Surah Al-‘Ankabūt

Listen

Filipino (Tagalog)

Surah Al-‘Ankabūt - Aya count 69

الۤمۤ ﴿١﴾

Alif. Lām. Mīm.[404]

[404] Ang Qur’ān ay nasa wikang Arabe na binubuo ng mga titiks Arabe gaya ng mga ito subalit walang isa mang nakagawa ng kahit pinkamaiikling kabanata ng mahimalang kababalaghan ng Qur’ān.


Arabic explanations of the Qur’an:

أَحَسِبَ ٱلنَّاسُ أَن یُتۡرَكُوۤاْ أَن یَقُولُوۤاْ ءَامَنَّا وَهُمۡ لَا یُفۡتَنُونَ ﴿٢﴾

Nag-akala ba ang mga tao na iiwan sila na magsabi: “Sumampalataya kami,” habang sila ay hindi sinusubok [sa sinabi nila]?


Arabic explanations of the Qur’an:

وَلَقَدۡ فَتَنَّا ٱلَّذِینَ مِن قَبۡلِهِمۡۖ فَلَیَعۡلَمَنَّ ٱللَّهُ ٱلَّذِینَ صَدَقُواْ وَلَیَعۡلَمَنَّ ٱلۡكَـٰذِبِینَ ﴿٣﴾

Talaga ngang sumubok sa mga bago pa nila kaya talagang nakaaalam nga si Allāh sa mga nagpakatapat at talagang nakaaalam nga Siya sa mga sinungaling.


Arabic explanations of the Qur’an:

أَمۡ حَسِبَ ٱلَّذِینَ یَعۡمَلُونَ ٱلسَّیِّـَٔاتِ أَن یَسۡبِقُونَاۚ سَاۤءَ مَا یَحۡكُمُونَ ﴿٤﴾

O nag-akala ba ang mga gumagawa ng mga masagwang gawa [ng pagsuway] na makauna sila sa Amin?[405] Kay sagwa ang inihahatol nila!

[405] na makatakas sila sa patusa.


Arabic explanations of the Qur’an:

مَن كَانَ یَرۡجُواْ لِقَاۤءَ ٱللَّهِ فَإِنَّ أَجَلَ ٱللَّهِ لَـَٔاتࣲۚ وَهُوَ ٱلسَّمِیعُ ٱلۡعَلِیمُ ﴿٥﴾

Ang sinumang naging nag-aasam ng pakikipagkita kay Allāh, tunay na ang taning ni Allāh ay talagang darating. Siya ay ang Madinigin, ang Maalam.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَمَن جَـٰهَدَ فَإِنَّمَا یُجَـٰهِدُ لِنَفۡسِهِۦۤۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَغَنِیٌّ عَنِ ٱلۡعَـٰلَمِینَ ﴿٦﴾

Ang sinumang nakibaka[406] ay nakibaka lamang para sa sarili niya. Tunay na si Allāh ay talagang Walang-pangangailangan sa mga nilalang.

[406] alang-alang kay Allāh at laban sa sarili para dalhin ito sa pagtalima


Arabic explanations of the Qur’an:

وَٱلَّذِینَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّـٰلِحَـٰتِ لَنُكَفِّرَنَّ عَنۡهُمۡ سَیِّـَٔاتِهِمۡ وَلَنَجۡزِیَنَّهُمۡ أَحۡسَنَ ٱلَّذِی كَانُواْ یَعۡمَلُونَ ﴿٧﴾

Ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ay talagang magtatakip-sala nga Kami sa kanila sa mga masagwang gawa nila at talagang gaganti nga Kami sa kanila ayon sa pinakamaganda sa dati nilang ginagawa.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَوَصَّیۡنَا ٱلۡإِنسَـٰنَ بِوَ ٰ⁠لِدَیۡهِ حُسۡنࣰاۖ وَإِن جَـٰهَدَاكَ لِتُشۡرِكَ بِی مَا لَیۡسَ لَكَ بِهِۦ عِلۡمࣱ فَلَا تُطِعۡهُمَاۤۚ إِلَیَّ مَرۡجِعُكُمۡ فَأُنَبِّئُكُم بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ ﴿٨﴾

Nagtagubilin Kami sa tao hinggil sa mga magulang ng isang kagandahan. Kung nagpunyagi silang dalawa sa iyo upang magtambal ka sa Akin ng anumang wala kang kaalaman hinggil doon ay huwag kang tumalima sa kanilang dalawa. Sa Akin ang babalikan ninyo saka magbabalita Ako sa inyo hinggil sa anumang dati ninyong ginagawa.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَٱلَّذِینَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّـٰلِحَـٰتِ لَنُدۡخِلَنَّهُمۡ فِی ٱلصَّـٰلِحِینَ ﴿٩﴾

Ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ay talagang magpapapasok nga Kami sa kanila sa gitna ng mga maayos.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَمِنَ ٱلنَّاسِ مَن یَقُولُ ءَامَنَّا بِٱللَّهِ فَإِذَاۤ أُوذِیَ فِی ٱللَّهِ جَعَلَ فِتۡنَةَ ٱلنَّاسِ كَعَذَابِ ٱللَّهِۖ وَلَىِٕن جَاۤءَ نَصۡرࣱ مِّن رَّبِّكَ لَیَقُولُنَّ إِنَّا كُنَّا مَعَكُمۡۚ أَوَلَیۡسَ ٱللَّهُ بِأَعۡلَمَ بِمَا فِی صُدُورِ ٱلۡعَـٰلَمِینَ ﴿١٠﴾

Mayroon sa mga tao na nagsasabi: “Sumampalataya kami kay Allāh,” ngunit kapag sinaktan dahil kay Allāh ay nagtuturing sa pagsubok ng mga tao na gaya ng pagdurusang dulot ni Allāh. Talagang kung may dumating na isang pag-aadya mula sa Panginoon mo ay talagang magsasabi nga sila: “Tunay na kami ay kasama sa inyo.” Hindi ba si Allāh ay higit na maalam sa anumang nasa mga dibdib ng mga nilalang?


Arabic explanations of the Qur’an:

وَلَیَعۡلَمَنَّ ٱللَّهُ ٱلَّذِینَ ءَامَنُواْ وَلَیَعۡلَمَنَّ ٱلۡمُنَـٰفِقِینَ ﴿١١﴾

Talagang nakaaalam nga si Allāh sa mga sumampalataya at talagang nakaaalam nga Siya sa mga mapagpaimbabaw.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَقَالَ ٱلَّذِینَ كَفَرُواْ لِلَّذِینَ ءَامَنُواْ ٱتَّبِعُواْ سَبِیلَنَا وَلۡنَحۡمِلۡ خَطَـٰیَـٰكُمۡ وَمَا هُم بِحَـٰمِلِینَ مِنۡ خَطَـٰیَـٰهُم مِّن شَیۡءٍۖ إِنَّهُمۡ لَكَـٰذِبُونَ ﴿١٢﴾

Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya sa mga sumampalataya [kay Allāh lamang]: “Sundin ninyo ang landasin namin at pasanin namin ang [kahihinatnan ng] mga kamalian ninyo.” Hindi sila mga magpapasan mula sa mga kamalian ng mga iyon ng anuman. Tunay na sila ay talagang mga sinungaling.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَلَیَحۡمِلُنَّ أَثۡقَالَهُمۡ وَأَثۡقَالࣰا مَّعَ أَثۡقَالِهِمۡۖ وَلَیُسۡـَٔلُنَّ یَوۡمَ ٱلۡقِیَـٰمَةِ عَمَّا كَانُواْ یَفۡتَرُونَ ﴿١٣﴾

Talagang magpapasan nga sila ng mga pabigat nila at mga pabigat [ng iba][407] kasama sa mga pabigat nila. Talagang tatanungin nga sila sa Araw ng Pagbangon tungkol sa anumang dati nilang ginagawa-gawa.

[407] na iniligaw nila bagamat hindi ito makababawas sa pabigat ng mga ito sa anumang paraan.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا نُوحًا إِلَىٰ قَوۡمِهِۦ فَلَبِثَ فِیهِمۡ أَلۡفَ سَنَةٍ إِلَّا خَمۡسِینَ عَامࣰا فَأَخَذَهُمُ ٱلطُّوفَانُ وَهُمۡ ظَـٰلِمُونَ ﴿١٤﴾

Talaga ngang nagsugo Kami kay Noe sa mga tao niya, kaya nanatili siya sa kanila ng isang libong taon maliban sa limampung taon, saka dumaklot sa kanila ang gunaw habang sila ay mga tagalabag sa katarungan.[408]

[408] dahilan sa kawalang-pananampalataya nila kay Allāh at pagpapasinungaling nila sa mga sugo Niya.


Arabic explanations of the Qur’an:

فَأَنجَیۡنَـٰهُ وَأَصۡحَـٰبَ ٱلسَّفِینَةِ وَجَعَلۡنَـٰهَاۤ ءَایَةࣰ لِّلۡعَـٰلَمِینَ ﴿١٥﴾

Ngunit pinaligtas Namin siya at ang mga sakay ng daong. Gumawa Kami nito bilang tanda para sa mga nilalang.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَإِبۡرَ ٰ⁠هِیمَ إِذۡ قَالَ لِقَوۡمِهِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ وَٱتَّقُوهُۖ ذَ ٰ⁠لِكُمۡ خَیۡرࣱ لَّكُمۡ إِن كُنتُمۡ تَعۡلَمُونَ ﴿١٦﴾

[Banggitin] si Abraham noong nagsabi siya sa mga kababayan niya: “Sumamba kayo kay Allāh at mangilag kayong magkasala sa Kanya; iyon ay higit na mabuti para sa inyo kung kayo ay naging nakaaalam.


Arabic explanations of the Qur’an:

إِنَّمَا تَعۡبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ أَوۡثَـٰنࣰا وَتَخۡلُقُونَ إِفۡكًاۚ إِنَّ ٱلَّذِینَ تَعۡبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ لَا یَمۡلِكُونَ لَكُمۡ رِزۡقࣰا فَٱبۡتَغُواْ عِندَ ٱللَّهِ ٱلرِّزۡقَ وَٱعۡبُدُوهُ وَٱشۡكُرُواْ لَهُۥۤۖ إِلَیۡهِ تُرۡجَعُونَ ﴿١٧﴾

Sumasamba lamang kayo bukod pa kay Allāh sa mga diyus-diyusan at lumilikha kayo ng isang panlilinlang. Tunay na ang mga sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh ay hindi nakapagdudulot para sa inyo ng panustos. Kaya maghangad kayo sa ganang kay Allāh ng panustos, sumamba kayo sa Kanya, at magpasalamat kayo sa Kanya. Tungo sa Kanya pababalikin kayo.”


Arabic explanations of the Qur’an:

وَإِن تُكَذِّبُواْ فَقَدۡ كَذَّبَ أُمَمࣱ مِّن قَبۡلِكُمۡۖ وَمَا عَلَى ٱلرَّسُولِ إِلَّا ٱلۡبَلَـٰغُ ٱلۡمُبِینُ ﴿١٨﴾

Kung magpapasinungaling kayo,[409] may nagpasinungaling nga na mga kalipunan [sa mga propeta nila] bago pa ninyo. Walang kailangan sa Sugo kundi ang pagpapaabot na malinaw [ng mensahe ni Allāh].

[409] kay Muḥammad, ang Propeta ni Allāh


Arabic explanations of the Qur’an:

أَوَلَمۡ یَرَوۡاْ كَیۡفَ یُبۡدِئُ ٱللَّهُ ٱلۡخَلۡقَ ثُمَّ یُعِیدُهُۥۤۚ إِنَّ ذَ ٰ⁠لِكَ عَلَى ٱللَّهِ یَسِیرࣱ ﴿١٩﴾

Hindi ba nila napag-alaman kung papaanong nagpapasimula si Allāh sa paglikha, pagkatapos nagpapanumbalik Siya nito? Tunay na iyon, kay Allāh, ay madali.


Arabic explanations of the Qur’an:

قُلۡ سِیرُواْ فِی ٱلۡأَرۡضِ فَٱنظُرُواْ كَیۡفَ بَدَأَ ٱلۡخَلۡقَۚ ثُمَّ ٱللَّهُ یُنشِئُ ٱلنَّشۡأَةَ ٱلۡـَٔاخِرَةَۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَیۡءࣲ قَدِیرࣱ ﴿٢٠﴾

Sabihin mo: “Humayo kayo sa lupain saka tumingin kayo kung papaano Siya nagsimula ng paglikha. Pagkatapos si Allāh ay magpapaluwal na huling pagpapaluwal. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan.”


Arabic explanations of the Qur’an:

یُعَذِّبُ مَن یَشَاۤءُ وَیَرۡحَمُ مَن یَشَاۤءُۖ وَإِلَیۡهِ تُقۡلَبُونَ ﴿٢١﴾

Nagpaparusa Siya sa sinumang niloloob Niya [dahil sa katarungan Niya] at naaawa Siya sa sinumang niloloob Niya [dahil sa kabutihang-loob Niya]. Tungo sa Kanya kayo pauuwiin.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَمَاۤ أَنتُم بِمُعۡجِزِینَ فِی ٱلۡأَرۡضِ وَلَا فِی ٱلسَّمَاۤءِۖ وَمَا لَكُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ مِن وَلِیࣲّ وَلَا نَصِیرࣲ ﴿٢٢﴾

Hindi kayo mga makapagpapawalang-kakayahan sa lupa ni sa langit. Walang ukol sa inyo bukod pa kay Allāh na anumang katangkilik ni mapag-adya.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَٱلَّذِینَ كَفَرُواْ بِـَٔایَـٰتِ ٱللَّهِ وَلِقَاۤىِٕهِۦۤ أُوْلَـٰۤىِٕكَ یَىِٕسُواْ مِن رَّحۡمَتِی وَأُوْلَـٰۤىِٕكَ لَهُمۡ عَذَابٌ أَلِیمࣱ ﴿٢٣﴾

Ang mga tumangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh at pakikipagkita sa Kanya, ang mga iyon ay nawalan ng pag-asa sa awa Ko at ang mga iyon ay may ukol sa kanila na isang pagdurusang masakit.


Arabic explanations of the Qur’an:

فَمَا كَانَ جَوَابَ قَوۡمِهِۦۤ إِلَّاۤ أَن قَالُواْ ٱقۡتُلُوهُ أَوۡ حَرِّقُوهُ فَأَنجَىٰهُ ٱللَّهُ مِنَ ٱلنَّارِۚ إِنَّ فِی ذَ ٰ⁠لِكَ لَـَٔایَـٰتࣲ لِّقَوۡمࣲ یُؤۡمِنُونَ ﴿٢٤﴾

Ngunit walang iba ang sagot ng mga kababayan niya kundi na nagsabi sila: “Patayin ninyo siya o sunugin ninyo siya,” ngunit pinaligtas siya ni Allāh mula sa apoy. Tunay na sa gayon ay may mga tanda para sa mga taong sumasampalataya.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَقَالَ إِنَّمَا ٱتَّخَذۡتُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ أَوۡثَـٰنࣰا مَّوَدَّةَ بَیۡنِكُمۡ فِی ٱلۡحَیَوٰةِ ٱلدُّنۡیَاۖ ثُمَّ یَوۡمَ ٱلۡقِیَـٰمَةِ یَكۡفُرُ بَعۡضُكُم بِبَعۡضࣲ وَیَلۡعَنُ بَعۡضُكُم بَعۡضࣰا وَمَأۡوَىٰكُمُ ٱلنَّارُ وَمَا لَكُم مِّن نَّـٰصِرِینَ ﴿٢٥﴾

Nagsabi siya: “Gumawa lamang kayo sa bukod pa kay Allāh ng mga diyus-diyusan dala ng isang pagmamahal sa gitna ninyo sa buhay na pangmundo. Pagkatapos sa Araw ng Pagbangon ay tatanggi kayo sa isa’t isa at susumpa kayo sa isa’t isa. Ang kanlungan ninyo ay ang Apoy. Walang ukol sa inyo na mga tagapag-adya.”


Arabic explanations of the Qur’an:

۞ فَـَٔامَنَ لَهُۥ لُوطࣱۘ وَقَالَ إِنِّی مُهَاجِرٌ إِلَىٰ رَبِّیۤۖ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلۡعَزِیزُ ٱلۡحَكِیمُ ﴿٢٦﴾

Ngunit naniwala sa kanya si Lot. Nagsabi siya: “Tunay na ako ay lilikas tungo sa Panginoon ko. Tunay na Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.”


Arabic explanations of the Qur’an:

وَوَهَبۡنَا لَهُۥۤ إِسۡحَـٰقَ وَیَعۡقُوبَ وَجَعَلۡنَا فِی ذُرِّیَّتِهِ ٱلنُّبُوَّةَ وَٱلۡكِتَـٰبَ وَءَاتَیۡنَـٰهُ أَجۡرَهُۥ فِی ٱلدُّنۡیَاۖ وَإِنَّهُۥ فِی ٱلۡـَٔاخِرَةِ لَمِنَ ٱلصَّـٰلِحِینَ ﴿٢٧﴾

Ipinagkaloob Namin sa kanya sina Isaac at Jacob at inilagay Namin sa mga supling niya ang pagkapropeta at ang kasulatan. Nagbigay Kami sa kanya ng pabuya niya sa Mundo. Tunay na siya sa Kabilang-buhay ay talagang kabilang sa mga maayos.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَلُوطًا إِذۡ قَالَ لِقَوۡمِهِۦۤ إِنَّكُمۡ لَتَأۡتُونَ ٱلۡفَـٰحِشَةَ مَا سَبَقَكُم بِهَا مِنۡ أَحَدࣲ مِّنَ ٱلۡعَـٰلَمِینَ ﴿٢٨﴾

[Banggitin] si Lot noong nagsabi siya sa mga kababayan niya: “Tunay na kayo ay talagang gumagawa ng mahalay, habang walang nakauna sa inyo roon na isa man kabilang sa mga nilalang.


Arabic explanations of the Qur’an:

أَىِٕنَّكُمۡ لَتَأۡتُونَ ٱلرِّجَالَ وَتَقۡطَعُونَ ٱلسَّبِیلَ وَتَأۡتُونَ فِی نَادِیكُمُ ٱلۡمُنكَرَۖ فَمَا كَانَ جَوَابَ قَوۡمِهِۦۤ إِلَّاۤ أَن قَالُواْ ٱئۡتِنَا بِعَذَابِ ٱللَّهِ إِن كُنتَ مِنَ ٱلصَّـٰدِقِینَ ﴿٢٩﴾

Tunay na kayo ba ay talagang gumagawa [ng sodomiya] sa mga lalaki, nandarambong sa landas, at gumagawa sa kapulungan ninyo ng nakasasama?”[410] Ngunit walang iba ang sagot ng mga kababayan niya kundi na nagsabi sila: “Magdala ka sa amin ng pagdurusang dulot ni Allāh, kung ikaw ay naging kabilang sa mga tapat.”

[410] na gaya ng pagtatambal kay Allāh, kawalang-pananampalataya, kasamaan, at paglabag


Arabic explanations of the Qur’an:

قَالَ رَبِّ ٱنصُرۡنِی عَلَى ٱلۡقَوۡمِ ٱلۡمُفۡسِدِینَ ﴿٣٠﴾

Nagsabi siya: “Panginoon ko, iadya Mo ako laban sa mga taong tagagulo.”


Arabic explanations of the Qur’an:

وَلَمَّا جَاۤءَتۡ رُسُلُنَاۤ إِبۡرَ ٰ⁠هِیمَ بِٱلۡبُشۡرَىٰ قَالُوۤاْ إِنَّا مُهۡلِكُوۤاْ أَهۡلِ هَـٰذِهِ ٱلۡقَرۡیَةِۖ إِنَّ أَهۡلَهَا كَانُواْ ظَـٰلِمِینَ ﴿٣١﴾

Noong naghatid ang mga [anghel na] sugo Namin kay Abraham ng balitang nakagagalak[411] ay nagsabi sila: “Tunay na kami ay magpapahamak sa mga naninirahan sa pamayanang iyan [ni Lot]. Tunay na ang mga naninirahan diyan ay laging mga tagalabag sa katarungan.”

[411] ng pagsilang ni Isaac


Arabic explanations of the Qur’an:

قَالَ إِنَّ فِیهَا لُوطࣰاۚ قَالُواْ نَحۡنُ أَعۡلَمُ بِمَن فِیهَاۖ لَنُنَجِّیَنَّهُۥ وَأَهۡلَهُۥۤ إِلَّا ٱمۡرَأَتَهُۥ كَانَتۡ مِنَ ٱلۡغَـٰبِرِینَ ﴿٣٢﴾

Nagsabi siya: “Tunay na nariyan si Lot.” Nagsabi sila: “Kami ay higit na maalam sa sinumang nariyan. Talagang magliligtas nga Kami sa kanya at sa mag-anak niya maliban sa maybahay niya; ito ay magiging kabilang sa mga magpapaiwan [para masawi].”


Arabic explanations of the Qur’an:

وَلَمَّاۤ أَن جَاۤءَتۡ رُسُلُنَا لُوطࣰا سِیۤءَ بِهِمۡ وَضَاقَ بِهِمۡ ذَرۡعࣰاۖ وَقَالُواْ لَا تَخَفۡ وَلَا تَحۡزَنۡ إِنَّا مُنَجُّوكَ وَأَهۡلَكَ إِلَّا ٱمۡرَأَتَكَ كَانَتۡ مِنَ ٱلۡغَـٰبِرِینَ ﴿٣٣﴾

Noong dumating ang mga sugo Namin kay Lot ay pinahapis siya dahil sa kanila at pinanghinaan siya dahil sa kanila ng loob.[412] Nagsabi sila: “Huwag kang mangamba[413] at huwag kang malungkot. Tunay na kami ay mga magliligtas sa iyo at sa mag-anak mo maliban sa maybahay mo; ito ay magiging kabilang sa mga magpapaiwan [para masawi].

[412] na makapagsanggalang sa kanila laban sa mga kababayan niya [413] kami ay mga sugo ni Allāh


Arabic explanations of the Qur’an:

إِنَّا مُنزِلُونَ عَلَىٰۤ أَهۡلِ هَـٰذِهِ ٱلۡقَرۡیَةِ رِجۡزࣰا مِّنَ ٱلسَّمَاۤءِ بِمَا كَانُواْ یَفۡسُقُونَ ﴿٣٤﴾

Tunay na kami ay mga magpapababa sa mga naninirahan sa pamayanang iyan ng isang pasakit mula sa langit dahil dati na silang nagpapakasuwail.”


Arabic explanations of the Qur’an:

وَلَقَد تَّرَكۡنَا مِنۡهَاۤ ءَایَةَۢ بَیِّنَةࣰ لِّقَوۡمࣲ یَعۡقِلُونَ ﴿٣٥﴾

Talaga ngang nag-iwan Kami mula riyan ng isang tandang malinaw para sa mga taong nakapag-uunawa.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَإِلَىٰ مَدۡیَنَ أَخَاهُمۡ شُعَیۡبࣰا فَقَالَ یَـٰقَوۡمِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ وَٱرۡجُواْ ٱلۡیَوۡمَ ٱلۡـَٔاخِرَ وَلَا تَعۡثَوۡاْ فِی ٱلۡأَرۡضِ مُفۡسِدِینَ ﴿٣٦﴾

[Nagsugo Kami sa] Madyan ng kapatid nilang si Shu`ayb, saka nagsabi siya: “O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh, mag-asam kayo ng [gantimpala sa] Huling Araw, at huwag kayong manampalasan sa lupa bilang mga tagagulo.”


Arabic explanations of the Qur’an:

فَكَذَّبُوهُ فَأَخَذَتۡهُمُ ٱلرَّجۡفَةُ فَأَصۡبَحُواْ فِی دَارِهِمۡ جَـٰثِمِینَ ﴿٣٧﴾

Ngunit nagpasinungaling sila sa kanya, kaya dumaklot sa kanila ang yanig saka sila, sa mga tahanan nila, ay naging mga [patay na] nakasubsob.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَعَادࣰا وَثَمُودَاْ وَقَد تَّبَیَّنَ لَكُم مِّن مَّسَـٰكِنِهِمۡۖ وَزَیَّنَ لَهُمُ ٱلشَّیۡطَـٰنُ أَعۡمَـٰلَهُمۡ فَصَدَّهُمۡ عَنِ ٱلسَّبِیلِ وَكَانُواْ مُسۡتَبۡصِرِینَ ﴿٣٨﴾

[Nagpahamak Kami] sa `Ād at Thamūd, at luminaw ito para sa inyo mula sa mga tirahan nila. Ipinang-akit para sa kanila ng demonyo ang mga gawain nila kaya bumalakid siya sa kanila sa landas habang sila noon ay mga nakatatalos.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَقَـٰرُونَ وَفِرۡعَوۡنَ وَهَـٰمَـٰنَۖ وَلَقَدۡ جَاۤءَهُم مُّوسَىٰ بِٱلۡبَیِّنَـٰتِ فَٱسۡتَكۡبَرُواْ فِی ٱلۡأَرۡضِ وَمَا كَانُواْ سَـٰبِقِینَ ﴿٣٩﴾

[Nagpahamak Kami] kina Qārūn, Paraon, at Hāmān. Talaga ngang naghatid sa kanila si Moises ng mga patunay na malinaw ngunit nagmalaki sila sa lupain at hindi sila noon mga nakauuna.[414]

[414] sa pagtakas sa parusa ni Allāh


Arabic explanations of the Qur’an:

فَكُلًّا أَخَذۡنَا بِذَنۢبِهِۦۖ فَمِنۡهُم مَّنۡ أَرۡسَلۡنَا عَلَیۡهِ حَاصِبࣰا وَمِنۡهُم مَّنۡ أَخَذَتۡهُ ٱلصَّیۡحَةُ وَمِنۡهُم مَّنۡ خَسَفۡنَا بِهِ ٱلۡأَرۡضَ وَمِنۡهُم مَّنۡ أَغۡرَقۡنَاۚ وَمَا كَانَ ٱللَّهُ لِیَظۡلِمَهُمۡ وَلَـٰكِن كَانُوۤاْ أَنفُسَهُمۡ یَظۡلِمُونَ ﴿٤٠﴾

Kaya sa bawat isa ay dumaklot Kami dahil sa pagkakasala nito sapagkat kabilang sa kanila[415] ay pinadalhan Namin ng isang unos ng mga bato, kabilang sa kanila[416] ay kinuha ng hiyaw, kabilang sa kanila[417] ay ipinalamon Namin sa lupa, at kabilang sa kanila[418] ay nilunod Namin. Hindi si Allāh naging ukol na lumabag sa katarungan sa kanila subalit sila noon sa mga sarili nila ay lumalabag sa katarungan.

[415] na mga kakabayan ni Lot [416] na liping Thamūd at mga kalipi ni Shu`ayb [417] na si Qārūn [418] na mga kababaya nina Noe at Paraon


Arabic explanations of the Qur’an:

مَثَلُ ٱلَّذِینَ ٱتَّخَذُواْ مِن دُونِ ٱللَّهِ أَوۡلِیَاۤءَ كَمَثَلِ ٱلۡعَنكَبُوتِ ٱتَّخَذَتۡ بَیۡتࣰاۖ وَإِنَّ أَوۡهَنَ ٱلۡبُیُوتِ لَبَیۡتُ ٱلۡعَنكَبُوتِۚ لَوۡ كَانُواْ یَعۡلَمُونَ ﴿٤١﴾

Ang paghahalintulad sa mga gumawa sa bukod pa kay Allāh bilang mga katangkilik[419] ay gaya ng paghahalintulad sa gagamba noong gumawa ito ng isang bahay. Tunay na ang pinakamarupok sa mga bahay ay talagang ang bahay ng gagamba, kung sakaling sila ay naging nakaaalam.

[419] bilang tagapagtanggol, tagapag-alag, tagapagligtas


Arabic explanations of the Qur’an:

إِنَّ ٱللَّهَ یَعۡلَمُ مَا یَدۡعُونَ مِن دُونِهِۦ مِن شَیۡءࣲۚ وَهُوَ ٱلۡعَزِیزُ ٱلۡحَكِیمُ ﴿٤٢﴾

Tunay na si Allāh ay nakaaalam sa dinadalanginan nila bukod pa sa Kanya na anuman. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَتِلۡكَ ٱلۡأَمۡثَـٰلُ نَضۡرِبُهَا لِلنَّاسِۖ وَمَا یَعۡقِلُهَاۤ إِلَّا ٱلۡعَـٰلِمُونَ ﴿٤٣﴾

Ang mga paghahalintulad na iyon ay inilalahad Namin para sa mga tao. Walang nakapag-uunawa sa mga ito kundi ang mga nakaaalam.


Arabic explanations of the Qur’an:

خَلَقَ ٱللَّهُ ٱلسَّمَـٰوَ ٰ⁠تِ وَٱلۡأَرۡضَ بِٱلۡحَقِّۚ إِنَّ فِی ذَ ٰ⁠لِكَ لَـَٔایَةࣰ لِّلۡمُؤۡمِنِینَ ﴿٤٤﴾

Lumikha si Allāh ng mga langit at lupa ayon sa katotohanan. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa mga mananampalataya.


Arabic explanations of the Qur’an:

ٱتۡلُ مَاۤ أُوحِیَ إِلَیۡكَ مِنَ ٱلۡكِتَـٰبِ وَأَقِمِ ٱلصَّلَوٰةَۖ إِنَّ ٱلصَّلَوٰةَ تَنۡهَىٰ عَنِ ٱلۡفَحۡشَاۤءِ وَٱلۡمُنكَرِۗ وَلَذِكۡرُ ٱللَّهِ أَكۡبَرُۗ وَٱللَّهُ یَعۡلَمُ مَا تَصۡنَعُونَ ﴿٤٥﴾

Bigkasin mo ang ikinasi sa iyo mula sa Aklat at panatilihin mo ang pagdarasal; tunay na ang pagdarasal ay sumasaway sa kahalayan at nakasasama. Talagang ang pag-alaala kay Allāh ay higit na malaki.[420] Si Allāh ay nakaaalam sa anumang niyayari ninyo.

[420] sa lahat ng mga anyo ng pagsamba at sa pagpigil sa bawat masamang gawa


Arabic explanations of the Qur’an:

۞ وَلَا تُجَـٰدِلُوۤاْ أَهۡلَ ٱلۡكِتَـٰبِ إِلَّا بِٱلَّتِی هِیَ أَحۡسَنُ إِلَّا ٱلَّذِینَ ظَلَمُواْ مِنۡهُمۡۖ وَقُولُوۤاْ ءَامَنَّا بِٱلَّذِیۤ أُنزِلَ إِلَیۡنَا وَأُنزِلَ إِلَیۡكُمۡ وَإِلَـٰهُنَا وَإِلَـٰهُكُمۡ وَ ٰ⁠حِدࣱ وَنَحۡنُ لَهُۥ مُسۡلِمُونَ ﴿٤٦﴾

Huwag kayong makipagtalo sa mga May Kasulatan malibang ayon sa pinakamaganda, maliban sa mga lumabag sa katarungan kabilang sa kanila. Sabihin ninyo: “Sumampalataya kami sa pinababa sa amin at pinababa sa inyo. Ang Diyos namin at ang Diyos ninyo ay nag-iisa. Kami sa Kanya ay mga tagapagpasakop.”[421]

[421] O mga Muslim.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَكَذَ ٰ⁠لِكَ أَنزَلۡنَاۤ إِلَیۡكَ ٱلۡكِتَـٰبَۚ فَٱلَّذِینَ ءَاتَیۡنَـٰهُمُ ٱلۡكِتَـٰبَ یُؤۡمِنُونَ بِهِۦۖ وَمِنۡ هَـٰۤؤُلَاۤءِ مَن یُؤۡمِنُ بِهِۦۚ وَمَا یَجۡحَدُ بِـَٔایَـٰتِنَاۤ إِلَّا ٱلۡكَـٰفِرُونَ ﴿٤٧﴾

Gayon Kami nagpababa sa iyo ng Aklat kaya ang [ilan sa] mga binigyan Namin ng kasulatan ay sumasampalataya rito. Mayroon sa mga ito na sumasampalataya rito. Walang nagkakaila sa mga tanda Namin kundi ang mga tagatangging sumampalataya.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَمَا كُنتَ تَتۡلُواْ مِن قَبۡلِهِۦ مِن كِتَـٰبࣲ وَلَا تَخُطُّهُۥ بِیَمِینِكَۖ إِذࣰا لَّٱرۡتَابَ ٱلۡمُبۡطِلُونَ ﴿٤٨﴾

Hindi ka dati bumibigkas bago pa nito ng anumang aklat at hindi ka nagsusulat nito sa pamamagitan ng kanan mo [dahil] kung gayon ay talagang nag-alinlangan ang mga tagapagpabula.


Arabic explanations of the Qur’an:

بَلۡ هُوَ ءَایَـٰتُۢ بَیِّنَـٰتࣱ فِی صُدُورِ ٱلَّذِینَ أُوتُواْ ٱلۡعِلۡمَۚ وَمَا یَجۡحَدُ بِـَٔایَـٰتِنَاۤ إِلَّا ٱلظَّـٰلِمُونَ ﴿٤٩﴾

Bagkus [ang Qur’ān na] ito ay mga talatang malilinaw na nasa mga dibdib ng mga nabigyan kaalaman. Walang nagkakaila sa mga talata Namin [sa Qur’ān] kundi ang mga tagalabag sa katarungan.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَقَالُواْ لَوۡلَاۤ أُنزِلَ عَلَیۡهِ ءَایَـٰتࣱ مِّن رَّبِّهِۦۚ قُلۡ إِنَّمَا ٱلۡـَٔایَـٰتُ عِندَ ٱللَّهِ وَإِنَّمَاۤ أَنَا۠ نَذِیرࣱ مُّبِینٌ ﴿٥٠﴾

Nagsabi sila: “Bakit kasi walang pinababa sa kanya na mga tanda mula sa Panginoon niya?” Sabihin mo: “Ang mga tanda ay nasa ganang kay Allāh lamang at ako ay isang mapagbabalang malinaw lamang.[422]”

[422] ng pagdurusa para sa sinumang nagtatambal ng anuman kay Allāh at gumagawa ng masama.


Arabic explanations of the Qur’an:

أَوَلَمۡ یَكۡفِهِمۡ أَنَّاۤ أَنزَلۡنَا عَلَیۡكَ ٱلۡكِتَـٰبَ یُتۡلَىٰ عَلَیۡهِمۡۚ إِنَّ فِی ذَ ٰ⁠لِكَ لَرَحۡمَةࣰ وَذِكۡرَىٰ لِقَوۡمࣲ یُؤۡمِنُونَ ﴿٥١﴾

Hindi ba nakasapat sa kanila na Kami ay nagpababa sa iyo[423] ng Aklat na binibigkas sa kanila? Tunay na sa gayon ay talagang may awa at paalaala para sa mga taong sumasampalataya.

[423] O Propeta Muḥammad


Arabic explanations of the Qur’an:

قُلۡ كَفَىٰ بِٱللَّهِ بَیۡنِی وَبَیۡنَكُمۡ شَهِیدࣰاۖ یَعۡلَمُ مَا فِی ٱلسَّمَـٰوَ ٰ⁠تِ وَٱلۡأَرۡضِۗ وَٱلَّذِینَ ءَامَنُواْ بِٱلۡبَـٰطِلِ وَكَفَرُواْ بِٱللَّهِ أُوْلَـٰۤىِٕكَ هُمُ ٱلۡخَـٰسِرُونَ ﴿٥٢﴾

Sabihin mo: “Nakasapat si Allāh sa pagitan ko at ninyo bilang Saksi. Nakaaalam Siya sa anumang nasa mga langit at lupa. Ang mga sumampalataya sa kabulaanan[424] at tumangging sumampalataya kay Allāh, ang mga iyon ay ang mga lugi.”

[424] na anumang sinasamba bukod pa kay Allāh


Arabic explanations of the Qur’an:

وَیَسۡتَعۡجِلُونَكَ بِٱلۡعَذَابِ وَلَوۡلَاۤ أَجَلࣱ مُّسَمࣰّى لَّجَاۤءَهُمُ ٱلۡعَذَابُۚ وَلَیَأۡتِیَنَّهُم بَغۡتَةࣰ وَهُمۡ لَا یَشۡعُرُونَ ﴿٥٣﴾

Nagpapamadali sila sa iyo ng pagdurusa. Kung hindi dahil [may] isang taning na tinukoy, talaga sanang dumating sa kanila ang pagdurusa at talagang pupunta nga ito sa kanila ng biglaan habang sila ay hindi nakararamdam.


Arabic explanations of the Qur’an:

یَسۡتَعۡجِلُونَكَ بِٱلۡعَذَابِ وَإِنَّ جَهَنَّمَ لَمُحِیطَةُۢ بِٱلۡكَـٰفِرِینَ ﴿٥٤﴾

Nagpapamadali sila sa iyo ng pagdurusa. Tunay na ang Impiyerno ay talagang tagapaligid sa mga tagatangging sumampalataya


Arabic explanations of the Qur’an:

یَوۡمَ یَغۡشَىٰهُمُ ٱلۡعَذَابُ مِن فَوۡقِهِمۡ وَمِن تَحۡتِ أَرۡجُلِهِمۡ وَیَقُولُ ذُوقُواْ مَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ ﴿٥٥﴾

sa Araw na babalot sa kanila ang pagdurusa mula sa itaas nila at mula sa ilalim ng mga paa nila at magsasabi Siya: “Lasapin ninyo ang dati ninyong ginagawa [na kasamaan].”


Arabic explanations of the Qur’an:

یَـٰعِبَادِیَ ٱلَّذِینَ ءَامَنُوۤاْ إِنَّ أَرۡضِی وَ ٰ⁠سِعَةࣱ فَإِیَّـٰیَ فَٱعۡبُدُونِ ﴿٥٦﴾

O mga alipin Ko [na tao at jinn] na sumampalataya, tunay na ang lupa Ko ay malawak kaya sa Akin ay sumamba kayo.


Arabic explanations of the Qur’an:

كُلُّ نَفۡسࣲ ذَاۤىِٕقَةُ ٱلۡمَوۡتِۖ ثُمَّ إِلَیۡنَا تُرۡجَعُونَ ﴿٥٧﴾

Bawat kaluluwa ay lalasap ng kamatayan. Pagkatapos tungo sa Amin pababalikin kayo.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَٱلَّذِینَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّـٰلِحَـٰتِ لَنُبَوِّئَنَّهُم مِّنَ ٱلۡجَنَّةِ غُرَفࣰا تَجۡرِی مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَـٰرُ خَـٰلِدِینَ فِیهَاۚ نِعۡمَ أَجۡرُ ٱلۡعَـٰمِلِینَ ﴿٥٨﴾

Ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ay talagang magpapatahan nga Kami mula sa paraiso sa mga [mataas na] silid na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili roon. Kay inam ang pabuya sa mga tagagawa,


Arabic explanations of the Qur’an:

ٱلَّذِینَ صَبَرُواْ وَعَلَىٰ رَبِّهِمۡ یَتَوَكَّلُونَ ﴿٥٩﴾

na mga nagtiis at sa Panginoon nila ay nananalig.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَكَأَیِّن مِّن دَاۤبَّةࣲ لَّا تَحۡمِلُ رِزۡقَهَا ٱللَّهُ یَرۡزُقُهَا وَإِیَّاكُمۡۚ وَهُوَ ٱلسَّمِیعُ ٱلۡعَلِیمُ ﴿٦٠﴾

Kay raming gumagalaw na nilalang na hindi nagbubuhat ng panustos ng mga ito, na si Allāh ay nagtutustos sa mga ito at sa inyo. Siya ay ang Madinigin, ang Maalam.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَلَىِٕن سَأَلۡتَهُم مَّنۡ خَلَقَ ٱلسَّمَـٰوَ ٰ⁠تِ وَٱلۡأَرۡضَ وَسَخَّرَ ٱلشَّمۡسَ وَٱلۡقَمَرَ لَیَقُولُنَّ ٱللَّهُۖ فَأَنَّىٰ یُؤۡفَكُونَ ﴿٦١﴾

Talagang kung nagtanong ka sa kanila kung sino ang lumikha ng mga langit at lupa at nagpasilbi ng araw at buwan ay talagang magsasabi nga silang si Allāh. Kaya paanong nalilinlang sila [palayo sa pagsamba kay Allāh]?


Arabic explanations of the Qur’an:

ٱللَّهُ یَبۡسُطُ ٱلرِّزۡقَ لِمَن یَشَاۤءُ مِنۡ عِبَادِهِۦ وَیَقۡدِرُ لَهُۥۤۚ إِنَّ ٱللَّهَ بِكُلِّ شَیۡءٍ عَلِیمࣱ ﴿٦٢﴾

Si Allāh ay nagpapaluwag ng panustos para sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya at naghihigpit para rito. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay Maalam.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَلَىِٕن سَأَلۡتَهُم مَّن نَّزَّلَ مِنَ ٱلسَّمَاۤءِ مَاۤءࣰ فَأَحۡیَا بِهِ ٱلۡأَرۡضَ مِنۢ بَعۡدِ مَوۡتِهَا لَیَقُولُنَّ ٱللَّهُۚ قُلِ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِۚ بَلۡ أَكۡثَرُهُمۡ لَا یَعۡقِلُونَ ﴿٦٣﴾

Talagang kung nagtanong ka sa kanila kung sino ang nagbaba mula sa langit ng tubig saka nagbigay-buhay sa pamamagitan nito sa lupa matapos na ng kamatayan nito ay talagang magsasabi nga silang si Allāh. Sabihin mo: “Ang papuri ay ukol kay Allāh,” ngunit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakapag-uunawa.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَمَا هَـٰذِهِ ٱلۡحَیَوٰةُ ٱلدُّنۡیَاۤ إِلَّا لَهۡوࣱ وَلَعِبࣱۚ وَإِنَّ ٱلدَّارَ ٱلۡـَٔاخِرَةَ لَهِیَ ٱلۡحَیَوَانُۚ لَوۡ كَانُواْ یَعۡلَمُونَ ﴿٦٤﴾

Walang iba ang buhay na ito sa Mundo kundi isang paglilibang at isang laro. Tunay na ang tahanan sa Kabilang-buhay ay talagang iyon ang pinakabuhay, kung sakaling sila noon ay nakaaalam.


Arabic explanations of the Qur’an:

فَإِذَا رَكِبُواْ فِی ٱلۡفُلۡكِ دَعَوُاْ ٱللَّهَ مُخۡلِصِینَ لَهُ ٱلدِّینَ فَلَمَّا نَجَّىٰهُمۡ إِلَى ٱلۡبَرِّ إِذَا هُمۡ یُشۡرِكُونَ ﴿٦٥﴾

Kapag nakasakay sila sa daong[425] ay dumadalangin sila kay Allāh habang mga nagpapakawagas para sa Kanya sa relihiyon. Ngunit noong nagligtas Siya sa kanila patungo sa katihan, biglang sila ay nagtatambal [sa Kanya]

[425] at nakaramdam ng panganib


Arabic explanations of the Qur’an:

لِیَكۡفُرُواْ بِمَاۤ ءَاتَیۡنَـٰهُمۡ وَلِیَتَمَتَّعُواْۚ فَسَوۡفَ یَعۡلَمُونَ ﴿٦٦﴾

upang magkaila sila sa ibinigay Namin sa kanila at upang magpakatamasa sila [nang pansamantala], ngunit malalaman nila [ang kahihinatnan ng asal na ito].


Arabic explanations of the Qur’an:

أَوَلَمۡ یَرَوۡاْ أَنَّا جَعَلۡنَا حَرَمًا ءَامِنࣰا وَیُتَخَطَّفُ ٱلنَّاسُ مِنۡ حَوۡلِهِمۡۚ أَفَبِٱلۡبَـٰطِلِ یُؤۡمِنُونَ وَبِنِعۡمَةِ ٱللَّهِ یَكۡفُرُونَ ﴿٦٧﴾

Hindi ba sila nakakita na Kami ay gumawa ng isang pinagbanalang tiwasay samantalang dinadagit[426] ang mga tao mula sa paligid nila? Kaya ba sa kabulaanan[427] sumasampalataya sila at sa biyaya ni Allāh nagkakaila sila?

[426] para patayin at bihagin [427] na mga huwad na diyos


Arabic explanations of the Qur’an:

وَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّنِ ٱفۡتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبًا أَوۡ كَذَّبَ بِٱلۡحَقِّ لَمَّا جَاۤءَهُۥۤۚ أَلَیۡسَ فِی جَهَنَّمَ مَثۡوࣰى لِّلۡكَـٰفِرِینَ ﴿٦٨﴾

Sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay Allāh ng isang kasinungalingan o nagpasinungaling sa katotohanan noong dumating ito sa kanya? Hindi ba sa Impiyerno ay may tuluyan para sa mga tagatangging sumampalataya?


Arabic explanations of the Qur’an:

وَٱلَّذِینَ جَـٰهَدُواْ فِینَا لَنَهۡدِیَنَّهُمۡ سُبُلَنَاۚ وَإِنَّ ٱللَّهَ لَمَعَ ٱلۡمُحۡسِنِینَ ﴿٦٩﴾

Ang mga nakibaka alang-alang sa Amin ay talagang magpapatnubay nga Kami sa kanila sa mga landas Namin. Tunay na si Allāh ay talagang kasama sa mga tagagawa ng maganda.


Arabic explanations of the Qur’an: