Surah Adh-Dhāriyāt

Filipino (Tagalog) Translation60 Aya count
This page contains the Arabic text, audio recitation, and Filipino (Tagalog) translation of Surah Adh-Dhāriyāt.
وَٱلذَّ ٰ⁠رِیَـٰتِ ذَرۡوࣰا ﴿١﴾
Sumpa[582] man sa mga [hanging] tagapagpalipad sa pagpapalipad [ng alikabok],
[582] Ang mga panununumpa sa mga bagay na nabanggit sa Qur'an ay panunumpa ni Allāh.
(1)
Tafseer:
فَٱلۡحَـٰمِلَـٰتِ وِقۡرࣰا ﴿٢﴾
saka sa mga [ulap na] tagapagdala ng lulan [na tubig],(2)
Tafseer:
فَٱلۡجَـٰرِیَـٰتِ یُسۡرࣰا ﴿٣﴾
at sa mga [daong na] tagapaglayag nang magaan,(3)
Tafseer:
فَٱلۡمُقَسِّمَـٰتِ أَمۡرًا ﴿٤﴾
saka sa mga [anghel na] tagapagbahagi ng nauukol,(4)
Tafseer:
إِنَّمَا تُوعَدُونَ لَصَادِقࣱ ﴿٥﴾
tunay na ang ipinangangako sa inyo ay talagang tapat,(5)
Tafseer:
وَإِنَّ ٱلدِّینَ لَوَ ٰ⁠قِعࣱ ﴿٦﴾
at tunay na ang Pagtutumbas ay talagang magaganap!(6)
Tafseer:
وَٱلسَّمَاۤءِ ذَاتِ ٱلۡحُبُكِ ﴿٧﴾
Sumpa man sa langit na may mga daanan,(7)
Tafseer:
إِنَّكُمۡ لَفِی قَوۡلࣲ مُّخۡتَلِفࣲ ﴿٨﴾
tunay na kayo ay talagang nasa isang pagsasabing nagkakaiba [tungkol sa Qur’ān na ito].(8)
Tafseer:
یُؤۡفَكُ عَنۡهُ مَنۡ أُفِكَ ﴿٩﴾
Nalilinlang palayo rito [sa Qur’ān] ang sinumang nalinlang.(9)
Tafseer:
قُتِلَ ٱلۡخَرَّ ٰ⁠صُونَ ﴿١٠﴾
Napahamak ang mga palasapantaha,(10)
Tafseer:
ٱلَّذِینَ هُمۡ فِی غَمۡرَةࣲ سَاهُونَ ﴿١١﴾
na sila sa isang pagkalubog [sa kamangmangan] ay mga nakaliligta.(11)
Tafseer:
یَسۡـَٔلُونَ أَیَّانَ یَوۡمُ ٱلدِّینِ ﴿١٢﴾
Nagtatanong sila: “Kailan ang Araw ng Pagtutumbas?”(12)
Tafseer:
یَوۡمَ هُمۡ عَلَى ٱلنَّارِ یُفۡتَنُونَ ﴿١٣﴾
[Ito ay] sa araw na sila sa ibabaw ng Apoy ay sinisilaban.(13)
Tafseer:
ذُوقُواْ فِتۡنَتَكُمۡ هَـٰذَا ٱلَّذِی كُنتُم بِهِۦ تَسۡتَعۡجِلُونَ ﴿١٤﴾
Lasapin ninyo ang pagsilab sa inyo; ito ay ang dati ninyong minamadali!(14)
Tafseer:
إِنَّ ٱلۡمُتَّقِینَ فِی جَنَّـٰتࣲ وَعُیُونٍ ﴿١٥﴾
Tunay na ang mga tagapangilag magkasala ay nasa mga hardin at mga bukal,(15)
Tafseer:
ءَاخِذِینَ مَاۤ ءَاتَىٰهُمۡ رَبُّهُمۡۚ إِنَّهُمۡ كَانُواْ قَبۡلَ ذَ ٰ⁠لِكَ مُحۡسِنِینَ ﴿١٦﴾
habang mga kumukuha ng anumang ibinigay sa kanila ng Panginoon nila. Tunay na sila dati bago niyon ay mga tagagawa ng maganda.(16)
Tafseer:
كَانُواْ قَلِیلࣰا مِّنَ ٱلَّیۡلِ مَا یَهۡجَعُونَ ﴿١٧﴾
Sila dati ay kaunti mula sa gabi ang iniidlip.[583]
[583] dahil palagi sa mga kusang-loob na pagdarasal sa gabi
(17)
Tafseer:
وَبِٱلۡأَسۡحَارِ هُمۡ یَسۡتَغۡفِرُونَ ﴿١٨﴾
Sa mga huling bahagi ng gabi, sila ay humihingi ng tawad [kay Allāh].(18)
Tafseer:
وَفِیۤ أَمۡوَ ٰ⁠لِهِمۡ حَقࣱّ لِّلسَّاۤىِٕلِ وَٱلۡمَحۡرُومِ ﴿١٩﴾
Sa mga yaman nila ay may karapatan para sa nanghihingi at napagkakaitan.[584] [na hindi nanghihingi].
[584] na hindi nanghihingi dahil sa pagkahiya.
(19)
Tafseer:
وَفِی ٱلۡأَرۡضِ ءَایَـٰتࣱ لِّلۡمُوقِنِینَ ﴿٢٠﴾
Sa lupa ay may mga tanda para sa mga nakatitiyak,(20)
Tafseer:
وَفِیۤ أَنفُسِكُمۡۚ أَفَلَا تُبۡصِرُونَ ﴿٢١﴾
at sa mga sarili ninyo. Kaya hindi ba kayo nakakikita?(21)
Tafseer:
وَفِی ٱلسَّمَاۤءِ رِزۡقُكُمۡ وَمَا تُوعَدُونَ ﴿٢٢﴾
Sa langit ay ang panustos ninyo at ang ipinangangako sa inyo.(22)
Tafseer:
فَوَرَبِّ ٱلسَّمَاۤءِ وَٱلۡأَرۡضِ إِنَّهُۥ لَحَقࣱّ مِّثۡلَ مَاۤ أَنَّكُمۡ تَنطِقُونَ ﴿٢٣﴾
Kaya sumpa man sa Panginoon ng langit at lupa, tunay na ito ay talagang katotohanan tulad ng [katotohanan na] kayo ay bumibigkas [niyon].(23)
Tafseer:
هَلۡ أَتَىٰكَ حَدِیثُ ضَیۡفِ إِبۡرَ ٰ⁠هِیمَ ٱلۡمُكۡرَمِینَ ﴿٢٤﴾
Dumating kaya sa iyo ang salaysay ng mga panauhin ni Abraham, na mga pinarangalan?(24)
Tafseer:
إِذۡ دَخَلُواْ عَلَیۡهِ فَقَالُواْ سَلَـٰمࣰاۖ قَالَ سَلَـٰمࣱ قَوۡمࣱ مُّنكَرُونَ ﴿٢٥﴾
Noong pumasok sila [na mga anghel] sa kanya saka nagsabi sila ng kapayapaan ay nagsabi naman siya: “Kapayapaan, mga taong di-kilala.”(25)
Tafseer:
فَرَاغَ إِلَىٰۤ أَهۡلِهِۦ فَجَاۤءَ بِعِجۡلࣲ سَمِینࣲ ﴿٢٦﴾
Kaya tumalilis siya sa mag-anak niya, saka naghatid ng isang [inihaw na] guyang mataba.(26)
Tafseer:
فَقَرَّبَهُۥۤ إِلَیۡهِمۡ قَالَ أَلَا تَأۡكُلُونَ ﴿٢٧﴾
Kaya naglapit siya nito sa kanila; nagsabi siya: “Hindi ba kayo kakain?”(27)
Tafseer:
فَأَوۡجَسَ مِنۡهُمۡ خِیفَةࣰۖ قَالُواْ لَا تَخَفۡۖ وَبَشَّرُوهُ بِغُلَـٰمٍ عَلِیمࣲ ﴿٢٨﴾
Kaya nakadama siya mula sa kanila ng pangangamba. Nagsabi sila: “Huwag kang mangamba.” Nagbalita sila ng nakagagalak sa kanya hinggil sa [pagsilang ni Isaac na] isang batang lalaking maalam.(28)
Tafseer:
فَأَقۡبَلَتِ ٱمۡرَأَتُهُۥ فِی صَرَّةࣲ فَصَكَّتۡ وَجۡهَهَا وَقَالَتۡ عَجُوزٌ عَقِیمࣱ ﴿٢٩﴾
Kaya lumapit ang maybahay niya habang nasa paghihiyaw [sa tuwa] saka tinampal nito ang mukha nito [sa pagtataka] at nagsabi: “Matandang babaing baog [ako]!”(29)
Tafseer:
قَالُواْ كَذَ ٰ⁠لِكِ قَالَ رَبُّكِۖ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلۡحَكِیمُ ٱلۡعَلِیمُ ﴿٣٠﴾
Nagsabi sila: “Gayon nagsabi ng Panginoon mo; tunay na Siya ay ang Marunong, ang Maalam.”(30)
Tafseer:
۞ قَالَ فَمَا خَطۡبُكُمۡ أَیُّهَا ٱلۡمُرۡسَلُونَ ﴿٣١﴾
Nagsabi [si Abraham]: “Kaya ano ang sadya ninyo, O mga isinugo?”(31)
Tafseer:
قَالُوۤاْ إِنَّاۤ أُرۡسِلۡنَاۤ إِلَىٰ قَوۡمࣲ مُّجۡرِمِینَ ﴿٣٢﴾
Nagsabi sila: “Tunay na kami ay isinugo sa mga taong salarin,[585]
[585] na mga tao ni Propeta Lot
(32)
Tafseer:
لِنُرۡسِلَ عَلَیۡهِمۡ حِجَارَةࣰ مِّن طِینࣲ ﴿٣٣﴾
upang magsugo kami sa kanila ng mga batong yari sa luwad,(33)
Tafseer:
مُّسَوَّمَةً عِندَ رَبِّكَ لِلۡمُسۡرِفِینَ ﴿٣٤﴾
tinatakan buhat sa Panginoon mo na para sa mga nagpapakalabis.”(34)
Tafseer:
فَأَخۡرَجۡنَا مَن كَانَ فِیهَا مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِینَ ﴿٣٥﴾
Kaya nagpalabas Kami ng sinumang dati ay naroon [sa mga lungsod] kabilang sa mga mananampalataya.(35)
Tafseer:
فَمَا وَجَدۡنَا فِیهَا غَیۡرَ بَیۡتࣲ مِّنَ ٱلۡمُسۡلِمِینَ ﴿٣٦﴾
Ngunit wala kaming natagpuan doon maliban sa isang sambahayan ng mga Muslim.[586]
[586] Ibig sabihin: si Propeta Lot at ang dalawang babaing anak niya.
(36)
Tafseer:
وَتَرَكۡنَا فِیهَاۤ ءَایَةࣰ لِّلَّذِینَ یَخَافُونَ ٱلۡعَذَابَ ٱلۡأَلِیمَ ﴿٣٧﴾
Nag-iwan Kami roon ng isang tanda para sa mga nangangamba sa pagdurusang masakit.(37)
Tafseer:
وَفِی مُوسَىٰۤ إِذۡ أَرۡسَلۡنَـٰهُ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ بِسُلۡطَـٰنࣲ مُّبِینࣲ ﴿٣٨﴾
Kay Moises [ay may tanda] noong nagsugo Kami sa kanya kay Paraon kalakip ng isang katunayang malinaw.(38)
Tafseer:
فَتَوَلَّىٰ بِرُكۡنِهِۦ وَقَالَ سَـٰحِرٌ أَوۡ مَجۡنُونࣱ ﴿٣٩﴾
Ngunit tumalikod siya[587] kasabay ng kampon niya at nagsabi [tungkol kay Moises]: “Manggagaway o baliw.”
[587] Ibig sabihin: si Paraon
(39)
Tafseer:
فَأَخَذۡنَـٰهُ وَجُنُودَهُۥ فَنَبَذۡنَـٰهُمۡ فِی ٱلۡیَمِّ وَهُوَ مُلِیمࣱ ﴿٤٠﴾
Kaya kinuha Namin siya at ang mga kawal niya saka itinapon Namin sila sa dagat habang siya ay masisisi.(40)
Tafseer:
وَفِی عَادٍ إِذۡ أَرۡسَلۡنَا عَلَیۡهِمُ ٱلرِّیحَ ٱلۡعَقِیمَ ﴿٤١﴾
Sa [liping] `Ād [ay may tanda] noong nagsugo Kami sa kanila ng hanging mapanira.(41)
Tafseer:
مَا تَذَرُ مِن شَیۡءٍ أَتَتۡ عَلَیۡهِ إِلَّا جَعَلَتۡهُ كَٱلرَّمِیمِ ﴿٤٢﴾
Hindi ito nagpapabaya ng anumang bagay na pinuntahan nito malibang ginawa nito iyon gaya ng nalansag.(42)
Tafseer:
وَفِی ثَمُودَ إِذۡ قِیلَ لَهُمۡ تَمَتَّعُواْ حَتَّىٰ حِینࣲ ﴿٤٣﴾
Sa [liping] Thamūd [ay may tanda] noong sinabi sa kanila: “Magpakatamasa kayo hanggang sa pansamantala.”(43)
Tafseer:
فَعَتَوۡاْ عَنۡ أَمۡرِ رَبِّهِمۡ فَأَخَذَتۡهُمُ ٱلصَّـٰعِقَةُ وَهُمۡ یَنظُرُونَ ﴿٤٤﴾
Ngunit nagpakasutil sila sa utos ng Panginoon nila kaya dumaklot sa kanila ang lintik habang sila ay nakatingin.(44)
Tafseer:
فَمَا ٱسۡتَطَـٰعُواْ مِن قِیَامࣲ وَمَا كَانُواْ مُنتَصِرِینَ ﴿٤٥﴾
Kaya hindi sila nakakaya ng pagtayo at hindi sila dati mga naiaadya.(45)
Tafseer:
وَقَوۡمَ نُوحࣲ مِّن قَبۡلُۖ إِنَّهُمۡ كَانُواْ قَوۡمࣰا فَـٰسِقِینَ ﴿٤٦﴾
[Nagpahamak Kami] sa mga kababayan ni Noe bago pa niyan; tunay na sila dati ay mga taong suwail.(46)
Tafseer:
وَٱلسَّمَاۤءَ بَنَیۡنَـٰهَا بِأَیۡیْدࣲ وَإِنَّا لَمُوسِعُونَ ﴿٤٧﴾
Ang langit ay ipinatayo Namin ito sa pamamagitan ng kapangyarihan at tunay na Kami ay talagang tagapagpalawak [nito].(47)
Tafseer:
وَٱلۡأَرۡضَ فَرَشۡنَـٰهَا فَنِعۡمَ ٱلۡمَـٰهِدُونَ ﴿٤٨﴾
Ang lupa ay inilatag Namin ito, saka kay inam na tagapaghimlay [Kami].(48)
Tafseer:
وَمِن كُلِّ شَیۡءٍ خَلَقۡنَا زَوۡجَیۡنِ لَعَلَّكُمۡ تَذَكَّرُونَ ﴿٤٩﴾
Mula sa bawat bagay ay lumikha kami ng magkapares, nang sa gayon kayo ay magsasaalaala [ng kakayahan ni Allāh].(49)
Tafseer:
فَفِرُّوۤاْ إِلَى ٱللَّهِۖ إِنِّی لَكُم مِّنۡهُ نَذِیرࣱ مُّبِینࣱ ﴿٥٠﴾
Kaya tumakas kayo patungo kay Allāh; tunay na ako para sa inyo laban dito ay isang mapagbabalang malinaw.(50)
Tafseer:
وَلَا تَجۡعَلُواْ مَعَ ٱللَّهِ إِلَـٰهًا ءَاخَرَۖ إِنِّی لَكُم مِّنۡهُ نَذِیرࣱ مُّبِینࣱ ﴿٥١﴾
Huwag kayong gumawa kasama kay Allāh ng isang diyos na iba pa; tunay na ako para sa inyo laban dito ay isang mapagbabalang malinaw.(51)
Tafseer:
كَذَ ٰ⁠لِكَ مَاۤ أَتَى ٱلَّذِینَ مِن قَبۡلِهِم مِّن رَّسُولٍ إِلَّا قَالُواْ سَاحِرٌ أَوۡ مَجۡنُونٌ ﴿٥٢﴾
Gayon din, walang pumunta sa mga [tao] bago pa nila na isang sugo [mula kay Allāh] malibang nagsabi sila: “Isang manggagaway o isang sinapian.”(52)
Tafseer:
أَتَوَاصَوۡاْ بِهِۦۚ بَلۡ هُمۡ قَوۡمࣱ طَاغُونَ ﴿٥٣﴾
Nagtagubilinan ba sila hinggil dito? Bagkus sila ay mga taong tagapagmalabis.(53)
Tafseer:
فَتَوَلَّ عَنۡهُمۡ فَمَاۤ أَنتَ بِمَلُومࣲ ﴿٥٤﴾
Kaya tumalikod ka palayo sa kanila sapagkat ikaw ay hindi masisisi.[588]
[588] sapagkat naipaabot mo sa kanila ang ipinsugo sa iyo sa kanila
(54)
Tafseer:
وَذَكِّرۡ فَإِنَّ ٱلذِّكۡرَىٰ تَنفَعُ ٱلۡمُؤۡمِنِینَ ﴿٥٥﴾
Magpaalaala ka [nang tuluy-tuloy] sapagkat tunay na ang paalaala ay nagpapakinabang sa mga mananampalataya.(55)
Tafseer:
وَمَا خَلَقۡتُ ٱلۡجِنَّ وَٱلۡإِنسَ إِلَّا لِیَعۡبُدُونِ ﴿٥٦﴾
Hindi Ako lumikha ng jinn at tao kundi upang sumamba sila sa Akin.(56)
Tafseer:
مَاۤ أُرِیدُ مِنۡهُم مِّن رِّزۡقࣲ وَمَاۤ أُرِیدُ أَن یُطۡعِمُونِ ﴿٥٧﴾
Hindi Ako nagnanais mula sa kanila ng anumang panustos at hindi Ako nagnanais na magpakain sila sa Akin.(57)
Tafseer:
إِنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلرَّزَّاقُ ذُو ٱلۡقُوَّةِ ٱلۡمَتِینُ ﴿٥٨﴾
Tunay na si Allāh ay ang Palatustos, ang May Lakas, ang Matibay.(58)
Tafseer:
فَإِنَّ لِلَّذِینَ ظَلَمُواْ ذَنُوبࣰا مِّثۡلَ ذَنُوبِ أَصۡحَـٰبِهِمۡ فَلَا یَسۡتَعۡجِلُونِ ﴿٥٩﴾
Saka tunay na ukol sa mga lumabag sa katarungan[589] ay mga pagkakasalang tulad ng mga pagkakasala ng mga [sinaunang] kasamahan nila, kaya huwag silang magmadali sa Akin.
[589] sa mga sarili nila dahil sa pagpapasinungaling kay Propeta Muhammad
(59)
Tafseer:
فَوَیۡلࣱ لِّلَّذِینَ كَفَرُواْ مِن یَوۡمِهِمُ ٱلَّذِی یُوعَدُونَ ﴿٦٠﴾
Kaya kapighatian ay ukol sa mga tumangging sumampalataya, mula sa araw nila ipinangangako sa kanila.(60)
Tafseer: