araw ay nakatagpo siya rito na [parang] lumulubog sa isang bukal na maburak at nakatagpo siya sa tabi niyon ng mga tao. Nagsabi Kami: O Dhulqarnayn, maaari na magparusa ka at maaari na gumawa ka sa kanila ng isang kagandahan.”
قَالَ أَمَّا مَن ظَلَمَ فَسَوۡفَ نُعَذِّبُهُۥ ثُمَّ یُرَدُّ إِلَىٰ رَبِّهِۦ فَیُعَذِّبُهُۥ عَذَابࣰا نُّكۡرࣰا ﴿٨٧﴾
Nagsabi [si Dhulqarnayn]: “Hinggil sa sinumang lumabag sa katarungan, pagdurusahin namin ito. Pagkatapos isasauli ito sa Panginoon nito saka pagdurusahin Niya ito ng isang pagdurusang pagkasama-sama [sa Impiyerno].
وَأَمَّا مَنۡ ءَامَنَ وَعَمِلَ صَـٰلِحࣰا فَلَهُۥ جَزَاۤءً ٱلۡحُسۡنَىٰۖ وَسَنَقُولُ لَهُۥ مِنۡ أَمۡرِنَا یُسۡرࣰا ﴿٨٨﴾
Hinggil sa sinumang sumampalataya at gumawa ng gawang maayos, ukol dito bilang ganti ang Pinakamaganda. Magsasabi kami rito mula sa utos namin nang magaan.”
حَتَّىٰۤ إِذَا بَلَغَ مَطۡلِعَ ٱلشَّمۡسِ وَجَدَهَا تَطۡلُعُ عَلَىٰ قَوۡمࣲ لَّمۡ نَجۡعَل لَّهُم مِّن دُونِهَا سِتۡرࣰا ﴿٩٠﴾
hanggang sa nang umabot siya sa litawan ng araw ay nakatagpo siya rito na [parang] lumilitaw sa mga taong hindi Kami gumawa para sa kanila laban dito ng isang panakip.
كَذَ ٰلِكَۖ وَقَدۡ أَحَطۡنَا بِمَا لَدَیۡهِ خُبۡرࣰا ﴿٩١﴾
Gayon, at pumaligid nga Kami sa anumang taglay niyang kabatiran.
حَتَّىٰۤ إِذَا بَلَغَ بَیۡنَ ٱلسَّدَّیۡنِ وَجَدَ مِن دُونِهِمَا قَوۡمࣰا لَّا یَكَادُونَ یَفۡقَهُونَ قَوۡلࣰا ﴿٩٣﴾
hanggang sa nang umabot siya sa pagitan ng dalawang bundok ay nakatagpo siya sa paanan ng dalawang ito ng mga taong hindi halos nakauunawa ng sinasabi.
قَالُواْ یَـٰذَا ٱلۡقَرۡنَیۡنِ إِنَّ یَأۡجُوجَ وَمَأۡجُوجَ مُفۡسِدُونَ فِی ٱلۡأَرۡضِ فَهَلۡ نَجۡعَلُ لَكَ خَرۡجًا عَلَىٰۤ أَن تَجۡعَلَ بَیۡنَنَا وَبَیۡنَهُمۡ سَدࣰّا ﴿٩٤﴾
Nagsabi sila: “O Dhulqarnayn, tunay na ang Gog at ang Magog ay mga tagagulo sa lupain. Kaya magtatalaga kaya kami para sa iyo ng isang gugulin para gumawa ka sa pagitan namin at nila ng isang saplad?”
قَالَ مَا مَكَّنِّی فِیهِ رَبِّی خَیۡرࣱ فَأَعِینُونِی بِقُوَّةٍ أَجۡعَلۡ بَیۡنَكُمۡ وَبَیۡنَهُمۡ رَدۡمًا ﴿٩٥﴾
Nasabi [si Dhulqarnayn]: “Ang nagbigay-kapangyarihan sa akin doon ang Panginoon ko ay higit na mabuti [kaysa sa salapi ninyo]; ngunit tulungan ninyo ako ng isang lakas, gagawa ako sa pagitan ninyo at nila ng isang saplad.
ءَاتُونِی زُبَرَ ٱلۡحَدِیدِۖ حَتَّىٰۤ إِذَا سَاوَىٰ بَیۡنَ ٱلصَّدَفَیۡنِ قَالَ ٱنفُخُواْۖ حَتَّىٰۤ إِذَا جَعَلَهُۥ نَارࣰا قَالَ ءَاتُونِیۤ أُفۡرِغۡ عَلَیۡهِ قِطۡرࣰا ﴿٩٦﴾
Magbigay kayo sa akin ng mga kimpal ng bakal.” Hanggang sa nang nagpantay siya sa pagitan ng dalawang bangin ay nagsabi siya: “Umihip kayo.” Hanggang sa nang nakagawa siya rito na apoy ay nagsabi siya: “Magbigay kayo sa akin, magbubuhos ako rito ng lusaw ng tanso.”
فَمَا ٱسۡطَـٰعُوۤاْ أَن یَظۡهَرُوهُ وَمَا ٱسۡتَطَـٰعُواْ لَهُۥ نَقۡبࣰا ﴿٩٧﴾
Kaya hindi sila[305] nakakaya na umakyat roon at hindi sila nakakaya roon ng isang paglagos.
قَالَ هَـٰذَا رَحۡمَةࣱ مِّن رَّبِّیۖ فَإِذَا جَاۤءَ وَعۡدُ رَبِّی جَعَلَهُۥ دَكَّاۤءَۖ وَكَانَ وَعۡدُ رَبِّی حَقࣰّا ﴿٩٨﴾
Nagsabi [si Dhulqarnayn]: “[Ang sagabal na] ito ay isang awa mula sa Panginoon ko; ngunit kapag dumating ang pangako ng Panginoon ko, gagawin Niya itong durog. Laging ang pangako ng Panginoon ko ay totoo.”
۞ وَتَرَكۡنَا بَعۡضَهُمۡ یَوۡمَىِٕذࣲ یَمُوجُ فِی بَعۡضࣲۖ وَنُفِخَ فِی ٱلصُّورِ فَجَمَعۡنَـٰهُمۡ جَمۡعࣰا ﴿٩٩﴾
Mag-iiwan Kami sa iba sa kanila sa araw na iyon na dumadaluyong sa iba pa. Iihip sa tambuli saka magtitipon Kami sa kanila sa isang pagkakatipon.
وَعَرَضۡنَا جَهَنَّمَ یَوۡمَىِٕذࣲ لِّلۡكَـٰفِرِینَ عَرۡضًا ﴿١٠٠﴾
Maglalahad Kami ng Impiyerno sa araw na iyon para sa mga tagatangging sumampalataya sa isang paglalahad.
ٱلَّذِینَ كَانَتۡ أَعۡیُنُهُمۡ فِی غِطَاۤءٍ عَن ذِكۡرِی وَكَانُواْ لَا یَسۡتَطِیعُونَ سَمۡعًا ﴿١٠١﴾
[Sila] ang mga [taong] dati ang mga mata nila ay nasa isang takip palayo sa pag-aalaala sa Akin at sila dati ay hindi nakakakaya ng isang pagdinig.
أَفَحَسِبَ ٱلَّذِینَ كَفَرُوۤاْ أَن یَتَّخِذُواْ عِبَادِی مِن دُونِیۤ أَوۡلِیَاۤءَۚ إِنَّاۤ أَعۡتَدۡنَا جَهَنَّمَ لِلۡكَـٰفِرِینَ نُزُلࣰا ﴿١٠٢﴾
Kaya nag-akala ba ang mga tumangging sumampalataya [kay Allāh] na makagawa sila sa mga alipin Ko bukod pa sa Akin bilang mga katangkilik? Tunay na Kami ay naglaan sa Impiyerno para sa mga tagatangging sumampalataya bilang tuluyan.
قُلۡ هَلۡ نُنَبِّئُكُم بِٱلۡأَخۡسَرِینَ أَعۡمَـٰلًا ﴿١٠٣﴾
Sabihin mo: “Magbabalita kaya kami sa inyo hinggil sa mga pinakalugi sa mga gawain,
ٱلَّذِینَ ضَلَّ سَعۡیُهُمۡ فِی ٱلۡحَیَوٰةِ ٱلدُّنۡیَا وَهُمۡ یَحۡسَبُونَ أَنَّهُمۡ یُحۡسِنُونَ صُنۡعًا ﴿١٠٤﴾
na mga nawala ang pinagsumikapan nila sa buhay na pangmundo habang sila ay nag-aakala na sila ay nagpapaganda sa paggawa?
أُوْلَـٰۤىِٕكَ ٱلَّذِینَ كَفَرُواْ بِـَٔایَـٰتِ رَبِّهِمۡ وَلِقَاۤىِٕهِۦ فَحَبِطَتۡ أَعۡمَـٰلُهُمۡ فَلَا نُقِیمُ لَهُمۡ یَوۡمَ ٱلۡقِیَـٰمَةِ وَزۡنࣰا ﴿١٠٥﴾
Ang mga iyon ay ang mga tumangging sumampalataya sa mga tanda ng Panginoon nila at pakikipagkita sa Kanya kaya nawalang-kabuluhan ang mga gawain nila saka hindi Kami mag-uukol para sa kanila sa Araw ng Pagbangon ng isang timbang.
ذَ ٰلِكَ جَزَاۤؤُهُمۡ جَهَنَّمُ بِمَا كَفَرُواْ وَٱتَّخَذُوۤاْ ءَایَـٰتِی وَرُسُلِی هُزُوًا ﴿١٠٦﴾
Iyon ay ang ganti sa kanila: Impiyerno, dahil tumanggi silang sumampalataya at gumawa sila sa mga tanda Ko at mga sugo Ko bilang pangungutya.
إِنَّ ٱلَّذِینَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّـٰلِحَـٰتِ كَانَتۡ لَهُمۡ جَنَّـٰتُ ٱلۡفِرۡدَوۡسِ نُزُلًا ﴿١٠٧﴾
Tunay na ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ay magiging ukol sa kanila ang mga Hardin ng Firdaws bilang tuluyan,
خَـٰلِدِینَ فِیهَا لَا یَبۡغُونَ عَنۡهَا حِوَلࣰا ﴿١٠٨﴾
bilang mga mananatili sa mga iyon, na hindi sila maghahangad palayo sa mga iyon ng isang paglipat.
قُل لَّوۡ كَانَ ٱلۡبَحۡرُ مِدَادࣰا لِّكَلِمَـٰتِ رَبِّی لَنَفِدَ ٱلۡبَحۡرُ قَبۡلَ أَن تَنفَدَ كَلِمَـٰتُ رَبِّی وَلَوۡ جِئۡنَا بِمِثۡلِهِۦ مَدَدࣰا ﴿١٠٩﴾
Sabihin mo: “Kung sakaling ang dagat ay tinta para sa mga salita ng Panginoon ko, talaga sanang naubos ang dagat bago maubos [isulat] ang mga salita ng Panginoon ko, kahit pa naghatid kami ng tulad nito na tinta.”
قُلۡ إِنَّمَاۤ أَنَا۠ بَشَرࣱ مِّثۡلُكُمۡ یُوحَىٰۤ إِلَیَّ أَنَّمَاۤ إِلَـٰهُكُمۡ إِلَـٰهࣱ وَ ٰحِدࣱۖ فَمَن كَانَ یَرۡجُواْ لِقَاۤءَ رَبِّهِۦ فَلۡیَعۡمَلۡ عَمَلࣰا صَـٰلِحࣰا وَلَا یُشۡرِكۡ بِعِبَادَةِ رَبِّهِۦۤ أَحَدَۢا ﴿١١٠﴾
Sabihin mo: “Ako ay tao lamang tulad ninyo. Ikinakasi sa akin na ang Diyos ninyo ay Diyos na nag-iisa lamang. Kaya ang sinumang naging nag-aasam ng pakikipagkita sa Panginoon niya ay gumawa siya ng gawang maayos at huwag siyang magtambal sa pagsamba sa Panginoon Niya ng isa man.”