Surah Al-Wāqi‘ah

Filipino (Tagalog) Translation96 Aya count
This page contains the Arabic text, audio recitation, and Filipino (Tagalog) translation of Surah Al-Wāqi‘ah.
إِذَا وَقَعَتِ ٱلۡوَاقِعَةُ ﴿١﴾
Kapag naganap ang Magaganap,(1)
Tafseer:
لَیۡسَ لِوَقۡعَتِهَا كَاذِبَةٌ ﴿٢﴾
para sa pagkaganap nito ay walang isang tagapagpasinungaling,(2)
Tafseer:
خَافِضَةࣱ رَّافِعَةٌ ﴿٣﴾
na magbababa [ng mananampalataya], mag-aangat [ng tagatangging sumampalataya].(3)
Tafseer:
إِذَا رُجَّتِ ٱلۡأَرۡضُ رَجࣰّا ﴿٤﴾
Kapag inalog ang lupa sa isang pag-aalog(4)
Tafseer:
وَبُسَّتِ ٱلۡجِبَالُ بَسࣰّا ﴿٥﴾
at dinurog ang mga bundok sa isang pagdurog,(5)
Tafseer:
فَكَانَتۡ هَبَاۤءࣰ مُّنۢبَثࣰّا ﴿٦﴾
kaya magiging alikabok na kumakalat.(6)
Tafseer:
وَكُنتُمۡ أَزۡوَ ٰ⁠جࣰا ثَلَـٰثَةࣰ ﴿٧﴾
Kayo ay magiging tatlong uri.(7)
Tafseer:
فَأَصۡحَـٰبُ ٱلۡمَیۡمَنَةِ مَاۤ أَصۡحَـٰبُ ٱلۡمَیۡمَنَةِ ﴿٨﴾
Kaya ang mga kasamahan sa dakong kanan, ano ang mga kasamahan sa dakong kanan?(8)
Tafseer:
وَأَصۡحَـٰبُ ٱلۡمَشۡـَٔمَةِ مَاۤ أَصۡحَـٰبُ ٱلۡمَشۡـَٔمَةِ ﴿٩﴾
Ang mga kasamahan sa dakong kaliwa, ano ang mga kasamahan sa dakong kaliwa?(9)
Tafseer:
وَٱلسَّـٰبِقُونَ ٱلسَّـٰبِقُونَ ﴿١٠﴾
Ang mga tagapanguna [sa mga kabutihan] ay ang mga tagapanguna [sa Paraiso].(10)
Tafseer:
أُوْلَـٰۤىِٕكَ ٱلۡمُقَرَّبُونَ ﴿١١﴾
Ang mga iyon ay ang mga inilapit [kay Allāh](11)
Tafseer:
فِی جَنَّـٰتِ ٱلنَّعِیمِ ﴿١٢﴾
sa mga hardin ng kaginhawahan.(12)
Tafseer:
ثُلَّةࣱ مِّنَ ٱلۡأَوَّلِینَ ﴿١٣﴾
Isang pangkat mula sa mga nauna [na yumakap sa Islām](13)
Tafseer:
وَقَلِیلࣱ مِّنَ ٱلۡـَٔاخِرِینَ ﴿١٤﴾
at kaunti mula sa mga nahuli,(14)
Tafseer:
عَلَىٰ سُرُرࣲ مَّوۡضُونَةࣲ ﴿١٥﴾
sa mga kamang pinalamutian [ng ginto],(15)
Tafseer:
مُّتَّكِـِٔینَ عَلَیۡهَا مُتَقَـٰبِلِینَ ﴿١٦﴾
na mga nakasandal sa mga ito habang mga naghaharapan.(16)
Tafseer:
یَطُوفُ عَلَیۡهِمۡ وِلۡدَ ٰ⁠نࣱ مُّخَلَّدُونَ ﴿١٧﴾
May iikot sa kanila na mga batang lalaki na mga pinamalaging [bata],(17)
Tafseer:
بِأَكۡوَابࣲ وَأَبَارِیقَ وَكَأۡسࣲ مِّن مَّعِینࣲ ﴿١٨﴾
na may mga baso, mga pitsel, at isang kopa mula sa isang alak [na dalisay] na dumadaloy,(18)
Tafseer:
لَّا یُصَدَّعُونَ عَنۡهَا وَلَا یُنزِفُونَ ﴿١٩﴾
na hindi sila pasasakitan [sa ulo] dahil sa mga ito at hindi sila lalanguin,(19)
Tafseer:
وَفَـٰكِهَةࣲ مِّمَّا یَتَخَیَّرُونَ ﴿٢٠﴾
at bungang-kahoy mula sa pinili-pili nila,(20)
Tafseer:
وَلَحۡمِ طَیۡرࣲ مِّمَّا یَشۡتَهُونَ ﴿٢١﴾
at karne ng ibon kabilang sa ninanasa nila,(21)
Tafseer:
وَحُورٌ عِینࣱ ﴿٢٢﴾
at may mga dilag na magaganda ang mga mata,(22)
Tafseer:
كَأَمۡثَـٰلِ ٱللُّؤۡلُوِٕ ٱلۡمَكۡنُونِ ﴿٢٣﴾
na gaya ng mga tulad ng mga perlas na itinatago,(23)
Tafseer:
جَزَاۤءَۢ بِمَا كَانُواْ یَعۡمَلُونَ ﴿٢٤﴾
bilang ganti sa dati nilang ginagawa [na maganda].(24)
Tafseer:
لَا یَسۡمَعُونَ فِیهَا لَغۡوࣰا وَلَا تَأۡثِیمًا ﴿٢٥﴾
Hindi sila makaririnig doon ng kabalbalan ni ng pagpapakasalanan(25)
Tafseer:
إِلَّا قِیلࣰا سَلَـٰمࣰا سَلَـٰمࣰا ﴿٢٦﴾
maliban sa pagsasabi ng [pagbati ng] kapayapaan, kapayapaan!(26)
Tafseer:
وَأَصۡحَـٰبُ ٱلۡیَمِینِ مَاۤ أَصۡحَـٰبُ ٱلۡیَمِینِ ﴿٢٧﴾
Ang mga kasamahan ng kanan, ano ang mga kasamahan ng kanan?(27)
Tafseer:
فِی سِدۡرࣲ مَّخۡضُودࣲ ﴿٢٨﴾
[Sila ay] nasa mga [punong] Sidrah na pinutulan [ng mga tinik](28)
Tafseer:
وَطَلۡحࣲ مَّنضُودࣲ ﴿٢٩﴾
at mga [punong] saging na nagkapatung-patong [ang mga bunga],(29)
Tafseer:
وَظِلࣲّ مَّمۡدُودࣲ ﴿٣٠﴾
at sa lilim na inilatag,(30)
Tafseer:
وَمَاۤءࣲ مَّسۡكُوبࣲ ﴿٣١﴾
at tubig na pinadaloy,(31)
Tafseer:
وَفَـٰكِهَةࣲ كَثِیرَةࣲ ﴿٣٢﴾
at prutas na marami,(32)
Tafseer:
لَّا مَقۡطُوعَةࣲ وَلَا مَمۡنُوعَةࣲ ﴿٣٣﴾
hindi pinuputol at hindi pinipigilan,(33)
Tafseer:
وَفُرُشࣲ مَّرۡفُوعَةٍ ﴿٣٤﴾
at sa mga higaang iniangat.(34)
Tafseer:
إِنَّاۤ أَنشَأۡنَـٰهُنَّ إِنشَاۤءࣰ ﴿٣٥﴾
Tunay na Kami ay nagpaluwal sa kanila[604] sa isang [pambihirang] pagpapaluwal,
[604] sa mga kabiyak nila noon sa Mundo, na pumasok kasama nila sa Paraiso.
(35)
Tafseer:
فَجَعَلۡنَـٰهُنَّ أَبۡكَارًا ﴿٣٦﴾
saka gumawa sa kanila na mga birhen,(36)
Tafseer:
عُرُبًا أَتۡرَابࣰا ﴿٣٧﴾
na malalambing na magkakasinggulang,(37)
Tafseer:
لِّأَصۡحَـٰبِ ٱلۡیَمِینِ ﴿٣٨﴾
para sa mga kasamahan sa kanan.(38)
Tafseer:
ثُلَّةࣱ مِّنَ ٱلۡأَوَّلِینَ ﴿٣٩﴾
Isang pangkat mula sa mga nauna(39)
Tafseer:
وَثُلَّةࣱ مِّنَ ٱلۡـَٔاخِرِینَ ﴿٤٠﴾
at isang pangkat mula sa mga nahuli.(40)
Tafseer:
وَأَصۡحَـٰبُ ٱلشِّمَالِ مَاۤ أَصۡحَـٰبُ ٱلشِّمَالِ ﴿٤١﴾
Ang mga kasamahan sa dakong kaliwa,[605] ano ang mga kasamahan sa dakong kaliwa?
[605] na ang mga talaan ay ibibigay mula sa kaliwang tagiliran nila: ang mga manihirahan sa Impiyerno.
(41)
Tafseer:
فِی سَمُومࣲ وَحَمِیمࣲ ﴿٤٢﴾
[Sila ay] nasa nakapapasong hangin at nakapapasong tubig,(42)
Tafseer:
وَظِلࣲّ مِّن یَحۡمُومࣲ ﴿٤٣﴾
at isang lilim ng isang usok na pagkaitim-itim,(43)
Tafseer:
لَّا بَارِدࣲ وَلَا كَرِیمٍ ﴿٤٤﴾
hindi malamig at hindi marangal.(44)
Tafseer:
إِنَّهُمۡ كَانُواْ قَبۡلَ ذَ ٰ⁠لِكَ مُتۡرَفِینَ ﴿٤٥﴾
Tunay na sila dati bago niyon ay mga pinariwasa.(45)
Tafseer:
وَكَانُواْ یُصِرُّونَ عَلَى ٱلۡحِنثِ ٱلۡعَظِیمِ ﴿٤٦﴾
Sila dati ay nagpupumilit ng kabuktutang sukdulan.[606]
[606] ng kawalang-pananampalataya kay Allāh
(46)
Tafseer:
وَكَانُواْ یَقُولُونَ أَىِٕذَا مِتۡنَا وَكُنَّا تُرَابࣰا وَعِظَـٰمًا أَءِنَّا لَمَبۡعُوثُونَ ﴿٤٧﴾
Sila dati ay nagsasabi: “Kapag namatay ba kami at kami ay naging alabok at mga buto, tunay bang kami ay talagang mga bubuhayin,(47)
Tafseer:
أَوَءَابَاۤؤُنَا ٱلۡأَوَّلُونَ ﴿٤٨﴾
at ang mga ninuno naming sinauna?”(48)
Tafseer:
قُلۡ إِنَّ ٱلۡأَوَّلِینَ وَٱلۡـَٔاخِرِینَ ﴿٤٩﴾
Sabihin mo: “Tunay na ang mga sinauna at ang mga nahuli(49)
Tafseer:
لَمَجۡمُوعُونَ إِلَىٰ مِیقَـٰتِ یَوۡمࣲ مَّعۡلُومࣲ ﴿٥٠﴾
ay talagang mga titipunin sa isang takdang oras ng isang araw na nalalaman.”(50)
Tafseer:
ثُمَّ إِنَّكُمۡ أَیُّهَا ٱلضَّاۤلُّونَ ٱلۡمُكَذِّبُونَ ﴿٥١﴾
Pagkatapos tunay na kayo, O mga naliligaw na mga nagpapasinungaling [sa Pagkabuhay](51)
Tafseer:
لَـَٔاكِلُونَ مِن شَجَرࣲ مِّن زَقُّومࣲ ﴿٥٢﴾
ay talagang mga kakain mula sa mga puno ng Zaqqūm,(52)
Tafseer:
فَمَالِـُٔونَ مِنۡهَا ٱلۡبُطُونَ ﴿٥٣﴾
saka mga magpupuno mula sa mga iyon ng mga tiyan,(53)
Tafseer:
فَشَـٰرِبُونَ عَلَیۡهِ مِنَ ٱلۡحَمِیمِ ﴿٥٤﴾
saka mga iinom sa mga ito mula sa nakapapasong tubig,(54)
Tafseer:
فَشَـٰرِبُونَ شُرۡبَ ٱلۡهِیمِ ﴿٥٥﴾
saka mga iinom nang pag-inom ng mga uhaw na kamelyo!”(55)
Tafseer:
هَـٰذَا نُزُلُهُمۡ یَوۡمَ ٱلدِّینِ ﴿٥٦﴾
Ito ay pang-aliw nila sa Araw ng Pagtutumbas.(56)
Tafseer:
نَحۡنُ خَلَقۡنَـٰكُمۡ فَلَوۡلَا تُصَدِّقُونَ ﴿٥٧﴾
Kami ay lumikha sa inyo kaya bakit kaya hindi kayo naniniwala?(57)
Tafseer:
أَفَرَءَیۡتُم مَّا تُمۡنُونَ ﴿٥٨﴾
Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa ipinupulandit ninyo [na punlay]?(58)
Tafseer:
ءَأَنتُمۡ تَخۡلُقُونَهُۥۤ أَمۡ نَحۡنُ ٱلۡخَـٰلِقُونَ ﴿٥٩﴾
Kayo ba ay lumilikha niyon [bilang tao] o Kami ay ang Tagalikha?(59)
Tafseer:
نَحۡنُ قَدَّرۡنَا بَیۡنَكُمُ ٱلۡمَوۡتَ وَمَا نَحۡنُ بِمَسۡبُوقِینَ ﴿٦٠﴾
Kami ay nagtakda sa gitna ninyo ng kamatayan at Kami ay hindi nauunahan(60)
Tafseer:
عَلَىٰۤ أَن نُّبَدِّلَ أَمۡثَـٰلَكُمۡ وَنُنشِئَكُمۡ فِی مَا لَا تَعۡلَمُونَ ﴿٦١﴾
na magpalit Kami ng mga tulad [ng mga anyo] ninyo at [muling] magpaluwal Kami sa inyo sa [mga anyong] hindi ninyo nalalaman.(61)
Tafseer:
وَلَقَدۡ عَلِمۡتُمُ ٱلنَّشۡأَةَ ٱلۡأُولَىٰ فَلَوۡلَا تَذَكَّرُونَ ﴿٦٢﴾
Talaga ngang nalaman ninyo ang unang pagpapaluwal, kaya bakit kaya hindi kayo nagsasaalaala?(62)
Tafseer:
أَفَرَءَیۡتُم مَّا تَحۡرُثُونَ ﴿٦٣﴾
Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa ipinupunla ninyo?(63)
Tafseer:
ءَأَنتُمۡ تَزۡرَعُونَهُۥۤ أَمۡ نَحۡنُ ٱلزَّ ٰ⁠رِعُونَ ﴿٦٤﴾
Kayo ba ay nagtatanim niyon o Kami ay ang Tagapagtanim?(64)
Tafseer:
لَوۡ نَشَاۤءُ لَجَعَلۡنَـٰهُ حُطَـٰمࣰا فَظَلۡتُمۡ تَفَكَّهُونَ ﴿٦٥﴾
Kung sakaling niloloob Namin ay talaga sanang ginawa Namin iyon na ipa saka kayo ay magiging nagugulantang,(65)
Tafseer:
إِنَّا لَمُغۡرَمُونَ ﴿٦٦﴾
[na magsasabi]: “Tunay na kami ay talagang mga mamultahan;[607]
[607] dahil sa pagkalugi ng ginugol namin
(66)
Tafseer:
بَلۡ نَحۡنُ مَحۡرُومُونَ ﴿٦٧﴾
bagkus kami ay mga pinagkaitan!”(67)
Tafseer:
أَفَرَءَیۡتُمُ ٱلۡمَاۤءَ ٱلَّذِی تَشۡرَبُونَ ﴿٦٨﴾
Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa tubig na iniinom ninyo?(68)
Tafseer:
ءَأَنتُمۡ أَنزَلۡتُمُوهُ مِنَ ٱلۡمُزۡنِ أَمۡ نَحۡنُ ٱلۡمُنزِلُونَ ﴿٦٩﴾
Kayo ba ay nagpababa niyon mula sa mga ulap o Kami ay ang Tagapagpababa?(69)
Tafseer:
لَوۡ نَشَاۤءُ جَعَلۡنَـٰهُ أُجَاجࣰا فَلَوۡلَا تَشۡكُرُونَ ﴿٧٠﴾
Kung sakaling niloloob Namin ay ginawa sana Namin iyon na maalat, kaya bakit kaya hindi kayo nagpapasalamat?(70)
Tafseer:
أَفَرَءَیۡتُمُ ٱلنَّارَ ٱلَّتِی تُورُونَ ﴿٧١﴾
Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa apoy na pinaniningas ninyo?(71)
Tafseer:
ءَأَنتُمۡ أَنشَأۡتُمۡ شَجَرَتَهَاۤ أَمۡ نَحۡنُ ٱلۡمُنشِـُٔونَ ﴿٧٢﴾
Kayo ba ay nagpapaluwal ng punong-kahoy [na nagpapaningas] nito o Kami ay ang Tagapagpaluwal?(72)
Tafseer:
نَحۡنُ جَعَلۡنَـٰهَا تَذۡكِرَةࣰ وَمَتَـٰعࣰا لِّلۡمُقۡوِینَ ﴿٧٣﴾
Kami ay gumawa nito bilang pagpapaalaala at bilang natatamasa para sa mga naglalakbay.(73)
Tafseer:
فَسَبِّحۡ بِٱسۡمِ رَبِّكَ ٱلۡعَظِیمِ ﴿٧٤﴾
Kaya magluwalhati ka sa pangalan ng Panginoon mo, ang Sukdulan.(74)
Tafseer:
۞ فَلَاۤ أُقۡسِمُ بِمَوَ ٰ⁠قِعِ ٱلنُّجُومِ ﴿٧٥﴾
Kaya nanunumpa Ako sa mga lubugan ng mga bituin,(75)
Tafseer:
وَإِنَّهُۥ لَقَسَمࣱ لَّوۡ تَعۡلَمُونَ عَظِیمٌ ﴿٧٦﴾
at tunay na ito ay talagang isang panunumpa – kung sakaling nalalaman ninyo – na sukdulan.(76)
Tafseer:
إِنَّهُۥ لَقُرۡءَانࣱ كَرِیمࣱ ﴿٧٧﴾
Tunay na ito ay talagang isang Qur’ān marangal,(77)
Tafseer:
فِی كِتَـٰبࣲ مَّكۡنُونࣲ ﴿٧٨﴾
na nasa isang Aklat na itinatago,[608]
[608] Ibig sabihin: ang Tablerong Iniingatan.
(78)
Tafseer:
لَّا یَمَسُّهُۥۤ إِلَّا ٱلۡمُطَهَّرُونَ ﴿٧٩﴾
na walang nakasasaling dito kundi ang mga [anghel na] dinalisay,(79)
Tafseer:
تَنزِیلࣱ مِّن رَّبِّ ٱلۡعَـٰلَمِینَ ﴿٨٠﴾
na isang pagbababa mula sa Panginoon ng mga nilalang.(80)
Tafseer:
أَفَبِهَـٰذَا ٱلۡحَدِیثِ أَنتُم مُّدۡهِنُونَ ﴿٨١﴾
Kaya sa salaysay na ito ba kayo ay mga nagwawalang-bahala?(81)
Tafseer:
وَتَجۡعَلُونَ رِزۡقَكُمۡ أَنَّكُمۡ تُكَذِّبُونَ ﴿٨٢﴾
Gumagawa kayo [sa pagpapasalamat] sa panustos ninyo na kayo ay nagpapasinungaling.(82)
Tafseer:
فَلَوۡلَاۤ إِذَا بَلَغَتِ ٱلۡحُلۡقُومَ ﴿٨٣﴾
Kaya bakit hindi [kayo magpabalik ng kaluluwa] kapag umabot ito sa lalamunan(83)
Tafseer:
وَأَنتُمۡ حِینَىِٕذࣲ تَنظُرُونَ ﴿٨٤﴾
habang kayo sa sandaling iyon ay nakatingin?(84)
Tafseer:
وَنَحۡنُ أَقۡرَبُ إِلَیۡهِ مِنكُمۡ وَلَـٰكِن لَّا تُبۡصِرُونَ ﴿٨٥﴾
Kami[609] ay higit na malapit sa kanya kaysa sa inyo subalit hindi ninyo nakikita.
[609] sa pamamagitan ng kaalaman Namin, kakayahan Namin, at mga anghel Namin
(85)
Tafseer:
فَلَوۡلَاۤ إِن كُنتُمۡ غَیۡرَ مَدِینِینَ ﴿٨٦﴾
Kaya bakit hindi – kung kayo ay hindi mga pananagutin –(86)
Tafseer:
تَرۡجِعُونَهَاۤ إِن كُنتُمۡ صَـٰدِقِینَ ﴿٨٧﴾
kayo nagpapabalik [ng kaluluwa sa katawan] nito kung kayo ay mga tapat.(87)
Tafseer:
فَأَمَّاۤ إِن كَانَ مِنَ ٱلۡمُقَرَّبِینَ ﴿٨٨﴾
Kaya hinggil naman sa kung siya ay kabilang sa mga inilapit [kay Allāh],(88)
Tafseer:
فَرَوۡحࣱ وَرَیۡحَانࣱ وَجَنَّتُ نَعِیمࣲ ﴿٨٩﴾
[ukol sa kanya ay] kapahingahan, kaloob, at hardin ng kaginhawahan.(89)
Tafseer:
وَأَمَّاۤ إِن كَانَ مِنۡ أَصۡحَـٰبِ ٱلۡیَمِینِ ﴿٩٠﴾
Hinggil naman sa kung siya ay kabilang sa mga kasamahan ng kanan,(90)
Tafseer:
فَسَلَـٰمࣱ لَّكَ مِنۡ أَصۡحَـٰبِ ٱلۡیَمِینِ ﴿٩١﴾
[magsasabi ang mga anghel sa kanya]: “Kapayapaan ay ukol sa iyo na kabilang sa mga kasamahan ng kanan.”(91)
Tafseer:
وَأَمَّاۤ إِن كَانَ مِنَ ٱلۡمُكَذِّبِینَ ٱلضَّاۤلِّینَ ﴿٩٢﴾
Hinggil naman sa kung siya ay kabilang sa mga tagapagpasinungaling na naliligaw,(92)
Tafseer:
فَنُزُلࣱ مِّنۡ حَمِیمࣲ ﴿٩٣﴾
[ukol sa kanya ay] isang pang-aliw mula sa nakapapasong tubig(93)
Tafseer:
وَتَصۡلِیَةُ جَحِیمٍ ﴿٩٤﴾
at isang pagpapasok sa Impiyerno.(94)
Tafseer:
إِنَّ هَـٰذَا لَهُوَ حَقُّ ٱلۡیَقِینِ ﴿٩٥﴾
Tunay na ito ay talagang ito ang katotohanan ng katiyakan.(95)
Tafseer:
فَسَبِّحۡ بِٱسۡمِ رَبِّكَ ٱلۡعَظِیمِ ﴿٩٦﴾
Kaya magluwalhati ka sa ngalan ng Panginoon mo, ang Sukdulan.(96)
Tafseer: