Surah Al-Ahqāf

Listen

Filipino (Tagalog)

Surah Al-Ahqāf - Aya count 35

حمۤ ﴿١﴾

Ḥā. Mīm. [558]

[558] Ang Qur’ān ay nasa wikang Arabe na binubuo ng mga titiks Arabe gaya ng mga ito.


Arabic explanations of the Qur’an:

تَنزِیلُ ٱلۡكِتَـٰبِ مِنَ ٱللَّهِ ٱلۡعَزِیزِ ٱلۡحَكِیمِ ﴿٢﴾

Ang pagbababa ng Aklat [na Qur’ān] ay mula kay Allāh, ang Makapangyarihan, ang Marunong.


Arabic explanations of the Qur’an:

مَا خَلَقۡنَا ٱلسَّمَـٰوَ ٰ⁠تِ وَٱلۡأَرۡضَ وَمَا بَیۡنَهُمَاۤ إِلَّا بِٱلۡحَقِّ وَأَجَلࣲ مُّسَمࣰّىۚ وَٱلَّذِینَ كَفَرُواْ عَمَّاۤ أُنذِرُواْ مُعۡرِضُونَ ﴿٣﴾

Hindi Kami lumikha ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito malibang ayon sa katotohanan at sa isang taning na tinukoy. Ang mga tumangging sumampalataya, hinggil sa ibinabala sa kanila ay mga umaayaw.


Arabic explanations of the Qur’an:

قُلۡ أَرَءَیۡتُم مَّا تَدۡعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ أَرُونِی مَاذَا خَلَقُواْ مِنَ ٱلۡأَرۡضِ أَمۡ لَهُمۡ شِرۡكࣱ فِی ٱلسَّمَـٰوَ ٰ⁠تِۖ ٱئۡتُونِی بِكِتَـٰبࣲ مِّن قَبۡلِ هَـٰذَاۤ أَوۡ أَثَـٰرَةࣲ مِّنۡ عِلۡمٍ إِن كُنتُمۡ صَـٰدِقِینَ ﴿٤﴾

Sabihin mo: “Nagsaalang-alang ba kayo sa dinadalanginan ninyo bukod pa kay Allāh? Magpakita kayo sa akin kung ano ang nilikha nila mula sa lupa, o kung mayroon silang pakikitambal sa mga langit. Magdala kayo sa akin ng isang aklat [na ibinaba] bago pa nito o ng isang [natitirang] bakas mula sa kaalaman, kung kayo ay mga tapat.”[559]

[559] sa pahayag ninyo na ang mga anito ninyo ay naging karapat-dapat sa pagsamba.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَمَنۡ أَضَلُّ مِمَّن یَدۡعُواْ مِن دُونِ ٱللَّهِ مَن لَّا یَسۡتَجِیبُ لَهُۥۤ إِلَىٰ یَوۡمِ ٱلۡقِیَـٰمَةِ وَهُمۡ عَن دُعَاۤىِٕهِمۡ غَـٰفِلُونَ ﴿٥﴾

Sino ang higit na ligaw kaysa sa sinumang dumadalangin sa bukod pa kay Allāh, na hindi tumutugon sa kanya hanggang sa Araw ng Pagbangon samantalang ang mga ito, sa panalangin sa mga ito, ay mga nalilingat?


Arabic explanations of the Qur’an:

وَإِذَا حُشِرَ ٱلنَّاسُ كَانُواْ لَهُمۡ أَعۡدَاۤءࣰ وَكَانُواْ بِعِبَادَتِهِمۡ كَـٰفِرِینَ ﴿٦﴾

Kapag kinalap ang mga tao, ang mga [dinalanginang] ito para sa kanila ay magiging mga kaaway at ang mga ito sa pagsamba sa mga ito ay magiging mga tagatanggi [sa pagkilala].


Arabic explanations of the Qur’an:

وَإِذَا تُتۡلَىٰ عَلَیۡهِمۡ ءَایَـٰتُنَا بَیِّنَـٰتࣲ قَالَ ٱلَّذِینَ كَفَرُواْ لِلۡحَقِّ لَمَّا جَاۤءَهُمۡ هَـٰذَا سِحۡرࣱ مُّبِینٌ ﴿٧﴾

Kapag binibigkas sa kanila ang mga tanda Namin bilang mga malinaw na patunay ay nagsasabi ang mga tumangging sumampalataya hinggil sa katotohanan noong dumating ito sa kanila: “Ito ay isang panggagaway na malinaw.”


Arabic explanations of the Qur’an:

أَمۡ یَقُولُونَ ٱفۡتَرَىٰهُۖ قُلۡ إِنِ ٱفۡتَرَیۡتُهُۥ فَلَا تَمۡلِكُونَ لِی مِنَ ٱللَّهِ شَیۡـًٔاۖ هُوَ أَعۡلَمُ بِمَا تُفِیضُونَ فِیهِۚ كَفَىٰ بِهِۦ شَهِیدَۢا بَیۡنِی وَبَیۡنَكُمۡۖ وَهُوَ ٱلۡغَفُورُ ٱلرَّحِیمُ ﴿٨﴾

O nagsasabi sila: “Ginawa-gawa niya [ang Qur’ān na] ito.” Sabihin mo: “Kung gumawa-gawa ako nito ay hindi kayo makapagdudulot para sa akin laban kay Allāh ng anuman. Siya ay higit na maalam sa anumang sinusuong. Nakasapat Siya bilang saksi sa pagitan ko at sa pagitan ninyo. Siya ay ang Mapagpatawad, ang Maawain.”


Arabic explanations of the Qur’an:

قُلۡ مَا كُنتُ بِدۡعࣰا مِّنَ ٱلرُّسُلِ وَمَاۤ أَدۡرِی مَا یُفۡعَلُ بِی وَلَا بِكُمۡۖ إِنۡ أَتَّبِعُ إِلَّا مَا یُوحَىٰۤ إِلَیَّ وَمَاۤ أَنَا۠ إِلَّا نَذِیرࣱ مُّبِینࣱ ﴿٩﴾

Sabihin mo: “Hindi ako isang pinasimulan mula sa mga sugo at hindi ako nakababatid sa gagawin sa akin ni sa inyo [sa Mundo]. Hindi ako sumusunod maliban sa ikinakasi sa akin at walang iba ako kundi isang mapagbabalang malinaw.”


Arabic explanations of the Qur’an:

قُلۡ أَرَءَیۡتُمۡ إِن كَانَ مِنۡ عِندِ ٱللَّهِ وَكَفَرۡتُم بِهِۦ وَشَهِدَ شَاهِدࣱ مِّنۢ بَنِیۤ إِسۡرَ ٰ⁠ۤءِیلَ عَلَىٰ مِثۡلِهِۦ فَـَٔامَنَ وَٱسۡتَكۡبَرۡتُمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَا یَهۡدِی ٱلۡقَوۡمَ ٱلظَّـٰلِمِینَ ﴿١٠﴾

Sabihin mo: “Nagsaalang-alang ba kayo kung [ang Qur’ān na] ito ay mula sa ganang kay Allāh at tumanggi kayong sumampalataya rito samantalang may sumaksi na isang tagasaksi mula sa mga anak ni Israel [na ito ay mula kay Allāh batay sa] tulad [sa nasaad sa Torah], kaya sumampalataya siya samantalang nagmalaki kayo?” Tunay na si Allāh ay hindi pumapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَقَالَ ٱلَّذِینَ كَفَرُواْ لِلَّذِینَ ءَامَنُواْ لَوۡ كَانَ خَیۡرࣰا مَّا سَبَقُونَاۤ إِلَیۡهِۚ وَإِذۡ لَمۡ یَهۡتَدُواْ بِهِۦ فَسَیَقُولُونَ هَـٰذَاۤ إِفۡكࣱ قَدِیمࣱ ﴿١١﴾

Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya sa mga sumampalataya: “Kung sakaling [ang Islām na] ito ay kabutihan, hindi sana sila nakauna sa amin dito.” Yayamang hindi sila napatnubayan sa pamamagitan nito ay magsasabi sila: “Ito ay isang panlilinlang na luma.”


Arabic explanations of the Qur’an:

وَمِن قَبۡلِهِۦ كِتَـٰبُ مُوسَىٰۤ إِمَامࣰا وَرَحۡمَةࣰۚ وَهَـٰذَا كِتَـٰبࣱ مُّصَدِّقࣱ لِّسَانًا عَرَبِیࣰّا لِّیُنذِرَ ٱلَّذِینَ ظَلَمُواْ وَبُشۡرَىٰ لِلۡمُحۡسِنِینَ ﴿١٢﴾

Bago pa nito, ang Kasulatan ni Moises ay bilang gabay at bilang awa. [Ang Qur’ān na] ito ay Aklat na tagapagpatotoo, sa wikang Arabe, upang magbabala ito sa mga lumabag sa katarungan[560] at bilang balitang nakagagalak para sa mga tagagawa ng maganda.

[560] dahil sa pagtatambal kay Allāh at paggawa ng mga pagsuway


Arabic explanations of the Qur’an:

إِنَّ ٱلَّذِینَ قَالُواْ رَبُّنَا ٱللَّهُ ثُمَّ ٱسۡتَقَـٰمُواْ فَلَا خَوۡفٌ عَلَیۡهِمۡ وَلَا هُمۡ یَحۡزَنُونَ ﴿١٣﴾

Tunay na ang mga nagsabi: “Ang Panginoon namin ay si Allāh,” pagkatapos nagpakatuwid sila,[561] ay walang pangamba sa kanila ni sila ay” malulungkot.”

[561] sa pananampalataya at gawang maayos


Arabic explanations of the Qur’an:

أُوْلَـٰۤىِٕكَ أَصۡحَـٰبُ ٱلۡجَنَّةِ خَـٰلِدِینَ فِیهَا جَزَاۤءَۢ بِمَا كَانُواْ یَعۡمَلُونَ ﴿١٤﴾

Ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Paraiso bilang mga mananatili roon bilang ganti sa dati nilang ginagawa.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَوَصَّیۡنَا ٱلۡإِنسَـٰنَ بِوَ ٰ⁠لِدَیۡهِ إِحۡسَـٰنًاۖ حَمَلَتۡهُ أُمُّهُۥ كُرۡهࣰا وَوَضَعَتۡهُ كُرۡهࣰاۖ وَحَمۡلُهُۥ وَفِصَـٰلُهُۥ ثَلَـٰثُونَ شَهۡرًاۚ حَتَّىٰۤ إِذَا بَلَغَ أَشُدَّهُۥ وَبَلَغَ أَرۡبَعِینَ سَنَةࣰ قَالَ رَبِّ أَوۡزِعۡنِیۤ أَنۡ أَشۡكُرَ نِعۡمَتَكَ ٱلَّتِیۤ أَنۡعَمۡتَ عَلَیَّ وَعَلَىٰ وَ ٰ⁠لِدَیَّ وَأَنۡ أَعۡمَلَ صَـٰلِحࣰا تَرۡضَىٰهُ وَأَصۡلِحۡ لِی فِی ذُرِّیَّتِیۤۖ إِنِّی تُبۡتُ إِلَیۡكَ وَإِنِّی مِنَ ٱلۡمُسۡلِمِینَ ﴿١٥﴾

Nagtagubilin Kami sa tao hinggil sa mga magulang niya ng paggawa ng maganda. Nagdalang-tao sa kanya ang ina niya sa hirap at nagsilang ito sa kanya sa hirap. Ang pagdadalang-tao sa kanya at ang pag-awat sa kanya ay tatlumpong buwan; hanggang sa nang umabot siya sa katindihan niya at umabot siya sa apatnapung taong gulang ay magsasabi siya: “Panginoon ko, udyukan Mo ako na magpasalamat ako sa biyaya Mo na ibiniyaya Mo sa akin at sa mga magulang ko, na gumawa ako ng maayos na kalulugdan Mo, at magsaayos Ka para sa akin sa mga supling ko; tunay na ako ay nagbalik-loob sa Iyo [sa pagsisisi at pagtalima] at tunay na ako ay kabilang sa mga Muslim.”


Arabic explanations of the Qur’an:

أُوْلَـٰۤىِٕكَ ٱلَّذِینَ نَتَقَبَّلُ عَنۡهُمۡ أَحۡسَنَ مَا عَمِلُواْ وَنَتَجَاوَزُ عَن سَیِّـَٔاتِهِمۡ فِیۤ أَصۡحَـٰبِ ٱلۡجَنَّةِۖ وَعۡدَ ٱلصِّدۡقِ ٱلَّذِی كَانُواْ یُوعَدُونَ ﴿١٦﴾

Ang mga iyon ay tatanggapan Namin buhat sa kanila ng pinakamaganda sa ginawa nila at palalampasan Namin ng mga masagwang gawa nila [upang mapabilang sila] sa mga maninirahan sa Paraiso bilang pangako ng katapatan na sa kanila noon ay ipinangangako.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَٱلَّذِی قَالَ لِوَ ٰ⁠لِدَیۡهِ أُفࣲّ لَّكُمَاۤ أَتَعِدَانِنِیۤ أَنۡ أُخۡرَجَ وَقَدۡ خَلَتِ ٱلۡقُرُونُ مِن قَبۡلِی وَهُمَا یَسۡتَغِیثَانِ ٱللَّهَ وَیۡلَكَ ءَامِنۡ إِنَّ وَعۡدَ ٱللَّهِ حَقࣱّ فَیَقُولُ مَا هَـٰذَاۤ إِلَّاۤ أَسَـٰطِیرُ ٱلۡأَوَّلِینَ ﴿١٧﴾

Ang nagsabi sa mga magulang niya: “Pagkasuya sa inyong dalawa! Nangangako ba kayong dalawa sa akin na palabasin ako [sa libingan] samantalang lumipas na ang mga [ibang] salinlahi bago ko pa?” samantalang silang dalawa [na mga madulang] ay nagpapasaklolo kay Allāh, [na nagsasabi]: “Kapighatian sa iyo! Sumampalataya ka! Tunay na ang pangako ni Allāh ay [laging] totoo,” ngunit nagsasabi naman siya: “Walang iba ito kundi mga alamat ng mga sinauna.”


Arabic explanations of the Qur’an:

أُوْلَـٰۤىِٕكَ ٱلَّذِینَ حَقَّ عَلَیۡهِمُ ٱلۡقَوۡلُ فِیۤ أُمَمࣲ قَدۡ خَلَتۡ مِن قَبۡلِهِم مِّنَ ٱلۡجِنِّ وَٱلۡإِنسِۖ إِنَّهُمۡ كَانُواْ خَـٰسِرِینَ ﴿١٨﴾

Ang mga iyon ay ang mga nagindapat sa kanila ang hatol [ng pagdurusa] sa mga kalipunang lumipas bago pa nila, kabilang sa jinn at tao. Tunay na sila ay naging mga lugi.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَلِكُلࣲّ دَرَجَـٰتࣱ مِّمَّا عَمِلُواْۖ وَلِیُوَفِّیَهُمۡ أَعۡمَـٰلَهُمۡ وَهُمۡ لَا یُظۡلَمُونَ ﴿١٩﴾

Para sa lahat ay may mga antas [ng baytang] mula sa anumang ginawa nila, at upang maglulubus-lubos Siya sa kanila [ng kabayaran] sa mga gawa nila habang hindi sila nilalabag sa katarungan.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَیَوۡمَ یُعۡرَضُ ٱلَّذِینَ كَفَرُواْ عَلَى ٱلنَّارِ أَذۡهَبۡتُمۡ طَیِّبَـٰتِكُمۡ فِی حَیَاتِكُمُ ٱلدُّنۡیَا وَٱسۡتَمۡتَعۡتُم بِهَا فَٱلۡیَوۡمَ تُجۡزَوۡنَ عَذَابَ ٱلۡهُونِ بِمَا كُنتُمۡ تَسۡتَكۡبِرُونَ فِی ٱلۡأَرۡضِ بِغَیۡرِ ٱلۡحَقِّ وَبِمَا كُنتُمۡ تَفۡسُقُونَ ﴿٢٠﴾

Sa araw na isasalang ang mga tumangging sumampalataya sa Apoy [ay sasabihin]: “Nag-alis kayo ng mga kaaya-aya ninyo sa buhay ninyo sa Mundo at nagtamasa kayo roon. Kaya ngayong araw ay gagantihan kayo ng pagdurusa ng pagkahamak dahil kayo dati ay nagmamalaki sa lupa nang walang karapatan at dahil kayo dati ay nagpapakasuwail.”


Arabic explanations of the Qur’an:

۞ وَٱذۡكُرۡ أَخَا عَادٍ إِذۡ أَنذَرَ قَوۡمَهُۥ بِٱلۡأَحۡقَافِ وَقَدۡ خَلَتِ ٱلنُّذُرُ مِنۢ بَیۡنِ یَدَیۡهِ وَمِنۡ خَلۡفِهِۦۤ أَلَّا تَعۡبُدُوۤاْ إِلَّا ٱللَّهَ إِنِّیۤ أَخَافُ عَلَیۡكُمۡ عَذَابَ یَوۡمٍ عَظِیمࣲ ﴿٢١﴾

Banggitin mo [si Hūd], ang kapatid ng [liping] `Ād, noong nagbabala siya sa mga kalipi niya sa Buhanginan.[562] Lumipas na ang mga mapagbabala noong bago pa niya at noong matapos na niya, [na nagsasabi]: “Huwag kayong sumamba maliban kay Allāh; tunay na ako ay nangangamba para sa inyo sa pagdurusa sa isang araw na sukdulan.”

[562] sa timog ng Arabya


Arabic explanations of the Qur’an:

قَالُوۤاْ أَجِئۡتَنَا لِتَأۡفِكَنَا عَنۡ ءَالِهَتِنَا فَأۡتِنَا بِمَا تَعِدُنَاۤ إِن كُنتَ مِنَ ٱلصَّـٰدِقِینَ ﴿٢٢﴾

Nagsabi sila: “Dumating ka ba sa amin upang magpalihis ka sa amin palayo sa mga diyos namin? Kaya maglahad ka sa amin ng ipinangangako mo sa amin, kung ikaw ay naging sa mga tapat.”


Arabic explanations of the Qur’an:

قَالَ إِنَّمَا ٱلۡعِلۡمُ عِندَ ٱللَّهِ وَأُبَلِّغُكُم مَّاۤ أُرۡسِلۡتُ بِهِۦ وَلَـٰكِنِّیۤ أَرَىٰكُمۡ قَوۡمࣰا تَجۡهَلُونَ ﴿٢٣﴾

Nagsabi siya: “Tanging ang kaalaman ay nasa ganang kay Allāh. Nagpapaabot ako sa inyo ng ipinasugo sa akin, subalit ako ay nakakikita sa inyo bilang mga taong nagpapakamangmang.”


Arabic explanations of the Qur’an:

فَلَمَّا رَأَوۡهُ عَارِضࣰا مُّسۡتَقۡبِلَ أَوۡدِیَتِهِمۡ قَالُواْ هَـٰذَا عَارِضࣱ مُّمۡطِرُنَاۚ بَلۡ هُوَ مَا ٱسۡتَعۡجَلۡتُم بِهِۦۖ رِیحࣱ فِیهَا عَذَابٌ أَلِیمࣱ ﴿٢٤﴾

Kaya noong nakakita sila niyon na isang ulap na [nakaharang na] nakaharap sa mga lambak nila ay nagsabi sila: “Ito ay isang ulap na magpapaulan sa atin.” Bagkus iyon ay ang minadali ninyo na isang hanging sa loob nito ay isang pagdurusang masakit.


Arabic explanations of the Qur’an:

تُدَمِّرُ كُلَّ شَیۡءِۭ بِأَمۡرِ رَبِّهَا فَأَصۡبَحُواْ لَا یُرَىٰۤ إِلَّا مَسَـٰكِنُهُمۡۚ كَذَ ٰ⁠لِكَ نَجۡزِی ٱلۡقَوۡمَ ٱلۡمُجۡرِمِینَ ﴿٢٥﴾

Wawasak ito sa bawat bagay ayon sa utos ng Panginoon nito kaya sila ay magiging walang nakikita kundi ang mga tirahan nila. Gayon Kami gumaganti sa mga taong salarin.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَلَقَدۡ مَكَّنَّـٰهُمۡ فِیمَاۤ إِن مَّكَّنَّـٰكُمۡ فِیهِ وَجَعَلۡنَا لَهُمۡ سَمۡعࣰا وَأَبۡصَـٰرࣰا وَأَفۡـِٔدَةࣰ فَمَاۤ أَغۡنَىٰ عَنۡهُمۡ سَمۡعُهُمۡ وَلَاۤ أَبۡصَـٰرُهُمۡ وَلَاۤ أَفۡـِٔدَتُهُم مِّن شَیۡءٍ إِذۡ كَانُواْ یَجۡحَدُونَ بِـَٔایَـٰتِ ٱللَّهِ وَحَاقَ بِهِم مَّا كَانُواْ بِهِۦ یَسۡتَهۡزِءُونَ ﴿٢٦﴾

Talaga ngang nagbigay-kapangyarihan Kami sa kanila sa [paraang] hindi Kami nagbigay-kapangyarihan sa inyo. Gumawa Kami para sa kanila ng pandinig, mga paningin, at mga puso ngunit hindi nakapagdulot sa kanila ang pandinig nila ni ang mga paningin nila ni ang mga puso nila ng anuman yayamang sila dati ay nagkakaila sa mga tanda ni Allāh. Papaligid sa kanila ang dati nilang kinukutya.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَلَقَدۡ أَهۡلَكۡنَا مَا حَوۡلَكُم مِّنَ ٱلۡقُرَىٰ وَصَرَّفۡنَا ٱلۡـَٔایَـٰتِ لَعَلَّهُمۡ یَرۡجِعُونَ ﴿٢٧﴾

Talaga ngang nagpahamak Kami sa nasa paligid ninyo na mga pamayanan at nagsarisari Kami ng mga tanda nang sa gayon sila ay babalik [sa masamang gawi nila].


Arabic explanations of the Qur’an:

فَلَوۡلَا نَصَرَهُمُ ٱلَّذِینَ ٱتَّخَذُواْ مِن دُونِ ٱللَّهِ قُرۡبَانًا ءَالِهَةَۢۖ بَلۡ ضَلُّواْ عَنۡهُمۡۚ وَذَ ٰ⁠لِكَ إِفۡكُهُمۡ وَمَا كَانُواْ یَفۡتَرُونَ ﴿٢٨﴾

Kaya bakit hindi nag-adya sa kanila ang mga ginawa nila bukod pa kay Allāh bilang ipinanlalapit-loob [sa Kanya] na mga diyos? Bagkus naligaw ang mga ito palayo sa kanila. Iyon ay ang panlilinlang nila at ang dati nilang ginagawa-gawa.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَإِذۡ صَرَفۡنَاۤ إِلَیۡكَ نَفَرࣰا مِّنَ ٱلۡجِنِّ یَسۡتَمِعُونَ ٱلۡقُرۡءَانَ فَلَمَّا حَضَرُوهُ قَالُوۤاْ أَنصِتُواْۖ فَلَمَّا قُضِیَ وَلَّوۡاْ إِلَىٰ قَوۡمِهِم مُّنذِرِینَ ﴿٢٩﴾

[Banggitin] noong naglihis Kami tungo sa iyo ng isang pangkat ng mga jinn na nakikinig sa Qur’ān, saka noong dumalo sila roon ay nagsabi sila: “Tumahimik kayo [upang makinig].” Kaya noong nagwakas ito ay umuwi sila sa mga kalahi nila bilang mga tagapagbabala [sa kanila].


Arabic explanations of the Qur’an:

قَالُواْ یَـٰقَوۡمَنَاۤ إِنَّا سَمِعۡنَا كِتَـٰبًا أُنزِلَ مِنۢ بَعۡدِ مُوسَىٰ مُصَدِّقࣰا لِّمَا بَیۡنَ یَدَیۡهِ یَهۡدِیۤ إِلَى ٱلۡحَقِّ وَإِلَىٰ طَرِیقࣲ مُّسۡتَقِیمࣲ ﴿٣٠﴾

Nagsabi sila: “O mga kalahi namin, tunay na kami ay nakapakinig sa isang Aklat[563] na pinababa matapos na ni Moises, bilang tagapagpatotoo para sa nauna rito, na nagpapatnubay tungo sa katotohanan at tungo sa isang landasing tuwid [ng Islām].

[563] Ibig sabihin: ang Qur’an.


Arabic explanations of the Qur’an:

یَـٰقَوۡمَنَاۤ أَجِیبُواْ دَاعِیَ ٱللَّهِ وَءَامِنُواْ بِهِۦ یَغۡفِرۡ لَكُم مِّن ذُنُوبِكُمۡ وَیُجِرۡكُم مِّنۡ عَذَابٍ أَلِیمࣲ ﴿٣١﴾

O mga kalahi namin, sumagot kayo sa tagapag-anyaya ni Allāh [na si Propeta Muḥammad] at sumampalataya kayo rito, magpapatawad Siya sa inyo ng ilan sa mga pagkakasala ninyo at kakalinga Siya sa inyo laban sa isang pagdurusang masakit.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَمَن لَّا یُجِبۡ دَاعِیَ ٱللَّهِ فَلَیۡسَ بِمُعۡجِزࣲ فِی ٱلۡأَرۡضِ وَلَیۡسَ لَهُۥ مِن دُونِهِۦۤ أَوۡلِیَاۤءُۚ أُوْلَـٰۤىِٕكَ فِی ضَلَـٰلࣲ مُّبِینٍ ﴿٣٢﴾

Ang sinumang hindi sumagot sa tagapag-anyaya ni Allāh [na si Propeta Muḥammad] ay hindi makapagpapawalang-kakayahan [sa Kanya] sa lupa at hindi ito magkakaroon bukod pa sa Kanya ng mga katangkilik. Ang mga iyon ay nasa isang pagkaligaw na malinaw.


Arabic explanations of the Qur’an:

أَوَلَمۡ یَرَوۡاْ أَنَّ ٱللَّهَ ٱلَّذِی خَلَقَ ٱلسَّمَـٰوَ ٰ⁠تِ وَٱلۡأَرۡضَ وَلَمۡ یَعۡیَ بِخَلۡقِهِنَّ بِقَـٰدِرٍ عَلَىٰۤ أَن یُحۡـِۧیَ ٱلۡمَوۡتَىٰۚ بَلَىٰۤۚ إِنَّهُۥ عَلَىٰ كُلِّ شَیۡءࣲ قَدِیرࣱ ﴿٣٣﴾

Hindi ba nila napag-alaman na si Allāh na lumikha ng mga langit at lupa at hindi napata sa paglikha ng mga ito ay nakakakaya na magbigay-buhay sa mga patay? Oo; tunay na Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَیَوۡمَ یُعۡرَضُ ٱلَّذِینَ كَفَرُواْ عَلَى ٱلنَّارِ أَلَیۡسَ هَـٰذَا بِٱلۡحَقِّۖ قَالُواْ بَلَىٰ وَرَبِّنَاۚ قَالَ فَذُوقُواْ ٱلۡعَذَابَ بِمَا كُنتُمۡ تَكۡفُرُونَ ﴿٣٤﴾

Sa araw na isasalang sa Apoy ang mga tumangging sumampalataya [ay sasabihin sa kanila]: “Hindi ba ito ang katotohanan?” Magsasabi sila: “Opo; sumpa man sa Panginoon namin.” Magsasabi Siya: “Kaya lasapin ninyo ang pagdurusa dahil kayo dati ay tumatangging sumampalataya.”


Arabic explanations of the Qur’an:

فَٱصۡبِرۡ كَمَا صَبَرَ أُوْلُواْ ٱلۡعَزۡمِ مِنَ ٱلرُّسُلِ وَلَا تَسۡتَعۡجِل لَّهُمۡۚ كَأَنَّهُمۡ یَوۡمَ یَرَوۡنَ مَا یُوعَدُونَ لَمۡ یَلۡبَثُوۤاْ إِلَّا سَاعَةࣰ مِّن نَّهَارِۭۚ بَلَـٰغࣱۚ فَهَلۡ یُهۡلَكُ إِلَّا ٱلۡقَوۡمُ ٱلۡفَـٰسِقُونَ ﴿٣٥﴾

Kaya magtiis ka [O Propeta Muḥammad] kung paanong nagtiis ang mga may pagtitika kabilang sa mga sugo[564] at huwag kang magmadali para sa kanila. Para bang sila, sa araw na makikita nila ang ipinangangako sa kanila, ay hindi namalagi kundi isang oras mula sa maghapon. Isang pagpapaabot [ito] kaya walang ipahahamak kundi ang mga taong suwail [kay Allāh].

[564] na sina Noe, Abraham, Moises, Jesus, at Muḥammad (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga).


Arabic explanations of the Qur’an: