طسۤمۤ ﴿١﴾
Ṭā. Sīn. Mīm.[370]
تِلۡكَ ءَایَـٰتُ ٱلۡكِتَـٰبِ ٱلۡمُبِینِ ﴿٢﴾
Ang mga ito ay ang mga talata ng Aklat[371] na naglilinaw.
لَعَلَّكَ بَـٰخِعࣱ نَّفۡسَكَ أَلَّا یَكُونُواْ مُؤۡمِنِینَ ﴿٣﴾
Baka ikaw ay kikitil ng sarili mo na hindi sila maging mga mananampalataya.
إِن نَّشَأۡ نُنَزِّلۡ عَلَیۡهِم مِّنَ ٱلسَّمَاۤءِ ءَایَةࣰ فَظَلَّتۡ أَعۡنَـٰقُهُمۡ لَهَا خَـٰضِعِینَ ﴿٤﴾
Kung niloob Namin ay magbababa Kami sa kanila mula sa langit ng isang tanda kaya mananatili ang mga leeg nila na mga nakatungo roon.
وَمَا یَأۡتِیهِم مِّن ذِكۡرࣲ مِّنَ ٱلرَّحۡمَـٰنِ مُحۡدَثٍ إِلَّا كَانُواْ عَنۡهُ مُعۡرِضِینَ ﴿٥﴾
Walang pumupunta sa kanila na isang paalaala mula sa Napakamaawain, na bagong ipinababa, malibang sila rito ay mga umaayaw.
فَقَدۡ كَذَّبُواْ فَسَیَأۡتِیهِمۡ أَنۢبَـٰۤؤُاْ مَا كَانُواْ بِهِۦ یَسۡتَهۡزِءُونَ ﴿٦﴾
Kaya nagpasinungaling nga sila kaya pupunta sa kanila ang mga balita ng anumang dati nilang kinukutya.
أَوَلَمۡ یَرَوۡاْ إِلَى ٱلۡأَرۡضِ كَمۡ أَنۢبَتۡنَا فِیهَا مِن كُلِّ زَوۡجࣲ كَرِیمٍ ﴿٧﴾
Hindi ba sila nakita sa lupa kung ilan ang pinatubo Namin dito mula sa bawat uring marangal?
إِنَّ فِی ذَ ٰلِكَ لَـَٔایَةࣰۖ وَمَا كَانَ أَكۡثَرُهُم مُّؤۡمِنِینَ ﴿٨﴾
Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.
وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ ٱلۡعَزِیزُ ٱلرَّحِیمُ ﴿٩﴾
Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain.
وَإِذۡ نَادَىٰ رَبُّكَ مُوسَىٰۤ أَنِ ٱئۡتِ ٱلۡقَوۡمَ ٱلظَّـٰلِمِینَ ﴿١٠﴾
[Banggitin] noong nanawagan ang Panginoon mo kay Moises: “Pumunta ka sa mga taong tagalabag sa katarungan,
قَوۡمَ فِرۡعَوۡنَۚ أَلَا یَتَّقُونَ ﴿١١﴾
ang mga tao ni Paraon. Hindi ba sila nangingilag magkasala?”
قَالَ رَبِّ إِنِّیۤ أَخَافُ أَن یُكَذِّبُونِ ﴿١٢﴾
Nagsabi ito: “Panginoon ko, tunay na ako ay nangangamba na magpasinungaling sila sa akin.
وَیَضِیقُ صَدۡرِی وَلَا یَنطَلِقُ لِسَانِی فَأَرۡسِلۡ إِلَىٰ هَـٰرُونَ ﴿١٣﴾
Maninikip ang dibdib ko at hindi tatatas ang dila ko; kaya magsugo Ka [kay Anghel Gabriel] patungo kay Aaron.
وَلَهُمۡ عَلَیَّ ذَنۢبࣱ فَأَخَافُ أَن یَقۡتُلُونِ ﴿١٤﴾
Sa kanila laban sa akin ay may isang pagkakasala [ng pagpatay] kaya nangangamba ako na patayin nila ako.”
قَالَ كَلَّاۖ فَٱذۡهَبَا بِـَٔایَـٰتِنَاۤۖ إِنَّا مَعَكُم مُّسۡتَمِعُونَ ﴿١٥﴾
Nagsabi Siya: “Aba’y hindi. Kaya pumunta kayong dalawa kalakip ng mga tanda Namin. Tunay na Kami, kasama sa inyo, ay makikinig.
فَأۡتِیَا فِرۡعَوۡنَ فَقُولَاۤ إِنَّا رَسُولُ رَبِّ ٱلۡعَـٰلَمِینَ ﴿١٦﴾
Kaya pumunta kayong dalawa kay Paraon saka magsabi kayong dalawa: Tunay na kami ay sugo ng Panginoon ng mga nilalang,
أَنۡ أَرۡسِلۡ مَعَنَا بَنِیۤ إِسۡرَ ٰۤءِیلَ ﴿١٧﴾
na ipadala mo kasama sa amin ang mga anak ni Israel.”
قَالَ أَلَمۡ نُرَبِّكَ فِینَا وَلِیدࣰا وَلَبِثۡتَ فِینَا مِنۡ عُمُرِكَ سِنِینَ ﴿١٨﴾
Nagsabi [si Paraon]: “Hindi ba kami nag-alaga sa iyo sa amin noong bata [ka] pa at namalagi ka sa amin mula sa buhay mo nang ilang taon?
وَفَعَلۡتَ فَعۡلَتَكَ ٱلَّتِی فَعَلۡتَ وَأَنتَ مِنَ ٱلۡكَـٰفِرِینَ ﴿١٩﴾
Gumawa ka ng kagagawan[372] mo na ginawa mo habang ikaw ay kabilang sa mga tagatangging magpasalamat.”
قَالَ فَعَلۡتُهَاۤ إِذࣰا وَأَنَا۠ مِنَ ٱلضَّاۤلِّینَ ﴿٢٠﴾
Nagsabi [si Moises]: “Nagawa ko iyon nang sandaling iyon habang ako ay kabilang sa mga naliligaw [bago dumating ang kapahayagan].
فَفَرَرۡتُ مِنكُمۡ لَمَّا خِفۡتُكُمۡ فَوَهَبَ لِی رَبِّی حُكۡمࣰا وَجَعَلَنِی مِنَ ٱلۡمُرۡسَلِینَ ﴿٢١﴾
Kaya tumalilis ako mula sa inyo noong nangamba ako sa inyo ngunit nagkaloob sa akin ang Panginoon ko ng karunungan at nagtalaga Siya sa akin kabilang sa mga isinugo.
وَتِلۡكَ نِعۡمَةࣱ تَمُنُّهَا عَلَیَّ أَنۡ عَبَّدتَّ بَنِیۤ إِسۡرَ ٰۤءِیلَ ﴿٢٢﴾
Iyon [ay isang biyayang ipinanunumbat mo sa akin: na nang-alipin ka sa mga anak ni Israel!”
قَالَ فِرۡعَوۡنُ وَمَا رَبُّ ٱلۡعَـٰلَمِینَ ﴿٢٣﴾
Nagsabi si Paraon: “At ano ang Panginoon ng mga nilalang?”
قَالَ رَبُّ ٱلسَّمَـٰوَ ٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَیۡنَهُمَاۤۖ إِن كُنتُم مُّوقِنِینَ ﴿٢٤﴾
Nagsabi [si Moises]: “Ang Panginoon ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito, kung kayo ay naging mga nakatitiyak.”
قَالَ لِمَنۡ حَوۡلَهُۥۤ أَلَا تَسۡتَمِعُونَ ﴿٢٥﴾
Nagsabi [si Paraon] sa nakapaligid doon: “Hindi ba kayo nakikinig?”
قَالَ رَبُّكُمۡ وَرَبُّ ءَابَاۤىِٕكُمُ ٱلۡأَوَّلِینَ ﴿٢٦﴾
Nagsabi [si Moises]: “[Siya rin] ang Panginoon ninyo at ang Panginoon ng mga ninuno ninyong sinauna.”
قَالَ إِنَّ رَسُولَكُمُ ٱلَّذِیۤ أُرۡسِلَ إِلَیۡكُمۡ لَمَجۡنُونࣱ ﴿٢٧﴾
Nagsabi [si Paraon]: “Tunay na ang sugo ninyo na isinugo sa inyo ay talagang baliw.”
قَالَ رَبُّ ٱلۡمَشۡرِقِ وَٱلۡمَغۡرِبِ وَمَا بَیۡنَهُمَاۤۖ إِن كُنتُمۡ تَعۡقِلُونَ ﴿٢٨﴾
Nagsabi [si Moises]: “Ang Panginoon ng silangan at kanluran at anumang nasa pagitan ng dalawang ito, kung kayo ay naging nakapag-uunawa.”
قَالَ لَىِٕنِ ٱتَّخَذۡتَ إِلَـٰهًا غَیۡرِی لَأَجۡعَلَنَّكَ مِنَ ٱلۡمَسۡجُونِینَ ﴿٢٩﴾
Nagsabi [si Paraon]: “Talagang kung gumawa ka ng isang diyos na iba pa sa akin ay talagang gagawa nga ako sa iyo kabilang sa mga ibinilanggo.”
قَالَ أَوَلَوۡ جِئۡتُكَ بِشَیۡءࣲ مُّبِینࣲ ﴿٣٠﴾
Nagsabi [si Moises]: “Kahit pa ba naghatid ako sa iyo ng isang bagay na malinaw?”
قَالَ فَأۡتِ بِهِۦۤ إِن كُنتَ مِنَ ٱلصَّـٰدِقِینَ ﴿٣١﴾
Nagsabi [si Paraon]: “Kaya maglahad ka nito kung ikaw ay naging kabilang sa mga tapat.”
فَأَلۡقَىٰ عَصَاهُ فَإِذَا هِیَ ثُعۡبَانࣱ مُّبِینࣱ ﴿٣٢﴾
Kaya pumukol [si Moises] ng tungkod niya saka biglang ito ay isang ulupong na malinaw.
وَنَزَعَ یَدَهُۥ فَإِذَا هِیَ بَیۡضَاۤءُ لِلنَّـٰظِرِینَ ﴿٣٣﴾
Humugot siya ng kamay niya saka biglang ito ay maputi para sa mga tagatingin.
قَالَ لِلۡمَلَإِ حَوۡلَهُۥۤ إِنَّ هَـٰذَا لَسَـٰحِرٌ عَلِیمࣱ ﴿٣٤﴾
Nagsabi [si Paraon] sa konseho sa paligid niyon: “Tunay na ito ay talagang isang manggagaway na maalam.
یُرِیدُ أَن یُخۡرِجَكُم مِّنۡ أَرۡضِكُم بِسِحۡرِهِۦ فَمَاذَا تَأۡمُرُونَ ﴿٣٥﴾
Nagnanais siya na magpalabas sa inyo mula sa lupain ninyo sa pamamagitan ng panggagaway niya; kaya ano ang ipag-uutos ninyo?”
قَالُوۤاْ أَرۡجِهۡ وَأَخَاهُ وَٱبۡعَثۡ فِی ٱلۡمَدَاۤىِٕنِ حَـٰشِرِینَ ﴿٣٦﴾
Nagsabi sila: “Mag-antala ka sa kanya at sa kapatid niya [na si Aaron] at magpadala ka sa mga lungsod ng mga tagakalap,
فَجُمِعَ ٱلسَّحَرَةُ لِمِیقَـٰتِ یَوۡمࣲ مَّعۡلُومࣲ ﴿٣٨﴾
Kaya tinipon ang mga manggagaway para sa itinakdang oras ng isang araw na nalalaman.
لَعَلَّنَا نَتَّبِعُ ٱلسَّحَرَةَ إِن كَانُواْ هُمُ ٱلۡغَـٰلِبِینَ ﴿٤٠﴾
Nang sa gayon tayo ay susunod sa mga manggagaway kung sila ay magiging ang mga tagapanaig.”
فَلَمَّا جَاۤءَ ٱلسَّحَرَةُ قَالُواْ لِفِرۡعَوۡنَ أَىِٕنَّ لَنَا لَأَجۡرًا إِن كُنَّا نَحۡنُ ٱلۡغَـٰلِبِینَ ﴿٤١﴾
Kaya noong dumating na ang mga manggagaway ay nagsabi sila kay Paraon: “Tunay ba na mayroon kami talagang pabuya kung kami ay naging ang mga tagapanaig?”
قَالَ نَعَمۡ وَإِنَّكُمۡ إِذࣰا لَّمِنَ ٱلۡمُقَرَّبِینَ ﴿٤٢﴾
Nagsabi [si Paraon]: “Oo, at tunay na kayo samakatuwid ay talagang kabilang sa mga palalapitin [sa akin].”
قَالَ لَهُم مُّوسَىٰۤ أَلۡقُواْ مَاۤ أَنتُم مُّلۡقُونَ ﴿٤٣﴾
Nagsabi sa kanila si Moises: “Pumukol kayo ng anumang kayo ay mga pupukol.”
فَأَلۡقَوۡاْ حِبَالَهُمۡ وَعِصِیَّهُمۡ وَقَالُواْ بِعِزَّةِ فِرۡعَوۡنَ إِنَّا لَنَحۡنُ ٱلۡغَـٰلِبُونَ ﴿٤٤﴾
Kaya pumukol sila ng mga lubid nila at mga tungkod nila at nagsabi sila: “Sumpa man sa kapangyarihan ni Paraon, tunay na kami, talagang kami, ay ang mga tagapanaig.”
فَأَلۡقَىٰ مُوسَىٰ عَصَاهُ فَإِذَا هِیَ تَلۡقَفُ مَا یَأۡفِكُونَ ﴿٤٥﴾
Kaya pumukol si Moises ng tungkod niya saka biglang ito ay lumalamon sa ipinanlilinlang nila.
قَالُوۤاْ ءَامَنَّا بِرَبِّ ٱلۡعَـٰلَمِینَ ﴿٤٧﴾
Nagsabi sila: “Sumampalataya kami sa Panginoon ng mga nilalang,
قَالَ ءَامَنتُمۡ لَهُۥ قَبۡلَ أَنۡ ءَاذَنَ لَكُمۡۖ إِنَّهُۥ لَكَبِیرُكُمُ ٱلَّذِی عَلَّمَكُمُ ٱلسِّحۡرَ فَلَسَوۡفَ تَعۡلَمُونَۚ لَأُقَطِّعَنَّ أَیۡدِیَكُمۡ وَأَرۡجُلَكُم مِّنۡ خِلَـٰفࣲ وَلَأُصَلِّبَنَّكُمۡ أَجۡمَعِینَ ﴿٤٩﴾
Nagsabi [si Paraon]: “Naniwala kayo sa kanya bago ako magpahintulot sa inyo? Tunay na siya ay talagang ang pasimuno ninyo na nagturo sa inyo ng panggagaway, kaya talagang malalaman ninyo. Talagang magpuputul-putol nga ako ng mga kamay ninyo at mga paa ninyo nang magkabilaan at talagang magbibitin nga ako sa inyo nang magkakasama.”
قَالُواْ لَا ضَیۡرَۖ إِنَّاۤ إِلَىٰ رَبِّنَا مُنقَلِبُونَ ﴿٥٠﴾
Nagsabi sila: “Walang kapinsalaan [sa banta sa amin]; tunay na kami ay sa Panginoon namin mga uuwi.
إِنَّا نَطۡمَعُ أَن یَغۡفِرَ لَنَا رَبُّنَا خَطَـٰیَـٰنَاۤ أَن كُنَّاۤ أَوَّلَ ٱلۡمُؤۡمِنِینَ ﴿٥١﴾
Tunay na kami ay naghahangad na magpatawad sa amin ang Panginoon namin sa mga pagkakamali namin dahil kami ay naging una sa mga mananampalataya.”
۞ وَأَوۡحَیۡنَاۤ إِلَىٰ مُوسَىٰۤ أَنۡ أَسۡرِ بِعِبَادِیۤ إِنَّكُم مُّتَّبَعُونَ ﴿٥٢﴾
Nagkasi Kami kay Moises: “Maglakbay ka sa gabi kasama ng mga lingkod Ko; tunay na kayo ay mga susundan.”
فَأَرۡسَلَ فِرۡعَوۡنُ فِی ٱلۡمَدَاۤىِٕنِ حَـٰشِرِینَ ﴿٥٣﴾
Kaya nagsugo si Paraon sa mga lungsod ng mga tagakalap, [na nagsasabi]:
إِنَّ هَـٰۤؤُلَاۤءِ لَشِرۡذِمَةࣱ قَلِیلُونَ ﴿٥٤﴾
“Tunay na ang mga ito ay talagang isang kawang kaunti.
فَأَخۡرَجۡنَـٰهُم مِّن جَنَّـٰتࣲ وَعُیُونࣲ ﴿٥٧﴾
Kaya nagpalabas Kami sa kanila mula sa mga hardin at mga bukal,
كَذَ ٰلِكَۖ وَأَوۡرَثۡنَـٰهَا بَنِیۤ إِسۡرَ ٰۤءِیلَ ﴿٥٩﴾
Gayon nga, at nagpamana Kami ng mga ito sa mga anak ni Israel.
فَأَتۡبَعُوهُم مُّشۡرِقِینَ ﴿٦٠﴾
Kaya sumunod ang mga iyon[373] sa kanila nang sumisikat [ang araw].
فَلَمَّا تَرَ ٰۤءَا ٱلۡجَمۡعَانِ قَالَ أَصۡحَـٰبُ مُوسَىٰۤ إِنَّا لَمُدۡرَكُونَ ﴿٦١﴾
Kaya noong nagkakitaan ang dalawang pangkat, nagsabi ang mga kasamahan ni Moises: “Tunay na tayo ay talagang mga maaabutan.”
قَالَ كَلَّاۤۖ إِنَّ مَعِیَ رَبِّی سَیَهۡدِینِ ﴿٦٢﴾
Nagsabi [si Moises]: “Aba’y hindi; tunay na kasama sa akin, ang Panginoon ko ay magpapatnubay sa akin.”
فَأَوۡحَیۡنَاۤ إِلَىٰ مُوسَىٰۤ أَنِ ٱضۡرِب بِّعَصَاكَ ٱلۡبَحۡرَۖ فَٱنفَلَقَ فَكَانَ كُلُّ فِرۡقࣲ كَٱلطَّوۡدِ ٱلۡعَظِیمِ ﴿٦٣﴾
Kaya nagkasi Kami kay Moises, na [nagsasabi]: “Hampasin mo ng tungkod mo ang dagat.” Kaya nabiyak iyon saka ang bawat bahagi [ng dagat] ay naging gaya ng bundok na dambuhala.
وَأَزۡلَفۡنَا ثَمَّ ٱلۡـَٔاخَرِینَ ﴿٦٤﴾
Nagpalapit Kami roon ng mga iba pa.[374]
وَأَنجَیۡنَا مُوسَىٰ وَمَن مَّعَهُۥۤ أَجۡمَعِینَ ﴿٦٥﴾
Nagligtas Kami kay Moises at sa sinumang kasama sa kanya nang magkakasama.
إِنَّ فِی ذَ ٰلِكَ لَـَٔایَةࣰۖ وَمَا كَانَ أَكۡثَرُهُم مُّؤۡمِنِینَ ﴿٦٧﴾
Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.
وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ ٱلۡعَزِیزُ ٱلرَّحِیمُ ﴿٦٨﴾
Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain.
إِذۡ قَالَ لِأَبِیهِ وَقَوۡمِهِۦ مَا تَعۡبُدُونَ ﴿٧٠﴾
noong nagsabi siya sa ama niya at mga kababayan niya: “Ano ang sinasamba ninyo?”
قَالُواْ نَعۡبُدُ أَصۡنَامࣰا فَنَظَلُّ لَهَا عَـٰكِفِینَ ﴿٧١﴾
Nagsabi sila: “Sumasamba kami sa mga anito saka nananatili kami sa mga ito na mga namimintuho.”
قَالَ هَلۡ یَسۡمَعُونَكُمۡ إِذۡ تَدۡعُونَ ﴿٧٢﴾
Nagsabi [si Abraham]: “Nakaririnig kaya sila sa inyo kapag dumadalangin kayo?
قَالُواْ بَلۡ وَجَدۡنَاۤ ءَابَاۤءَنَا كَذَ ٰلِكَ یَفۡعَلُونَ ﴿٧٤﴾
Nagsabi sila: “Bagkus nakatagpo kami sa mga magulang namin na gumagawa ng gayon.”
قَالَ أَفَرَءَیۡتُم مَّا كُنتُمۡ تَعۡبُدُونَ ﴿٧٥﴾
Nagsabi [si Abraham]: “Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa anumang kayo ay dati nang sumasamba:
فَإِنَّهُمۡ عَدُوࣱّ لِّیۤ إِلَّا رَبَّ ٱلۡعَـٰلَمِینَ ﴿٧٧﴾
Tunay na sila ay kaaway para sa akin, maliban sa Panginoon ng mga nilalang,
وَٱلَّذِی یُمِیتُنِی ثُمَّ یُحۡیِینِ ﴿٨١﴾
na magbibigay-kamatayan sa akin, pagkatapos magbibigay-buhay sa akin;
وَٱلَّذِیۤ أَطۡمَعُ أَن یَغۡفِرَ لِی خَطِیۤـَٔتِی یَوۡمَ ٱلدِّینِ ﴿٨٢﴾
na naghahangad ako na magpatawad Siya sa akin sa mga kamalian ko sa Araw ng Pagtutumbas.
رَبِّ هَبۡ لِی حُكۡمࣰا وَأَلۡحِقۡنِی بِٱلصَّـٰلِحِینَ ﴿٨٣﴾
Panginoon ko, magkaloob Ka para sa akin ng karunungan at magsama Ka sa akin sa mga maayos.
وَٱجۡعَل لِّی لِسَانَ صِدۡقࣲ فِی ٱلۡـَٔاخِرِینَ ﴿٨٤﴾
Gumawa Ka para sa akin ng isang magandang pagbubunyi sa mga huling [salinlahi].
وَٱجۡعَلۡنِی مِن وَرَثَةِ جَنَّةِ ٱلنَّعِیمِ ﴿٨٥﴾
Gumawa Ka sa akin na kabilang sa mga tagapagmana ng Hardin ng Kaginhawahan.
وَٱغۡفِرۡ لِأَبِیۤ إِنَّهُۥ كَانَ مِنَ ٱلضَّاۤلِّینَ ﴿٨٦﴾
Magpatawad Ka sa ama ko; tunay na siya noon ay kabilang sa mga ligaw.
یَوۡمَ لَا یَنفَعُ مَالࣱ وَلَا بَنُونَ ﴿٨٨﴾
sa Araw na walang makapagpapakinabang na yaman ni mga anak,
إِلَّا مَنۡ أَتَى ٱللَّهَ بِقَلۡبࣲ سَلِیمࣲ ﴿٨٩﴾
maliban sa sinumang pumunta kay Allāh nang may pusong ligtas.[375]
وَقِیلَ لَهُمۡ أَیۡنَ مَا كُنتُمۡ تَعۡبُدُونَ ﴿٩٢﴾
Sasabihin sa kanila: “Nasaan na ang dati ninyong sinasamba
مِن دُونِ ٱللَّهِ هَلۡ یَنصُرُونَكُمۡ أَوۡ یَنتَصِرُونَ ﴿٩٣﴾
bukod pa kay Allāh? Mag-aadya kaya sila sa inyo o maiaadya sila?
فَكُبۡكِبُواْ فِیهَا هُمۡ وَٱلۡغَاوُۥنَ ﴿٩٤﴾
Kaya ibubulid sila nang pasubsob doon [sa Impiyerno]: sila at ang mga nalilisya,
تَٱللَّهِ إِن كُنَّا لَفِی ضَلَـٰلࣲ مُّبِینٍ ﴿٩٧﴾
“Sumpa man kay Allāh, tunay na kami dati ay talagang nasa isang pagkaligaw na malinaw,
إِذۡ نُسَوِّیكُم بِرَبِّ ٱلۡعَـٰلَمِینَ ﴿٩٨﴾
noong nagpapantay kami sa inyo sa Panginoon ng mga nilalang.
وَمَاۤ أَضَلَّنَاۤ إِلَّا ٱلۡمُجۡرِمُونَ ﴿٩٩﴾
Walang nagligaw sa amin kundi ang mga salarin.[376]
فَلَوۡ أَنَّ لَنَا كَرَّةࣰ فَنَكُونَ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِینَ ﴿١٠٢﴾
Kaya kung sakaling mayroon kaming panunumbalik [sa Mundo], kami ay magiging kabilang sa mga mananampalataya.
إِنَّ فِی ذَ ٰلِكَ لَـَٔایَةࣰۖ وَمَا كَانَ أَكۡثَرُهُم مُّؤۡمِنِینَ ﴿١٠٣﴾
Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.
وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ ٱلۡعَزِیزُ ٱلرَّحِیمُ ﴿١٠٤﴾
Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain.
كَذَّبَتۡ قَوۡمُ نُوحٍ ٱلۡمُرۡسَلِینَ ﴿١٠٥﴾
Nagpasinungaling ang mga kababayan ni Noe sa mga isinugo
إِذۡ قَالَ لَهُمۡ أَخُوهُمۡ نُوحٌ أَلَا تَتَّقُونَ ﴿١٠٦﴾
noong nagsabi sa kanila ang kapatid nilang si Noe: “Hindi ba kayo mangingilag magkasala?
فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِیعُونِ ﴿١٠٨﴾
Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.
وَمَاۤ أَسۡـَٔلُكُمۡ عَلَیۡهِ مِنۡ أَجۡرٍۖ إِنۡ أَجۡرِیَ إِلَّا عَلَىٰ رَبِّ ٱلۡعَـٰلَمِینَ ﴿١٠٩﴾
Hindi ako humihingi sa inyo dahil doon ng anumang pabuya; walang iba ang pabuya sa akin kundi nasa Panginoon ng mga nilalang.
فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِیعُونِ ﴿١١٠﴾
Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.”
۞ قَالُوۤاْ أَنُؤۡمِنُ لَكَ وَٱتَّبَعَكَ ٱلۡأَرۡذَلُونَ ﴿١١١﴾
Nagsabi sila: “Maniniwala ba kami sa iyo samantalang sumunod sa iyo ang mga pinakahamak?”
قَالَ وَمَا عِلۡمِی بِمَا كَانُواْ یَعۡمَلُونَ ﴿١١٢﴾
Nagsabi siya: “At ano ang kaalaman ko sa anumang dati nilang ginagawa?
إِنۡ حِسَابُهُمۡ إِلَّا عَلَىٰ رَبِّیۖ لَوۡ تَشۡعُرُونَ ﴿١١٣﴾
Walang iba ang pagtutuos sa kanila kundi nasa Panginoon ko, kung sakaling nakararamdam kayo.
إِنۡ أَنَا۠ إِلَّا نَذِیرࣱ مُّبِینࣱ ﴿١١٥﴾
Walang iba ako kundi isang mapagbabalang malinaw.”[377]
قَالُواْ لَىِٕن لَّمۡ تَنتَهِ یَـٰنُوحُ لَتَكُونَنَّ مِنَ ٱلۡمَرۡجُومِینَ ﴿١١٦﴾
Nagsabi sila: “Talagang kung hindi ka titigil, O Noe, talagang ikaw nga ay magiging kabilang sa mga babatuhin.”
قَالَ رَبِّ إِنَّ قَوۡمِی كَذَّبُونِ ﴿١١٧﴾
Nagsabi [si Noe]: “Panginoon ko, tunay na ang mga kababayan ko ay nagpasinungaling sa akin.
فَٱفۡتَحۡ بَیۡنِی وَبَیۡنَهُمۡ فَتۡحࣰا وَنَجِّنِی وَمَن مَّعِیَ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِینَ ﴿١١٨﴾
Kaya humusga Ka sa pagitan ko at nila ng isang paghuhusga at magligtas Ka sa akin at sa sinumang kasama sa akin kabilang sa mga mananampalataya.”
فَأَنجَیۡنَـٰهُ وَمَن مَّعَهُۥ فِی ٱلۡفُلۡكِ ٱلۡمَشۡحُونِ ﴿١١٩﴾
Kaya nagligtas Kami sa kanya at sinumang kasama sa kanya sa daong na nilulanan.
ثُمَّ أَغۡرَقۡنَا بَعۡدُ ٱلۡبَاقِینَ ﴿١٢٠﴾
Pagkatapos nilunod Namin, matapos niyan, ang mga naiiwan.
إِنَّ فِی ذَ ٰلِكَ لَـَٔایَةࣰۖ وَمَا كَانَ أَكۡثَرُهُم مُّؤۡمِنِینَ ﴿١٢١﴾
Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.
وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ ٱلۡعَزِیزُ ٱلرَّحِیمُ ﴿١٢٢﴾
Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain.
إِذۡ قَالَ لَهُمۡ أَخُوهُمۡ هُودٌ أَلَا تَتَّقُونَ ﴿١٢٤﴾
noong nagsabi sa kanila ang kapatid nilang si Hūd: “Hindi ba kayo mangingilag magkasala?
فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِیعُونِ ﴿١٢٦﴾
Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.
وَمَاۤ أَسۡـَٔلُكُمۡ عَلَیۡهِ مِنۡ أَجۡرٍۖ إِنۡ أَجۡرِیَ إِلَّا عَلَىٰ رَبِّ ٱلۡعَـٰلَمِینَ ﴿١٢٧﴾
Hindi ako humihingi sa inyo dahil doon ng anumang pabuya; walang iba ang pabuya sa akin kundi nasa Panginoon ng mga nilalang.
أَتَبۡنُونَ بِكُلِّ رِیعٍ ءَایَةࣰ تَعۡبَثُونَ ﴿١٢٨﴾
Nagpapatayo ba kayo sa bawat mataas na pook ng isang tanda habang nagbiru-biro kayo
وَتَتَّخِذُونَ مَصَانِعَ لَعَلَّكُمۡ تَخۡلُدُونَ ﴿١٢٩﴾
at gumagawa kayo ng mga muog nang sa gayon kayo ay mananatili?
وَإِذَا بَطَشۡتُم بَطَشۡتُمۡ جَبَّارِینَ ﴿١٣٠﴾
Kapag dumadaluhong kayo ay dumadaluhong kayo gaya ng mga palasupil.
فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِیعُونِ ﴿١٣١﴾
Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.
وَٱتَّقُواْ ٱلَّذِیۤ أَمَدَّكُم بِمَا تَعۡلَمُونَ ﴿١٣٢﴾
Mangilag kayong magkasala sa nagkaloob sa inyo ng nalalaman ninyo.
إِنِّیۤ أَخَافُ عَلَیۡكُمۡ عَذَابَ یَوۡمٍ عَظِیمࣲ ﴿١٣٥﴾
Tunay na ako ay nangangamba para sa inyo ng isang pagdurusa sa isang araw na sukdulan.
قَالُواْ سَوَاۤءٌ عَلَیۡنَاۤ أَوَعَظۡتَ أَمۡ لَمۡ تَكُن مِّنَ ٱلۡوَ ٰعِظِینَ ﴿١٣٦﴾
Nagsabi sila: “Magkatulad sa amin: nangaral ka man o hindi ka naging kabilang sa mga tagapangaral.
فَكَذَّبُوهُ فَأَهۡلَكۡنَـٰهُمۡۚ إِنَّ فِی ذَ ٰلِكَ لَـَٔایَةࣰۖ وَمَا كَانَ أَكۡثَرُهُم مُّؤۡمِنِینَ ﴿١٣٩﴾
Kaya nagpasinungaling sila sa kanya saka nagpahamak Kami sa kanila. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.
وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ ٱلۡعَزِیزُ ٱلرَّحِیمُ ﴿١٤٠﴾
Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain.
كَذَّبَتۡ ثَمُودُ ٱلۡمُرۡسَلِینَ ﴿١٤١﴾
Nagpasinungaling ang [liping]Thamūd sa mga isinugo [ni Allāh]
إِذۡ قَالَ لَهُمۡ أَخُوهُمۡ صَـٰلِحٌ أَلَا تَتَّقُونَ ﴿١٤٢﴾
noong nagsabi sa kanila ang kapatid nilang si Ṣāliḥ: “Hindi ba kayo mangingilag magkasala?
فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِیعُونِ ﴿١٤٤﴾
Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.
وَمَاۤ أَسۡـَٔلُكُمۡ عَلَیۡهِ مِنۡ أَجۡرٍۖ إِنۡ أَجۡرِیَ إِلَّا عَلَىٰ رَبِّ ٱلۡعَـٰلَمِینَ ﴿١٤٥﴾
Hindi ako humihingi sa inyo dahil doon ng anumang pabuya; walang iba ang pabuya sa akin kundi nasa Panginoon ng mga nilalang.
أَتُتۡرَكُونَ فِی مَا هَـٰهُنَاۤ ءَامِنِینَ ﴿١٤٦﴾
Iiwanan ba kayo sa anumang narito na mga natitiwasay
وَزُرُوعࣲ وَنَخۡلࣲ طَلۡعُهَا هَضِیمࣱ ﴿١٤٨﴾
at mga pananim at mga punong datiles na ang mga usbong ng mga ito ay malambot?
وَتَنۡحِتُونَ مِنَ ٱلۡجِبَالِ بُیُوتࣰا فَـٰرِهِینَ ﴿١٤٩﴾
Umuukit kayo mula sa mga bundok ng mga bahay, nang may kabihasaan.
فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِیعُونِ ﴿١٥٠﴾
Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.
ٱلَّذِینَ یُفۡسِدُونَ فِی ٱلۡأَرۡضِ وَلَا یُصۡلِحُونَ ﴿١٥٢﴾
na nanggugulo sa lupa at hindi nagsasaayos.
قَالُوۤاْ إِنَّمَاۤ أَنتَ مِنَ ٱلۡمُسَحَّرِینَ ﴿١٥٣﴾
Nagsabi sila: “Ikaw lamang ay kabilang sa mga pinaggagaway.
مَاۤ أَنتَ إِلَّا بَشَرࣱ مِّثۡلُنَا فَأۡتِ بِـَٔایَةٍ إِن كُنتَ مِنَ ٱلصَّـٰدِقِینَ ﴿١٥٤﴾
Walang iba ka kundi isang taong tulad namin kaya maglahad ng isang tanda kung ikaw ay kabilang sa mga tapat.”
قَالَ هَـٰذِهِۦ نَاقَةࣱ لَّهَا شِرۡبࣱ وَلَكُمۡ شِرۡبُ یَوۡمࣲ مَّعۡلُومࣲ ﴿١٥٥﴾
Nagsabi [si Ṣāliḥ]: “Ito ay isang dumalagang kamelyo. Ukol dito ay pag-inom at ukol sa inyo pag-inom sa isang araw na nalalaman.
وَلَا تَمَسُّوهَا بِسُوۤءࣲ فَیَأۡخُذَكُمۡ عَذَابُ یَوۡمٍ عَظِیمࣲ ﴿١٥٦﴾
Huwag kayong sumaling dito ng isang kasagwaan para [hindi] kayo daklutin ng isang pagdurusa sa isang araw na sukdulan.”
فَعَقَرُوهَا فَأَصۡبَحُواْ نَـٰدِمِینَ ﴿١٥٧﴾
Ngunit kinatay nila ito kaya sila ay naging mga nagsisisi.
فَأَخَذَهُمُ ٱلۡعَذَابُۚ إِنَّ فِی ذَ ٰلِكَ لَـَٔایَةࣰۖ وَمَا كَانَ أَكۡثَرُهُم مُّؤۡمِنِینَ ﴿١٥٨﴾
Kaya dumaklot sa kanila ang pagdurusa. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.
وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ ٱلۡعَزِیزُ ٱلرَّحِیمُ ﴿١٥٩﴾
Tunay na ang Panginoon ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain.
كَذَّبَتۡ قَوۡمُ لُوطٍ ٱلۡمُرۡسَلِینَ ﴿١٦٠﴾
Nagpasinungaling ang mga kababayan ni Lot sa mga isinugo [ni Allāh]
إِذۡ قَالَ لَهُمۡ أَخُوهُمۡ لُوطٌ أَلَا تَتَّقُونَ ﴿١٦١﴾
noong nagsabi sa kanila ang kapatid nilang si Lot: “Hindi ba kayo mangingilag magkasala?
فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِیعُونِ ﴿١٦٣﴾
Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.
وَمَاۤ أَسۡـَٔلُكُمۡ عَلَیۡهِ مِنۡ أَجۡرٍۖ إِنۡ أَجۡرِیَ إِلَّا عَلَىٰ رَبِّ ٱلۡعَـٰلَمِینَ ﴿١٦٤﴾
Hindi ako humihingi sa inyo dahil doon ng anumang pabuya; walang iba ang pabuya sa akin kundi nasa Panginoon ng mga nilalang.
أَتَأۡتُونَ ٱلذُّكۡرَانَ مِنَ ٱلۡعَـٰلَمِینَ ﴿١٦٥﴾
Pumupunta ba kayo sa mga lalaki[378] ng mga nilalang
وَتَذَرُونَ مَا خَلَقَ لَكُمۡ رَبُّكُم مِّنۡ أَزۡوَ ٰجِكُمۚ بَلۡ أَنتُمۡ قَوۡمٌ عَادُونَ ﴿١٦٦﴾
at nag-iiwan kayo sa nilikha para sa inyo ng Panginoon ninyo na mga asawa ninyo? Bagkus kayo ay mga taong tagalabag.
قَالُواْ لَىِٕن لَّمۡ تَنتَهِ یَـٰلُوطُ لَتَكُونَنَّ مِنَ ٱلۡمُخۡرَجِینَ ﴿١٦٧﴾
Nagsabi sila: “Talagang kung hindi ka titigil, O Lot, talagang ikaw nga ay magiging kabilang sa mga palilisanin.”
قَالَ إِنِّی لِعَمَلِكُم مِّنَ ٱلۡقَالِینَ ﴿١٦٨﴾
Nagsabi siya: “Tunay na ako sa gawain ninyo ay kabilang sa mga nasusuklam.
رَبِّ نَجِّنِی وَأَهۡلِی مِمَّا یَعۡمَلُونَ ﴿١٦٩﴾
Panginoon ko, iligtas Mo ako at ang mag-anak ko mula sa ginagawa nila.”
فَنَجَّیۡنَـٰهُ وَأَهۡلَهُۥۤ أَجۡمَعِینَ ﴿١٧٠﴾
Kaya nagligtas Kami sa kanya at sa mag-anak niya nang magkakasama,
وَأَمۡطَرۡنَا عَلَیۡهِم مَّطَرࣰاۖ فَسَاۤءَ مَطَرُ ٱلۡمُنذَرِینَ ﴿١٧٣﴾
Nagpaulan Kami sa kanila ng isang ulan, saka kay sagwa ang ulan ng mga binalaan.
إِنَّ فِی ذَ ٰلِكَ لَـَٔایَةࣰۖ وَمَا كَانَ أَكۡثَرُهُم مُّؤۡمِنِینَ ﴿١٧٤﴾
Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.
وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ ٱلۡعَزِیزُ ٱلرَّحِیمُ ﴿١٧٥﴾
Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain.
كَذَّبَ أَصۡحَـٰبُ لۡـَٔیۡكَةِ ٱلۡمُرۡسَلِینَ ﴿١٧٦﴾
Nagpasinungaling ang mga naninirahan sa kasukalan [ng Midyan] sa mga isinugo
إِذۡ قَالَ لَهُمۡ شُعَیۡبٌ أَلَا تَتَّقُونَ ﴿١٧٧﴾
noong nagsabi sa kanila si Shu`ayb: “Hindi ba kayo mangingilag magkasala?
فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِیعُونِ ﴿١٧٩﴾
Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.
وَمَاۤ أَسۡـَٔلُكُمۡ عَلَیۡهِ مِنۡ أَجۡرٍۖ إِنۡ أَجۡرِیَ إِلَّا عَلَىٰ رَبِّ ٱلۡعَـٰلَمِینَ ﴿١٨٠﴾
Hindi ako humihingi sa inyo dahil doon ng anumang pabuya; walang iba ang pabuya sa akin kundi nasa Panginoon ng mga nilalang.
۞ أَوۡفُواْ ٱلۡكَیۡلَ وَلَا تَكُونُواْ مِنَ ٱلۡمُخۡسِرِینَ ﴿١٨١﴾
Magpalubus-lubos kayo ng pagtatakal at huwag kayong maging kabilang sa mga tagapagpalugi.
وَلَا تَبۡخَسُواْ ٱلنَّاسَ أَشۡیَاۤءَهُمۡ وَلَا تَعۡثَوۡاْ فِی ٱلۡأَرۡضِ مُفۡسِدِینَ ﴿١٨٣﴾
Huwag kayong magpakulang sa mga tao sa mga bagay-bagay nila, at huwag kayong manampalasan sa lupa bilang mga tagagulo.
وَٱتَّقُواْ ٱلَّذِی خَلَقَكُمۡ وَٱلۡجِبِلَّةَ ٱلۡأَوَّلِینَ ﴿١٨٤﴾
Mangilag kayong magkasala sa lumikha sa inyo at mga salinlahing nauna.
قَالُوۤاْ إِنَّمَاۤ أَنتَ مِنَ ٱلۡمُسَحَّرِینَ ﴿١٨٥﴾
Nagsabi sila: “Ikaw ay kabilang sa mga pinaggagaway lamang.
وَمَاۤ أَنتَ إِلَّا بَشَرࣱ مِّثۡلُنَا وَإِن نَّظُنُّكَ لَمِنَ ٱلۡكَـٰذِبِینَ ﴿١٨٦﴾
Walang iba ka kundi isang taong tulad namin. Tunay nagpapalagay kami na ikaw ay talagang kabilang sa mga sinungaling.
فَأَسۡقِطۡ عَلَیۡنَا كِسَفࣰا مِّنَ ٱلسَّمَاۤءِ إِن كُنتَ مِنَ ٱلصَّـٰدِقِینَ ﴿١٨٧﴾
Kaya magpabagsak ka sa amin ng tipak-tipak mula sa langit kung ikaw ay naging kabilang sa mga tapat.”
قَالَ رَبِّیۤ أَعۡلَمُ بِمَا تَعۡمَلُونَ ﴿١٨٨﴾
Nagsabi [si Shu`ayb]: “Ang Panginoon ko ay higit maalam sa anumang ginagawa ninyo.”
فَكَذَّبُوهُ فَأَخَذَهُمۡ عَذَابُ یَوۡمِ ٱلظُّلَّةِۚ إِنَّهُۥ كَانَ عَذَابَ یَوۡمٍ عَظِیمٍ ﴿١٨٩﴾
Kaya nagpasinungaling sila sa kanya at dumaklot sa kanila ang pagdurusa sa araw ng maitim na ulap. Tunay na iyon ay naging isang pagdurusa sa isang araw na sukdulan.
إِنَّ فِی ذَ ٰلِكَ لَـَٔایَةࣰۖ وَمَا كَانَ أَكۡثَرُهُم مُّؤۡمِنِینَ ﴿١٩٠﴾
Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.
وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ ٱلۡعَزِیزُ ٱلرَّحِیمُ ﴿١٩١﴾
Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain.
وَإِنَّهُۥ لَتَنزِیلُ رَبِّ ٱلۡعَـٰلَمِینَ ﴿١٩٢﴾
Tunay na [ang Qur’ān na] ito ay talagang pagbababa ng Panginoon ng mga nilalang.
نَزَلَ بِهِ ٱلرُّوحُ ٱلۡأَمِینُ ﴿١٩٣﴾
Bumaba kalakip nito ang Espiritung Mapagkakatiwalaan[379]
عَلَىٰ قَلۡبِكَ لِتَكُونَ مِنَ ٱلۡمُنذِرِینَ ﴿١٩٤﴾
sa puso mo upang ikaw ay maging kabilang sa mga tagapagbabala
وَإِنَّهُۥ لَفِی زُبُرِ ٱلۡأَوَّلِینَ ﴿١٩٦﴾
Tunay na ito ay talagang nasa mga kalatas ng mga sinauna.
أَوَلَمۡ یَكُن لَّهُمۡ ءَایَةً أَن یَعۡلَمَهُۥ عُلَمَـٰۤؤُاْ بَنِیۤ إِسۡرَ ٰۤءِیلَ ﴿١٩٧﴾
Hindi ba ito para sa kanila naging isang tanda, na makaalam nito ang mga maalam sa mga anak ni Israel?
وَلَوۡ نَزَّلۡنَـٰهُ عَلَىٰ بَعۡضِ ٱلۡأَعۡجَمِینَ ﴿١٩٨﴾
Kung sakaling nagbaba Kami nito[380] sa isa sa mga dayuhan
فَقَرَأَهُۥ عَلَیۡهِم مَّا كَانُواْ بِهِۦ مُؤۡمِنِینَ ﴿١٩٩﴾
saka bumigkas siya nito sa kanila,[381] hindi sila dahil dito magiging mga mananampalataya.
كَذَ ٰلِكَ سَلَكۡنَـٰهُ فِی قُلُوبِ ٱلۡمُجۡرِمِینَ ﴿٢٠٠﴾
Gayon Kami nagsingit nito[382] sa mga puso ng mga salarin.
لَا یُؤۡمِنُونَ بِهِۦ حَتَّىٰ یَرَوُاْ ٱلۡعَذَابَ ٱلۡأَلِیمَ ﴿٢٠١﴾
Hindi sila sumasampalataya rito hanggang sa makita nila ang pagdurusang masakit.
فَیَأۡتِیَهُم بَغۡتَةࣰ وَهُمۡ لَا یَشۡعُرُونَ ﴿٢٠٢﴾
Kaya pupunta ito sa kanila nang biglaan habang sila ay hindi nakararamdam.
أَفَرَءَیۡتَ إِن مَّتَّعۡنَـٰهُمۡ سِنِینَ ﴿٢٠٥﴾
Kaya nakita mo ba kung nagpatamasa Kami sa kanila nang ilang taon?
ثُمَّ جَاۤءَهُم مَّا كَانُواْ یُوعَدُونَ ﴿٢٠٦﴾
Pagkatapos dumating sa kanila ang dating ipinangangako sa kanila.
مَاۤ أَغۡنَىٰ عَنۡهُم مَّا كَانُواْ یُمَتَّعُونَ ﴿٢٠٧﴾
Ano ang naidulot para sa kanila ng anumang dating ipinatatamasa sa kanila?
وَمَاۤ أَهۡلَكۡنَا مِن قَرۡیَةٍ إِلَّا لَهَا مُنذِرُونَ ﴿٢٠٨﴾
Hindi Kami nagpahamak ng anumang pamayanan malibang habang mayroon itong mga tagapagbabala
ذِكۡرَىٰ وَمَا كُنَّا ظَـٰلِمِینَ ﴿٢٠٩﴾
bilang paalaala, samantalang hindi Kami naging tagalabag sa katarungan.
وَمَا تَنَزَّلَتۡ بِهِ ٱلشَّیَـٰطِینُ ﴿٢١٠﴾
Hindi nagbabaan kalakip nito[383] ang mga demonyo.
وَمَا یَنۢبَغِی لَهُمۡ وَمَا یَسۡتَطِیعُونَ ﴿٢١١﴾
Hindi ito nararapat para sa kanila at hindi sila nakakakaya [na magbaba nito].
إِنَّهُمۡ عَنِ ٱلسَّمۡعِ لَمَعۡزُولُونَ ﴿٢١٢﴾
Tunay na sila buhat sa pagdinig ay talagang mga ibinukod.
فَلَا تَدۡعُ مَعَ ٱللَّهِ إِلَـٰهًا ءَاخَرَ فَتَكُونَ مِنَ ٱلۡمُعَذَّبِینَ ﴿٢١٣﴾
Kaya huwag kang dumalangin kasama kay Allāh sa isang diyos na iba pa para ikaw ay [hindi] maging kabilang sa mga pagdurusahin.
وَأَنذِرۡ عَشِیرَتَكَ ٱلۡأَقۡرَبِینَ ﴿٢١٤﴾
Magbabala ka sa angkan mong mga pinakamalalapit na kaanak.
وَٱخۡفِضۡ جَنَاحَكَ لِمَنِ ٱتَّبَعَكَ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِینَ ﴿٢١٥﴾
Magbaba ka ng loob mo para sa sinumang sumunod sa iyo kabilang sa mga mananampalataya.
فَإِنۡ عَصَوۡكَ فَقُلۡ إِنِّی بَرِیۤءࣱ مِّمَّا تَعۡمَلُونَ ﴿٢١٦﴾
Ngunit kung sumuway sila sa iyo ay sabihin mo: “Tunay na ako ay walang-kaugnayan sa anumang ginagawa ninyo.”
هَلۡ أُنَبِّئُكُمۡ عَلَىٰ مَن تَنَزَّلُ ٱلشَّیَـٰطِینُ ﴿٢٢١﴾
Magbabalita kaya Ako sa inyo kung sa kanino nagbababaan ang mga demonyo?
تَنَزَّلُ عَلَىٰ كُلِّ أَفَّاكٍ أَثِیمࣲ ﴿٢٢٢﴾
Nagbababaan sila sa bawat manlilinlang na makasalanan,
یُلۡقُونَ ٱلسَّمۡعَ وَأَكۡثَرُهُمۡ كَـٰذِبُونَ ﴿٢٢٣﴾
habang nagpupukol sila ng napakinggan at ang higit na marami sa kanila ay mga sinungaling.
وَٱلشُّعَرَاۤءُ یَتَّبِعُهُمُ ٱلۡغَاوُۥنَ ﴿٢٢٤﴾
Ang mga manunula ay sumusunod sa kanila ang mga nalilisya.
أَلَمۡ تَرَ أَنَّهُمۡ فِی كُلِّ وَادࣲ یَهِیمُونَ ﴿٢٢٥﴾
Hindi mo ba nakita na sila sa bawat larangan ay tumatahak,
إِلَّا ٱلَّذِینَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّـٰلِحَـٰتِ وَذَكَرُواْ ٱللَّهَ كَثِیرࣰا وَٱنتَصَرُواْ مِنۢ بَعۡدِ مَا ظُلِمُواْۗ وَسَیَعۡلَمُ ٱلَّذِینَ ظَلَمُوۤاْ أَیَّ مُنقَلَبࣲ یَنقَلِبُونَ ﴿٢٢٧﴾
maliban sa mga sumampalataya, gumawa ng mga maayos, nag-alaala kay Allāh nang madalas, at naiadya matapos na labagin sila sa katarungan. Makaaalam ang mga lumabag sa katarungan[384] kung sa aling uwian uuwi sila.