Surah As-Saff

Listen

Filipino (Tagalog)

Surah As-Saff - Aya count 14

سَبَّحَ لِلَّهِ مَا فِی ٱلسَّمَـٰوَ ٰ⁠تِ وَمَا فِی ٱلۡأَرۡضِۖ وَهُوَ ٱلۡعَزِیزُ ٱلۡحَكِیمُ ﴿١﴾

Nagluwalhati kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.


Arabic explanations of the Qur’an:

یَـٰۤأَیُّهَا ٱلَّذِینَ ءَامَنُواْ لِمَ تَقُولُونَ مَا لَا تَفۡعَلُونَ ﴿٢﴾

O mga sumampalataya, bakit kayo nagsasabi ng hindi ninyo ginagawa?


Arabic explanations of the Qur’an:

كَبُرَ مَقۡتًا عِندَ ٱللَّهِ أَن تَقُولُواْ مَا لَا تَفۡعَلُونَ ﴿٣﴾

Lumaki sa pagkamuhi sa ganang kay Allāh na magsabi kayo ng hindi ninyo ginagawa.


Arabic explanations of the Qur’an:

إِنَّ ٱللَّهَ یُحِبُّ ٱلَّذِینَ یُقَـٰتِلُونَ فِی سَبِیلِهِۦ صَفࣰّا كَأَنَّهُم بُنۡیَـٰنࣱ مَّرۡصُوصࣱ ﴿٤﴾

Tunay na si Allāh ay umiibig sa mga nakikipaglaban sa landas Niya sa isang hanay na para bang sila ay isang gusaling pinasiksik.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَإِذۡ قَالَ مُوسَىٰ لِقَوۡمِهِۦ یَـٰقَوۡمِ لِمَ تُؤۡذُونَنِی وَقَد تَّعۡلَمُونَ أَنِّی رَسُولُ ٱللَّهِ إِلَیۡكُمۡۖ فَلَمَّا زَاغُوۤاْ أَزَاغَ ٱللَّهُ قُلُوبَهُمۡۚ وَٱللَّهُ لَا یَهۡدِی ٱلۡقَوۡمَ ٱلۡفَـٰسِقِینَ ﴿٥﴾

[Banggitin] noong nagsabi si Moises sa mga kalipi niya: “O mga kalipi ko, bakit kayo nananakit sa akin samantalang nalalaman na ninyo na ako ay Sugo ni Allāh sa inyo?” Kaya noong lumiko sila ay nagpaliko si Allāh sa mga puso nila. Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong suwail.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَإِذۡ قَالَ عِیسَى ٱبۡنُ مَرۡیَمَ یَـٰبَنِیۤ إِسۡرَ ٰ⁠ۤءِیلَ إِنِّی رَسُولُ ٱللَّهِ إِلَیۡكُم مُّصَدِّقࣰا لِّمَا بَیۡنَ یَدَیَّ مِنَ ٱلتَّوۡرَىٰةِ وَمُبَشِّرَۢا بِرَسُولࣲ یَأۡتِی مِنۢ بَعۡدِی ٱسۡمُهُۥۤ أَحۡمَدُۖ فَلَمَّا جَاۤءَهُم بِٱلۡبَیِّنَـٰتِ قَالُواْ هَـٰذَا سِحۡرࣱ مُّبِینࣱ ﴿٦﴾

[Banggitin] noong nagsabi si Jesus na anak ni Maria: “O mga anak ni Israel, tunay na ako ay sugo ni Allāh sa inyo bilang tagapagpatotoo para sa nauna sa akin na Torah at bilang tagapagbalita ng nakagagalak hinggil sa isang Sugo na darating matapos ko na, na ang pangalan niya ay Aḥmad.[633]” Ngunit noong naghatid siya sa kanila ng mga malinaw na patunay ay nagsabi sila: “Ito ay isang panggagaway na malinaw.”

[633] Ibig sabihin: si Muḥammad, na ang isa sa mga pangalan niya ay Aḥmad, na nangangahulugang pinakakapuri-puri.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّنِ ٱفۡتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ ٱلۡكَذِبَ وَهُوَ یُدۡعَىٰۤ إِلَى ٱلۡإِسۡلَـٰمِۚ وَٱللَّهُ لَا یَهۡدِی ٱلۡقَوۡمَ ٱلظَّـٰلِمِینَ ﴿٧﴾

Sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay Allāh ng kasinungalingan samantalang ito ay inaanyayahan sa Islām.[634] Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan.

[634] na nangangahulugang pagsuko at pagpapasakop kay Allāh.


Arabic explanations of the Qur’an:

یُرِیدُونَ لِیُطۡفِـُٔواْ نُورَ ٱللَّهِ بِأَفۡوَ ٰ⁠هِهِمۡ وَٱللَّهُ مُتِمُّ نُورِهِۦ وَلَوۡ كَرِهَ ٱلۡكَـٰفِرُونَ ﴿٨﴾

Nagnanais sila na umapula sa liwanag ni Allāh sa pamamagitan ng mga bibig nila samantalang si Allāh ay maglulubos sa liwanag Niya, kahit pa man nasuklam ang mga tagatangging sumampalataya.


Arabic explanations of the Qur’an:

هُوَ ٱلَّذِیۤ أَرۡسَلَ رَسُولَهُۥ بِٱلۡهُدَىٰ وَدِینِ ٱلۡحَقِّ لِیُظۡهِرَهُۥ عَلَى ٱلدِّینِ كُلِّهِۦ وَلَوۡ كَرِهَ ٱلۡمُشۡرِكُونَ ﴿٩﴾

Siya ay ang nagsugo sa Sugo Niya [na si Muḥammad] kalakip ng patnubay at relihiyon ng katotohanan upang magpangibabaw Siya nito sa [huwad na] relihiyon sa kabuuan nito, kahit pa man nasuklam ang mga tagapagtambal.


Arabic explanations of the Qur’an:

یَـٰۤأَیُّهَا ٱلَّذِینَ ءَامَنُواْ هَلۡ أَدُلُّكُمۡ عَلَىٰ تِجَـٰرَةࣲ تُنجِیكُم مِّنۡ عَذَابٍ أَلِیمࣲ ﴿١٠﴾

O mga sumampalataya, magtuturo kaya ako sa inyo sa isang pangangalakal na magliligtas sa inyo mula sa isang pagdurusang masakit?


Arabic explanations of the Qur’an:

تُؤۡمِنُونَ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ وَتُجَـٰهِدُونَ فِی سَبِیلِ ٱللَّهِ بِأَمۡوَ ٰ⁠لِكُمۡ وَأَنفُسِكُمۡۚ ذَ ٰ⁠لِكُمۡ خَیۡرࣱ لَّكُمۡ إِن كُنتُمۡ تَعۡلَمُونَ ﴿١١﴾

Sasampalataya kayo kay Allāh at sa Sugo Niya [na si Muḥammad] at makikibaka kayo sa landas ni Allāh sa pamamagitan ng mga yaman ninyo at mga sarili ninyo. Iyon ay higit na mabuti para sa inyo kung kayo ay nakaaalam.


Arabic explanations of the Qur’an:

یَغۡفِرۡ لَكُمۡ ذُنُوبَكُمۡ وَیُدۡخِلۡكُمۡ جَنَّـٰتࣲ تَجۡرِی مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَـٰرُ وَمَسَـٰكِنَ طَیِّبَةࣰ فِی جَنَّـٰتِ عَدۡنࣲۚ ذَ ٰ⁠لِكَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡعَظِیمُ ﴿١٢﴾

[Kung gagawin ninyo,] magpapatawad Siya sa inyo ng mga pagkakasala ninyo at magpapapasok Siya sa inyo sa mga Hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog at sa mga tahanang kaaya-aya sa mga Hardin ng Eden. Iyon ang pagkatamong sukdulan.


Arabic explanations of the Qur’an:

وَأُخۡرَىٰ تُحِبُّونَهَاۖ نَصۡرࣱ مِّنَ ٱللَّهِ وَفَتۡحࣱ قَرِیبࣱۗ وَبَشِّرِ ٱلۡمُؤۡمِنِینَ ﴿١٣﴾

May iba pang [biyaya] iibigin ninyo: isang pag-aadya mula kay Allāh at isang pagsakop na malapit. Magbalita ka ng nakagagalak sa mga mananampalataya.


Arabic explanations of the Qur’an:

یَـٰۤأَیُّهَا ٱلَّذِینَ ءَامَنُواْ كُونُوۤاْ أَنصَارَ ٱللَّهِ كَمَا قَالَ عِیسَى ٱبۡنُ مَرۡیَمَ لِلۡحَوَارِیِّـۧنَ مَنۡ أَنصَارِیۤ إِلَى ٱللَّهِۖ قَالَ ٱلۡحَوَارِیُّونَ نَحۡنُ أَنصَارُ ٱللَّهِۖ فَـَٔامَنَت طَّاۤىِٕفَةࣱ مِّنۢ بَنِیۤ إِسۡرَ ٰ⁠ۤءِیلَ وَكَفَرَت طَّاۤىِٕفَةࣱۖ فَأَیَّدۡنَا ٱلَّذِینَ ءَامَنُواْ عَلَىٰ عَدُوِّهِمۡ فَأَصۡبَحُواْ ظَـٰهِرِینَ ﴿١٤﴾

O mga sumampalataya, maging mga tagapag-adya ni Allāh kayo gaya ng sinabi ni Jesus na anak ni Maria sa mga disipulo niya: “Sino ang mga tagapag-adya ko tungo kay Allāh?” Nagsabi ang mga disipulo: “Kami ay ang mga tagapag-adya tungo kay Allāh.” Kaya may sumampalataya na isang pangkatin mula sa mga anak ni Israel at may tumangging sumampalataya na isang pangkatin. Kaya umalalay Kami sa mga sumampalataya laban sa kaaway nila, kaya sila ay naging mga tagapangibabaw.


Arabic explanations of the Qur’an: