تَبَـٰرَكَ ٱلَّذِی بِیَدِهِ ٱلۡمُلۡكُ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَیۡءࣲ قَدِیرٌ ﴿١﴾
Napakamapagpala ang nasa kamay Niya ang paghahari, at Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan,
ٱلَّذِی خَلَقَ ٱلۡمَوۡتَ وَٱلۡحَیَوٰةَ لِیَبۡلُوَكُمۡ أَیُّكُمۡ أَحۡسَنُ عَمَلࣰاۚ وَهُوَ ٱلۡعَزِیزُ ٱلۡغَفُورُ ﴿٢﴾
na lumikha ng kamatayan at buhay upang sumubok Siya sa inyo kung alin sa inyo ang pinakamaganda sa gawa. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Mapagpatawad,
ٱلَّذِی خَلَقَ سَبۡعَ سَمَـٰوَ ٰتࣲ طِبَاقࣰاۖ مَّا تَرَىٰ فِی خَلۡقِ ٱلرَّحۡمَـٰنِ مِن تَفَـٰوُتࣲۖ فَٱرۡجِعِ ٱلۡبَصَرَ هَلۡ تَرَىٰ مِن فُطُورࣲ ﴿٣﴾
na lumikha ng pitong langit na nagkakatakluban. Hindi ka nakakikita sa pagkakalikha ng Napakamaawain ng anumang pagtataliwasan. Kaya magpapabalik ka ng pagtingin [sa langit], nakakikita ka kaya ng anumang mga bitak?
ثُمَّ ٱرۡجِعِ ٱلۡبَصَرَ كَرَّتَیۡنِ یَنقَلِبۡ إِلَیۡكَ ٱلۡبَصَرُ خَاسِئࣰا وَهُوَ حَسِیرࣱ ﴿٤﴾
Pagkatapos magpapabalik ka ng paningin nang pault-ulit, babalik sa iyo ang paningin mo na hamak samantalang ito ay pagal.
وَلَقَدۡ زَیَّنَّا ٱلسَّمَاۤءَ ٱلدُّنۡیَا بِمَصَـٰبِیحَ وَجَعَلۡنَـٰهَا رُجُومࣰا لِّلشَّیَـٰطِینِۖ وَأَعۡتَدۡنَا لَهُمۡ عَذَابَ ٱلسَّعِیرِ ﴿٥﴾
Talaga ngang gumayak Kami sa langit na pinakamababa[655] ng mga lampara at gumawa Kami sa mga iyon na mga pambato sa mga demonyo. Naglaan Kami para sa kanila ng pagdurusa sa Liyab.
وَلِلَّذِینَ كَفَرُواْ بِرَبِّهِمۡ عَذَابُ جَهَنَّمَۖ وَبِئۡسَ ٱلۡمَصِیرُ ﴿٦﴾
Ukol sa mga tumangging sumampalataya sa Panginoon nila ang pagdurusa sa Impiyerno. Kay saklap ang kahahantungan!
إِذَاۤ أُلۡقُواْ فِیهَا سَمِعُواْ لَهَا شَهِیقࣰا وَهِیَ تَفُورُ ﴿٧﴾
Kapag itinapon sila roon ay makaririnig sila ng isang singhal habang iyon ay kumukulo.
تَكَادُ تَمَیَّزُ مِنَ ٱلۡغَیۡظِۖ كُلَّمَاۤ أُلۡقِیَ فِیهَا فَوۡجࣱ سَأَلَهُمۡ خَزَنَتُهَاۤ أَلَمۡ یَأۡتِكُمۡ نَذِیرࣱ ﴿٨﴾
Halos nagkakapira-piraso iyon sa ngitngit. Tuwing nakapagtapon doon ng isang pulutong ay magtatanong sa kanila ang mga tagatanod niyon: “Wala bang pumunta sa inyo na isang mapagbabala [na isang sugo mula kay Allāh]?”
قَالُواْ بَلَىٰ قَدۡ جَاۤءَنَا نَذِیرࣱ فَكَذَّبۡنَا وَقُلۡنَا مَا نَزَّلَ ٱللَّهُ مِن شَیۡءٍ إِنۡ أَنتُمۡ إِلَّا فِی ضَلَـٰلࣲ كَبِیرࣲ ﴿٩﴾
Magsasabi sila: “Oo, may pumunta nga sa amin na isang mapagbabala ngunit nagpasinungaling kami at nagsabi kami: Hindi nagbaba si Allāh ng anuman [mula sa Kapahayagan]; walang iba kayo kundi nasa isang pagkaligaw na malaki.”
وَقَالُواْ لَوۡ كُنَّا نَسۡمَعُ أَوۡ نَعۡقِلُ مَا كُنَّا فِیۤ أَصۡحَـٰبِ ٱلسَّعِیرِ ﴿١٠﴾
Magsasabi sila: “Kung sakaling kami dati ay dumidinig[656] o nakapag-uunawa, hindi sana kami naging mga maninirahan sa Liyab!”
فَٱعۡتَرَفُواْ بِذَنۢبِهِمۡ فَسُحۡقࣰا لِّأَصۡحَـٰبِ ٱلسَّعِیرِ ﴿١١﴾
Kaya aamin sila ng pagkakasala nila, kaya pagkalayu-layo [sa kabutihan] ay ukol sa mga maninirahan sa Liyab!
إِنَّ ٱلَّذِینَ یَخۡشَوۡنَ رَبَّهُم بِٱلۡغَیۡبِ لَهُم مَّغۡفِرَةࣱ وَأَجۡرࣱ كَبِیرࣱ ﴿١٢﴾
Tunay na ang mga natatakot sa Panginoon nila nang nakalingid, ukol sa kanila ay isang kapatawaran at isang pabuyang malaki.
وَأَسِرُّواْ قَوۡلَكُمۡ أَوِ ٱجۡهَرُواْ بِهِۦۤۖ إِنَّهُۥ عَلِیمُۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ ﴿١٣﴾
Maglihim kayo ng sinabi ninyo o maghayag kayo nito, tunay na Siya ay Maalam sa nilalaman ng mga dibdib.
أَلَا یَعۡلَمُ مَنۡ خَلَقَ وَهُوَ ٱللَّطِیفُ ٱلۡخَبِیرُ ﴿١٤﴾
Hindi ba nakaaalam ang lumikha [ng lahat] samantalang Siya ay ang Mapagtalos,[657] ang Mapagbatid?
هُوَ ٱلَّذِی جَعَلَ لَكُمُ ٱلۡأَرۡضَ ذَلُولࣰا فَٱمۡشُواْ فِی مَنَاكِبِهَا وَكُلُواْ مِن رِّزۡقِهِۦۖ وَإِلَیۡهِ ٱلنُّشُورُ ﴿١٥﴾
Siya ay ang gumawa para sa inyo ng lupa na [maging] maamo, kaya maglakad kayo sa mga dako nito at kumain kayo mula sa panustos Niya. Tungo sa Kanya ang pagkabuhay.
ءَأَمِنتُم مَّن فِی ٱلسَّمَاۤءِ أَن یَخۡسِفَ بِكُمُ ٱلۡأَرۡضَ فَإِذَا هِیَ تَمُورُ ﴿١٦﴾
Natiwasay ba kayo sa Kanya na nasa langit na magpalamon Siya sa inyo sa lupa saka biglang ito ay nayayanig?
أَمۡ أَمِنتُم مَّن فِی ٱلسَّمَاۤءِ أَن یُرۡسِلَ عَلَیۡكُمۡ حَاصِبࣰاۖ فَسَتَعۡلَمُونَ كَیۡفَ نَذِیرِ ﴿١٧﴾
O natiwasay kayo sa Kanya na nasa langit na magsugo Siya sa inyo ng isang unos ng mga bato, kaya makaaalam kayo kung papaano [katindi] ang babala Ko?
وَلَقَدۡ كَذَّبَ ٱلَّذِینَ مِن قَبۡلِهِمۡ فَكَیۡفَ كَانَ نَكِیرِ ﴿١٨﴾
Talaga ngang nagpasinungaling ang mga bago pa nila, kaya papaano naging [kakila-kilabot] ang pagtutol Ko?
أَوَلَمۡ یَرَوۡاْ إِلَى ٱلطَّیۡرِ فَوۡقَهُمۡ صَـٰۤفَّـٰتࣲ وَیَقۡبِضۡنَۚ مَا یُمۡسِكُهُنَّ إِلَّا ٱلرَّحۡمَـٰنُۚ إِنَّهُۥ بِكُلِّ شَیۡءِۭ بَصِیرٌ ﴿١٩﴾
Hindi ba sila nakakita sa mga ibon sa ibabaw nila habang mga nakabuka [ang mga pakpak] at nagtitiklop [ng mga pakpak]? Walang pumipigil sa mga iyon kundi [si Allāh,] ang Napakamaawain. Tunay na Siya sa bawat bagay ay Nakakikita.
أَمَّنۡ هَـٰذَا ٱلَّذِی هُوَ جُندࣱ لَّكُمۡ یَنصُرُكُم مِّن دُونِ ٱلرَّحۡمَـٰنِۚ إِنِ ٱلۡكَـٰفِرُونَ إِلَّا فِی غُرُورٍ ﴿٢٠﴾
O sino itong isang hukbo para sa inyo na mag-aadya sa inyo bukod pa sa Napakamaawain [na si Allāh]? Walang iba ang mga tagatangging sumampalataya kundi nasa isang pagkalinlang.
أَمَّنۡ هَـٰذَا ٱلَّذِی یَرۡزُقُكُمۡ إِنۡ أَمۡسَكَ رِزۡقَهُۥۚ بَل لَّجُّواْ فِی عُتُوࣲّ وَنُفُورٍ ﴿٢١﴾
O sino itong magtutustos sa inyo kung pumigil Siya sa panustos Niya? Bagkus nagmatigas sila [na mga tagatangging sumampalataya] sa isang pagpapakasutil [nila] at isang pagkaayaw [sa katotohanan].
أَفَمَن یَمۡشِی مُكِبًّا عَلَىٰ وَجۡهِهِۦۤ أَهۡدَىٰۤ أَمَّن یَمۡشِی سَوِیًّا عَلَىٰ صِرَ ٰطࣲ مُّسۡتَقِیمࣲ ﴿٢٢﴾
Kaya ang naglalakad ba habang nakasubsob sa mukha niya ay higit na napatnubayan o ang naglalakad habang nakatindig sa isang landasing tuwid?
قُلۡ هُوَ ٱلَّذِیۤ أَنشَأَكُمۡ وَجَعَلَ لَكُمُ ٱلسَّمۡعَ وَٱلۡأَبۡصَـٰرَ وَٱلۡأَفۡـِٔدَةَۚ قَلِیلࣰا مَّا تَشۡكُرُونَ ﴿٢٣﴾
Sabihin mo: “Siya ay ang nagpaluwal sa inyo at gumawa para sa inyo ng pandinig, mga paningin, at mga puso. Kaunti ang pinasasalamatan ninyo!”
قُلۡ هُوَ ٱلَّذِی ذَرَأَكُمۡ فِی ٱلۡأَرۡضِ وَإِلَیۡهِ تُحۡشَرُونَ ﴿٢٤﴾
Sabihin mo: “Siya ay ang lumalang sa inyo[658] sa lupa at tungo sa Kanya kakalapin kayo [para sa pagtutuos].”
وَیَقُولُونَ مَتَىٰ هَـٰذَا ٱلۡوَعۡدُ إِن كُنتُمۡ صَـٰدِقِینَ ﴿٢٥﴾
Magsasabi sila: “Kailan ang pangakong ito [ng pagkabuhay] kung kayo ay mga tapat?”
قُلۡ إِنَّمَا ٱلۡعِلۡمُ عِندَ ٱللَّهِ وَإِنَّمَاۤ أَنَا۠ نَذِیرࣱ مُّبِینࣱ ﴿٢٦﴾
Sabihin mo: “Ang kaalaman ay nasa ganang kay Allāh lamang at ako ay isang mapagbabalang malinaw lamang.”
فَلَمَّا رَأَوۡهُ زُلۡفَةࣰ سِیۤـَٔتۡ وُجُوهُ ٱلَّذِینَ كَفَرُواْ وَقِیلَ هَـٰذَا ٱلَّذِی كُنتُم بِهِۦ تَدَّعُونَ ﴿٢٧﴾
Ngunit kapag nakakita sila nito sa kalapitan ay sasagwa ang mga mukha ng mga tumangging sumampalataya at sasabihin: “Ito ang dati ninyong pinananawagan.”
قُلۡ أَرَءَیۡتُمۡ إِنۡ أَهۡلَكَنِیَ ٱللَّهُ وَمَن مَّعِیَ أَوۡ رَحِمَنَا فَمَن یُجِیرُ ٱلۡكَـٰفِرِینَ مِنۡ عَذَابٍ أَلِیمࣲ ﴿٢٨﴾
Sabihin mo: “Nagsaalang-alang ba kayo kung nagpahamak sa akin si Allāh at sa sinumang kasama sa akin o naawa Siya sa amin, sino ang kakalinga sa mga tagatangging sumampalataya laban sa isang pagdurusang masakit?”
قُلۡ هُوَ ٱلرَّحۡمَـٰنُ ءَامَنَّا بِهِۦ وَعَلَیۡهِ تَوَكَّلۡنَاۖ فَسَتَعۡلَمُونَ مَنۡ هُوَ فِی ضَلَـٰلࣲ مُّبِینࣲ ﴿٢٩﴾
Sabihin mo: “Siya ay ang Napakamaawain; sumampalataya kami sa Kanya at sa Kanya kami nanalig. Kaya makaaalam kayo kung sino ang nasa isang pagkaligaw na malinaw.”