Surah Maryam

Listen

Filipino (Tagalog)

Surah Maryam - Aya count 98

كۤهیعۤصۤ ﴿١﴾

Kāf, Hā, Yā, `Ayn, Ṣād.[306]

[306] Ang Qur’ān ay nasa wikang Arabe na binubuo ng mga titiks Arabe gaya ng mga ito subalit walang isa mang nakagawa ng kahit pinkamaiikling kabanata ng mahimalang kababalaghan ng Qur’ān.


Arabic explanations of the Qur’an:

ذِكۡرُ رَحۡمَتِ رَبِّكَ عَبۡدَهُۥ زَكَرِیَّاۤ ﴿٢﴾

[Ito ay] pagbanggit ng awa ng Panginoon mo sa lingkod Niyang si Zacarias


Arabic explanations of the Qur’an:

إِذۡ نَادَىٰ رَبَّهُۥ نِدَاۤءً خَفِیࣰّا ﴿٣﴾

noong nanawagan ang Panginoon niya sa isang panawagang kubli.


Arabic explanations of the Qur’an:

قَالَ رَبِّ إِنِّی وَهَنَ ٱلۡعَظۡمُ مِنِّی وَٱشۡتَعَلَ ٱلرَّأۡسُ شَیۡبࣰا وَلَمۡ أَكُنۢ بِدُعَاۤىِٕكَ رَبِّ شَقِیࣰّا ﴿٤﴾

Nagsabi siya: “Panginoon ko, tunay na ako ay napanghinaan ng mga buto mula sa akin, nagliyab ang ulo sa uban, at hindi naging malumbay sa pagdalangin sa Iyo, Panginoon ko.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَإِنِّی خِفۡتُ ٱلۡمَوَ ٰ⁠لِیَ مِن وَرَاۤءِی وَكَانَتِ ٱمۡرَأَتِی عَاقِرࣰا فَهَبۡ لِی مِن لَّدُنكَ وَلِیࣰّا ﴿٥﴾

Tunay na ako ay nangamba sa mga malapit na kaanak kabilang sa maiiwan ko. Ang maybahay ko naman ay baog. Kaya magkaloob ka sa akin mula sa nasa Iyo ng isang kalapit,


Arabic explanations of the Qur’an:

یَرِثُنِی وَیَرِثُ مِنۡ ءَالِ یَعۡقُوبَۖ وَٱجۡعَلۡهُ رَبِّ رَضِیࣰّا ﴿٦﴾

na magmamana sa akin [ng pagkapropeta] at magmamana [nito] mula sa angkan ni Jacob. Gawin Mo siya, Panginoon ko, na isang lugod.


Arabic explanations of the Qur’an:

یَـٰزَكَرِیَّاۤ إِنَّا نُبَشِّرُكَ بِغُلَـٰمٍ ٱسۡمُهُۥ یَحۡیَىٰ لَمۡ نَجۡعَل لَّهُۥ مِن قَبۡلُ سَمِیࣰّا ﴿٧﴾

[Sinabi sa kanya ng anghel:] “O Zacarias, tunay na Kami ay nagbabalita ng nakagagalak sa iyo hinggil sa isang batang lalaking ang pangalan niya ay Juan. Hindi Kami gumawa para sa kanya bago pa niyan ng isang kapangalan.”


Arabic explanations of the Qur’an:

قَالَ رَبِّ أَنَّىٰ یَكُونُ لِی غُلَـٰمࣱ وَكَانَتِ ٱمۡرَأَتِی عَاقِرࣰا وَقَدۡ بَلَغۡتُ مِنَ ٱلۡكِبَرِ عِتِیࣰّا ﴿٨﴾

Nagsabi [si Zacarias]: “Panginoon ko, paanong magkakaroon ako ng isang batang lalaki samantalang ang maybahay ko ay baog at umabot na ako sa katandaan bilang hukluban?”


Arabic explanations of the Qur’an:

قَالَ كَذَ ٰ⁠لِكَ قَالَ رَبُّكَ هُوَ عَلَیَّ هَیِّنࣱ وَقَدۡ خَلَقۡتُكَ مِن قَبۡلُ وَلَمۡ تَكُ شَیۡـࣰٔا ﴿٩﴾

Nagsabi [ang anghel]: “Gayon nagsabi ang Panginoon mo: Iyon sa Akin ay madali at lumikha nga Ako sa iyo bago pa niyan habang hindi ka pa naging isang bagay.”


Arabic explanations of the Qur’an:

قَالَ رَبِّ ٱجۡعَل لِّیۤ ءَایَةࣰۖ قَالَ ءَایَتُكَ أَلَّا تُكَلِّمَ ٱلنَّاسَ ثَلَـٰثَ لَیَالࣲ سَوِیࣰّا ﴿١٠﴾

Nagsabi [si Zacarias]: “Panginoon ko, gumawa ka para sa akin ng isang tanda.” Nagsabi siya: “Ang tanda mo ay na hindi ka magsalita sa mga tao nang tatlong gabi, gayong malusog.”


Arabic explanations of the Qur’an:

فَخَرَجَ عَلَىٰ قَوۡمِهِۦ مِنَ ٱلۡمِحۡرَابِ فَأَوۡحَىٰۤ إِلَیۡهِمۡ أَن سَبِّحُواْ بُكۡرَةࣰ وَعَشِیࣰّا ﴿١١﴾

Kaya lumabas siya sa mga kalipi niya mula sa dasalan saka nagpahiwatig sa kanila na magluwalhati sila sa umaga at hapon.


Arabic explanations of the Qur’an:

یَـٰیَحۡیَىٰ خُذِ ٱلۡكِتَـٰبَ بِقُوَّةࣲۖ وَءَاتَیۡنَـٰهُ ٱلۡحُكۡمَ صَبِیࣰّا ﴿١٢﴾

[Nagsabi si Allāh:] “O Juan, kunin mo ang kasulatan nang may lakas.” Nagbigay Kami sa kanya ng paghahatol habang isang paslit pa,


Arabic explanations of the Qur’an:

وَحَنَانࣰا مِّن لَّدُنَّا وَزَكَوٰةࣰۖ وَكَانَ تَقِیࣰّا ﴿١٣﴾

ng pagkamadamayin mula sa nasa Amin, at ng kadalisayan. Siya noon ay isang mapangilag magkasala,


Arabic explanations of the Qur’an:

وَبَرَّۢا بِوَ ٰ⁠لِدَیۡهِ وَلَمۡ یَكُن جَبَّارًا عَصِیࣰّا ﴿١٤﴾

isang mabuting-loob sa mga magulang niya, at hindi naging isang palasupil na masuwayin.[307]

[307] sa Panginoon niya at mga magulang niya


Arabic explanations of the Qur’an:

وَسَلَـٰمٌ عَلَیۡهِ یَوۡمَ وُلِدَ وَیَوۡمَ یَمُوتُ وَیَوۡمَ یُبۡعَثُ حَیࣰّا ﴿١٥﴾

Kapayapaan ay sumakanya sa araw na ipinanganak siya, sa araw na mamamatay siya, at sa araw na bubuhayin siyang isang buhay.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَٱذۡكُرۡ فِی ٱلۡكِتَـٰبِ مَرۡیَمَ إِذِ ٱنتَبَذَتۡ مِنۡ أَهۡلِهَا مَكَانࣰا شَرۡقِیࣰّا ﴿١٦﴾

Banggitin mo sa Aklat[308] si Maria noong nagpakalayu-layo siya mula sa mag-anak niya sa isang pook na silanganin.

[308] Ibig sabihin: ang Qur’an.


Arabic explanations of the Qur’an:

فَٱتَّخَذَتۡ مِن دُونِهِمۡ حِجَابࣰا فَأَرۡسَلۡنَاۤ إِلَیۡهَا رُوحَنَا فَتَمَثَّلَ لَهَا بَشَرࣰا سَوِیࣰّا ﴿١٧﴾

Saka gumawa siya, sa pagbukod sa kanila, ng isang lambong, saka nagsugo Kami sa kanya ng Espiritu[309] Namin, saka nag-anyo ito sa kanya bilang taong lubos.

[309] Ibig sabihin: si Anghel Gabriel.


Arabic explanations of the Qur’an:

قَالَتۡ إِنِّیۤ أَعُوذُ بِٱلرَّحۡمَـٰنِ مِنكَ إِن كُنتَ تَقِیࣰّا ﴿١٨﴾

Nagsabi [si Maria]: “Tunay na ako ay nagpapakupkop sa Napakamaawain laban sa iyo; [lumayo ka,] kung ikaw ay isang mapangilag magkasala.”


Arabic explanations of the Qur’an:

قَالَ إِنَّمَاۤ أَنَا۠ رَسُولُ رَبِّكِ لِأَهَبَ لَكِ غُلَـٰمࣰا زَكِیࣰّا ﴿١٩﴾

Nagsabi [si Gabriel]: “Ako ay sugo ng Panginoon mo lamang upang maghandog ako sa iyo ng isang batang lalaking busilak.”


Arabic explanations of the Qur’an:

قَالَتۡ أَنَّىٰ یَكُونُ لِی غُلَـٰمࣱ وَلَمۡ یَمۡسَسۡنِی بَشَرࣱ وَلَمۡ أَكُ بَغِیࣰّا ﴿٢٠﴾

Nagsabi [si Maria]: “Paanong magkakaroon ako ng isang batang lalaki samantalang walang sumaling sa akin na isang lalaki at hindi ako naging isang mapakiapid?”


Arabic explanations of the Qur’an:

قَالَ كَذَ ٰ⁠لِكِ قَالَ رَبُّكِ هُوَ عَلَیَّ هَیِّنࣱۖ وَلِنَجۡعَلَهُۥۤ ءَایَةࣰ لِّلنَّاسِ وَرَحۡمَةࣰ مِّنَّاۚ وَكَانَ أَمۡرࣰا مَّقۡضِیࣰّا ﴿٢١﴾

Nagsabi [si Gabriel]: “Gayon nagsabi ang Panginoon mo: Ito sa Akin ay madali, at upang gumawa Kami sa kanya bilang tanda para sa mga tao at bilang awa mula sa Amin. Ito ay naging isang bagay na naitadhana.”


Arabic explanations of the Qur’an:

۞ فَحَمَلَتۡهُ فَٱنتَبَذَتۡ بِهِۦ مَكَانࣰا قَصِیࣰّا ﴿٢٢﴾

Kaya nagdalang-tao siya nito at nagpakalayu-layo siya kasama nito sa isang pook na liblib.


Arabic explanations of the Qur’an:

فَأَجَاۤءَهَا ٱلۡمَخَاضُ إِلَىٰ جِذۡعِ ٱلنَّخۡلَةِ قَالَتۡ یَـٰلَیۡتَنِی مِتُّ قَبۡلَ هَـٰذَا وَكُنتُ نَسۡیࣰا مَّنسِیࣰّا ﴿٢٣﴾

Saka nagpapunta sa kanya ang sakit ng panganganak tungo sa katawan ng punong datiles. Nagsabi siya: “O sana ako ay namatay bago nito at naging isang limot na kinalimutan.”


Arabic explanations of the Qur’an:

فَنَادَىٰهَا مِن تَحۡتِهَاۤ أَلَّا تَحۡزَنِی قَدۡ جَعَلَ رَبُّكِ تَحۡتَكِ سَرِیࣰّا ﴿٢٤﴾

Saka may nanawagan[310] sa kanya mula sa ilalim niya: “Huwag kang malungkot; naglagay nga ang Panginoon mo sa ilalim mo ng isang batis.

[310] si Anghel Gabriel o si Jesus na nasa sinapupuna pa


Arabic explanations of the Qur’an:

وَهُزِّیۤ إِلَیۡكِ بِجِذۡعِ ٱلنَّخۡلَةِ تُسَـٰقِطۡ عَلَیۡكِ رُطَبࣰا جَنِیࣰّا ﴿٢٥﴾

Yumugyog ka patungo sa iyo sa katawan ng punong datiles, may maglalaglagan sa iyo na mga hinog na datiles na sariwa.


Arabic explanations of the Qur’an:

فَكُلِی وَٱشۡرَبِی وَقَرِّی عَیۡنࣰاۖ فَإِمَّا تَرَیِنَّ مِنَ ٱلۡبَشَرِ أَحَدࣰا فَقُولِیۤ إِنِّی نَذَرۡتُ لِلرَّحۡمَـٰنِ صَوۡمࣰا فَلَنۡ أُكَلِّمَ ٱلۡیَوۡمَ إِنسِیࣰّا ﴿٢٦﴾

Kaya kumain ka, uminom ka, at magalak ka. Saka kung makakikita ka nga naman kabilang sa mga tao ng isa man ay sabihin mo: Tunay na Ako ay namanata para sa Napakamaawain ng isang pananahimik kaya hindi ako mangungusap ngayong araw sa isang tao.”


Arabic explanations of the Qur’an:

فَأَتَتۡ بِهِۦ قَوۡمَهَا تَحۡمِلُهُۥۖ قَالُواْ یَـٰمَرۡیَمُ لَقَدۡ جِئۡتِ شَیۡـࣰٔا فَرِیࣰّا ﴿٢٧﴾

Saka nagdala siya nito sa mga kalipi niya habang kinakarga ito. Nagsabi sila: “O Maria, talaga ngang nagdala ka ng isang bagay na mapanirang-puri!


Arabic explanations of the Qur’an:

یَـٰۤأُخۡتَ هَـٰرُونَ مَا كَانَ أَبُوكِ ٱمۡرَأَ سَوۡءࣲ وَمَا كَانَتۡ أُمُّكِ بَغِیࣰّا ﴿٢٨﴾

O kapatid ni Aaron, ang ama mo ay hindi naging isang lalaki ng kasagwaan at ang ina mo ay hindi naging isang mapakiapid.”


Arabic explanations of the Qur’an:

فَأَشَارَتۡ إِلَیۡهِۖ قَالُواْ كَیۡفَ نُكَلِّمُ مَن كَانَ فِی ٱلۡمَهۡدِ صَبِیࣰّا ﴿٢٩﴾

Kaya tumuro siya rito. Nagsabi sila: “Papaano kaming mangungusap sa sinumang nasa lampin na isang paslit?”


Arabic explanations of the Qur’an:

قَالَ إِنِّی عَبۡدُ ٱللَّهِ ءَاتَىٰنِیَ ٱلۡكِتَـٰبَ وَجَعَلَنِی نَبِیࣰّا ﴿٣٠﴾

Nagsabi [si Jesus]: “Tunay na ako ay alipin ni Allāh. Nagbigay Siya sa akin ng Kasulatan at gumawa Siya sa akin bilang propeta.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَجَعَلَنِی مُبَارَكًا أَیۡنَ مَا كُنتُ وَأَوۡصَـٰنِی بِٱلصَّلَوٰةِ وَٱلزَّكَوٰةِ مَا دُمۡتُ حَیࣰّا ﴿٣١﴾

Gumawa Siya sa akin bilang pinagpala saan man ako naroon at nagsatagubilin Siya sa akin ng pagdarasal at pagkakawanggawa hanggat nananatili akong buhay.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَبَرَّۢا بِوَ ٰ⁠لِدَتِی وَلَمۡ یَجۡعَلۡنِی جَبَّارࣰا شَقِیࣰّا ﴿٣٢﴾

[Gumawa Siya sa akin] bilang mabuting-loob sa ina ko, at hindi Siya gumawa sa akin bilang palasupil na malumbay.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَٱلسَّلَـٰمُ عَلَیَّ یَوۡمَ وُلِدتُّ وَیَوۡمَ أَمُوتُ وَیَوۡمَ أُبۡعَثُ حَیࣰّا ﴿٣٣﴾

Ang kapayapaan ay sumaakin sa araw na ipinanganak ako, sa araw na mamamatay ako, at sa araw na bubuhayin ako bilang buhay [sa Araw ng Pagbangon].”


Arabic explanations of the Qur’an:

ذَ ٰ⁠لِكَ عِیسَى ٱبۡنُ مَرۡیَمَۖ قَوۡلَ ٱلۡحَقِّ ٱلَّذِی فِیهِ یَمۡتَرُونَ ﴿٣٤﴾

Iyon si Jesus na anak ni Maria, bilang pagsasabi ng katotohanan na kaugnay sa kanya ay nagtataltalan sila.


Arabic explanations of the Qur’an:

مَا كَانَ لِلَّهِ أَن یَتَّخِذَ مِن وَلَدࣲۖ سُبۡحَـٰنَهُۥۤۚ إِذَا قَضَىٰۤ أَمۡرࣰا فَإِنَّمَا یَقُولُ لَهُۥ كُن فَیَكُونُ ﴿٣٥﴾

Hindi nangyaring ukol kay Allāh na gumawa Siya ng anumang anak – kaluwalhatian sa Kanya! Kapag nagtadhana Siya ng isang bagay ay nagsasabi lamang Siya rito na mangyari saka mangyayari ito.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَإِنَّ ٱللَّهَ رَبِّی وَرَبُّكُمۡ فَٱعۡبُدُوهُۚ هَـٰذَا صِرَ ٰ⁠طࣱ مُّسۡتَقِیمࣱ ﴿٣٦﴾

[Nagsabi si Jesus:] “Tunay na si Allāh ay Panginoon ko at Panginoon ninyo kaya sumamba kayo sa Kanya; ito ay isang landasing tuwid.”


Arabic explanations of the Qur’an:

فَٱخۡتَلَفَ ٱلۡأَحۡزَابُ مِنۢ بَیۡنِهِمۡۖ فَوَیۡلࣱ لِّلَّذِینَ كَفَرُواْ مِن مَّشۡهَدِ یَوۡمٍ عَظِیمٍ ﴿٣٧﴾

Ngunit nagkaiba-iba ang mga lapian sa gitna nila kaya kapighatian ay ukol sa mga tumangging sumampalataya, mula sa isang masasaksihan sa isang araw na sukdulan.


Arabic explanations of the Qur’an:

أَسۡمِعۡ بِهِمۡ وَأَبۡصِرۡ یَوۡمَ یَأۡتُونَنَاۖ لَـٰكِنِ ٱلظَّـٰلِمُونَ ٱلۡیَوۡمَ فِی ضَلَـٰلࣲ مُّبِینࣲ ﴿٣٨﴾

Kay husay ng pagkarinig nila at kay husay ng pagkakita sa Araw [ng Pagbangon] na pupunta sila sa Amin, subalit ang mga tagalabag sa katarungan sa araw na ito ay nasa isang pagkaligaw na malinaw.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَأَنذِرۡهُمۡ یَوۡمَ ٱلۡحَسۡرَةِ إِذۡ قُضِیَ ٱلۡأَمۡرُ وَهُمۡ فِی غَفۡلَةࣲ وَهُمۡ لَا یُؤۡمِنُونَ ﴿٣٩﴾

Magbabala ka sa kanila ng Araw ng Panghihinayang kapag napagpasyahan ang usapin habang sila ay nasa isang pagkalingat habang sila ay hindi sumasampalataya.


Arabic explanations of the Qur’an:

إِنَّا نَحۡنُ نَرِثُ ٱلۡأَرۡضَ وَمَنۡ عَلَیۡهَا وَإِلَیۡنَا یُرۡجَعُونَ ﴿٤٠﴾

Tunay na Kami ay magmamana ng lupa at ng sinumang nasa ibabaw nito, at tungo sa Amin sila pababalikin.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَٱذۡكُرۡ فِی ٱلۡكِتَـٰبِ إِبۡرَ ٰ⁠هِیمَۚ إِنَّهُۥ كَانَ صِدِّیقࣰا نَّبِیًّا ﴿٤١﴾

Banggitin mo sa Aklat[311] si Abraham. Tunay na siya noon ay isang napakatapat, isang propeta [mula sa ganang kay Allāh].

[311] Ibig sabihin: ang Qur’an.


Arabic explanations of the Qur’an:

إِذۡ قَالَ لِأَبِیهِ یَـٰۤأَبَتِ لِمَ تَعۡبُدُ مَا لَا یَسۡمَعُ وَلَا یُبۡصِرُ وَلَا یُغۡنِی عَنكَ شَیۡـࣰٔا ﴿٤٢﴾

[Banggitin] noong nagsabi siya sa ama niya: “O ama ko, bakit ka sumasamba sa hindi nakaririnig, hindi nakakikita, at hindi nagdudulot sa iyo ng anuman?


Arabic explanations of the Qur’an:

یَـٰۤأَبَتِ إِنِّی قَدۡ جَاۤءَنِی مِنَ ٱلۡعِلۡمِ مَا لَمۡ یَأۡتِكَ فَٱتَّبِعۡنِیۤ أَهۡدِكَ صِرَ ٰ⁠طࣰا سَوِیࣰّا ﴿٤٣﴾

O ama ko, tunay na ako ay dinatnan nga ng kaalamang hindi pumunta sa iyo; kaya sumunod ka sa akin, magpapatnubay ako sa iyo sa isang landasing patag.


Arabic explanations of the Qur’an:

یَـٰۤأَبَتِ لَا تَعۡبُدِ ٱلشَّیۡطَـٰنَۖ إِنَّ ٱلشَّیۡطَـٰنَ كَانَ لِلرَّحۡمَـٰنِ عَصِیࣰّا ﴿٤٤﴾

O ama ko, huwag kang sumamba sa demonyo; tunay na ang demonyo laging para sa Napakamaawain ay isang masuwayin.


Arabic explanations of the Qur’an:

یَـٰۤأَبَتِ إِنِّیۤ أَخَافُ أَن یَمَسَّكَ عَذَابࣱ مِّنَ ٱلرَّحۡمَـٰنِ فَتَكُونَ لِلشَّیۡطَـٰنِ وَلِیࣰّا ﴿٤٥﴾

O ama ko, tunay na ako ay nangangamba na salingin ka ng isang pagdurusa mula sa Napakamaawain para ikaw para sa demonyo ay maging isang katangkilik.”


Arabic explanations of the Qur’an:

قَالَ أَرَاغِبٌ أَنتَ عَنۡ ءَالِهَتِی یَـٰۤإِبۡرَ ٰ⁠هِیمُۖ لَىِٕن لَّمۡ تَنتَهِ لَأَرۡجُمَنَّكَۖ وَٱهۡجُرۡنِی مَلِیࣰّا ﴿٤٦﴾

Nagsabi ito: “Tumututol ka ba sa mga [anitong] diyos ko, O Abraham? Talagang kung hindi ka titigil ay talagang mambabato nga ako sa iyo, kaya umiwas ka sa akin nang matagal.”


Arabic explanations of the Qur’an:

قَالَ سَلَـٰمٌ عَلَیۡكَۖ سَأَسۡتَغۡفِرُ لَكَ رَبِّیۤۖ إِنَّهُۥ كَانَ بِی حَفِیࣰّا ﴿٤٧﴾

Nagsabi [si Abraham]: “Kapayapaan ay sumaiyo! Hihingi ako ng tawad para sa iyo sa Panginoon ko. Tunay na Siya laging sa akin ay Magiliw.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَأَعۡتَزِلُكُمۡ وَمَا تَدۡعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ وَأَدۡعُواْ رَبِّی عَسَىٰۤ أَلَّاۤ أَكُونَ بِدُعَاۤءِ رَبِّی شَقِیࣰّا ﴿٤٨﴾

Hihiwalay ako sa inyo at sa anumang [anitong] dinadalanginan ninyo bukod pa kay Allāh at dadalangin ako sa Panginoon ko; marahil hindi ako, sa pagdalangin sa Panginoon ko, maging isang malumbay.”


Arabic explanations of the Qur’an:

فَلَمَّا ٱعۡتَزَلَهُمۡ وَمَا یَعۡبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ وَهَبۡنَا لَهُۥۤ إِسۡحَـٰقَ وَیَعۡقُوبَۖ وَكُلࣰّا جَعَلۡنَا نَبِیࣰّا ﴿٤٩﴾

Kaya noong humiwalay siya sa kanila at sa anumang sinasamba nila bukod pa kay Allāh ay ipinagkaloob para sa kanya sina Isaac at Jacob. Bawat isa ay ginawa Naming propeta.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَوَهَبۡنَا لَهُم مِّن رَّحۡمَتِنَا وَجَعَلۡنَا لَهُمۡ لِسَانَ صِدۡقٍ عَلِیࣰّا ﴿٥٠﴾

Nagkaloob Kami para sa kanila mula sa awa Namin at gumawa Kami para sa kanila ng isang mataas na pagbanggit ng kagandahan.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَٱذۡكُرۡ فِی ٱلۡكِتَـٰبِ مُوسَىٰۤۚ إِنَّهُۥ كَانَ مُخۡلَصࣰا وَكَانَ رَسُولࣰا نَّبِیࣰّا ﴿٥١﴾

Banggitin mo sa Aklat[312] si Moises. Tunay na siya noon ay isang itinangi at naging isang sugong propeta.

[312] Ibig sabihin: ang Qur’an.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَنَـٰدَیۡنَـٰهُ مِن جَانِبِ ٱلطُّورِ ٱلۡأَیۡمَنِ وَقَرَّبۡنَـٰهُ نَجِیࣰّا ﴿٥٢﴾

Nanawagan Kami sa kanya mula sa gilid ng bundok sa kanan [niya] at nagpalapit Kami sa kanya, na nakikipagtapatan.[313]

[313] kaya naparinig Kami sa kanya ng salita Namin


Arabic explanations of the Qur’an:

وَوَهَبۡنَا لَهُۥ مِن رَّحۡمَتِنَاۤ أَخَاهُ هَـٰرُونَ نَبِیࣰّا ﴿٥٣﴾

Nagkaloob Kami sa kanya mula sa awa Namin ng kapatid niyang si Aaron bilang propeta.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَٱذۡكُرۡ فِی ٱلۡكِتَـٰبِ إِسۡمَـٰعِیلَۚ إِنَّهُۥ كَانَ صَادِقَ ٱلۡوَعۡدِ وَكَانَ رَسُولࣰا نَّبِیࣰّا ﴿٥٤﴾

Banggitin mo sa Aklat[314] si Ismael. Tunay na siya noon ay tapat sa pangako‌ at naging isang sugong propeta.

[314] Ibig sabihin: ang Qur’an.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَكَانَ یَأۡمُرُ أَهۡلَهُۥ بِٱلصَّلَوٰةِ وَٱلزَّكَوٰةِ وَكَانَ عِندَ رَبِّهِۦ مَرۡضِیࣰّا ﴿٥٥﴾

Siya noon ay nag-uutos sa mag-anak niya ng pagdarasal at pagkakawanggawa at siya noon sa ganang Panginoon niya ay isang kinalulugdan.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَٱذۡكُرۡ فِی ٱلۡكِتَـٰبِ إِدۡرِیسَۚ إِنَّهُۥ كَانَ صِدِّیقࣰا نَّبِیࣰّا ﴿٥٦﴾

Banggitin mo sa Aklat[315] si Enoc. Tunay na siya noon ay isang napakatapat, isang propeta.

[315] Ibig sabihin: ang Qur’an.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَرَفَعۡنَـٰهُ مَكَانًا عَلِیًّا ﴿٥٧﴾

Nag-angat Kami sa kanya sa isang pook na mataas.


Arabic explanations of the Qur’an:

أُوْلَـٰۤىِٕكَ ٱلَّذِینَ أَنۡعَمَ ٱللَّهُ عَلَیۡهِم مِّنَ ٱلنَّبِیِّـۧنَ مِن ذُرِّیَّةِ ءَادَمَ وَمِمَّنۡ حَمَلۡنَا مَعَ نُوحࣲ وَمِن ذُرِّیَّةِ إِبۡرَ ٰ⁠هِیمَ وَإِسۡرَ ٰ⁠ۤءِیلَ وَمِمَّنۡ هَدَیۡنَا وَٱجۡتَبَیۡنَاۤۚ إِذَا تُتۡلَىٰ عَلَیۡهِمۡ ءَایَـٰتُ ٱلرَّحۡمَـٰنِ خَرُّواْ سُجَّدࣰا وَبُكِیࣰّا ۩ ﴿٥٨﴾

Ang mga iyon ay ang mga nagbibiyaya si Allāh sa kanila kabilang sa mga propeta kabilang sa mga supling ni Adan, kabilang sa dinala Namin [sa daong] kasama kay Noe, kabilang sa mga supling ni Abraham at ni Israel, at kabilang sa sinumang pinatnubayan Namin at hinirang Namin. Kapag binibigkas sa kanila ang mga tanda ng Napakamaawain ay sumubsob sila na mga nakapatirapa, na mga umiiyak.


Arabic explanations of the Qur’an:

۞ فَخَلَفَ مِنۢ بَعۡدِهِمۡ خَلۡفٌ أَضَاعُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَٱتَّبَعُواْ ٱلشَّهَوَ ٰ⁠تِۖ فَسَوۡفَ یَلۡقَوۡنَ غَیًّا ﴿٥٩﴾

Saka may humalili matapos na nila, na mga kahalili na nagwalang-bahala sa pagdarasal at sumunod sa mga nasa, kaya magkikita sila ng isang pagkalisya,


Arabic explanations of the Qur’an:

إِلَّا مَن تَابَ وَءَامَنَ وَعَمِلَ صَـٰلِحࣰا فَأُوْلَـٰۤىِٕكَ یَدۡخُلُونَ ٱلۡجَنَّةَ وَلَا یُظۡلَمُونَ شَیۡـࣰٔا ﴿٦٠﴾

maliban sa sinumang nagbalik-loob, sumampalataya, at gumawa ng maayos sapagkat ang mga iyon ay papasok sa Paraiso at hindi sila lalabagin sa katarungan sa anuman.


Arabic explanations of the Qur’an:

جَنَّـٰتِ عَدۡنٍ ٱلَّتِی وَعَدَ ٱلرَّحۡمَـٰنُ عِبَادَهُۥ بِٱلۡغَیۡبِۚ إِنَّهُۥ كَانَ وَعۡدُهُۥ مَأۡتِیࣰّا ﴿٦١﴾

[Papasok sila] sa mga Hardin ng Eden na ipinangako ng Napakamaawain sa mga lingkod Niya sa nakalingid. Tunay na laging ang pangako Niya ay darating.


Arabic explanations of the Qur’an:

لَّا یَسۡمَعُونَ فِیهَا لَغۡوًا إِلَّا سَلَـٰمࣰاۖ وَلَهُمۡ رِزۡقُهُمۡ فِیهَا بُكۡرَةࣰ وَعَشِیࣰّا ﴿٦٢﴾

Hindi sila makaririnig sa mga iyon ng kabalbalan maliban sa kapayapaan. Ukol sa kanila ang panustos nila sa mga iyon sa umaga at sa hapon [ayon sa ninanasa nila].


Arabic explanations of the Qur’an:

تِلۡكَ ٱلۡجَنَّةُ ٱلَّتِی نُورِثُ مِنۡ عِبَادِنَا مَن كَانَ تَقِیࣰّا ﴿٦٣﴾

Iyon ay ang Paraiso na ipamamana Namin sa kabilang sa mga lingkod Namin na naging mapangilaging magkasala.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَمَا نَتَنَزَّلُ إِلَّا بِأَمۡرِ رَبِّكَۖ لَهُۥ مَا بَیۡنَ أَیۡدِینَا وَمَا خَلۡفَنَا وَمَا بَیۡنَ ذَ ٰ⁠لِكَۚ وَمَا كَانَ رَبُّكَ نَسِیࣰّا ﴿٦٤﴾

[Sabihin mo, O Anghel Gabriel:] “Hindi kami nagbababaan kundi ayon sa utos ng Panginoon mo. Sa Kanya ang nasa pagitan ng mga kamay namin at ang nasa likuran namin at ang nasa pagitan niyon. Laging ang Panginoon mo ay hindi malilimutin.


Arabic explanations of the Qur’an:

رَّبُّ ٱلسَّمَـٰوَ ٰ⁠تِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَیۡنَهُمَا فَٱعۡبُدۡهُ وَٱصۡطَبِرۡ لِعِبَـٰدَتِهِۦۚ هَلۡ تَعۡلَمُ لَهُۥ سَمِیࣰّا ﴿٦٥﴾

Ang Panginoon ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito, kaya sumamba ka sa Kanya at magpakamatiisin ka para sa pagsamba sa Kanya. Nakaaalam ka kaya para sa Kanya ng isang kapangalan?”


Arabic explanations of the Qur’an:

وَیَقُولُ ٱلۡإِنسَـٰنُ أَءِذَا مَا مِتُّ لَسَوۡفَ أُخۡرَجُ حَیًّا ﴿٦٦﴾

Magsasabi ang tao [na tagatangging sumampalataya]: “Kapag namatay ba ako ay talagang ilalabas akong buhay?”


Arabic explanations of the Qur’an:

أَوَلَا یَذۡكُرُ ٱلۡإِنسَـٰنُ أَنَّا خَلَقۡنَـٰهُ مِن قَبۡلُ وَلَمۡ یَكُ شَیۡـࣰٔا ﴿٦٧﴾

Hindi ba nakaaalaala ang tao na Kami ay lumikha sa kanya bago pa niyan, samantalang hindi siya dati isang bagay?


Arabic explanations of the Qur’an:

فَوَرَبِّكَ لَنَحۡشُرَنَّهُمۡ وَٱلشَّیَـٰطِینَ ثُمَّ لَنُحۡضِرَنَّهُمۡ حَوۡلَ جَهَنَّمَ جِثِیࣰّا ﴿٦٨﴾

Kaya sumpa man sa Panginoon mo, talagang kakalap nga Kami sa kanila at sa mga demonyo. Pagkatapos talagang magpapadalo nga Kami sa kanila sa paligid ng Impiyerno na nakaluhod.


Arabic explanations of the Qur’an:

ثُمَّ لَنَنزِعَنَّ مِن كُلِّ شِیعَةٍ أَیُّهُمۡ أَشَدُّ عَلَى ٱلرَّحۡمَـٰنِ عِتِیࣰّا ﴿٦٩﴾

Pagkatapos talagang huhugot nga Kami mula sa bawat kampihan ng alin sa kanila na pinakamatindi laban sa Napakamaawain sa pagkasutil.


Arabic explanations of the Qur’an:

ثُمَّ لَنَحۡنُ أَعۡلَمُ بِٱلَّذِینَ هُمۡ أَوۡلَىٰ بِهَا صِلِیࣰّا ﴿٧٠﴾

Pagkatapos talagang Kami ay higit na maalam sa mga higit na naaangkop doon sa pagsunog.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَإِن مِّنكُمۡ إِلَّا وَارِدُهَاۚ كَانَ عَلَىٰ رَبِّكَ حَتۡمࣰا مَّقۡضِیࣰّا ﴿٧١﴾

Walang kabilang sa inyo malibang sasapit doon. Laging ito sa Panginoon mo ay isang kapasyahang itinadhana.


Arabic explanations of the Qur’an:

ثُمَّ نُنَجِّی ٱلَّذِینَ ٱتَّقَواْ وَّنَذَرُ ٱلظَّـٰلِمِینَ فِیهَا جِثِیࣰّا ﴿٧٢﴾

Pagkatapos magliligtas Kami sa mga nangilag magkasala at mag-iiwan Kami sa mga tagalabag sa katarungan doon na nakaluhod.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَإِذَا تُتۡلَىٰ عَلَیۡهِمۡ ءَایَـٰتُنَا بَیِّنَـٰتࣲ قَالَ ٱلَّذِینَ كَفَرُواْ لِلَّذِینَ ءَامَنُوۤاْ أَیُّ ٱلۡفَرِیقَیۡنِ خَیۡرࣱ مَّقَامࣰا وَأَحۡسَنُ نَدِیࣰّا ﴿٧٣﴾

Kapag binibigkas sa kanila ang mga tanda Namin bilang mga malinaw na patunay ay nagsasabi ang mga tumangging sumampalataya sa mga sumampalataya: “Alin sa dalawang pangkat [natin] ang higit na mabuti sa katayuan at ang higit na maganda sa kapisanan?”


Arabic explanations of the Qur’an:

وَكَمۡ أَهۡلَكۡنَا قَبۡلَهُم مِّن قَرۡنٍ هُمۡ أَحۡسَنُ أَثَـٰثࣰا وَرِءۡیࣰا ﴿٧٤﴾

Kay rami ng ipinahamak Namin bago nila na [makasalanang] salinlahi na higit na maganda sa ari-arian at anyong nakikita!


Arabic explanations of the Qur’an:

قُلۡ مَن كَانَ فِی ٱلضَّلَـٰلَةِ فَلۡیَمۡدُدۡ لَهُ ٱلرَّحۡمَـٰنُ مَدًّاۚ حَتَّىٰۤ إِذَا رَأَوۡاْ مَا یُوعَدُونَ إِمَّا ٱلۡعَذَابَ وَإِمَّا ٱلسَّاعَةَ فَسَیَعۡلَمُونَ مَنۡ هُوَ شَرࣱّ مَّكَانࣰا وَأَضۡعَفُ جُندࣰا ﴿٧٥﴾

Sabihin mo: “Ang sinumang nasa kaligawan ay magpapalawig para sa kanya ang Napakamaawain ng isang pagpapalawig; hanggang sa nang nakita nila ang ipinangangako sa kanila na maaaring ang pagdurusa [sa Mundo] at maaaring ang [pagdurusa sa] Huling Sandali ay makaaalam sila sa kung sino ang higit na masama sa kalagayan at higit na mahina sa hukbo.”


Arabic explanations of the Qur’an:

وَیَزِیدُ ٱللَّهُ ٱلَّذِینَ ٱهۡتَدَوۡاْ هُدࣰىۗ وَٱلۡبَـٰقِیَـٰتُ ٱلصَّـٰلِحَـٰتُ خَیۡرٌ عِندَ رَبِّكَ ثَوَابࣰا وَخَیۡرࣱ مَّرَدًّا ﴿٧٦﴾

Nagdaragdag si Allāh sa mga napatnubayan ng patnubay. Ang mga nananatiling maayos na gawa ay higit na mabuti sa ganang Panginoon ninyo sa gantimpala at higit na mabuti sa kauuwian.


Arabic explanations of the Qur’an:

أَفَرَءَیۡتَ ٱلَّذِی كَفَرَ بِـَٔایَـٰتِنَا وَقَالَ لَأُوتَیَنَّ مَالࣰا وَوَلَدًا ﴿٧٧﴾

Saka nakita mo ba ang tumangging sumampalataya sa mga tanda Namin? Nagsabi siya: “Talagang magbibigay nga sa akin ng yaman at anak?”


Arabic explanations of the Qur’an:

أَطَّلَعَ ٱلۡغَیۡبَ أَمِ ٱتَّخَذَ عِندَ ٱلرَّحۡمَـٰنِ عَهۡدࣰا ﴿٧٨﴾

Nakabatid ba siya sa nakalingid o nakagawa siya sa ganang Napakamaawain ng isang kasunduan?


Arabic explanations of the Qur’an:

كَلَّاۚ سَنَكۡتُبُ مَا یَقُولُ وَنَمُدُّ لَهُۥ مِنَ ٱلۡعَذَابِ مَدࣰّا ﴿٧٩﴾

Aba’y hindi! Magsusulat Kami ng sinasabi niya at magpapalawig Kami para sa kanya ng pagdurusa sa isang pagpapalawig [sa Kabilang-buhay].


Arabic explanations of the Qur’an:

وَنَرِثُهُۥ مَا یَقُولُ وَیَأۡتِینَا فَرۡدࣰا ﴿٨٠﴾

Magmamana Kami sa kanya ng sinasabi niya at pupunta siya sa Amin nang bukod.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَٱتَّخَذُواْ مِن دُونِ ٱللَّهِ ءَالِهَةࣰ لِّیَكُونُواْ لَهُمۡ عِزࣰّا ﴿٨١﴾

Gumawa sila sa bukod pa kay Allāh bilang mga diyos upang magkaroon sila ng isang dangal.


Arabic explanations of the Qur’an:

كَلَّاۚ سَیَكۡفُرُونَ بِعِبَادَتِهِمۡ وَیَكُونُونَ عَلَیۡهِمۡ ضِدًّا ﴿٨٢﴾

Aba’y hindi! Magkakaila ang mga ito sa pagsamba nila at ang mga ito laban sa kanila ay magiging katunggali.


Arabic explanations of the Qur’an:

أَلَمۡ تَرَ أَنَّاۤ أَرۡسَلۡنَا ٱلشَّیَـٰطِینَ عَلَى ٱلۡكَـٰفِرِینَ تَؤُزُّهُمۡ أَزࣰّا ﴿٨٣﴾

Hindi ka ba nakakita na Kami ay nagsugo sa mga demonyo sa mga tagatangging sumampalataya, na nanunulsol sa kanila sa isang panunulsol?


Arabic explanations of the Qur’an:

فَلَا تَعۡجَلۡ عَلَیۡهِمۡۖ إِنَّمَا نَعُدُّ لَهُمۡ عَدࣰّا ﴿٨٤﴾

Kaya huwag kang magmabilis sa kanila; nagbibilang lamang Kami para sa kanila ng isang pagbilang.


Arabic explanations of the Qur’an:

یَوۡمَ نَحۡشُرُ ٱلۡمُتَّقِینَ إِلَى ٱلرَّحۡمَـٰنِ وَفۡدࣰا ﴿٨٥﴾

Sa Araw na kakalap sa mga tagapangilag magkasala patungo sa Napakamaawain sa isang delegasyon.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَنَسُوقُ ٱلۡمُجۡرِمِینَ إِلَىٰ جَهَنَّمَ وِرۡدࣰا ﴿٨٦﴾

Maghahatid Kami sa mga salarin tungo sa Impiyerno sa isang pagkauhaw.


Arabic explanations of the Qur’an:

لَّا یَمۡلِكُونَ ٱلشَّفَـٰعَةَ إِلَّا مَنِ ٱتَّخَذَ عِندَ ٱلرَّحۡمَـٰنِ عَهۡدࣰا ﴿٨٧﴾

Hindi sila makapagdudulot ng Pamamagitan maliban sa sinumang gumawa sa ganang Napakamaawain ng isang kasunduan.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَقَالُواْ ٱتَّخَذَ ٱلرَّحۡمَـٰنُ وَلَدࣰا ﴿٨٨﴾

Nagsabi sila: “Gumawa ang Napakamaawain ng isang anak.”


Arabic explanations of the Qur’an:

لَّقَدۡ جِئۡتُمۡ شَیۡـًٔا إِدࣰّا ﴿٨٩﴾

Talaga ngang nakagawa kayo ng isang bagay na kakila-kilabot.


Arabic explanations of the Qur’an:

تَكَادُ ٱلسَّمَـٰوَ ٰ⁠تُ یَتَفَطَّرۡنَ مِنۡهُ وَتَنشَقُّ ٱلۡأَرۡضُ وَتَخِرُّ ٱلۡجِبَالُ هَدًّا ﴿٩٠﴾

Halos ang mga langit ay nagkakabitak-bitak dahil dito, nabibiyak ang lupa, at sumusubsob ang mga bundok nang durug-durog,


Arabic explanations of the Qur’an:

أَن دَعَوۡاْ لِلرَّحۡمَـٰنِ وَلَدࣰا ﴿٩١﴾

dahil nag-angkin sila para sa Napakamaawain ng isang anak.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَمَا یَنۢبَغِی لِلرَّحۡمَـٰنِ أَن یَتَّخِذَ وَلَدًا ﴿٩٢﴾

Hindi nararapat para sa Napakamaawain na gumawa ng isang anak.


Arabic explanations of the Qur’an:

إِن كُلُّ مَن فِی ٱلسَّمَـٰوَ ٰ⁠تِ وَٱلۡأَرۡضِ إِلَّاۤ ءَاتِی ٱلرَّحۡمَـٰنِ عَبۡدࣰا ﴿٩٣﴾

Walang [magagawa] ang bawat sinumang nasa mga langit at lupa kundi pupunta sa Napakamaawain bilang alipin [na nagpapasailalim].


Arabic explanations of the Qur’an:

لَّقَدۡ أَحۡصَىٰهُمۡ وَعَدَّهُمۡ عَدࣰّا ﴿٩٤﴾

Talaga ngang nag-isa-isa Siya sa kanila at bumilang Siya sa kanila sa isang pagbilang.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَكُلُّهُمۡ ءَاتِیهِ یَوۡمَ ٱلۡقِیَـٰمَةِ فَرۡدًا ﴿٩٥﴾

Lahat sila ay pupunta sa Kanya sa Araw ng Pagbangon nang bukod.


Arabic explanations of the Qur’an:

إِنَّ ٱلَّذِینَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّـٰلِحَـٰتِ سَیَجۡعَلُ لَهُمُ ٱلرَّحۡمَـٰنُ وُدࣰّا ﴿٩٦﴾

Tunay na ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ay magtatalaga para sa kanila ang Napakamaawain ng pagmamahal.[316]

[316] mula sa Kanya at mga mananampalataya


Arabic explanations of the Qur’an:

فَإِنَّمَا یَسَّرۡنَـٰهُ بِلِسَانِكَ لِتُبَشِّرَ بِهِ ٱلۡمُتَّقِینَ وَتُنذِرَ بِهِۦ قَوۡمࣰا لُّدࣰّا ﴿٩٧﴾

Kaya nagpadali lamang Kami nito sa wika mo upang magbalita ka ng nakagagalak hinggil dito sa mga tagapangilag magkasala at magbabala ka hinggil dito sa mga taong palaban.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَكَمۡ أَهۡلَكۡنَا قَبۡلَهُم مِّن قَرۡنٍ هَلۡ تُحِسُّ مِنۡهُم مِّنۡ أَحَدٍ أَوۡ تَسۡمَعُ لَهُمۡ رِكۡزَۢا ﴿٩٨﴾

Kay rami ng ipinahamak Namin bago nila na [makasalanang] salinlahi! Nakadarama ka kaya mula sa kanila ng isa man o nakarinig ka sa kanila ng isang tunog?


Arabic explanations of the Qur’an: