Surah Fātir

Listen

Filipino (Tagalog)

Surah Fātir - Aya count 45

ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ فَاطِرِ ٱلسَّمَـٰوَ ٰ⁠تِ وَٱلۡأَرۡضِ جَاعِلِ ٱلۡمَلَـٰۤىِٕكَةِ رُسُلًا أُوْلِیۤ أَجۡنِحَةࣲ مَّثۡنَىٰ وَثُلَـٰثَ وَرُبَـٰعَۚ یَزِیدُ فِی ٱلۡخَلۡقِ مَا یَشَاۤءُۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَیۡءࣲ قَدِیرࣱ ﴿١﴾

Ang papuri ay ukol kay Allāh, na Tagapaglalang ng mga langit at lupa, na Tagagawa sa mga anghel bilang mga sugo na may mga pakpak na dalawahan, tatluhan, at apatan. Nagdaragdag Siya sa paglikha ng anumang niloloob Niya. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan.


Arabic explanations of the Qur’an:

مَّا یَفۡتَحِ ٱللَّهُ لِلنَّاسِ مِن رَّحۡمَةࣲ فَلَا مُمۡسِكَ لَهَاۖ وَمَا یُمۡسِكۡ فَلَا مُرۡسِلَ لَهُۥ مِنۢ بَعۡدِهِۦۚ وَهُوَ ٱلۡعَزِیزُ ٱلۡحَكِیمُ ﴿٢﴾

Ang anumang binubuksan ni Allāh para sa mga tao na awa ay walang tagapigil para rito at ang anumang pinipigil Niya ay walang tagapagpakawala para rito matapos na niyon. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.


Arabic explanations of the Qur’an:

یَـٰۤأَیُّهَا ٱلنَّاسُ ٱذۡكُرُواْ نِعۡمَتَ ٱللَّهِ عَلَیۡكُمۡۚ هَلۡ مِنۡ خَـٰلِقٍ غَیۡرُ ٱللَّهِ یَرۡزُقُكُم مِّنَ ٱلسَّمَاۤءِ وَٱلۡأَرۡضِۚ لَاۤ إِلَـٰهَ إِلَّا هُوَۖ فَأَنَّىٰ تُؤۡفَكُونَ ﴿٣﴾

O mga tao, alalahanin ninyo ang biyaya ni Allāh sa inyo. May tagalikha kayang iba pa kay Allāh, na nagtutustos sa inyo mula sa langit at lupa? Walang Diyos kundi Siya, kaya paanong nalilinlang kayo [palayo sa katotohanan]?


Arabic explanations of the Qur’an:

وَإِن یُكَذِّبُوكَ فَقَدۡ كُذِّبَتۡ رُسُلࣱ مِّن قَبۡلِكَۚ وَإِلَى ٱللَّهِ تُرۡجَعُ ٱلۡأُمُورُ ﴿٤﴾

Kung nagpapasinungaling sila sa iyo, may pinasinungalingan nga na mga sugo bago mo pa. Tungo kay Allāh pinababalik ang mga usapin.


Arabic explanations of the Qur’an:

یَـٰۤأَیُّهَا ٱلنَّاسُ إِنَّ وَعۡدَ ٱللَّهِ حَقࣱّۖ فَلَا تَغُرَّنَّكُمُ ٱلۡحَیَوٰةُ ٱلدُّنۡیَا وَلَا یَغُرَّنَّكُم بِٱللَّهِ ٱلۡغَرُورُ ﴿٥﴾

O mga tao, tunay na ang pangako ni Allāh[476] ay totoo kaya huwag ngang lilinlang sa inyo ang buhay na pangmundo at huwag ngang lilinlang sa inyo hinggil kay Allāh ang mapanlinlang [na si Satanas].

[476] na pagbuhay at pagganti sa Araw ng Pagbangon


Arabic explanations of the Qur’an:

إِنَّ ٱلشَّیۡطَـٰنَ لَكُمۡ عَدُوࣱّ فَٱتَّخِذُوهُ عَدُوًّاۚ إِنَّمَا یَدۡعُواْ حِزۡبَهُۥ لِیَكُونُواْ مِنۡ أَصۡحَـٰبِ ٱلسَّعِیرِ ﴿٦﴾

Tunay na ang demonyo para sa inyo ay isang kaaway, kaya gawin ninyo siyang isang kaaway. Nag-aanyaya lamang siya sa lapian niya upang sila ay maging kabilang sa mga kasamahan sa Liyab.


Arabic explanations of the Qur’an:

ٱلَّذِینَ كَفَرُواْ لَهُمۡ عَذَابࣱ شَدِیدࣱۖ وَٱلَّذِینَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّـٰلِحَـٰتِ لَهُم مَّغۡفِرَةࣱ وَأَجۡرࣱ كَبِیرٌ ﴿٧﴾

Ang mga tumangging sumampalataya, ukol sa kanila ay isang pagdurusang matindi. Ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, ukol sa kanila ay isang kapatawaran at isang pabuyang malaki.


Arabic explanations of the Qur’an:

أَفَمَن زُیِّنَ لَهُۥ سُوۤءُ عَمَلِهِۦ فَرَءَاهُ حَسَنࣰاۖ فَإِنَّ ٱللَّهَ یُضِلُّ مَن یَشَاۤءُ وَیَهۡدِی مَن یَشَاۤءُۖ فَلَا تَذۡهَبۡ نَفۡسُكَ عَلَیۡهِمۡ حَسَرَ ٰ⁠تٍۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلِیمُۢ بِمَا یَصۡنَعُونَ ﴿٨﴾

Kaya [napatnubayan] ba ang sinumang ipinang-akit sa kanya ang kasagwaan ng gawain niya kaya nagturing siya rito bilang maganda, sapagkat tunay na si Allāh ay [makatarungang] nagliligaw sa sinumang niloloob Niya at nagpapatnubay [bilang kabutihang-loob mula sa Kanya] sa sinumang niloloob Niya? Kaya huwag masawi ang sarili mo dahil sa kanila sa mga panghihinayang. Tunay na si Allāh ay Maalam sa anumang niyayari nila.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَٱللَّهُ ٱلَّذِیۤ أَرۡسَلَ ٱلرِّیَـٰحَ فَتُثِیرُ سَحَابࣰا فَسُقۡنَـٰهُ إِلَىٰ بَلَدࣲ مَّیِّتࣲ فَأَحۡیَیۡنَا بِهِ ٱلۡأَرۡضَ بَعۡدَ مَوۡتِهَاۚ كَذَ ٰ⁠لِكَ ٱلنُّشُورُ ﴿٩﴾

Si Allāh ay ang nagsugo ng mga hangin saka nagpagalaw ang mga ito ng mga ulap. Umakay Kami sa mga ito tungo sa isang bayang patay saka nagbigay-buhay Kami sa pamamagitan ng mga ito sa lupa matapos ng kamatayan nito. Gayon ang pagkabuhay.


Arabic explanations of the Qur’an:

مَن كَانَ یُرِیدُ ٱلۡعِزَّةَ فَلِلَّهِ ٱلۡعِزَّةُ جَمِیعًاۚ إِلَیۡهِ یَصۡعَدُ ٱلۡكَلِمُ ٱلطَّیِّبُ وَٱلۡعَمَلُ ٱلصَّـٰلِحُ یَرۡفَعُهُۥۚ وَٱلَّذِینَ یَمۡكُرُونَ ٱلسَّیِّـَٔاتِ لَهُمۡ عَذَابࣱ شَدِیدࣱۖ وَمَكۡرُ أُوْلَـٰۤىِٕكَ هُوَ یَبُورُ ﴿١٠﴾

Ang sinumang nagnanais ng karangalan ay sa kay Allāh ang karangalan nang lahatan. Tungo sa Kanya umaakyat ang pananalitang kaaya-aya, at ang gawang maayos ay nag-aangat nito. Ang mga nagpapakana ng mga masagwang gawa, ukol sa kanila ay isang pagdurusang matindi. Ang pakana ng mga iyon ay mapaririwara.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَٱللَّهُ خَلَقَكُم مِّن تُرَابࣲ ثُمَّ مِن نُّطۡفَةࣲ ثُمَّ جَعَلَكُمۡ أَزۡوَ ٰ⁠جࣰاۚ وَمَا تَحۡمِلُ مِنۡ أُنثَىٰ وَلَا تَضَعُ إِلَّا بِعِلۡمِهِۦۚ وَمَا یُعَمَّرُ مِن مُّعَمَّرࣲ وَلَا یُنقَصُ مِنۡ عُمُرِهِۦۤ إِلَّا فِی كِتَـٰبٍۚ إِنَّ ذَ ٰ⁠لِكَ عَلَى ٱللَّهِ یَسِیرࣱ ﴿١١﴾

Si Allāh ay lumikha sa inyo mula sa alabok, pagkatapos mula sa patak ng punlay, pagkatapos gumawa sa inyo ng mga asawa. Walang nagbubuntis na isang babae at walang nagsisilang malibang nasa kaalaman Niya. Walang pinatatanda na isang pinatatanda at walang ibinabawas mula sa edad nito malibang nasa isang talaan. Tunay na iyon kay Allāh ay madali.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَمَا یَسۡتَوِی ٱلۡبَحۡرَانِ هَـٰذَا عَذۡبࣱ فُرَاتࣱ سَاۤىِٕغࣱ شَرَابُهُۥ وَهَـٰذَا مِلۡحٌ أُجَاجࣱۖ وَمِن كُلࣲّ تَأۡكُلُونَ لَحۡمࣰا طَرِیࣰّا وَتَسۡتَخۡرِجُونَ حِلۡیَةࣰ تَلۡبَسُونَهَاۖ وَتَرَى ٱلۡفُلۡكَ فِیهِ مَوَاخِرَ لِتَبۡتَغُواْ مِن فَضۡلِهِۦ وَلَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ ﴿١٢﴾

Hindi nagkakapantay ang dalawang katubigan. Itong [isa] ay tabang na pagkatabang-tabang na kasiya-siya ang pag-inom nito at itong [isa] naman ay maalat na mapait. Mula sa bawat isa ay kumakain kayo ng isang lamang malambot [na isda] at humango kayo ng hiyas na isinusuot ninyo. Nakikita mo ang mga daong rito habang mga umaararo upang maghangad kayo ng kagandahang-loob Niya at nang sa gayon kayo ay magpapasalamat [sa Tagalikha ninyo].


Arabic explanations of the Qur’an:

یُولِجُ ٱلَّیۡلَ فِی ٱلنَّهَارِ وَیُولِجُ ٱلنَّهَارَ فِی ٱلَّیۡلِ وَسَخَّرَ ٱلشَّمۡسَ وَٱلۡقَمَرَۖ كُلࣱّ یَجۡرِی لِأَجَلࣲ مُّسَمࣰّىۚ ذَ ٰ⁠لِكُمُ ٱللَّهُ رَبُّكُمۡ لَهُ ٱلۡمُلۡكُۚ وَٱلَّذِینَ تَدۡعُونَ مِن دُونِهِۦ مَا یَمۡلِكُونَ مِن قِطۡمِیرٍ ﴿١٣﴾

Nagpapalagos Siya ng gabi sa maghapon at nagpapalagos Siya ng maghapon sa gabi. Pinagsilbi Niya ang araw at ang buwan [para sa inyo], habang bawat isa ay umiinog para sa isang taning na tinukoy. Iyon ay si Allāh, ang Panginoon ninyo; ukol sa Kanya ang paghahari. Ang mga dinadalanginan ninyo bukod pa sa Kanya ay hindi nagmamay-ari ng kahit isang lamad ng buto ng datiles.[477]

[477] Ibig sabihin: wala talaga silang kapangyarihan


Arabic explanations of the Qur’an:

إِن تَدۡعُوهُمۡ لَا یَسۡمَعُواْ دُعَاۤءَكُمۡ وَلَوۡ سَمِعُواْ مَا ٱسۡتَجَابُواْ لَكُمۡۖ وَیَوۡمَ ٱلۡقِیَـٰمَةِ یَكۡفُرُونَ بِشِرۡكِكُمۡۚ وَلَا یُنَبِّئُكَ مِثۡلُ خَبِیرࣲ ﴿١٤﴾

Kung dadalangin kayo sa kanila ay hindi sila makaririnig sa panalangin ninyo, at kung sakaling nakarinig sila ay hindi sila tutugon sa inyo. Sa Araw ng Pagbangon ay magkakaila sila sa pagtatambal ninyo. Walang nagbabalita sa iyo ng tulad ng [kay Allāh na] isang Mapagbatid.


Arabic explanations of the Qur’an:

۞ یَـٰۤأَیُّهَا ٱلنَّاسُ أَنتُمُ ٱلۡفُقَرَاۤءُ إِلَى ٱللَّهِۖ وَٱللَّهُ هُوَ ٱلۡغَنِیُّ ٱلۡحَمِیدُ ﴿١٥﴾

O mga tao, kayo ay ang mga maralita kay Allāh at si Allāh ay ang Walang-pangangailangan, ang Kapuri-puri.


Arabic explanations of the Qur’an:

إِن یَشَأۡ یُذۡهِبۡكُمۡ وَیَأۡتِ بِخَلۡقࣲ جَدِیدࣲ ﴿١٦﴾

Kung loloobin Niya ay mag-aalis Siya sa inyo at magdadala Siya ng isang nilikhang bago.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَمَا ذَ ٰ⁠لِكَ عَلَى ٱللَّهِ بِعَزِیزࣲ ﴿١٧﴾

Hindi iyon para kay Allāh mabigat.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَلَا تَزِرُ وَازِرَةࣱ وِزۡرَ أُخۡرَىٰۚ وَإِن تَدۡعُ مُثۡقَلَةٌ إِلَىٰ حِمۡلِهَا لَا یُحۡمَلۡ مِنۡهُ شَیۡءࣱ وَلَوۡ كَانَ ذَا قُرۡبَىٰۤۗ إِنَّمَا تُنذِرُ ٱلَّذِینَ یَخۡشَوۡنَ رَبَّهُم بِٱلۡغَیۡبِ وَأَقَامُواْ ٱلصَّلَوٰةَۚ وَمَن تَزَكَّىٰ فَإِنَّمَا یَتَزَكَّىٰ لِنَفۡسِهِۦۚ وَإِلَى ٱللَّهِ ٱلۡمَصِیرُ ﴿١٨﴾

Hindi papasanin ng isang tagapasan ang pasanin ng iba.[478] Kung may mag-aanyayang isang nabibigatan [ng iba pa] sa pagdala nito ay walang dadalahin mula rito na anuman, kahit pa man siya ay isang may pagkakamag-anak. Makapagbabala ka lamang sa mga natatakot sa Panginoon nila nang nakalingid [sa pagkatalos nila] at nagpanatili ng pagdarasal. Ang sinumang nagpakabusilak ay nagpapakabusilak lamang para sa [kabutihan ng] sarili niya. Sa kay Allāh ang kahahantungan [ng lahat].

[478] Bahagi ng katarungan ni Allāh na hindi Siya magtuturing sa mga inosente bilang may sala dahil sa mga kasalanan ng mga ninuno nila sa pamamagitan ng manang kasalanan daw.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَمَا یَسۡتَوِی ٱلۡأَعۡمَىٰ وَٱلۡبَصِیرُ ﴿١٩﴾

Hindi nagkakapantay ang bulag at ang nakakikita,


Arabic explanations of the Qur’an:

وَلَا ٱلظُّلُمَـٰتُ وَلَا ٱلنُّورُ ﴿٢٠﴾

ni hindi ang mga kadiliman at ang liwanag,


Arabic explanations of the Qur’an:

وَلَا ٱلظِّلُّ وَلَا ٱلۡحَرُورُ ﴿٢١﴾

ni ang lilim at ang init.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَمَا یَسۡتَوِی ٱلۡأَحۡیَاۤءُ وَلَا ٱلۡأَمۡوَ ٰ⁠تُۚ إِنَّ ٱللَّهَ یُسۡمِعُ مَن یَشَاۤءُۖ وَمَاۤ أَنتَ بِمُسۡمِعࣲ مَّن فِی ٱلۡقُبُورِ ﴿٢٢﴾

Hindi nagkakapantay ang mga buhay at ang mga patay. Tunay na si Allāh ay nagpaparinig sa sinumang niloloob Niya samantalang ikaw ay hindi tagapagparinig sa sinumang mga nasa mga libingan.


Arabic explanations of the Qur’an:

إِنۡ أَنتَ إِلَّا نَذِیرٌ ﴿٢٣﴾

Walang iba ka kundi isang mapagbabala.


Arabic explanations of the Qur’an:

إِنَّاۤ أَرۡسَلۡنَـٰكَ بِٱلۡحَقِّ بَشِیرࣰا وَنَذِیرࣰاۚ وَإِن مِّنۡ أُمَّةٍ إِلَّا خَلَا فِیهَا نَذِیرࣱ ﴿٢٤﴾

Tunay na Kami ay nagsugo sa iyo, [O Muḥammad,] kalakip ng katotohanan bilang mapagbalita ng nakagagalak[479] at bilang mapagbabala. [480] Walang anumang kalipunan malibang may nagdaan doon na isang mapagbabala.

[479] hinggil sa Kaginhawahang mamamalagi para sa sinumang sumampalataya at gumawa ng maayos. [480] hinggils sa pagdurusa para sa sinumang nagtambal kay Allāh at gumawa ng masagwa.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَإِن یُكَذِّبُوكَ فَقَدۡ كَذَّبَ ٱلَّذِینَ مِن قَبۡلِهِمۡ جَاۤءَتۡهُمۡ رُسُلُهُم بِٱلۡبَیِّنَـٰتِ وَبِٱلزُّبُرِ وَبِٱلۡكِتَـٰبِ ٱلۡمُنِیرِ ﴿٢٥﴾

Kung nagpapasinungaling sila sa iyo, nagpasinungaling nga ang mga bago pa nila. Naghatid sa kanila ang mga sugo nila [ula kay Allāh] ng mga malinaw na patunay, ng mga kautusan, at ng kasulatang nagbibigay-liwanag.


Arabic explanations of the Qur’an:

ثُمَّ أَخَذۡتُ ٱلَّذِینَ كَفَرُواْۖ فَكَیۡفَ كَانَ نَكِیرِ ﴿٢٦﴾

Pagkatapos dumaklot Ako sa mga tumangging sumampalataya kaya magiging papaano ang pagtutol Ko?


Arabic explanations of the Qur’an:

أَلَمۡ تَرَ أَنَّ ٱللَّهَ أَنزَلَ مِنَ ٱلسَّمَاۤءِ مَاۤءࣰ فَأَخۡرَجۡنَا بِهِۦ ثَمَرَ ٰ⁠تࣲ مُّخۡتَلِفًا أَلۡوَ ٰ⁠نُهَاۚ وَمِنَ ٱلۡجِبَالِ جُدَدُۢ بِیضࣱ وَحُمۡرࣱ مُّخۡتَلِفٌ أَلۡوَ ٰ⁠نُهَا وَغَرَابِیبُ سُودࣱ ﴿٢٧﴾

Hindi mo ba nakita na si Allāh ay nagpababa mula sa langit ng tubig kaya nagpalabas sa pamamagitan nito ng mga bungang nagkakaiba-iba ang mga kulay ng mga ito. Mula sa mga bundok ay may mga guhit na puti at pula, na magkakaiba ang mga pagkakulay ng mga ito, at may mga matingkad na itim.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَمِنَ ٱلنَّاسِ وَٱلدَّوَاۤبِّ وَٱلۡأَنۡعَـٰمِ مُخۡتَلِفٌ أَلۡوَ ٰ⁠نُهُۥ كَذَ ٰ⁠لِكَۗ إِنَّمَا یَخۡشَى ٱللَّهَ مِنۡ عِبَادِهِ ٱلۡعُلَمَـٰۤؤُاْۗ إِنَّ ٱللَّهَ عَزِیزٌ غَفُورٌ ﴿٢٨﴾

Mayroon sa mga tao, mga umuusad na hayop, at mga hayupang nagkakaiba-iba ang mga kulay ng mga ito gayon din. Tanging natatakot kay Allāh kabilang sa mga lingkod Niya ang mga nakaaalam. Tunay na si Allāh ay Makapangyarihan, Mapagpatawad.


Arabic explanations of the Qur’an:

إِنَّ ٱلَّذِینَ یَتۡلُونَ كِتَـٰبَ ٱللَّهِ وَأَقَامُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَأَنفَقُواْ مِمَّا رَزَقۡنَـٰهُمۡ سِرࣰّا وَعَلَانِیَةࣰ یَرۡجُونَ تِجَـٰرَةࣰ لَّن تَبُورَ ﴿٢٩﴾

Tunay na ang mga bumibigkas ng Aklat ni Allāh, nagpanatili ng pagdarasal, at gumugol mula sa itinustos sa kanila nang palihim at hayagan ay nag-aasam ng isang pangangalakal na hindi mapaririwara,


Arabic explanations of the Qur’an:

لِیُوَفِّیَهُمۡ أُجُورَهُمۡ وَیَزِیدَهُم مِّن فَضۡلِهِۦۤۚ إِنَّهُۥ غَفُورࣱ شَكُورࣱ ﴿٣٠﴾

upang maglulubus-lubos Siya sa kanila ng mga pabuya sa kanila at magdagdag Siya sa kanila mula sa kabutihang-loob Niya. Tunay na Siya ay Mapagpatawad, Mapagpasalamat.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَٱلَّذِیۤ أَوۡحَیۡنَاۤ إِلَیۡكَ مِنَ ٱلۡكِتَـٰبِ هُوَ ٱلۡحَقُّ مُصَدِّقࣰا لِّمَا بَیۡنَ یَدَیۡهِۗ إِنَّ ٱللَّهَ بِعِبَادِهِۦ لَخَبِیرُۢ بَصِیرࣱ ﴿٣١﴾

Ang ikinasi Namin sa iyo, [O Propeta Muḥammad,] na Aklat ay ang totoo, bilang tagapagpatotoo para sa nauna rito.[481] Tunay na si Allāh sa mga lingkod Niya ay talagang Mapagbatid, Nakakikita.

[481] na Torah, Ebanghelyo, Salmo, at iba pa


Arabic explanations of the Qur’an:

ثُمَّ أَوۡرَثۡنَا ٱلۡكِتَـٰبَ ٱلَّذِینَ ٱصۡطَفَیۡنَا مِنۡ عِبَادِنَاۖ فَمِنۡهُمۡ ظَالِمࣱ لِّنَفۡسِهِۦ وَمِنۡهُم مُّقۡتَصِدࣱ وَمِنۡهُمۡ سَابِقُۢ بِٱلۡخَیۡرَ ٰ⁠تِ بِإِذۡنِ ٱللَّهِۚ ذَ ٰ⁠لِكَ هُوَ ٱلۡفَضۡلُ ٱلۡكَبِیرُ ﴿٣٢﴾

Pagkatapos ipinamana Namin ang Aklat sa mga hinirang Namin mula sa mga lingkod Namin; ngunit mayroon sa kanila na tagalabag sa katarungan sa sarili niya,[482] mayroon sa kanila na katamtaman,[483] at mayroon sa kanila na nangunguna sa mga kabutihan ayon sa pahintulot ni Allāh. Iyon ay ang malaking kabutihang-loob.[484]

[482] dahil sa paggawa ng mga ipinagbabawal at hindi pag-iwan ng mga tungkulin [483] na nakatutupad sa mga pinakamababang kailangan at umiiwas sa mga bawal na gawain [484] O ang malaking kalamagan.


Arabic explanations of the Qur’an:

جَنَّـٰتُ عَدۡنࣲ یَدۡخُلُونَهَا یُحَلَّوۡنَ فِیهَا مِنۡ أَسَاوِرَ مِن ذَهَبࣲ وَلُؤۡلُؤࣰاۖ وَلِبَاسُهُمۡ فِیهَا حَرِیرࣱ ﴿٣٣﴾

Ang mga hardin ng Eden ay papasukin nila. Gagayakan sila sa mga iyon ng mga pulseras na ginto at mga perlas. Ang kasuutan nila sa mga iyon ay sutla.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَقَالُواْ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ ٱلَّذِیۤ أَذۡهَبَ عَنَّا ٱلۡحَزَنَۖ إِنَّ رَبَّنَا لَغَفُورࣱ شَكُورٌ ﴿٣٤﴾

Magsasabi sila: “Ang papuri ay ukol kay Allāh na nag-alis sa amin ng lungkot. Tunay na ang Panginoon namin ay talagang Mapagpatawad, Mapagpasalamat.”


Arabic explanations of the Qur’an:

ٱلَّذِیۤ أَحَلَّنَا دَارَ ٱلۡمُقَامَةِ مِن فَضۡلِهِۦ لَا یَمَسُّنَا فِیهَا نَصَبࣱ وَلَا یَمَسُّنَا فِیهَا لُغُوبࣱ ﴿٣٥﴾

[Siya] ang nagpatahan sa amin sa tahanan ng pananatilihan dahil sa kabutihang-loob Niya. Walang sumasaling sa amin doon na isang pagkapagal at walang sumasaling sa amin na isang pagkapata.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَٱلَّذِینَ كَفَرُواْ لَهُمۡ نَارُ جَهَنَّمَ لَا یُقۡضَىٰ عَلَیۡهِمۡ فَیَمُوتُواْ وَلَا یُخَفَّفُ عَنۡهُم مِّنۡ عَذَابِهَاۚ كَذَ ٰ⁠لِكَ نَجۡزِی كُلَّ كَفُورࣲ ﴿٣٦﴾

Ang mga tumangging sumampalataya, ukol sa kanila ang Apoy ng Impiyerno. Hindi humuhusga sa kanila para mamatay sila at hindi nagpapagaan sa kanila ng pagdurusang dulot nito. Gayon Kami gaganti sa bawat mapagtangging magpasalamat.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَهُمۡ یَصۡطَرِخُونَ فِیهَا رَبَّنَاۤ أَخۡرِجۡنَا نَعۡمَلۡ صَـٰلِحًا غَیۡرَ ٱلَّذِی كُنَّا نَعۡمَلُۚ أَوَلَمۡ نُعَمِّرۡكُم مَّا یَتَذَكَّرُ فِیهِ مَن تَذَكَّرَ وَجَاۤءَكُمُ ٱلنَّذِیرُۖ فَذُوقُواْ فَمَا لِلظَّـٰلِمِینَ مِن نَّصِیرٍ ﴿٣٧﴾

Sila ay magtititili roon: “Panginoon namin, magpalabas Ka sa amin [para makabalik sa Mundo], gagawa kami ng maayos na iba sa dati naming ginagawa.” [Magsasabi si Allāh:] Hindi ba Kami nagpatanda sa inyo sa [edad na] nakapagsasaalaala rito ang sinumang nakapagsasaalaala at dumating sa inyo ang mapagbabala? Kaya lumasap kayo [ng pagdurusa sa Impiyerno] sapagkat walang ukol sa mga tagalabag sa katarungan na anumang mapag-adya.


Arabic explanations of the Qur’an:

إِنَّ ٱللَّهَ عَـٰلِمُ غَیۡبِ ٱلسَّمَـٰوَ ٰ⁠تِ وَٱلۡأَرۡضِۚ إِنَّهُۥ عَلِیمُۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ ﴿٣٨﴾

Tunay na si Allāh ay Tagaalam sa nakalingid sa mga langit at lupa. Tunay na Siya ay Maalam sa kaibuturan ng mga dibdib.


Arabic explanations of the Qur’an:

هُوَ ٱلَّذِی جَعَلَكُمۡ خَلَـٰۤىِٕفَ فِی ٱلۡأَرۡضِۚ فَمَن كَفَرَ فَعَلَیۡهِ كُفۡرُهُۥۖ وَلَا یَزِیدُ ٱلۡكَـٰفِرِینَ كُفۡرُهُمۡ عِندَ رَبِّهِمۡ إِلَّا مَقۡتࣰاۖ وَلَا یَزِیدُ ٱلۡكَـٰفِرِینَ كُفۡرُهُمۡ إِلَّا خَسَارࣰا ﴿٣٩﴾

Siya ay ang gumawa sa inyo na mga kahalili sa lupa kaya ang sinumang tumangging sumampalataya ay laban sa kanya ang kawalang-pananampalataya niya. Hindi nagdaragdag sa mga tagatangging sumampalataya ang kawalang-pananampalataya nila sa ganang Panginoon nila kundi ng isang pagkamuhi. Hindi nagdaragdag sa mga tagatangging sumampalataya ang kawalang-pananampalataya nila kundi ng isang pagkalugi.


Arabic explanations of the Qur’an:

قُلۡ أَرَءَیۡتُمۡ شُرَكَاۤءَكُمُ ٱلَّذِینَ تَدۡعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ أَرُونِی مَاذَا خَلَقُواْ مِنَ ٱلۡأَرۡضِ أَمۡ لَهُمۡ شِرۡكࣱ فِی ٱلسَّمَـٰوَ ٰ⁠تِ أَمۡ ءَاتَیۡنَـٰهُمۡ كِتَـٰبࣰا فَهُمۡ عَلَىٰ بَیِّنَتࣲ مِّنۡهُۚ بَلۡ إِن یَعِدُ ٱلظَّـٰلِمُونَ بَعۡضُهُم بَعۡضًا إِلَّا غُرُورًا ﴿٤٠﴾

Sabihin mo: “Nagsaalang-alang ba kayo sa mga pantambal ninyo na dinadalangin ninyo bukod pa kay Allāh? Magpakita kayo sa Akin kung ano ang nilikha nila mula sa lupa. O mayroon silang pakikitambal sa mga langit? O nagbigay Kami sa kanila ng isang aklat kaya sila ay nasa isang malinaw na katunayan mula roon? Bagkus hindi nangangako ang mga tagalabag sa katarungan sa isa’t isa sa kanila kundi ng isang panlilinlang.”


Arabic explanations of the Qur’an:

۞ إِنَّ ٱللَّهَ یُمۡسِكُ ٱلسَّمَـٰوَ ٰ⁠تِ وَٱلۡأَرۡضَ أَن تَزُولَاۚ وَلَىِٕن زَالَتَاۤ إِنۡ أَمۡسَكَهُمَا مِنۡ أَحَدࣲ مِّنۢ بَعۡدِهِۦۤۚ إِنَّهُۥ كَانَ حَلِیمًا غَفُورࣰا ﴿٤١﴾

Tunay na si Allāh ay humahawak sa mga langit at lupa na hindi maalis ang mga ito. Talagang kung naalis ang mga ito ay walang hahawak sa mga ito na isa man matapos ng [ng paghawak] Niya. Tunay na Siya ay laging Matimpiin, Mapagpatawad.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَأَقۡسَمُواْ بِٱللَّهِ جَهۡدَ أَیۡمَـٰنِهِمۡ لَىِٕن جَاۤءَهُمۡ نَذِیرࣱ لَّیَكُونُنَّ أَهۡدَىٰ مِنۡ إِحۡدَى ٱلۡأُمَمِۖ فَلَمَّا جَاۤءَهُمۡ نَذِیرࣱ مَّا زَادَهُمۡ إِلَّا نُفُورًا ﴿٤٢﴾

Sumumpa sila kay Allāh nang taimtim sa mga panunumpa nila na talagang kung may pumunta sa kanila na isang mapagbabala ay talagang sila nga ay magiging higit na napatnubayan kaysa sa isa sa mga kalipunan. Ngunit noong may dumating sa kanila na isang mapagbabala,[485] walang naidagdag ito sa kanila kundi isang pagkaayaw,

[485] Ibig sabihin: si Propeta Muhammad.


Arabic explanations of the Qur’an:

ٱسۡتِكۡبَارࣰا فِی ٱلۡأَرۡضِ وَمَكۡرَ ٱلسَّیِّىِٕۚ وَلَا یَحِیقُ ٱلۡمَكۡرُ ٱلسَّیِّئُ إِلَّا بِأَهۡلِهِۦۚ فَهَلۡ یَنظُرُونَ إِلَّا سُنَّتَ ٱلۡأَوَّلِینَۚ فَلَن تَجِدَ لِسُنَّتِ ٱللَّهِ تَبۡدِیلࣰاۖ وَلَن تَجِدَ لِسُنَّتِ ٱللَّهِ تَحۡوِیلًا ﴿٤٣﴾

dala ng pagmamalaki sa lupain at pagpapakana ng masagwa. Hindi pumapaligid ang pakanang masagwa maliban sa mga kampon nito. Kaya naghihintay kaya sila ng maliban pa sa kalakaran ng mga sinauna? Ngunit hindi ka makatatagpo para sa kalakaran ni Allāh ng isang pagpapalit at hindi ka makatatagpo para sa kalakaran ni Allāh ng isang paglilipat.


Arabic explanations of the Qur’an:

أَوَلَمۡ یَسِیرُواْ فِی ٱلۡأَرۡضِ فَیَنظُرُواْ كَیۡفَ كَانَ عَـٰقِبَةُ ٱلَّذِینَ مِن قَبۡلِهِمۡ وَكَانُوۤاْ أَشَدَّ مِنۡهُمۡ قُوَّةࣰۚ وَمَا كَانَ ٱللَّهُ لِیُعۡجِزَهُۥ مِن شَیۡءࣲ فِی ٱلسَّمَـٰوَ ٰ⁠تِ وَلَا فِی ٱلۡأَرۡضِۚ إِنَّهُۥ كَانَ عَلِیمࣰا قَدِیرࣰا ﴿٤٤﴾

Hindi ba sila humayo sa lupain para tumingin sila kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga bago pa nila samantalang ang mga iyon dati ay higit na matindi kaysa sa kanila sa lakas? Hindi nangyaring si Allāh ay ukol mapawalang-kakayahan ng anuman sa mga langit ni sa lupa. Tunay na Siya ay laging Maalam, May-kakayahan.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَلَوۡ یُؤَاخِذُ ٱللَّهُ ٱلنَّاسَ بِمَا كَسَبُواْ مَا تَرَكَ عَلَىٰ ظَهۡرِهَا مِن دَاۤبَّةࣲ وَلَـٰكِن یُؤَخِّرُهُمۡ إِلَىٰۤ أَجَلࣲ مُّسَمࣰّىۖ فَإِذَا جَاۤءَ أَجَلُهُمۡ فَإِنَّ ٱللَّهَ كَانَ بِعِبَادِهِۦ بَصِیرَۢا ﴿٤٥﴾

Kung sakaling magpapanagot si Allāh sa mga tao dahil sa nakamit nila ay hindi na sana Siya nag-iwan sa balat nito ng anumang gumagalaw na nilalang subalit nag-aantala Siya sa kanila hanggang sa isang taning na tinukoy. Kaya kapag dumating ang taning nila, tunay na si Allāh sa mga lingkod Niya ay laging Nakakikita.


Arabic explanations of the Qur’an: