Surah Yā-Sīn

Listen

Filipino (Tagalog)

Surah Yā-Sīn - Aya count 83

یسۤ ﴿١﴾

Yā. Sīn. [486]

[486] Ang Qur’ān ay nasa wikang Arabe na binubuo ng mga titiks Arabe gaya ng mga ito subalit walang isa mang nakagawa ng kahit pinkamaiikling kabanata ng mahimalang kababalaghan ng Qur’ān.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَٱلۡقُرۡءَانِ ٱلۡحَكِیمِ ﴿٢﴾

Sumpa man sa Qur’ān na marunong,


Arabic explanations of the Qur’an:

إِنَّكَ لَمِنَ ٱلۡمُرۡسَلِینَ ﴿٣﴾

tunay na ikaw ay talagang kabilang sa mga isinugo


Arabic explanations of the Qur’an:

عَلَىٰ صِرَ ٰ⁠طࣲ مُّسۡتَقِیمࣲ ﴿٤﴾

batay sa isang landasing tuwid,


Arabic explanations of the Qur’an:

تَنزِیلَ ٱلۡعَزِیزِ ٱلرَّحِیمِ ﴿٥﴾

bilang pagbababa [ng Qur’ān] ng Makapangyarihan, Maawain,


Arabic explanations of the Qur’an:

لِتُنذِرَ قَوۡمࣰا مَّاۤ أُنذِرَ ءَابَاۤؤُهُمۡ فَهُمۡ غَـٰفِلُونَ ﴿٦﴾

upang magbabala ka sa mga tao na hindi binalaan ang mga ninuno nila, kaya sila ay mga nalilingat.


Arabic explanations of the Qur’an:

لَقَدۡ حَقَّ ٱلۡقَوۡلُ عَلَىٰۤ أَكۡثَرِهِمۡ فَهُمۡ لَا یُؤۡمِنُونَ ﴿٧﴾

Talaga ngang nagkatotoo ang sabi [ng pagtatakda] sa higit na marami sa kanila, kaya sila ay hindi sumasampalataya.


Arabic explanations of the Qur’an:

إِنَّا جَعَلۡنَا فِیۤ أَعۡنَـٰقِهِمۡ أَغۡلَـٰلࣰا فَهِیَ إِلَى ٱلۡأَذۡقَانِ فَهُم مُّقۡمَحُونَ ﴿٨﴾

Tunay na Kami ay naglagay sa mga leeg nila ng mga kulyar saka ang mga ito ay hanggang sa mga baba nila, kaya sila ay mga pinatitingala.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَجَعَلۡنَا مِنۢ بَیۡنِ أَیۡدِیهِمۡ سَدࣰّا وَمِنۡ خَلۡفِهِمۡ سَدࣰّا فَأَغۡشَیۡنَـٰهُمۡ فَهُمۡ لَا یُبۡصِرُونَ ﴿٩﴾

Naglagay Kami sa harapan nila ng isang sagabal at sa likuran nila ng isang sagabal, saka bumalot Kami sa kanila kaya sila ay hindi nakakikita.[487]

[487] dahil sa pagpupumilit nila sa kawalang-pananampalataya.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَسَوَاۤءٌ عَلَیۡهِمۡ ءَأَنذَرۡتَهُمۡ أَمۡ لَمۡ تُنذِرۡهُمۡ لَا یُؤۡمِنُونَ ﴿١٠﴾

Magkapantay sa kanila na nagbabala ka man sa kanila o hindi ka nagbabala sa kanila: hindi sila sumasampalataya.


Arabic explanations of the Qur’an:

إِنَّمَا تُنذِرُ مَنِ ٱتَّبَعَ ٱلذِّكۡرَ وَخَشِیَ ٱلرَّحۡمَـٰنَ بِٱلۡغَیۡبِۖ فَبَشِّرۡهُ بِمَغۡفِرَةࣲ وَأَجۡرࣲ كَرِیمٍ ﴿١١﴾

Makapagbabala ka lamang sa sinumang sumunod sa paalaala at natakot sa Napakamaawain nang nakalingid [sa pandama nila]. Kaya magbalita ka ng nakagagalak sa kanya hinggil sa isang kapatawaran at isang pabuyang marangal.


Arabic explanations of the Qur’an:

إِنَّا نَحۡنُ نُحۡیِ ٱلۡمَوۡتَىٰ وَنَكۡتُبُ مَا قَدَّمُواْ وَءَاثَـٰرَهُمۡۚ وَكُلَّ شَیۡءٍ أَحۡصَیۡنَـٰهُ فِیۤ إِمَامࣲ مُّبِینࣲ ﴿١٢﴾

Tunay na Kami ay nagbibigay-buhay sa mga patay at nagtatala ng anumang ipinauna nila at mga bakas nila [na maganda at masagwa]. Sa bawat bagay ay nag-isa-isa Kami sa isang talaang malinaw.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَٱضۡرِبۡ لَهُم مَّثَلًا أَصۡحَـٰبَ ٱلۡقَرۡیَةِ إِذۡ جَاۤءَهَا ٱلۡمُرۡسَلُونَ ﴿١٣﴾

Maglahad ka para sa kanila ng isang paghahalintulad [na kasaysayan] ng mga naninirahan sa pamayanan [ng Antioquia] noong dumating doon ang mga isinugo,


Arabic explanations of the Qur’an:

إِذۡ أَرۡسَلۡنَاۤ إِلَیۡهِمُ ٱثۡنَیۡنِ فَكَذَّبُوهُمَا فَعَزَّزۡنَا بِثَالِثࣲ فَقَالُوۤاْ إِنَّاۤ إِلَیۡكُم مُّرۡسَلُونَ ﴿١٤﴾

noong nagsugo Kami sa kanila ng dalawa [sa mga apostol ni Jesus] ngunit nagpasinungaling sila sa kanilang dalawa kaya kinatigan Namin ng ikatlo, saka nagsabi sila: “Tunay na kami sa inyo ay mga isinugo.”


Arabic explanations of the Qur’an:

قَالُواْ مَاۤ أَنتُمۡ إِلَّا بَشَرࣱ مِّثۡلُنَا وَمَاۤ أَنزَلَ ٱلرَّحۡمَـٰنُ مِن شَیۡءٍ إِنۡ أَنتُمۡ إِلَّا تَكۡذِبُونَ ﴿١٥﴾

Nagsabi ang mga iyon: “Walang iba kayo kundi mga taong tulad namin. Hindi nagpababa ang Napakamaawain ng anuman. Walang iba kayo kundi nagsisinungaling.”


Arabic explanations of the Qur’an:

قَالُواْ رَبُّنَا یَعۡلَمُ إِنَّاۤ إِلَیۡكُمۡ لَمُرۡسَلُونَ ﴿١٦﴾

Nagsabi sila [sa mga tao ng pamayanan]: “Ang Panginoon namin ay nakaaalam na tunay na Kami sa inyo ay talagang mga isinugo.”


Arabic explanations of the Qur’an:

وَمَا عَلَیۡنَاۤ إِلَّا ٱلۡبَلَـٰغُ ٱلۡمُبِینُ ﴿١٧﴾

Walang kailangan sa Amin kundi ang pagpapaabot na malinaw [ng mensahe ng Panginoon].


Arabic explanations of the Qur’an:

قَالُوۤاْ إِنَّا تَطَیَّرۡنَا بِكُمۡۖ لَىِٕن لَّمۡ تَنتَهُواْ لَنَرۡجُمَنَّكُمۡ وَلَیَمَسَّنَّكُم مِّنَّا عَذَابٌ أَلِیمࣱ ﴿١٨﴾

Nagsabi ang mga iyon [sa mga apostol]: “Tunay na kami ay nag-ugnay ng kamalasan sa inyo. Talagang kung hindi kayo titigil ay talagang babato nga kami sa inyo at talagang may sasalingin nga sa inyo mula sa amin na isang pagdurusang masakit.”


Arabic explanations of the Qur’an:

قَالُواْ طَـٰۤىِٕرُكُم مَّعَكُمۡ أَىِٕن ذُكِّرۡتُمۚ بَلۡ أَنتُمۡ قَوۡمࣱ مُّسۡرِفُونَ ﴿١٩﴾

Nagsabi [ang mga apostol]: “Ang kamalasang inuugnay ninyo ay kasama sa inyo. Kung pinaalalahanan ba kayo, [mag-uugnay kayo ng kamalasan]? Bagkus kayo ay mga taong nagmamalabis.”


Arabic explanations of the Qur’an:

وَجَاۤءَ مِنۡ أَقۡصَا ٱلۡمَدِینَةِ رَجُلࣱ یَسۡعَىٰ قَالَ یَـٰقَوۡمِ ٱتَّبِعُواْ ٱلۡمُرۡسَلِینَ ﴿٢٠﴾

May dumating mula sa pinakaliblib ng lungsod na isang lalaking[488] tumatakbo, na nagsabi: “O mga kababayan ko, sumunod kayo sa mga isinugo.

[488] si Ḥabīb na karpintero


Arabic explanations of the Qur’an:

ٱتَّبِعُواْ مَن لَّا یَسۡـَٔلُكُمۡ أَجۡرࣰا وَهُم مُّهۡتَدُونَ ﴿٢١﴾

Sumunod kayo sa mga hindi humihingi sa inyo ng isang pabuya at sila ay mga napapatnubayan.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَمَا لِیَ لَاۤ أَعۡبُدُ ٱلَّذِی فَطَرَنِی وَإِلَیۡهِ تُرۡجَعُونَ ﴿٢٢﴾

Ano ang mayroon sa akin na hindi ako sumasamba sa lumalang sa akin at tungo sa Kanya pababalikin kayo [para gantihan]?


Arabic explanations of the Qur’an:

ءَأَتَّخِذُ مِن دُونِهِۦۤ ءَالِهَةً إِن یُرِدۡنِ ٱلرَّحۡمَـٰنُ بِضُرࣲّ لَّا تُغۡنِ عَنِّی شَفَـٰعَتُهُمۡ شَیۡـࣰٔا وَلَا یُنقِذُونِ ﴿٢٣﴾

Gagawa ba ako ng bukod pa sa Kanya bilang mga diyos? Kung magnanais sa akin ang Napakamaawain ng isang pinsala ay hindi makapagsisilbi sa akin ang pamamagitan nila ng anuman at hindi sila makasasagip sa akin.


Arabic explanations of the Qur’an:

إِنِّیۤ إِذࣰا لَّفِی ضَلَـٰلࣲ مُّبِینٍ ﴿٢٤﴾

Tunay na ako, samakatuwid, ay talagang nasa isang pagkaligaw na malinaw.


Arabic explanations of the Qur’an:

إِنِّیۤ ءَامَنتُ بِرَبِّكُمۡ فَٱسۡمَعُونِ ﴿٢٥﴾

Tunay na ako ay sumampalataya sa Panginoon ninyo, kaya makinig kayo sa akin.”[489]

[489] ngunit pinatay nila ito.


Arabic explanations of the Qur’an:

قِیلَ ٱدۡخُلِ ٱلۡجَنَّةَۖ قَالَ یَـٰلَیۡتَ قَوۡمِی یَعۡلَمُونَ ﴿٢٦﴾

Sasabihin: “Pumasok ka sa paraiso.” Magsasabi siya: “O kung sana ang mga kababayan ko ay nakaaalam


Arabic explanations of the Qur’an:

بِمَا غَفَرَ لِی رَبِّی وَجَعَلَنِی مِنَ ٱلۡمُكۡرَمِینَ ﴿٢٧﴾

sa pagpapatawad sa akin ng Panginoon ko at paggawa Niya sa akin kabilang sa mga pinararangalan.”


Arabic explanations of the Qur’an:

۞ وَمَاۤ أَنزَلۡنَا عَلَىٰ قَوۡمِهِۦ مِنۢ بَعۡدِهِۦ مِن جُندࣲ مِّنَ ٱلسَّمَاۤءِ وَمَا كُنَّا مُنزِلِینَ ﴿٢٨﴾

Hindi Kami nagpababa sa mga kababayan niya matapos na niya ng anumang mga hukbo [ng mga anghel] mula sa langit at hindi nangyaring Kami ay magpapababa.


Arabic explanations of the Qur’an:

إِن كَانَتۡ إِلَّا صَیۡحَةࣰ وَ ٰ⁠حِدَةࣰ فَإِذَا هُمۡ خَـٰمِدُونَ ﴿٢٩﴾

Walang iba iyon kundi nag-iisang hiyaw saka biglang sila ay mga nalipol.


Arabic explanations of the Qur’an:

یَـٰحَسۡرَةً عَلَى ٱلۡعِبَادِۚ مَا یَأۡتِیهِم مِّن رَّسُولٍ إِلَّا كَانُواْ بِهِۦ یَسۡتَهۡزِءُونَ ﴿٣٠﴾

O isang panghihinayang sa mga lingkod [na tao at jinn]. Walang pumunta sa kanila na anumang sugo malibang sila dati ay nangungutya.


Arabic explanations of the Qur’an:

أَلَمۡ یَرَوۡاْ كَمۡ أَهۡلَكۡنَا قَبۡلَهُم مِّنَ ٱلۡقُرُونِ أَنَّهُمۡ إِلَیۡهِمۡ لَا یَرۡجِعُونَ ﴿٣١﴾

Hindi ba sila nagsaalang-alang na kay rami ng ipinahamak Namin, bago nila, na mga [makasalanang] salinlahi – na ang mga [napahamak na] iyon sa kanila ay hindi babalik?


Arabic explanations of the Qur’an:

وَإِن كُلࣱّ لَّمَّا جَمِیعࣱ لَّدَیۡنَا مُحۡضَرُونَ ﴿٣٢﴾

Walang iba ang bawat isa kundi lahat sa harap Namin mga padadaluhin [para hatulan].


Arabic explanations of the Qur’an:

وَءَایَةࣱ لَّهُمُ ٱلۡأَرۡضُ ٱلۡمَیۡتَةُ أَحۡیَیۡنَـٰهَا وَأَخۡرَجۡنَا مِنۡهَا حَبࣰّا فَمِنۡهُ یَأۡكُلُونَ ﴿٣٣﴾

Isang tanda para sa kanila ang lupang patay; nagbigay-buhay Kami rito at nagpalabas Kami mula rito ng mga butil, saka mula rito ay kumakain sila.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَجَعَلۡنَا فِیهَا جَنَّـٰتࣲ مِّن نَّخِیلࣲ وَأَعۡنَـٰبࣲ وَفَجَّرۡنَا فِیهَا مِنَ ٱلۡعُیُونِ ﴿٣٤﴾

Gumawa Kami rito ng mga hardin ng datiles at mga ubas at nagpabulwak Kami rito ng mga bukal


Arabic explanations of the Qur’an:

لِیَأۡكُلُواْ مِن ثَمَرِهِۦ وَمَا عَمِلَتۡهُ أَیۡدِیهِمۡۚ أَفَلَا یَشۡكُرُونَ ﴿٣٥﴾

upang kumain sila mula sa bunga nito. Hindi gumawa sa mga ito ang mga kamay nila. Kaya hindi ba sila magpapasalamat?


Arabic explanations of the Qur’an:

سُبۡحَـٰنَ ٱلَّذِی خَلَقَ ٱلۡأَزۡوَ ٰ⁠جَ كُلَّهَا مِمَّا تُنۢبِتُ ٱلۡأَرۡضُ وَمِنۡ أَنفُسِهِمۡ وَمِمَّا لَا یَعۡلَمُونَ ﴿٣٦﴾

Kaluwalhatian sa lumikha ng mga pares sa kabuuan ng mga ito mula sa mga pinatutubo ng lupa, mula sa mga sarili nila, at mula sa hindi nila nalalaman.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَءَایَةࣱ لَّهُمُ ٱلَّیۡلُ نَسۡلَخُ مِنۡهُ ٱلنَّهَارَ فَإِذَا هُم مُّظۡلِمُونَ ﴿٣٧﴾

Isang tanda para sa kanila ang gabi, habang nag-aalis Kami mula rito ng maghapon, kaya biglang sila ay mga napagdidiliman.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَٱلشَّمۡسُ تَجۡرِی لِمُسۡتَقَرࣲّ لَّهَاۚ ذَ ٰ⁠لِكَ تَقۡدِیرُ ٱلۡعَزِیزِ ٱلۡعَلِیمِ ﴿٣٨﴾

Ang araw ay umiinog para sa isang pagtitigilan para rito. Iyon ay ang pagtatakda ng Makapangyarihan, Maalam.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَٱلۡقَمَرَ قَدَّرۡنَـٰهُ مَنَازِلَ حَتَّىٰ عَادَ كَٱلۡعُرۡجُونِ ٱلۡقَدِیمِ ﴿٣٩﴾

Ang buwan ay nagtakda Kami rito ng mga yugto hanggang sa nanumbalik ito gaya ng buwig na magulang.


Arabic explanations of the Qur’an:

لَا ٱلشَّمۡسُ یَنۢبَغِی لَهَاۤ أَن تُدۡرِكَ ٱلۡقَمَرَ وَلَا ٱلَّیۡلُ سَابِقُ ٱلنَّهَارِۚ وَكُلࣱّ فِی فَلَكࣲ یَسۡبَحُونَ ﴿٤٠﴾

Ang araw ay hindi nararapat para rito na umabot sa buwan at ang gabi ay hindi mauuna sa maghapon. Lahat, sa ikutan, ay lumalangoy.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَءَایَةࣱ لَّهُمۡ أَنَّا حَمَلۡنَا ذُرِّیَّتَهُمۡ فِی ٱلۡفُلۡكِ ٱلۡمَشۡحُونِ ﴿٤١﴾

Isang tanda para sa kanila na Kami ay nagdala sa mga supling nila sa daong na nilulanan [ni Noe].


Arabic explanations of the Qur’an:

وَخَلَقۡنَا لَهُم مِّن مِّثۡلِهِۦ مَا یَرۡكَبُونَ ﴿٤٢﴾

Lumikha Kami para sa kanila mula sa tulad niyon ng sinasakyan nila.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَإِن نَّشَأۡ نُغۡرِقۡهُمۡ فَلَا صَرِیخَ لَهُمۡ وَلَا هُمۡ یُنقَذُونَ ﴿٤٣﴾

Kung loloobin Namin ay lulunurin Namin sila saka walang [tutugon sa] pagtili para sa kanila ni sila ay sasagipin,


Arabic explanations of the Qur’an:

إِلَّا رَحۡمَةࣰ مِّنَّا وَمَتَـٰعًا إِلَىٰ حِینࣲ ﴿٤٤﴾

maliban bilang awa mula sa Amin at bilang natatamasa hanggang sa isang panahon.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَإِذَا قِیلَ لَهُمُ ٱتَّقُواْ مَا بَیۡنَ أَیۡدِیكُمۡ وَمَا خَلۡفَكُمۡ لَعَلَّكُمۡ تُرۡحَمُونَ ﴿٤٥﴾

Kapag sinabi sa kanila: “Mangilag kayo sa anumang nasa harapan ninyo at anumang nasa likuran ninyo, nang sa gayon kayo ay kaaawaan.”


Arabic explanations of the Qur’an:

وَمَا تَأۡتِیهِم مِّنۡ ءَایَةࣲ مِّنۡ ءَایَـٰتِ رَبِّهِمۡ إِلَّا كَانُواْ عَنۡهَا مُعۡرِضِینَ ﴿٤٦﴾

Walang pumupunta sa kanila na isang tanda kabilang sa mga tanda ng Panginoon nila malibang sila noon doon ay mga umaayaw.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَإِذَا قِیلَ لَهُمۡ أَنفِقُواْ مِمَّا رَزَقَكُمُ ٱللَّهُ قَالَ ٱلَّذِینَ كَفَرُواْ لِلَّذِینَ ءَامَنُوۤاْ أَنُطۡعِمُ مَن لَّوۡ یَشَاۤءُ ٱللَّهُ أَطۡعَمَهُۥۤ إِنۡ أَنتُمۡ إِلَّا فِی ضَلَـٰلࣲ مُّبِینࣲ ﴿٤٧﴾

Kapag sinabi sa kanila: “Gumugol kayo [sa kawanggawa] mula sa itinustos sa inyo ni Allāh,” nagsasabi ang mga tumangging sumampalataya sa mga sumampalataya: “Magpapakain ba kami ng sinumang kung sakaling loloobin ni Allāh ay pinakain sana Niya? Walang iba kayo kundi nasa isang pagkaligaw na malinaw.”


Arabic explanations of the Qur’an:

وَیَقُولُونَ مَتَىٰ هَـٰذَا ٱلۡوَعۡدُ إِن كُنتُمۡ صَـٰدِقِینَ ﴿٤٨﴾

Nagsasabi sila: “Kailan ang pangakong ito [ng pagbuhay] kung kayo ay mga tapat?”


Arabic explanations of the Qur’an:

مَا یَنظُرُونَ إِلَّا صَیۡحَةࣰ وَ ٰ⁠حِدَةࣰ تَأۡخُذُهُمۡ وَهُمۡ یَخِصِّمُونَ ﴿٤٩﴾

Wala silang hinihintay kundi nag-iisang hiyaw na dadaklot sa kanila habang sila ay nag-aalitan.


Arabic explanations of the Qur’an:

فَلَا یَسۡتَطِیعُونَ تَوۡصِیَةࣰ وَلَاۤ إِلَىٰۤ أَهۡلِهِمۡ یَرۡجِعُونَ ﴿٥٠﴾

Kaya hindi sila makakakaya ng isang pagtatagubilin, ni tungo sa mag-anak nila ay babalik sila.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَنُفِخَ فِی ٱلصُّورِ فَإِذَا هُم مِّنَ ٱلۡأَجۡدَاثِ إِلَىٰ رَبِّهِمۡ یَنسِلُونَ ﴿٥١﴾

Iihip sa tambuli kaya biglang sila mula sa mga puntod patungo sa Panginoon nila ay magmamatulin.


Arabic explanations of the Qur’an:

قَالُواْ یَـٰوَیۡلَنَا مَنۢ بَعَثَنَا مِن مَّرۡقَدِنَاۜۗ هَـٰذَا مَا وَعَدَ ٱلرَّحۡمَـٰنُ وَصَدَقَ ٱلۡمُرۡسَلُونَ ﴿٥٢﴾

Magsasabi sila: “O kapighatian sa amin! Sino ang bumuhay na muli sa atin mula sa tulugan natin?” [Sasagutin sila:] “Ito ay ang ipinangako ng Pinakamaawain at nagpakatapat ang mga isinugo.”


Arabic explanations of the Qur’an:

إِن كَانَتۡ إِلَّا صَیۡحَةࣰ وَ ٰ⁠حِدَةࣰ فَإِذَا هُمۡ جَمِیعࣱ لَّدَیۡنَا مُحۡضَرُونَ ﴿٥٣﴾

Walang iba ito kundi nag-iisang hiyaw saka biglang sila ay isang katipunan, na sa harap Namin mga padadaluhin [para sa pagtutuos].


Arabic explanations of the Qur’an:

فَٱلۡیَوۡمَ لَا تُظۡلَمُ نَفۡسࣱ شَیۡـࣰٔا وَلَا تُجۡزَوۡنَ إِلَّا مَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ ﴿٥٤﴾

Kaya sa araw na ito walang lalabagin sa katarungan na isang kaluluwa sa anuman at hindi kayo gagantihan malibang ayon sa dati ninyong ginagawa.


Arabic explanations of the Qur’an:

إِنَّ أَصۡحَـٰبَ ٱلۡجَنَّةِ ٱلۡیَوۡمَ فِی شُغُلࣲ فَـٰكِهُونَ ﴿٥٥﴾

Tunay na ang mga maninirahan sa Paraiso, sa Araw na iyon, ay nasa pagkaabala, na mga nagpapasarap.


Arabic explanations of the Qur’an:

هُمۡ وَأَزۡوَ ٰ⁠جُهُمۡ فِی ظِلَـٰلٍ عَلَى ٱلۡأَرَاۤىِٕكِ مُتَّكِـُٔونَ ﴿٥٦﴾

Sila at ang mga asawa nila sa isang lilim ay sa mga supa mga nakasandal.


Arabic explanations of the Qur’an:

لَهُمۡ فِیهَا فَـٰكِهَةࣱ وَلَهُم مَّا یَدَّعُونَ ﴿٥٧﴾

Magkakaroon sila roon ng bungang-kahoy at magkakaroon sila ng anumang ipananawagan nila.


Arabic explanations of the Qur’an:

سَلَـٰمࣱ قَوۡلࣰا مِّن رَّبࣲّ رَّحِیمࣲ ﴿٥٨﴾

“Kapayapaan,” bilang sabi mula sa isang Panginoong Maawain.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَٱمۡتَـٰزُواْ ٱلۡیَوۡمَ أَیُّهَا ٱلۡمُجۡرِمُونَ ﴿٥٩﴾

[Sasabihin:] “Mabukod kayo [sa mga mananampalataya] ngayong araw, O mga salarin.


Arabic explanations of the Qur’an:

۞ أَلَمۡ أَعۡهَدۡ إِلَیۡكُمۡ یَـٰبَنِیۤ ءَادَمَ أَن لَّا تَعۡبُدُواْ ٱلشَّیۡطَـٰنَۖ إِنَّهُۥ لَكُمۡ عَدُوࣱّ مُّبِینࣱ ﴿٦٠﴾

Hindi ba nag-atas Ako sa inyo, O mga anak ni Adan, na huwag kayong sumamba sa demonyo – tunay na siya para sa inyo ay isang kaaway na malinaw –


Arabic explanations of the Qur’an:

وَأَنِ ٱعۡبُدُونِیۚ هَـٰذَا صِرَ ٰ⁠طࣱ مُّسۡتَقِیمࣱ ﴿٦١﴾

at na sumamba kayo sa Akin? Ito ay isang landasing tuwid.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَلَقَدۡ أَضَلَّ مِنكُمۡ جِبِلࣰّا كَثِیرًاۖ أَفَلَمۡ تَكُونُواْ تَعۡقِلُونَ ﴿٦٢﴾

Talaga ngang nagligaw siya, [si Satanas,] mula sa inyo ng kinapal na marami. Kaya hindi ba nangyaring kayo ay nakapag-uunawa?


Arabic explanations of the Qur’an:

هَـٰذِهِۦ جَهَنَّمُ ٱلَّتِی كُنتُمۡ تُوعَدُونَ ﴿٦٣﴾

Ito ay Impiyerno na kayo dati ay pinangangakuan.


Arabic explanations of the Qur’an:

ٱصۡلَوۡهَا ٱلۡیَوۡمَ بِمَا كُنتُمۡ تَكۡفُرُونَ ﴿٦٤﴾

Masunog kayo rito ngayong araw dahil kayo dati ay tumatangging sumampalataya.”


Arabic explanations of the Qur’an:

ٱلۡیَوۡمَ نَخۡتِمُ عَلَىٰۤ أَفۡوَ ٰ⁠هِهِمۡ وَتُكَلِّمُنَاۤ أَیۡدِیهِمۡ وَتَشۡهَدُ أَرۡجُلُهُم بِمَا كَانُواْ یَكۡسِبُونَ ﴿٦٥﴾

Sa Araw na iyon, magpipinid Kami sa mga bibig nila at magsasalita sa Amin ang mga kamay nila at sasaksi ang mga paa nila hinggil sa dati nilang kinakamit [na kasalanan].


Arabic explanations of the Qur’an:

وَلَوۡ نَشَاۤءُ لَطَمَسۡنَا عَلَىٰۤ أَعۡیُنِهِمۡ فَٱسۡتَبَقُواْ ٱلصِّرَ ٰ⁠طَ فَأَنَّىٰ یُبۡصِرُونَ ﴿٦٦﴾

Kung sakaling niloloob Namin ay talaga sanang pumawi Kami sa mga mata nila saka mag-uunahan sila sa landasin ngunit paano silang makakikita [sa kalagayan ng pagkabulag]?


Arabic explanations of the Qur’an:

وَلَوۡ نَشَاۤءُ لَمَسَخۡنَـٰهُمۡ عَلَىٰ مَكَانَتِهِمۡ فَمَا ٱسۡتَطَـٰعُواْ مُضِیࣰّا وَلَا یَرۡجِعُونَ ﴿٦٧﴾

Kung sakaling niloloob Namin ay talaga sanang nagpabagong-anyo Kami sa kanila [sa paglumpo sa kanila] sa kinaroroonan nila kaya hindi sila makakakaya ng isang paglisan at hindi sila babalik.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَمَن نُّعَمِّرۡهُ نُنَكِّسۡهُ فِی ٱلۡخَلۡقِۚ أَفَلَا یَعۡقِلُونَ ﴿٦٨﴾

Ang sinumang pinatatanda Namin ay magbabaliktad Kami sa kanya sa pagkakalikha [tungo sa kahinaan matapos ng kalakasan]. Kaya hindi ba sila nakapag-uunawa?


Arabic explanations of the Qur’an:

وَمَا عَلَّمۡنَـٰهُ ٱلشِّعۡرَ وَمَا یَنۢبَغِی لَهُۥۤۚ إِنۡ هُوَ إِلَّا ذِكۡرࣱ وَقُرۡءَانࣱ مُّبِینࣱ ﴿٦٩﴾

Hindi Kami nagturo sa kanya ng tula at hindi iyon nararapat para sa kanya. Walang iba ito kundi isang paalaala at isang Qur’ān na malinaw


Arabic explanations of the Qur’an:

لِّیُنذِرَ مَن كَانَ حَیࣰّا وَیَحِقَّ ٱلۡقَوۡلُ عَلَى ٱلۡكَـٰفِرِینَ ﴿٧٠﴾

upang magbabala sa sinumang siya ay buhay at [upang] magindapat ang hatol sa mga tagatangging sumampalataya.


Arabic explanations of the Qur’an:

أَوَلَمۡ یَرَوۡاْ أَنَّا خَلَقۡنَا لَهُم مِّمَّا عَمِلَتۡ أَیۡدِینَاۤ أَنۡعَـٰمࣰا فَهُمۡ لَهَا مَـٰلِكُونَ ﴿٧١﴾

Hindi ba sila nakaalam na Kami ay lumikha para sa kanila mula sa ginawa ng mga kamay Namin na mga hayupan kaya sila sa mga ito ay mga tagapagmay-ari?


Arabic explanations of the Qur’an:

وَذَلَّلۡنَـٰهَا لَهُمۡ فَمِنۡهَا رَكُوبُهُمۡ وَمِنۡهَا یَأۡكُلُونَ ﴿٧٢﴾

Nagpaamo Kami sa mga ito para sa kanila kaya ilan sa mga ito ay mga sasakyan nila at ilan sa mga ito ay kinakain nila.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَلَهُمۡ فِیهَا مَنَـٰفِعُ وَمَشَارِبُۚ أَفَلَا یَشۡكُرُونَ ﴿٧٣﴾

Para sa kanila sa mga ito ay mga pakinabang at mga [gatas na] inumin. Kaya hindi ba sila magpapasalamat?


Arabic explanations of the Qur’an:

وَٱتَّخَذُواْ مِن دُونِ ٱللَّهِ ءَالِهَةࣰ لَّعَلَّهُمۡ یُنصَرُونَ ﴿٧٤﴾

Gumawa sila sa bukod pa kay Allāh bilang mga diyos, nang sa gayon sila ay iaadya.


Arabic explanations of the Qur’an:

لَا یَسۡتَطِیعُونَ نَصۡرَهُمۡ وَهُمۡ لَهُمۡ جُندࣱ مُّحۡضَرُونَ ﴿٧٥﴾

Hindi nakakakaya ang mga [diyus-diyusang] ito ng pag-aadya sa kanila[490] samantalang sila para sa mga ito ay mga hukbo na padadaluhin [sa Impiyerno].

[490] na mga tagasamba ng mga diyus-diyusang ito


Arabic explanations of the Qur’an:

فَلَا یَحۡزُنكَ قَوۡلُهُمۡۘ إِنَّا نَعۡلَمُ مَا یُسِرُّونَ وَمَا یُعۡلِنُونَ ﴿٧٦﴾

Kaya huwag magpalungkot sa iyo ang sabi nila; tunay na Kami ay nakaaalam sa anumang inililihim nila at anumang inihahayag nila.


Arabic explanations of the Qur’an:

أَوَلَمۡ یَرَ ٱلۡإِنسَـٰنُ أَنَّا خَلَقۡنَـٰهُ مِن نُّطۡفَةࣲ فَإِذَا هُوَ خَصِیمࣱ مُّبِینࣱ ﴿٧٧﴾

Hindi ba nakaalam ang tao na Kami ay lumikha sa kanya mula sa isang patak saka biglang siya ay isang kaalitang malinaw.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَضَرَبَ لَنَا مَثَلࣰا وَنَسِیَ خَلۡقَهُۥۖ قَالَ مَن یُحۡیِ ٱلۡعِظَـٰمَ وَهِیَ رَمِیمࣱ ﴿٧٨﴾

Naglahad siya para sa Amin ng isang paghahalintulad at nakalimot siya sa pagkalikha sa kanya. Nagsabi siya: “Sino ang magbibigay-buhay sa mga buto samantalang ang mga ito ay bulok na?”


Arabic explanations of the Qur’an:

قُلۡ یُحۡیِیهَا ٱلَّذِیۤ أَنشَأَهَاۤ أَوَّلَ مَرَّةࣲۖ وَهُوَ بِكُلِّ خَلۡقٍ عَلِیمٌ ﴿٧٩﴾

Sabihin mo: “Magbibigay-buhay sa mga ito ang nagpaluwal sa mga ito sa unang pagkakataon; at Siya sa bawat nilikha ay Maalam.”


Arabic explanations of the Qur’an:

ٱلَّذِی جَعَلَ لَكُم مِّنَ ٱلشَّجَرِ ٱلۡأَخۡضَرِ نَارࣰا فَإِذَاۤ أَنتُم مِّنۡهُ تُوقِدُونَ ﴿٨٠﴾

[Siya] ang gumawa para sa inyo mula sa mga punong-kahoy na luntian ng isang apoy, saka biglang kayo mula sa mga ito ay nagpapaningas.


Arabic explanations of the Qur’an:

أَوَلَیۡسَ ٱلَّذِی خَلَقَ ٱلسَّمَـٰوَ ٰ⁠تِ وَٱلۡأَرۡضَ بِقَـٰدِرٍ عَلَىٰۤ أَن یَخۡلُقَ مِثۡلَهُمۚ بَلَىٰ وَهُوَ ٱلۡخَلَّـٰقُ ٱلۡعَلِیمُ ﴿٨١﴾

Hindi ba ang lumikha ng mga langit at lupa ay nakakakayang lumikha ng tulad nila? Oo, at Siya ay ang Palalikha, ang Maalam.


Arabic explanations of the Qur’an:

إِنَّمَاۤ أَمۡرُهُۥۤ إِذَاۤ أَرَادَ شَیۡـًٔا أَن یَقُولَ لَهُۥ كُن فَیَكُونُ ﴿٨٢﴾

Tanging ang utos Niya, kapag nagnais Siya ng isang bagay, ay na magsabi rito: “Mangyari,” saka mangyayari ito.


Arabic explanations of the Qur’an:

فَسُبۡحَـٰنَ ٱلَّذِی بِیَدِهِۦ مَلَكُوتُ كُلِّ شَیۡءࣲ وَإِلَیۡهِ تُرۡجَعُونَ ﴿٨٣﴾

Kaya kaluwalhatian sa Kanya na nasa kamay Niya ang pagkahari sa bawat bagay, at tungo sa Kanya pababalikin kayo [para gantihan].


Arabic explanations of the Qur’an: