طسۤۚ تِلۡكَ ءَایَـٰتُ ٱلۡقُرۡءَانِ وَكِتَابࣲ مُّبِینٍ ﴿١﴾
Ṭā’. Sīn.[385] Ang mga ito ay ang mga talata ng Qur’ān at ng isang Aklat na malinaw
هُدࣰى وَبُشۡرَىٰ لِلۡمُؤۡمِنِینَ ﴿٢﴾
bilang patnubay at bilang balitang nakagagalak para sa mga mananampalataya,
ٱلَّذِینَ یُقِیمُونَ ٱلصَّلَوٰةَ وَیُؤۡتُونَ ٱلزَّكَوٰةَ وَهُم بِٱلۡـَٔاخِرَةِ هُمۡ یُوقِنُونَ ﴿٣﴾
na mga nagpapanatili ng pagdarasal at nagbibigay ng zakāh, at sila sa Kabilang-buhay, sila ay nakatitiyak.
إِنَّ ٱلَّذِینَ لَا یُؤۡمِنُونَ بِٱلۡـَٔاخِرَةِ زَیَّنَّا لَهُمۡ أَعۡمَـٰلَهُمۡ فَهُمۡ یَعۡمَهُونَ ﴿٤﴾
Tunay na ang mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay ay ipinang-akit Namin para sa kanila ang mga gawain nila kaya naman sila ay nag-aapuhap.
أُوْلَـٰۤىِٕكَ ٱلَّذِینَ لَهُمۡ سُوۤءُ ٱلۡعَذَابِ وَهُمۡ فِی ٱلۡـَٔاخِرَةِ هُمُ ٱلۡأَخۡسَرُونَ ﴿٥﴾
Ang mga iyon ay ang mga ukol sa kanila ang kasagwaan ng pagdurusa [sa Mundo]; at sila sa Kabilang-buhay, sila ay ang mga pinakalugi.
وَإِنَّكَ لَتُلَقَّى ٱلۡقُرۡءَانَ مِن لَّدُنۡ حَكِیمٍ عَلِیمٍ ﴿٦﴾
Tunay na ikaw ay talagang ginagawaran ng Qur’ān mula sa panig ng Marunong, Maalam.
إِذۡ قَالَ مُوسَىٰ لِأَهۡلِهِۦۤ إِنِّیۤ ءَانَسۡتُ نَارࣰا سَـَٔاتِیكُم مِّنۡهَا بِخَبَرٍ أَوۡ ءَاتِیكُم بِشِهَابࣲ قَبَسࣲ لَّعَلَّكُمۡ تَصۡطَلُونَ ﴿٧﴾
[Banggitin] noong nagsabi si Moises sa mag-anak niya: “Tunay na ako ay nakatanaw ng apoy. Magdadala ako sa inyo mula roon ng isang balita o magdadala ako sa inyo ng isang ningas na pamparikit, nang sa gayon kayo ay makapagpapainit.
فَلَمَّا جَاۤءَهَا نُودِیَ أَنۢ بُورِكَ مَن فِی ٱلنَّارِ وَمَنۡ حَوۡلَهَا وَسُبۡحَـٰنَ ٱللَّهِ رَبِّ ٱلۡعَـٰلَمِینَ ﴿٨﴾
Ngunit noong dumating siya roon ay tinawag siya: “Pinagpala ang sinumang nasa apoy at ang sinumang nasa paligid nito.” Kaluwalhatian kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang!
یَـٰمُوسَىٰۤ إِنَّهُۥۤ أَنَا ٱللَّهُ ٱلۡعَزِیزُ ٱلۡحَكِیمُ ﴿٩﴾
[Nagsabi si Allāh]: “O Moises, tunay na Ako ay si Allāh, ang Makapangyarihan, ang Marunong.
وَأَلۡقِ عَصَاكَۚ فَلَمَّا رَءَاهَا تَهۡتَزُّ كَأَنَّهَا جَاۤنࣱّ وَلَّىٰ مُدۡبِرࣰا وَلَمۡ یُعَقِّبۡۚ یَـٰمُوسَىٰ لَا تَخَفۡ إِنِّی لَا یَخَافُ لَدَیَّ ٱلۡمُرۡسَلُونَ ﴿١٠﴾
Pumukol ka ng tungkod mo.” Ngunit noong nakita niya ito na kumikislut-kislot na para bang ito ay isang ahas, tumalikod siya habang tumatakas at hindi bumalik [sa dinaanan. Sinabi]: “O Moises, huwag kang mangamba. Tunay na Ako ay hindi pinangangambahan, sa harap Ko, ng mga isinugo.
إِلَّا مَن ظَلَمَ ثُمَّ بَدَّلَ حُسۡنَۢا بَعۡدَ سُوۤءࣲ فَإِنِّی غَفُورࣱ رَّحِیمࣱ ﴿١١﴾
Kung hindi man, ang sinumang lumabag sa katarungan, pagkatapos nagpalit ng isang kagandahan matapos ng isang kasagwaan, tunay na Ako ay Mapagpatawad, Maawain.
وَأَدۡخِلۡ یَدَكَ فِی جَیۡبِكَ تَخۡرُجۡ بَیۡضَاۤءَ مِنۡ غَیۡرِ سُوۤءࣲۖ فِی تِسۡعِ ءَایَـٰتٍ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ وَقَوۡمِهِۦۤۚ إِنَّهُمۡ كَانُواْ قَوۡمࣰا فَـٰسِقِینَ ﴿١٢﴾
Ipasok mo ang kamay mo sa eskotadura mo, lalabas ito na maputi na walang kasagwaan [ng ketong]. [Ito ay] nasa siyam na tanda para kay Paraon at mga tao niya. Tunay na sila ay mga taong suwail.”
فَلَمَّا جَاۤءَتۡهُمۡ ءَایَـٰتُنَا مُبۡصِرَةࣰ قَالُواْ هَـٰذَا سِحۡرࣱ مُّبِینࣱ ﴿١٣﴾
Ngunit noong dumating sa kanila ang mga tanda Namin, na nagbibigay-paningin, ay nagsabi sila: “Ito ay isang panggagaway na malinaw.”
وَجَحَدُواْ بِهَا وَٱسۡتَیۡقَنَتۡهَاۤ أَنفُسُهُمۡ ظُلۡمࣰا وَعُلُوࣰّاۚ فَٱنظُرۡ كَیۡفَ كَانَ عَـٰقِبَةُ ٱلۡمُفۡسِدِینَ ﴿١٤﴾
Nagkaila sila sa mga [tandang] ito – samantalang tumiyak sa mga ito ang mga sarili nila – bilang kawalang-katarungan at bilang pagmamataas. Kaya tumingin ka kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga tagagulo.
وَلَقَدۡ ءَاتَیۡنَا دَاوُۥدَ وَسُلَیۡمَـٰنَ عِلۡمࣰاۖ وَقَالَا ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ ٱلَّذِی فَضَّلَنَا عَلَىٰ كَثِیرࣲ مِّنۡ عِبَادِهِ ٱلۡمُؤۡمِنِینَ ﴿١٥﴾
Talaga ngang nagbigay Kami kina David at Solomon ng kaalaman. Nagsabi silang dalawa: “Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagtangi sa amin higit sa marami sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya.”
وَوَرِثَ سُلَیۡمَـٰنُ دَاوُۥدَۖ وَقَالَ یَـٰۤأَیُّهَا ٱلنَّاسُ عُلِّمۡنَا مَنطِقَ ٱلطَّیۡرِ وَأُوتِینَا مِن كُلِّ شَیۡءٍۖ إِنَّ هَـٰذَا لَهُوَ ٱلۡفَضۡلُ ٱلۡمُبِینُ ﴿١٦﴾
Nagmana si Solomon kay David[386] at nagsabi: “O mga tao, tinuruan kami ng pagbigkas ng mga ibon at binigyan kami mula sa bawat bagay. Tunay na ito ay talagang ang kabutihang-loob na malinaw.”
وَحُشِرَ لِسُلَیۡمَـٰنَ جُنُودُهُۥ مِنَ ٱلۡجِنِّ وَٱلۡإِنسِ وَٱلطَّیۡرِ فَهُمۡ یُوزَعُونَ ﴿١٧﴾
Kinalap para kay Solomon ang mga kawal niya kabilang sa jinn, tao, at ibon, saka sila ay papipilahin;
حَتَّىٰۤ إِذَاۤ أَتَوۡاْ عَلَىٰ وَادِ ٱلنَّمۡلِ قَالَتۡ نَمۡلَةࣱ یَـٰۤأَیُّهَا ٱلنَّمۡلُ ٱدۡخُلُواْ مَسَـٰكِنَكُمۡ لَا یَحۡطِمَنَّكُمۡ سُلَیۡمَـٰنُ وَجُنُودُهُۥ وَهُمۡ لَا یَشۡعُرُونَ ﴿١٨﴾
hanggang sa nang nakapunta sila sa lambak ng mga langgam ay may nagsabing isang langgam: “O mga langgam, magsipasok kayo sa mga tirahan ninyo; huwag nga dumudurog sa inyo si Solomon at ang mga kawal niya habang sila ay hindi nakadarama.”
فَتَبَسَّمَ ضَاحِكࣰا مِّن قَوۡلِهَا وَقَالَ رَبِّ أَوۡزِعۡنِیۤ أَنۡ أَشۡكُرَ نِعۡمَتَكَ ٱلَّتِیۤ أَنۡعَمۡتَ عَلَیَّ وَعَلَىٰ وَ ٰلِدَیَّ وَأَنۡ أَعۡمَلَ صَـٰلِحࣰا تَرۡضَىٰهُ وَأَدۡخِلۡنِی بِرَحۡمَتِكَ فِی عِبَادِكَ ٱلصَّـٰلِحِینَ ﴿١٩﴾
Kaya ngumiti-ngiti si Solomon na natatawa sa sabi niyon at nagsabi siya: “Panginoon ko, mag-udyok Ka sa akin na magpasalamat ako sa biyaya Mong ibiniyaya Mo sa akin at sa ama ko at na gumawa ako ng maayos na kinalulugdan Mo, at magpapasok Ka sa akin, sa pamamagitan ng awa Mo, sa mga lingkod Mong mga maayos.”
وَتَفَقَّدَ ٱلطَّیۡرَ فَقَالَ مَا لِیَ لَاۤ أَرَى ٱلۡهُدۡهُدَ أَمۡ كَانَ مِنَ ٱلۡغَاۤىِٕبِینَ ﴿٢٠﴾
Nagsiyasat siya sa mga ibon saka nagsabi siya: “Ano ang mayroon sa akin na hindi ako nakakikita sa abubilya, o siya ay naging kabilang sa mga lumiliban?
لَأُعَذِّبَنَّهُۥ عَذَابࣰا شَدِیدًا أَوۡ لَأَاْذۡبَحَنَّهُۥۤ أَوۡ لَیَأۡتِیَنِّی بِسُلۡطَـٰنࣲ مُّبِینࣲ ﴿٢١﴾
Talagang pagdurusahin ko nga siya ng isang pagdurusang matindi, o talagang kakatayin ko nga siya, o talagang magdadala nga siya sa akin ng isang katunayang malinaw.”
فَمَكَثَ غَیۡرَ بَعِیدࣲ فَقَالَ أَحَطتُ بِمَا لَمۡ تُحِطۡ بِهِۦ وَجِئۡتُكَ مِن سَبَإِۭ بِنَبَإࣲ یَقِینٍ ﴿٢٢﴾
Kaya namalagi ito nang hindi malayo saka nagsabi ito: “Nakapaligid ako sa hindi ka nakapaligid at naghatid ako sa iyo mula sa Sheba ng isang balitang tiyak.
إِنِّی وَجَدتُّ ٱمۡرَأَةࣰ تَمۡلِكُهُمۡ وَأُوتِیَتۡ مِن كُلِّ شَیۡءࣲ وَلَهَا عَرۡشٌ عَظِیمࣱ ﴿٢٣﴾
Tunay na ako ay nakatagpo ng isang babaing naghahari sa kanila, nabigyan mula sa bawat bagay, at mayroon siyang isang tronong dakila.
وَجَدتُّهَا وَقَوۡمَهَا یَسۡجُدُونَ لِلشَّمۡسِ مِن دُونِ ٱللَّهِ وَزَیَّنَ لَهُمُ ٱلشَّیۡطَـٰنُ أَعۡمَـٰلَهُمۡ فَصَدَّهُمۡ عَنِ ٱلسَّبِیلِ فَهُمۡ لَا یَهۡتَدُونَ ﴿٢٤﴾
Nakatagpo ako sa kanya at mga tao niya na nagpapatirapa sa araw bukod pa kay Allāh. Ipinaakit sa kanila ng demonyo ang mga gawa nila – saka bumalakid iyon sa kanila sa landas kaya sila ay hindi napapatnubayan –
أَلَّا یَسۡجُدُواْ لِلَّهِ ٱلَّذِی یُخۡرِجُ ٱلۡخَبۡءَ فِی ٱلسَّمَـٰوَ ٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَیَعۡلَمُ مَا تُخۡفُونَ وَمَا تُعۡلِنُونَ ﴿٢٥﴾
upang hindi sila magpatirapa kay Allāh na nagpapalabas ng nakatago sa mga langit at lupa at nakaaalam sa anumang ikinukubli nila at anumang inihahayag nila.
ٱللَّهُ لَاۤ إِلَـٰهَ إِلَّا هُوَ رَبُّ ٱلۡعَرۡشِ ٱلۡعَظِیمِ ۩ ﴿٢٦﴾
Si Allāh – walang Diyos kundi Siya – ay ang Panginoon ng tronong dakila.”
۞ قَالَ سَنَنظُرُ أَصَدَقۡتَ أَمۡ كُنتَ مِنَ ٱلۡكَـٰذِبِینَ ﴿٢٧﴾
Nagsabi [si Solomon]: “Titingin kami kung nagtotoo ka ba o ikaw ay naging kabilang sa mga sinungaling.
ٱذۡهَب بِّكِتَـٰبِی هَـٰذَا فَأَلۡقِهۡ إِلَیۡهِمۡ ثُمَّ تَوَلَّ عَنۡهُمۡ فَٱنظُرۡ مَاذَا یَرۡجِعُونَ ﴿٢٨﴾
Umalis ka kalakip ng sulat kong ito at maghatid ka nito sa kanila. Pagkatapos tumalikod ka palayo sa kanila saka tumingin ka kung ano ang [sagot na] ibabalik nila.”
قَالَتۡ یَـٰۤأَیُّهَا ٱلۡمَلَؤُاْ إِنِّیۤ أُلۡقِیَ إِلَیَّ كِتَـٰبࣱ كَرِیمٌ ﴿٢٩﴾
Nagsabi siya: “O konseho, tunay na ako ay pinadalhan ng isang sulat na marangal.
إِنَّهُۥ مِن سُلَیۡمَـٰنَ وَإِنَّهُۥ بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَـٰنِ ٱلرَّحِیمِ ﴿٣٠﴾
Tunay na ito ay mula kay Solomon at tunay na ito ay sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain,
أَلَّا تَعۡلُواْ عَلَیَّ وَأۡتُونِی مُسۡلِمِینَ ﴿٣١﴾
na [nagsasaad]: Huwag kayong magmataas sa akin[387] at pumunta kayo sa akin bilang mga tagapagpasakop.[388]”
قَالَتۡ یَـٰۤأَیُّهَا ٱلۡمَلَؤُاْ أَفۡتُونِی فِیۤ أَمۡرِی مَا كُنتُ قَاطِعَةً أَمۡرًا حَتَّىٰ تَشۡهَدُونِ ﴿٣٢﴾
Nagsabi siya: “O konseho, maghabilin kayo sa akin sa usapin ko. Hindi nangyaring ako ay magpapasya ng isang usapin hanggang sa sumaksi kayo sa akin.”
قَالُواْ نَحۡنُ أُوْلُواْ قُوَّةࣲ وَأُوْلُواْ بَأۡسࣲ شَدِیدࣲ وَٱلۡأَمۡرُ إِلَیۡكِ فَٱنظُرِی مَاذَا تَأۡمُرِینَ ﴿٣٣﴾
Nagsabi sila: “Tayo ay mga may matinding kapangyarihan at ang usapin ay nasa iyo, kaya tumingin ka kung ano ang ipag-uutos mo.”
قَالَتۡ إِنَّ ٱلۡمُلُوكَ إِذَا دَخَلُواْ قَرۡیَةً أَفۡسَدُوهَا وَجَعَلُوۤاْ أَعِزَّةَ أَهۡلِهَاۤ أَذِلَّةࣰۚ وَكَذَ ٰلِكَ یَفۡعَلُونَ ﴿٣٤﴾
Nagsabi siya: “Tunay na ang mga hari, kapag pumasok sila sa isang pamayanan, ay nanggugulo roon at gumagawa sa mga marangal sa mga naninirahan doon bilang mga kaaba-aba. Gayon sila gumawa.
وَإِنِّی مُرۡسِلَةٌ إِلَیۡهِم بِهَدِیَّةࣲ فَنَاظِرَةُۢ بِمَ یَرۡجِعُ ٱلۡمُرۡسَلُونَ ﴿٣٥﴾
Tunay na ako ay magsusugo sa kanila kalakip ng isang regalo saka titingin sa kung ano [sagot na] ibabalik ng mga isinugo.
فَلَمَّا جَاۤءَ سُلَیۡمَـٰنَ قَالَ أَتُمِدُّونَنِ بِمَالࣲ فَمَاۤ ءَاتَىٰنِۦَ ٱللَّهُ خَیۡرࣱ مِّمَّاۤ ءَاتَىٰكُمۚ بَلۡ أَنتُم بِهَدِیَّتِكُمۡ تَفۡرَحُونَ ﴿٣٦﴾
Kaya noong dumating [ang sugo] kay Solomon ay nagsabi siya: “Mag-aayuda ba kayo sa akin ng yaman gayong ang ibinigay sa akin ni Allāh ay higit na mabuti kaysa sa ibinigay Niya sa inyo? Bagkus kayo sa regalo ninyo ay natutuwa.
ٱرۡجِعۡ إِلَیۡهِمۡ فَلَنَأۡتِیَنَّهُم بِجُنُودࣲ لَّا قِبَلَ لَهُم بِهَا وَلَنُخۡرِجَنَّهُم مِّنۡهَاۤ أَذِلَّةࣰ وَهُمۡ صَـٰغِرُونَ ﴿٣٧﴾
Bumalik ka sa kanila sapagkat talagang magdadala nga kami sa kanila ng mga kawal na walang lakas sa kanila laban sa mga ito at talagang magpapalabas nga Kami sa kanila mula roon bilang mga kaaba-aba habang sila ay mga nanliliit.
قَالَ یَـٰۤأَیُّهَا ٱلۡمَلَؤُاْ أَیُّكُمۡ یَأۡتِینِی بِعَرۡشِهَا قَبۡلَ أَن یَأۡتُونِی مُسۡلِمِینَ ﴿٣٨﴾
Nagsabi [si Solomon]: “O konseho, alin sa inyo ang magdadala sa akin ng trono niya bago sila pumunta sa aking bilang mga tagapagpasakop?”
قَالَ عِفۡرِیتࣱ مِّنَ ٱلۡجِنِّ أَنَا۠ ءَاتِیكَ بِهِۦ قَبۡلَ أَن تَقُومَ مِن مَّقَامِكَۖ وَإِنِّی عَلَیۡهِ لَقَوِیٌّ أَمِینࣱ ﴿٣٩﴾
May nagsabing isang makapangyarihan kabilang sa mga jinn: “Ako ay magdadala sa iyo niyon bago ka makatayo mula sa pinanatilihan mo. Tunay na ako para roon ay talagang malakas na mapagkakatiwalaan.”
قَالَ ٱلَّذِی عِندَهُۥ عِلۡمࣱ مِّنَ ٱلۡكِتَـٰبِ أَنَا۠ ءَاتِیكَ بِهِۦ قَبۡلَ أَن یَرۡتَدَّ إِلَیۡكَ طَرۡفُكَۚ فَلَمَّا رَءَاهُ مُسۡتَقِرًّا عِندَهُۥ قَالَ هَـٰذَا مِن فَضۡلِ رَبِّی لِیَبۡلُوَنِیۤ ءَأَشۡكُرُ أَمۡ أَكۡفُرُۖ وَمَن شَكَرَ فَإِنَّمَا یَشۡكُرُ لِنَفۡسِهِۦۖ وَمَن كَفَرَ فَإِنَّ رَبِّی غَنِیࣱّ كَرِیمࣱ ﴿٤٠﴾
Nagsabi ang may taglay na kaalaman mula sa kasulatan: “Ako ay magdadala sa iyo niyon bago makabalik sa iyo ang pagkurap mo.” Kaya noong nakita [ni Solomon] iyon na nakalapag sa piling niya ay nagsabi siya: “Ito ay bahagi ng kabutihang-loob ng Panginoon ko upang sulitin Niya ako kung magpapasalamat ba ako o tatanggi akong magpasalamat. Ang sinumang nagpasalamat ay nagpasalamat lamang para sa sarili niya. Ang sinumang tumangging magpasalamat, tunay na ang Panginoon ko ay Walang-pangangailangan, Mapagbigay.”
قَالَ نَكِّرُواْ لَهَا عَرۡشَهَا نَنظُرۡ أَتَهۡتَدِیۤ أَمۡ تَكُونُ مِنَ ٱلَّذِینَ لَا یَهۡتَدُونَ ﴿٤١﴾
Nagsabi siya: “Magpabalatkayo kayo para sa kanya ng trono niya, titingnan natin kung mapapatnubayan ba siya[389] o siya ay kabilang sa mga hindi napapatnubayan.”
فَلَمَّا جَاۤءَتۡ قِیلَ أَهَـٰكَذَا عَرۡشُكِۖ قَالَتۡ كَأَنَّهُۥ هُوَۚ وَأُوتِینَا ٱلۡعِلۡمَ مِن قَبۡلِهَا وَكُنَّا مُسۡلِمِینَ ﴿٤٢﴾
Kaya noong dumating siya ay sinabi: “Ganito ba ang trono mo?” Nagsabi siya: “Para bang ito ay iyon.” [Nagsabi si Solomon]: “Binigyan kami ng kaalaman bago pa niya at dati na kaming mga tagapagpasakop [kay Allāh].”
وَصَدَّهَا مَا كَانَت تَّعۡبُدُ مِن دُونِ ٱللَّهِۖ إِنَّهَا كَانَتۡ مِن قَوۡمࣲ كَـٰفِرِینَ ﴿٤٣﴾
Bumalakid sa kanya [sa pagsamba kay Allāh] ang dati nang sinasamba niya bukod pa kay Allāh. Tunay na siya dati ay kabilang sa mga taong tagatangging sumampalataya.
قِیلَ لَهَا ٱدۡخُلِی ٱلصَّرۡحَۖ فَلَمَّا رَأَتۡهُ حَسِبَتۡهُ لُجَّةࣰ وَكَشَفَتۡ عَن سَاقَیۡهَاۚ قَالَ إِنَّهُۥ صَرۡحࣱ مُّمَرَّدࣱ مِّن قَوَارِیرَۗ قَالَتۡ رَبِّ إِنِّی ظَلَمۡتُ نَفۡسِی وَأَسۡلَمۡتُ مَعَ سُلَیۡمَـٰنَ لِلَّهِ رَبِّ ٱلۡعَـٰلَمِینَ ﴿٤٤﴾
Sinabi sa kanya: “Pumasok ka sa palasyo.” Kaya noong nakita niya [ang salaming sahig na] ito ay nag-akala siyang ito ay isang lawa at [naglilis ng damit kaya] naglantad siya ng mga lulod niya. Nagsabi [si Solomon]: “Tunay na ito ay isang palasyong pinakinis [ang sahig] mula sa mga salamin.” Nagsabi siya: “Panginoon ko, tunay na ako ay lumabag sa katarungan sa sarili ko. Nagpasakop ako kasama kay Solomon kay Allāh ang Panginoon ng mga nilalang.”
وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَاۤ إِلَىٰ ثَمُودَ أَخَاهُمۡ صَـٰلِحًا أَنِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ فَإِذَا هُمۡ فَرِیقَانِ یَخۡتَصِمُونَ ﴿٤٥﴾
Talaga ngang nagsugo Kami sa [liping] Thamūd ng kapatid nilang si Ṣāliḥ, na [nagsasabi]: “Sumamba kayo kay Allāh,” saka biglang sila ay dalawang pangkat na nag-aalitan.
قَالَ یَـٰقَوۡمِ لِمَ تَسۡتَعۡجِلُونَ بِٱلسَّیِّئَةِ قَبۡلَ ٱلۡحَسَنَةِۖ لَوۡلَا تَسۡتَغۡفِرُونَ ٱللَّهَ لَعَلَّكُمۡ تُرۡحَمُونَ ﴿٤٦﴾
Nagsabi siya: “O mga kalipi ko, bakit kayo nagmamadali sa gawang masagwa bago ng gawang maganda? Bakit nga ba hindi kayo humihingi ng tawad kay Allāh nang sa gayon kayo ay kaaawaan?”
قَالُواْ ٱطَّیَّرۡنَا بِكَ وَبِمَن مَّعَكَۚ قَالَ طَـٰۤىِٕرُكُمۡ عِندَ ٱللَّهِۖ بَلۡ أَنتُمۡ قَوۡمࣱ تُفۡتَنُونَ ﴿٤٧﴾
Nagsabi sila: “Nag-ugnay kami ng kamalasan sa iyo at sa sinumang kasama sa iyo.” Nagsabi siya: “Ang kamalasang inuugnay ninyo ay nasa ganang kay Allāh, bagkus kayo ay mga taong tinutukso.”
وَكَانَ فِی ٱلۡمَدِینَةِ تِسۡعَةُ رَهۡطࣲ یُفۡسِدُونَ فِی ٱلۡأَرۡضِ وَلَا یُصۡلِحُونَ ﴿٤٨﴾
Dati sa lungsod ay may siyam na lalaking nanggugulo sa lupain at hindi nagsasaayos.
قَالُواْ تَقَاسَمُواْ بِٱللَّهِ لَنُبَیِّتَنَّهُۥ وَأَهۡلَهُۥ ثُمَّ لَنَقُولَنَّ لِوَلِیِّهِۦ مَا شَهِدۡنَا مَهۡلِكَ أَهۡلِهِۦ وَإِنَّا لَصَـٰدِقُونَ ﴿٤٩﴾
Nagsabi sila: “Magsumpaan kayo kay Allāh na talagang susugod nga tayo sa gabi sa kanya at sa mag-anak niya, pagkatapos talagang magsasabi nga tayo sa katangkilik niya: “Hindi kami nakasaksi sa pagkapahamak ng mag-anak niya. Tunay na kami ay talagang mga tapat.”
وَمَكَرُواْ مَكۡرࣰا وَمَكَرۡنَا مَكۡرࣰا وَهُمۡ لَا یَشۡعُرُونَ ﴿٥٠﴾
Nagpakana sila ng isang pakana [laban kay Ṣāliḥ] at nagpakana Kami ng isang pakana habang sila ay hindi nakararamdam.
فَٱنظُرۡ كَیۡفَ كَانَ عَـٰقِبَةُ مَكۡرِهِمۡ أَنَّا دَمَّرۡنَـٰهُمۡ وَقَوۡمَهُمۡ أَجۡمَعِینَ ﴿٥١﴾
Kaya tumingin ka kung papaano naging ang kinahinatnan ng pakana nila, na Kami ay nagwasak sa kanila at sa mga kalipi nila nang magkakasama.
فَتِلۡكَ بُیُوتُهُمۡ خَاوِیَةَۢ بِمَا ظَلَمُوۤاْۚ إِنَّ فِی ذَ ٰلِكَ لَـَٔایَةࣰ لِّقَوۡمࣲ یَعۡلَمُونَ ﴿٥٢﴾
Kaya ang mga iyon ay ang mga bahay nila: hungkag, dahil lumabag sila sa katarungan. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa mga taong umaalam.
وَأَنجَیۡنَا ٱلَّذِینَ ءَامَنُواْ وَكَانُواْ یَتَّقُونَ ﴿٥٣﴾
Nagligtas Kami sa mga sumampalataya at dati na silang nangingilag magkasala.
وَلُوطًا إِذۡ قَالَ لِقَوۡمِهِۦۤ أَتَأۡتُونَ ٱلۡفَـٰحِشَةَ وَأَنتُمۡ تُبۡصِرُونَ ﴿٥٤﴾
[Banggitin] si Lot noong nagsabi siya sa mga kababayan niya: “Pumupunta ba kayo sa mahalay habang kayo ay nakakikita [sa isa’t isa nang lantaran]?”
أَىِٕنَّكُمۡ لَتَأۡتُونَ ٱلرِّجَالَ شَهۡوَةࣰ مِّن دُونِ ٱلنِّسَاۤءِۚ بَلۡ أَنتُمۡ قَوۡمࣱ تَجۡهَلُونَ ﴿٥٥﴾
Tunay na kayo ba ay talagang pumupunta sa mga lalaki dala ng pagnanasa bukod pa sa mga babae? Bagkus kayo ay mga taong nagpakamangmang.
۞ فَمَا كَانَ جَوَابَ قَوۡمِهِۦۤ إِلَّاۤ أَن قَالُوۤاْ أَخۡرِجُوۤاْ ءَالَ لُوطࣲ مِّن قَرۡیَتِكُمۡۖ إِنَّهُمۡ أُنَاسࣱ یَتَطَهَّرُونَ ﴿٥٦﴾
Ngunit walang iba ang sagot ng mga kababayan niya kundi na nagsabi sila: “Palabasin ninyo ang mag-anak ni Lot mula sa pamayanan ninyo; tunay na sila ay mga taong nagpapakalinis.”
فَأَنجَیۡنَـٰهُ وَأَهۡلَهُۥۤ إِلَّا ٱمۡرَأَتَهُۥ قَدَّرۡنَـٰهَا مِنَ ٱلۡغَـٰبِرِینَ ﴿٥٧﴾
Kaya pinaligtas Namin siya at ang mag-anak niya maliban sa maybahay niya; nagtakda Kami rito [na maging] kabilang sa mga nagpapaiwan [para mapahamak].
وَأَمۡطَرۡنَا عَلَیۡهِم مَّطَرࣰاۖ فَسَاۤءَ مَطَرُ ٱلۡمُنذَرِینَ ﴿٥٨﴾
Nagpaulan Kami sa kanila ng isang ulan [ng mga bato], saka kay saklap ang ulan ng mga binalaan.
قُلِ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ وَسَلَـٰمٌ عَلَىٰ عِبَادِهِ ٱلَّذِینَ ٱصۡطَفَىٰۤۗ ءَاۤللَّهُ خَیۡرٌ أَمَّا یُشۡرِكُونَ ﴿٥٩﴾
Sabihin mo: “Ang papuri ay ukol kay Allāh at kapayapaan ay sa mga lingkod Niyang hinirang Niya. Si Allāh ba ay higit na mabuti o ang itinatambal ninyo?
أَمَّنۡ خَلَقَ ٱلسَّمَـٰوَ ٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَأَنزَلَ لَكُم مِّنَ ٱلسَّمَاۤءِ مَاۤءࣰ فَأَنۢبَتۡنَا بِهِۦ حَدَاۤىِٕقَ ذَاتَ بَهۡجَةࣲ مَّا كَانَ لَكُمۡ أَن تُنۢبِتُواْ شَجَرَهَاۤۗ أَءِلَـٰهࣱ مَّعَ ٱللَّهِۚ بَلۡ هُمۡ قَوۡمࣱ یَعۡدِلُونَ ﴿٦٠﴾
O ang lumikha ng mga langit at lupa at nagpababa para sa inyo mula sa langit ng tubig kaya nagpatubo sa pamamagitan nito ng mga hardin na may dilag na hindi naging ukol sa inyo na magpatubo kayo ng mga punong-kahoy ng mga iyon ay isang diyos kasama kay Allāh? Bagkus sila ay mga taong nagpapantay [sa Kanya sa iba].
أَمَّن جَعَلَ ٱلۡأَرۡضَ قَرَارࣰا وَجَعَلَ خِلَـٰلَهَاۤ أَنۡهَـٰرࣰا وَجَعَلَ لَهَا رَوَ ٰسِیَ وَجَعَلَ بَیۡنَ ٱلۡبَحۡرَیۡنِ حَاجِزًاۗ أَءِلَـٰهࣱ مَّعَ ٱللَّهِۚ بَلۡ أَكۡثَرُهُمۡ لَا یَعۡلَمُونَ ﴿٦١﴾
O ang gumawa ba sa lupa bilang pamamalagian, gumawa sa gitna nito ng mga ilog, gumawa para rito ng mga matatag na bundok, at gumawa sa pagitan ng dalawang dagat [na alat at tabang] ng isang harang ay isang diyos ba kasama kay Allāh? Bagkus ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam.
أَمَّن یُجِیبُ ٱلۡمُضۡطَرَّ إِذَا دَعَاهُ وَیَكۡشِفُ ٱلسُّوۤءَ وَیَجۡعَلُكُمۡ خُلَفَاۤءَ ٱلۡأَرۡضِۗ أَءِلَـٰهࣱ مَّعَ ٱللَّهِۚ قَلِیلࣰا مَّا تَذَكَّرُونَ ﴿٦٢﴾
O ang sumasagot ba sa nagigipit kapag dumalangin ito sa Kanya, nag-aalis ng kasagwaan, at gumagawa sa inyo bilang mga kahalili sa lupa ay isang diyos ba kasama kay Allāh? Kaunti ang isinasaalaala ninyo!
أَمَّن یَهۡدِیكُمۡ فِی ظُلُمَـٰتِ ٱلۡبَرِّ وَٱلۡبَحۡرِ وَمَن یُرۡسِلُ ٱلرِّیَـٰحَ بُشۡرَۢا بَیۡنَ یَدَیۡ رَحۡمَتِهِۦۤۗ أَءِلَـٰهࣱ مَّعَ ٱللَّهِۚ تَعَـٰلَى ٱللَّهُ عَمَّا یُشۡرِكُونَ ﴿٦٣﴾
O ang nagpapatnubay sa inyo sa mga kadiliman ng katihan at karagatan at ang nagsusugo ng mga hangin bilang balitang nakagagalak sa harap ng awa Niya ay isang diyos ba kasama kay Allāh? Napakataas si Allāh higit sa anumang itinatambal nila.
أَمَّن یَبۡدَؤُاْ ٱلۡخَلۡقَ ثُمَّ یُعِیدُهُۥ وَمَن یَرۡزُقُكُم مِّنَ ٱلسَّمَاۤءِ وَٱلۡأَرۡضِۗ أَءِلَـٰهࣱ مَّعَ ٱللَّهِۚ قُلۡ هَاتُواْ بُرۡهَـٰنَكُمۡ إِن كُنتُمۡ صَـٰدِقِینَ ﴿٦٤﴾
O ang nagsisimula ng paglikha, pagkatapos nagpapanumbalik nito,[390] at ang nagtutustos sa inyo mula sa langit at lupa ay isang diyos ba kasama kay Allāh?” Sabihin mo: “Magbigay kayo ng patotoo ninyo kung kayo ay mga tapat.”
قُل لَّا یَعۡلَمُ مَن فِی ٱلسَّمَـٰوَ ٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ ٱلۡغَیۡبَ إِلَّا ٱللَّهُۚ وَمَا یَشۡعُرُونَ أَیَّانَ یُبۡعَثُونَ ﴿٦٥﴾
Sabihin mo: “Hindi nalalaman ng sinumang nasa mga langit at lupa ang nakalingid maliban kay Allāh, at hindi nila nararamdaman kung kailan sila bubuhayin.”
بَلِ ٱدَّ ٰرَكَ عِلۡمُهُمۡ فِی ٱلۡـَٔاخِرَةِۚ بَلۡ هُمۡ فِی شَكࣲّ مِّنۡهَاۖ بَلۡ هُم مِّنۡهَا عَمُونَ ﴿٦٦﴾
Bagkus nagwakas ang kaalaman nila hinggil sa Kabilang-buhay. Bagkus sila ay nasa isang pagdududa hinggil doon. Bagkus sila roon ay mga bulag.
وَقَالَ ٱلَّذِینَ كَفَرُوۤاْ أَءِذَا كُنَّا تُرَ ٰبࣰا وَءَابَاۤؤُنَاۤ أَىِٕنَّا لَمُخۡرَجُونَ ﴿٦٧﴾
Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya: “Kapag kami ba ay naging alabok at [gayon din] ang mga magulang namin, tunay na kami ba ay talagang mga palalabasin [sa mga libingan]?
لَقَدۡ وُعِدۡنَا هَـٰذَا نَحۡنُ وَءَابَاۤؤُنَا مِن قَبۡلُ إِنۡ هَـٰذَاۤ إِلَّاۤ أَسَـٰطِیرُ ٱلۡأَوَّلِینَ ﴿٦٨﴾
Talaga ngang pinangakuan nito Kami mismo at ang mga magulang namin bago pa niyan. Walang iba ito kundi ang mga alamat ng mga sinauna.”
قُلۡ سِیرُواْ فِی ٱلۡأَرۡضِ فَٱنظُرُواْ كَیۡفَ كَانَ عَـٰقِبَةُ ٱلۡمُجۡرِمِینَ ﴿٦٩﴾
Sabihin mo: “Humayo kayo sa lupain saka tumingin kayo kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga salarin.”
وَلَا تَحۡزَنۡ عَلَیۡهِمۡ وَلَا تَكُن فِی ضَیۡقࣲ مِّمَّا یَمۡكُرُونَ ﴿٧٠﴾
Huwag kang malungkot para sa kanila at huwag kang maging nasa isang paninikip [ng dibdib] mula sa anumang ipinakakana nila.
وَیَقُولُونَ مَتَىٰ هَـٰذَا ٱلۡوَعۡدُ إِن كُنتُمۡ صَـٰدِقِینَ ﴿٧١﴾
Nagsasabi sila: “Kailan ang pangakong ito kung kayo ay tapat?”
قُلۡ عَسَىٰۤ أَن یَكُونَ رَدِفَ لَكُم بَعۡضُ ٱلَّذِی تَسۡتَعۡجِلُونَ ﴿٧٢﴾
Sabihin mo: “Marahil maging napaaga para sa inyo ang ilan sa minamadali ninyo.”
وَإِنَّ رَبَّكَ لَذُو فَضۡلٍ عَلَى ٱلنَّاسِ وَلَـٰكِنَّ أَكۡثَرَهُمۡ لَا یَشۡكُرُونَ ﴿٧٣﴾
Tunay na ang Panginoon mo ay talagang may kabutihang-loob sa mga tao subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nagpapasalamat.
وَإِنَّ رَبَّكَ لَیَعۡلَمُ مَا تُكِنُّ صُدُورُهُمۡ وَمَا یُعۡلِنُونَ ﴿٧٤﴾
Tunay na ang Panginoon mo ay talagang nakaaalam ng anumang kinikimkim ng mga dibdib nila at anumang inihahayag nila.
وَمَا مِنۡ غَاۤىِٕبَةࣲ فِی ٱلسَّمَاۤءِ وَٱلۡأَرۡضِ إِلَّا فِی كِتَـٰبࣲ مُّبِینٍ ﴿٧٥﴾
Walang anumang lumilingid sa langit at lupa malibang nasa isang talaang malinaw.
إِنَّ هَـٰذَا ٱلۡقُرۡءَانَ یَقُصُّ عَلَىٰ بَنِیۤ إِسۡرَ ٰۤءِیلَ أَكۡثَرَ ٱلَّذِی هُمۡ فِیهِ یَخۡتَلِفُونَ ﴿٧٦﴾
Tunay na itong Qur’ān ay nagsasalaysay sa mga anak ni Israel ng higit na marami sa [bagay na] sila hinggil doon ay nagkakaiba-iba.
وَإِنَّهُۥ لَهُدࣰى وَرَحۡمَةࣱ لِّلۡمُؤۡمِنِینَ ﴿٧٧﴾
Tunay na ito ay talagang isang patnubay at isang awa para sa mga mananampalataya.
إِنَّ رَبَّكَ یَقۡضِی بَیۡنَهُم بِحُكۡمِهِۦۚ وَهُوَ ٱلۡعَزِیزُ ٱلۡعَلِیمُ ﴿٧٨﴾
Tunay na ang Panginoon mo ay huhusga sa pagitan nila sa pamamagitan ng kahatulan Niya. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Maalam.
فَتَوَكَّلۡ عَلَى ٱللَّهِۖ إِنَّكَ عَلَى ٱلۡحَقِّ ٱلۡمُبِینِ ﴿٧٩﴾
Kaya manalig ka kay Allāh; tunay na ikaw ay nasa katotohanang malinaw.
إِنَّكَ لَا تُسۡمِعُ ٱلۡمَوۡتَىٰ وَلَا تُسۡمِعُ ٱلصُّمَّ ٱلدُّعَاۤءَ إِذَا وَلَّوۡاْ مُدۡبِرِینَ ﴿٨٠﴾
Tunay na ikaw ay hindi nakapagpaparinig sa mga patay at hindi nakapagpaparinig sa mga bingi ng panawagan kapag bumaling sila na mga tumatalikod.
وَمَاۤ أَنتَ بِهَـٰدِی ٱلۡعُمۡیِ عَن ضَلَـٰلَتِهِمۡۖ إِن تُسۡمِعُ إِلَّا مَن یُؤۡمِنُ بِـَٔایَـٰتِنَا فَهُم مُّسۡلِمُونَ ﴿٨١﴾
Ikaw ay hindi tagapagpatnubay ng mga bulag palayo sa pagkaligaw nila. Hindi ka nakapagpaparinig maliban sa sinumang sumasampalataya sa mga tanda Namin kaya sila ay mga tagapagpasakop [sa kalooban ni Allāh].
۞ وَإِذَا وَقَعَ ٱلۡقَوۡلُ عَلَیۡهِمۡ أَخۡرَجۡنَا لَهُمۡ دَاۤبَّةࣰ مِّنَ ٱلۡأَرۡضِ تُكَلِّمُهُمۡ أَنَّ ٱلنَّاسَ كَانُواْ بِـَٔایَـٰتِنَا لَا یُوقِنُونَ ﴿٨٢﴾
Kapag bumagsak ang pag-atas [ng pagdurusa] sa kanila, magpapalabas Kami para sa kanila ng isang gumagalaw na nilalang mula sa lupa na kakausap sa kanila, [na nagsasabi] na ang mga tao noon sa mga tanda Namin ay hindi nakatitiyak.
وَیَوۡمَ نَحۡشُرُ مِن كُلِّ أُمَّةࣲ فَوۡجࣰا مِّمَّن یُكَذِّبُ بِـَٔایَـٰتِنَا فَهُمۡ یُوزَعُونَ ﴿٨٣﴾
[Banggitin] ang araw na kakalap Kami mula sa bawat kalipunan ng isang pulutong kabilang sa nagpapasinungaling sa mga tanda Namin saka sila ay papipilahin;
حَتَّىٰۤ إِذَا جَاۤءُو قَالَ أَكَذَّبۡتُم بِـَٔایَـٰتِی وَلَمۡ تُحِیطُواْ بِهَا عِلۡمًا أَمَّاذَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ ﴿٨٤﴾
hanggang sa nang dumating sila [sa pagtutuusan sa kanila, si Allāh] ay nagsabi: “Nagpasinungaling ba kayo sa mga tanda Ko samantalang hindi kayo nakapaligid sa mga ito sa kaalaman, o ano ang dati ninyong ginagawa?”
وَوَقَعَ ٱلۡقَوۡلُ عَلَیۡهِم بِمَا ظَلَمُواْ فَهُمۡ لَا یَنطِقُونَ ﴿٨٥﴾
Babagsak ang pag-atas [ng pagdurusa] sa kanila dahil lumabag sila sa katarungan kaya sila ay hindi makabibigkas.
أَلَمۡ یَرَوۡاْ أَنَّا جَعَلۡنَا ٱلَّیۡلَ لِیَسۡكُنُواْ فِیهِ وَٱلنَّهَارَ مُبۡصِرًاۚ إِنَّ فِی ذَ ٰلِكَ لَـَٔایَـٰتࣲ لِّقَوۡمࣲ یُؤۡمِنُونَ ﴿٨٦﴾
Hindi ba sila nakakita na Kami ay gumawa sa gabi upang matiwasay sila rito at sa maghapon bilang nagbibigay-paningin [para makapaghanap-buhay]? Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong sumasampalataya.
وَیَوۡمَ یُنفَخُ فِی ٱلصُّورِ فَفَزِعَ مَن فِی ٱلسَّمَـٰوَ ٰتِ وَمَن فِی ٱلۡأَرۡضِ إِلَّا مَن شَاۤءَ ٱللَّهُۚ وَكُلٌّ أَتَوۡهُ دَ ٰخِرِینَ ﴿٨٧﴾
[Banggitin] ang araw na iihip sa tambuli saka manghihilakbot ang sinumang nasa mga langit at ang sinumang nasa mga lupa, maliban sa sinumang niloob ni Allāh, habang lahat ay pupunta sa Kanya na mga nagpapakaaba.
وَتَرَى ٱلۡجِبَالَ تَحۡسَبُهَا جَامِدَةࣰ وَهِیَ تَمُرُّ مَرَّ ٱلسَّحَابِۚ صُنۡعَ ٱللَّهِ ٱلَّذِیۤ أَتۡقَنَ كُلَّ شَیۡءٍۚ إِنَّهُۥ خَبِیرُۢ بِمَا تَفۡعَلُونَ ﴿٨٨﴾
Makikita mo ang mga bundok, habang nag-aakala kang ang mga ito ay nakatigil samantalang ang mga ito ay dumaraan gaya ng pagdaan ng mga ulap, bilang pagkayari ni Allāh na nagpahusay sa bawat bagay. Tunay na Siya ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo.
مَن جَاۤءَ بِٱلۡحَسَنَةِ فَلَهُۥ خَیۡرࣱ مِّنۡهَا وَهُم مِّن فَزَعࣲ یَوۡمَىِٕذٍ ءَامِنُونَ ﴿٨٩﴾
Ang sinumang magdala ng magandang gawa,[391] ukol sa kanya ay higit na mabuti kaysa roon habang sila, mula sa hilakbot sa araw na iyon, ay mga matitiwasay.
وَمَن جَاۤءَ بِٱلسَّیِّئَةِ فَكُبَّتۡ وُجُوهُهُمۡ فِی ٱلنَّارِ هَلۡ تُجۡزَوۡنَ إِلَّا مَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ ﴿٩٠﴾
Ang sinumang magdala ng masagwang gawa,[392] isusubsob ang mga mukha nila sa Apoy. [Sasabihin:] “Gagantihan kaya kayo maliban pa ng anumang dati ninyong ginagawa?”
إِنَّمَاۤ أُمِرۡتُ أَنۡ أَعۡبُدَ رَبَّ هَـٰذِهِ ٱلۡبَلۡدَةِ ٱلَّذِی حَرَّمَهَا وَلَهُۥ كُلُّ شَیۡءࣲۖ وَأُمِرۡتُ أَنۡ أَكُونَ مِنَ ٱلۡمُسۡلِمِینَ ﴿٩١﴾
[Sabihin mo]: “Inutusan lamang ako na sumamba sa Panginoon ng bayang ito, na nagpabanal nito – at sa Kanya ang bawat bagay – at inutusan ako na maging kabilang ako sa mga tagapagpasakop [kay Allāh]
وَأَنۡ أَتۡلُوَاْ ٱلۡقُرۡءَانَۖ فَمَنِ ٱهۡتَدَىٰ فَإِنَّمَا یَهۡتَدِی لِنَفۡسِهِۦۖ وَمَن ضَلَّ فَقُلۡ إِنَّمَاۤ أَنَا۠ مِنَ ٱلۡمُنذِرِینَ ﴿٩٢﴾
at na bumigkas ako ng Qur’ān.” Kaya ang sinumang napatnubayan ay napapatnubayan lamang para sa [pakinabang] sarili niya at ang sinumang naligaw ay sabihin mo: “Ako ay kabilang sa mga tagapagbabala lamang.”
وَقُلِ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ سَیُرِیكُمۡ ءَایَـٰتِهِۦ فَتَعۡرِفُونَهَاۚ وَمَا رَبُّكَ بِغَـٰفِلٍ عَمَّا تَعۡمَلُونَ ﴿٩٣﴾
Sabihin mo: “Ang papuri ay ukol kay Allāh. Magpapakita Siya sa inyo ng mga tanda Niya kaya makakikilala kayo sa mga ito. Ang Panginoon mo ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ninyo.”