وَٱلذَّ ٰرِیَـٰتِ ذَرۡوࣰا ﴿١﴾
Sumpa[582] man sa mga [hanging] tagapagpalipad sa pagpapalipad [ng alikabok],
إِنَّكُمۡ لَفِی قَوۡلࣲ مُّخۡتَلِفࣲ ﴿٨﴾
tunay na kayo ay talagang nasa isang pagsasabing nagkakaiba [tungkol sa Qur’ān na ito].
ٱلَّذِینَ هُمۡ فِی غَمۡرَةࣲ سَاهُونَ ﴿١١﴾
na sila sa isang pagkalubog [sa kamangmangan] ay mga nakaliligta.
یَوۡمَ هُمۡ عَلَى ٱلنَّارِ یُفۡتَنُونَ ﴿١٣﴾
[Ito ay] sa araw na sila sa ibabaw ng Apoy ay sinisilaban.
ذُوقُواْ فِتۡنَتَكُمۡ هَـٰذَا ٱلَّذِی كُنتُم بِهِۦ تَسۡتَعۡجِلُونَ ﴿١٤﴾
Lasapin ninyo ang pagsilab sa inyo; ito ay ang dati ninyong minamadali!
إِنَّ ٱلۡمُتَّقِینَ فِی جَنَّـٰتࣲ وَعُیُونٍ ﴿١٥﴾
Tunay na ang mga tagapangilag magkasala ay nasa mga hardin at mga bukal,
ءَاخِذِینَ مَاۤ ءَاتَىٰهُمۡ رَبُّهُمۡۚ إِنَّهُمۡ كَانُواْ قَبۡلَ ذَ ٰلِكَ مُحۡسِنِینَ ﴿١٦﴾
habang mga kumukuha ng anumang ibinigay sa kanila ng Panginoon nila. Tunay na sila dati bago niyon ay mga tagagawa ng maganda.
كَانُواْ قَلِیلࣰا مِّنَ ٱلَّیۡلِ مَا یَهۡجَعُونَ ﴿١٧﴾
Sila dati ay kaunti mula sa gabi ang iniidlip.[583]
وَبِٱلۡأَسۡحَارِ هُمۡ یَسۡتَغۡفِرُونَ ﴿١٨﴾
Sa mga huling bahagi ng gabi, sila ay humihingi ng tawad [kay Allāh].
وَفِیۤ أَمۡوَ ٰلِهِمۡ حَقࣱّ لِّلسَّاۤىِٕلِ وَٱلۡمَحۡرُومِ ﴿١٩﴾
Sa mga yaman nila ay may karapatan para sa nanghihingi at napagkakaitan.[584] [na hindi nanghihingi].
وَفِی ٱلسَّمَاۤءِ رِزۡقُكُمۡ وَمَا تُوعَدُونَ ﴿٢٢﴾
Sa langit ay ang panustos ninyo at ang ipinangangako sa inyo.
فَوَرَبِّ ٱلسَّمَاۤءِ وَٱلۡأَرۡضِ إِنَّهُۥ لَحَقࣱّ مِّثۡلَ مَاۤ أَنَّكُمۡ تَنطِقُونَ ﴿٢٣﴾
Kaya sumpa man sa Panginoon ng langit at lupa, tunay na ito ay talagang katotohanan tulad ng [katotohanan na] kayo ay bumibigkas [niyon].
هَلۡ أَتَىٰكَ حَدِیثُ ضَیۡفِ إِبۡرَ ٰهِیمَ ٱلۡمُكۡرَمِینَ ﴿٢٤﴾
Dumating kaya sa iyo ang salaysay ng mga panauhin ni Abraham, na mga pinarangalan?
إِذۡ دَخَلُواْ عَلَیۡهِ فَقَالُواْ سَلَـٰمࣰاۖ قَالَ سَلَـٰمࣱ قَوۡمࣱ مُّنكَرُونَ ﴿٢٥﴾
Noong pumasok sila [na mga anghel] sa kanya saka nagsabi sila ng kapayapaan ay nagsabi naman siya: “Kapayapaan, mga taong di-kilala.”
فَرَاغَ إِلَىٰۤ أَهۡلِهِۦ فَجَاۤءَ بِعِجۡلࣲ سَمِینࣲ ﴿٢٦﴾
Kaya tumalilis siya sa mag-anak niya, saka naghatid ng isang [inihaw na] guyang mataba.
فَقَرَّبَهُۥۤ إِلَیۡهِمۡ قَالَ أَلَا تَأۡكُلُونَ ﴿٢٧﴾
Kaya naglapit siya nito sa kanila; nagsabi siya: “Hindi ba kayo kakain?”
فَأَوۡجَسَ مِنۡهُمۡ خِیفَةࣰۖ قَالُواْ لَا تَخَفۡۖ وَبَشَّرُوهُ بِغُلَـٰمٍ عَلِیمࣲ ﴿٢٨﴾
Kaya nakadama siya mula sa kanila ng pangangamba. Nagsabi sila: “Huwag kang mangamba.” Nagbalita sila ng nakagagalak sa kanya hinggil sa [pagsilang ni Isaac na] isang batang lalaking maalam.
فَأَقۡبَلَتِ ٱمۡرَأَتُهُۥ فِی صَرَّةࣲ فَصَكَّتۡ وَجۡهَهَا وَقَالَتۡ عَجُوزٌ عَقِیمࣱ ﴿٢٩﴾
Kaya lumapit ang maybahay niya habang nasa paghihiyaw [sa tuwa] saka tinampal nito ang mukha nito [sa pagtataka] at nagsabi: “Matandang babaing baog [ako]!”
قَالُواْ كَذَ ٰلِكِ قَالَ رَبُّكِۖ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلۡحَكِیمُ ٱلۡعَلِیمُ ﴿٣٠﴾
Nagsabi sila: “Gayon nagsabi ng Panginoon mo; tunay na Siya ay ang Marunong, ang Maalam.”
۞ قَالَ فَمَا خَطۡبُكُمۡ أَیُّهَا ٱلۡمُرۡسَلُونَ ﴿٣١﴾
Nagsabi [si Abraham]: “Kaya ano ang sadya ninyo, O mga isinugo?”
قَالُوۤاْ إِنَّاۤ أُرۡسِلۡنَاۤ إِلَىٰ قَوۡمࣲ مُّجۡرِمِینَ ﴿٣٢﴾
Nagsabi sila: “Tunay na kami ay isinugo sa mga taong salarin,[585]
لِنُرۡسِلَ عَلَیۡهِمۡ حِجَارَةࣰ مِّن طِینࣲ ﴿٣٣﴾
upang magsugo kami sa kanila ng mga batong yari sa luwad,
مُّسَوَّمَةً عِندَ رَبِّكَ لِلۡمُسۡرِفِینَ ﴿٣٤﴾
tinatakan buhat sa Panginoon mo na para sa mga nagpapakalabis.”
فَأَخۡرَجۡنَا مَن كَانَ فِیهَا مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِینَ ﴿٣٥﴾
Kaya nagpalabas Kami ng sinumang dati ay naroon [sa mga lungsod] kabilang sa mga mananampalataya.
فَمَا وَجَدۡنَا فِیهَا غَیۡرَ بَیۡتࣲ مِّنَ ٱلۡمُسۡلِمِینَ ﴿٣٦﴾
Ngunit wala kaming natagpuan doon maliban sa isang sambahayan ng mga Muslim.[586]
وَتَرَكۡنَا فِیهَاۤ ءَایَةࣰ لِّلَّذِینَ یَخَافُونَ ٱلۡعَذَابَ ٱلۡأَلِیمَ ﴿٣٧﴾
Nag-iwan Kami roon ng isang tanda para sa mga nangangamba sa pagdurusang masakit.
وَفِی مُوسَىٰۤ إِذۡ أَرۡسَلۡنَـٰهُ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ بِسُلۡطَـٰنࣲ مُّبِینࣲ ﴿٣٨﴾
Kay Moises [ay may tanda] noong nagsugo Kami sa kanya kay Paraon kalakip ng isang katunayang malinaw.
فَتَوَلَّىٰ بِرُكۡنِهِۦ وَقَالَ سَـٰحِرٌ أَوۡ مَجۡنُونࣱ ﴿٣٩﴾
Ngunit tumalikod siya[587] kasabay ng kampon niya at nagsabi [tungkol kay Moises]: “Manggagaway o baliw.”
فَأَخَذۡنَـٰهُ وَجُنُودَهُۥ فَنَبَذۡنَـٰهُمۡ فِی ٱلۡیَمِّ وَهُوَ مُلِیمࣱ ﴿٤٠﴾
Kaya kinuha Namin siya at ang mga kawal niya saka itinapon Namin sila sa dagat habang siya ay masisisi.
وَفِی عَادٍ إِذۡ أَرۡسَلۡنَا عَلَیۡهِمُ ٱلرِّیحَ ٱلۡعَقِیمَ ﴿٤١﴾
Sa [liping] `Ād [ay may tanda] noong nagsugo Kami sa kanila ng hanging mapanira.
مَا تَذَرُ مِن شَیۡءٍ أَتَتۡ عَلَیۡهِ إِلَّا جَعَلَتۡهُ كَٱلرَّمِیمِ ﴿٤٢﴾
Hindi ito nagpapabaya ng anumang bagay na pinuntahan nito malibang ginawa nito iyon gaya ng nalansag.
وَفِی ثَمُودَ إِذۡ قِیلَ لَهُمۡ تَمَتَّعُواْ حَتَّىٰ حِینࣲ ﴿٤٣﴾
Sa [liping] Thamūd [ay may tanda] noong sinabi sa kanila: “Magpakatamasa kayo hanggang sa pansamantala.”
فَعَتَوۡاْ عَنۡ أَمۡرِ رَبِّهِمۡ فَأَخَذَتۡهُمُ ٱلصَّـٰعِقَةُ وَهُمۡ یَنظُرُونَ ﴿٤٤﴾
Ngunit nagpakasutil sila sa utos ng Panginoon nila kaya dumaklot sa kanila ang lintik habang sila ay nakatingin.
فَمَا ٱسۡتَطَـٰعُواْ مِن قِیَامࣲ وَمَا كَانُواْ مُنتَصِرِینَ ﴿٤٥﴾
Kaya hindi sila nakakaya ng pagtayo at hindi sila dati mga naiaadya.
وَقَوۡمَ نُوحࣲ مِّن قَبۡلُۖ إِنَّهُمۡ كَانُواْ قَوۡمࣰا فَـٰسِقِینَ ﴿٤٦﴾
[Nagpahamak Kami] sa mga kababayan ni Noe bago pa niyan; tunay na sila dati ay mga taong suwail.
وَٱلسَّمَاۤءَ بَنَیۡنَـٰهَا بِأَیۡیْدࣲ وَإِنَّا لَمُوسِعُونَ ﴿٤٧﴾
Ang langit ay ipinatayo Namin ito sa pamamagitan ng kapangyarihan at tunay na Kami ay talagang tagapagpalawak [nito].
وَٱلۡأَرۡضَ فَرَشۡنَـٰهَا فَنِعۡمَ ٱلۡمَـٰهِدُونَ ﴿٤٨﴾
Ang lupa ay inilatag Namin ito, saka kay inam na tagapaghimlay [Kami].
وَمِن كُلِّ شَیۡءٍ خَلَقۡنَا زَوۡجَیۡنِ لَعَلَّكُمۡ تَذَكَّرُونَ ﴿٤٩﴾
Mula sa bawat bagay ay lumikha kami ng magkapares, nang sa gayon kayo ay magsasaalaala [ng kakayahan ni Allāh].
فَفِرُّوۤاْ إِلَى ٱللَّهِۖ إِنِّی لَكُم مِّنۡهُ نَذِیرࣱ مُّبِینࣱ ﴿٥٠﴾
Kaya tumakas kayo patungo kay Allāh; tunay na ako para sa inyo laban dito ay isang mapagbabalang malinaw.
وَلَا تَجۡعَلُواْ مَعَ ٱللَّهِ إِلَـٰهًا ءَاخَرَۖ إِنِّی لَكُم مِّنۡهُ نَذِیرࣱ مُّبِینࣱ ﴿٥١﴾
Huwag kayong gumawa kasama kay Allāh ng isang diyos na iba pa; tunay na ako para sa inyo laban dito ay isang mapagbabalang malinaw.
كَذَ ٰلِكَ مَاۤ أَتَى ٱلَّذِینَ مِن قَبۡلِهِم مِّن رَّسُولٍ إِلَّا قَالُواْ سَاحِرٌ أَوۡ مَجۡنُونٌ ﴿٥٢﴾
Gayon din, walang pumunta sa mga [tao] bago pa nila na isang sugo [mula kay Allāh] malibang nagsabi sila: “Isang manggagaway o isang sinapian.”
أَتَوَاصَوۡاْ بِهِۦۚ بَلۡ هُمۡ قَوۡمࣱ طَاغُونَ ﴿٥٣﴾
Nagtagubilinan ba sila hinggil dito? Bagkus sila ay mga taong tagapagmalabis.
فَتَوَلَّ عَنۡهُمۡ فَمَاۤ أَنتَ بِمَلُومࣲ ﴿٥٤﴾
Kaya tumalikod ka palayo sa kanila sapagkat ikaw ay hindi masisisi.[588]
وَذَكِّرۡ فَإِنَّ ٱلذِّكۡرَىٰ تَنفَعُ ٱلۡمُؤۡمِنِینَ ﴿٥٥﴾
Magpaalaala ka [nang tuluy-tuloy] sapagkat tunay na ang paalaala ay nagpapakinabang sa mga mananampalataya.
وَمَا خَلَقۡتُ ٱلۡجِنَّ وَٱلۡإِنسَ إِلَّا لِیَعۡبُدُونِ ﴿٥٦﴾
Hindi Ako lumikha ng jinn at tao kundi upang sumamba sila sa Akin.
مَاۤ أُرِیدُ مِنۡهُم مِّن رِّزۡقࣲ وَمَاۤ أُرِیدُ أَن یُطۡعِمُونِ ﴿٥٧﴾
Hindi Ako nagnanais mula sa kanila ng anumang panustos at hindi Ako nagnanais na magpakain sila sa Akin.
إِنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلرَّزَّاقُ ذُو ٱلۡقُوَّةِ ٱلۡمَتِینُ ﴿٥٨﴾
Tunay na si Allāh ay ang Palatustos, ang May Lakas, ang Matibay.
فَإِنَّ لِلَّذِینَ ظَلَمُواْ ذَنُوبࣰا مِّثۡلَ ذَنُوبِ أَصۡحَـٰبِهِمۡ فَلَا یَسۡتَعۡجِلُونِ ﴿٥٩﴾
Saka tunay na ukol sa mga lumabag sa katarungan[589] ay mga pagkakasalang tulad ng mga pagkakasala ng mga [sinaunang] kasamahan nila, kaya huwag silang magmadali sa Akin.