قُلۡ أُوحِیَ إِلَیَّ أَنَّهُ ٱسۡتَمَعَ نَفَرࣱ مِّنَ ٱلۡجِنِّ فَقَالُوۤاْ إِنَّا سَمِعۡنَا قُرۡءَانًا عَجَبࣰا ﴿١﴾
Sabihin mo [O Propeta Muḥammad]: “Ikinasi sa akin na may nakinig [sa Qur’am] na isang pangkat ng jinn at nagsabi sila: ‘Tunay na kami ay nakarinig ng isang pagbigkas na kahanga-hanga.
یَهۡدِیۤ إِلَى ٱلرُّشۡدِ فَـَٔامَنَّا بِهِۦۖ وَلَن نُّشۡرِكَ بِرَبِّنَاۤ أَحَدࣰا ﴿٢﴾
Nagpapatnubay ito sa pagkagabay kaya sumampalataya kami rito at hindi kami magtatambal sa Panginoon namin ng isa man.
وَأَنَّهُۥ تَعَـٰلَىٰ جَدُّ رَبِّنَا مَا ٱتَّخَذَ صَـٰحِبَةࣰ وَلَا وَلَدࣰا ﴿٣﴾
Na Siya – napakataas ang kabunyian ng Panginoon namin – ay hindi gumawa ng isang asawa ni isang anak.
وَأَنَّهُۥ كَانَ یَقُولُ سَفِیهُنَا عَلَى ٱللَّهِ شَطَطࣰا ﴿٤﴾
Na noon ay nagsasabi ang hunghang namin laban kay Allāh ng isang pagkalayu-layo [sa katotohanan].[680]
وَأَنَّا ظَنَنَّاۤ أَن لَّن تَقُولَ ٱلۡإِنسُ وَٱلۡجِنُّ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبࣰا ﴿٥﴾
Na kami ay nagpalagay na hindi magsasabi ang tao at ang jinn laban kay Allāh ng isang kasinungalingan.
وَأَنَّهُۥ كَانَ رِجَالࣱ مِّنَ ٱلۡإِنسِ یَعُوذُونَ بِرِجَالࣲ مِّنَ ٱلۡجِنِّ فَزَادُوهُمۡ رَهَقࣰا ﴿٦﴾
Na noon ay may mga [hamak na] lalaki ng tao na nagpapakupkop sa mga lalaki ng jinn [na demonyo], kaya dumagdag ang mga ito sa kanila ng isang kabigatan.[681]
وَأَنَّهُمۡ ظَنُّواْ كَمَا ظَنَنتُمۡ أَن لَّن یَبۡعَثَ ٱللَّهُ أَحَدࣰا ﴿٧﴾
Na sila ay nagpalagay gaya ng ipinagpalagay ninyo na hindi magbubuhay si Allāh ng isa man.
وَأَنَّا لَمَسۡنَا ٱلسَّمَاۤءَ فَوَجَدۡنَـٰهَا مُلِئَتۡ حَرَسࣰا شَدِیدࣰا وَشُهُبࣰا ﴿٨﴾
Na kami ay nagtangkang umabot sa langit ngunit natagpuan namin na iyon ay pinuno ng mga tanod na matindi at mga bulalakaw.
وَأَنَّا كُنَّا نَقۡعُدُ مِنۡهَا مَقَـٰعِدَ لِلسَّمۡعِۖ فَمَن یَسۡتَمِعِ ٱلۡـَٔانَ یَجِدۡ لَهُۥ شِهَابࣰا رَّصَدࣰا ﴿٩﴾
Na kami dati ay umuupo mula roon sa mga mauupuan para sa pakikinig ngunit ang sinumang makikinig ngayon ay makakatagpo para sa kanya ng isang bulalakaw na nakatambang.
وَأَنَّا لَا نَدۡرِیۤ أَشَرٌّ أُرِیدَ بِمَن فِی ٱلۡأَرۡضِ أَمۡ أَرَادَ بِهِمۡ رَبُّهُمۡ رَشَدࣰا ﴿١٠﴾
Na kami ay hindi nakababatid kung may isang kasamaan ba na ninais sa mga nasa lupa o nagnais sa kanila ang Panginoon nila ng isang pagkagabay.
وَأَنَّا مِنَّا ٱلصَّـٰلِحُونَ وَمِنَّا دُونَ ذَ ٰلِكَۖ كُنَّا طَرَاۤىِٕقَ قِدَدࣰا ﴿١١﴾
Na kami, kabilang sa amin [na mga jinn] ang mga maayos at kabilang sa amin ang mababa pa roon; kami dati ay mga pangkating magkakaiba.
وَأَنَّا ظَنَنَّاۤ أَن لَّن نُّعۡجِزَ ٱللَّهَ فِی ٱلۡأَرۡضِ وَلَن نُّعۡجِزَهُۥ هَرَبࣰا ﴿١٢﴾
Na kami ay nakatiyak na hindi kami makapagpapawalang-kakayahan kay Allāh sa lupa at hindi kami makapagpapawalang-kakayahan sa Kanya sa isang pagtakas.
وَأَنَّا لَمَّا سَمِعۡنَا ٱلۡهُدَىٰۤ ءَامَنَّا بِهِۦۖ فَمَن یُؤۡمِنۢ بِرَبِّهِۦ فَلَا یَخَافُ بَخۡسࣰا وَلَا رَهَقࣰا ﴿١٣﴾
Na kami, noong nakarinig kami sa patnubay [ng Qur’ān], ay sumampalataya rito; saka ang sinumang sumasampalataya sa Panginoon niya ay hindi mangangamba sa isang pagpapakulang ni isang kabigatan.
وَأَنَّا مِنَّا ٱلۡمُسۡلِمُونَ وَمِنَّا ٱلۡقَـٰسِطُونَۖ فَمَنۡ أَسۡلَمَ فَأُوْلَـٰۤىِٕكَ تَحَرَّوۡاْ رَشَدࣰا ﴿١٤﴾
Na kami, kabilang sa amin ang mga Muslim [na nagpasakop kay Allāh] at kabilang sa amin ang mga tagalihis; saka ang sinumang nagpasakop, ang mga iyon ay sumadya sa isang paggabay.
وَأَمَّا ٱلۡقَـٰسِطُونَ فَكَانُواْ لِجَهَنَّمَ حَطَبࣰا ﴿١٥﴾
Hinggil naman sa mga tagalihis, sila para sa Impiyerno ay magiging mga panggatong.’
وَأَلَّوِ ٱسۡتَقَـٰمُواْ عَلَى ٱلطَّرِیقَةِ لَأَسۡقَیۡنَـٰهُم مَّاۤءً غَدَقࣰا ﴿١٦﴾
Na kung sakaling nagpakatuwid[682] sila sa daan [ng Islām] ay talaga sanang nagpatubig Kami sa kanila ng isang tubig na masagana [na panustos]
لِّنَفۡتِنَهُمۡ فِیهِۚ وَمَن یُعۡرِضۡ عَن ذِكۡرِ رَبِّهِۦ یَسۡلُكۡهُ عَذَابࣰا صَعَدࣰا ﴿١٧﴾
upang sumubok Kami sa kanila dito. Ang sinumang aayaw sa paalaala ng Panginoon nito ay magsisingit Siya rito sa isang pagdurusang paakyat.
وَأَنَّ ٱلۡمَسَـٰجِدَ لِلَّهِ فَلَا تَدۡعُواْ مَعَ ٱللَّهِ أَحَدࣰا ﴿١٨﴾
Na ang mga masjid ay ukol kay Allāh, kaya huwag kayong manalangin kasama kay Allāh sa isa man.
وَأَنَّهُۥ لَمَّا قَامَ عَبۡدُ ٱللَّهِ یَدۡعُوهُ كَادُواْ یَكُونُونَ عَلَیۡهِ لِبَدࣰا ﴿١٩﴾
Na noong tumindig ang lingkod ni Allāh[683] na dumadalangin sa Kanya, halos sila [na mga jinn] sa [pagligid sa] kanya ay nagiging patung-patong.”
قُلۡ إِنَّمَاۤ أَدۡعُواْ رَبِّی وَلَاۤ أُشۡرِكُ بِهِۦۤ أَحَدࣰا ﴿٢٠﴾
Sabihin mo: “Dumadalangin ako sa Panginoon ko lamang at hindi ako nagtatambal sa Kanya ng isa man.”
قُلۡ إِنِّی لَاۤ أَمۡلِكُ لَكُمۡ ضَرࣰّا وَلَا رَشَدࣰا ﴿٢١﴾
Sabihin mo: “Tunay na ako ay hindi nakapagdudulot sa inyo ng isang pinsala ni isang paggabay.”
قُلۡ إِنِّی لَن یُجِیرَنِی مِنَ ٱللَّهِ أَحَدࣱ وَلَنۡ أَجِدَ مِن دُونِهِۦ مُلۡتَحَدًا ﴿٢٢﴾
Sabihin mo: “Tunay na ako ay hindi kakalingain laban kay Allāh ng isa man [kung susuway ako sa Kanya] at hindi makatatagpo bukod pa sa Kanya ng isang madadaupan,
إِلَّا بَلَـٰغࣰا مِّنَ ٱللَّهِ وَرِسَـٰلَـٰتِهِۦۚ وَمَن یَعۡصِ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ فَإِنَّ لَهُۥ نَارَ جَهَنَّمَ خَـٰلِدِینَ فِیهَاۤ أَبَدًا ﴿٢٣﴾
ngunit [makapagdudulot ako] ng isang pagpapaabot [ng katotohanan] mula kay Allāh at mga pasugo Niya.” Ang mga sumusuway kay Allāh at sa Sugo Niya [na si Muḥammad] ay tunay na ukol sa kanila ang Apoy ng Impiyerno bilang mga mananatili roon magpakailanman;
حَتَّىٰۤ إِذَا رَأَوۡاْ مَا یُوعَدُونَ فَسَیَعۡلَمُونَ مَنۡ أَضۡعَفُ نَاصِرࣰا وَأَقَلُّ عَدَدࣰا ﴿٢٤﴾
hanggang sa nang nakita nila [na mga tagatangging sumampalataya] ang ipinangako sa kanila ay makaaalam sila kung sino ang higit na mahina sa tagapag-adya at higit na kaunti sa bilang.
قُلۡ إِنۡ أَدۡرِیۤ أَقَرِیبࣱ مَّا تُوعَدُونَ أَمۡ یَجۡعَلُ لَهُۥ رَبِّیۤ أَمَدًا ﴿٢٥﴾
Sabihin mo: “Hindi ako nakababatid kung malapit ba ang ipinangako sa inyo o maglalagay para rito ang Panginoon ko ng isang [mahabang] yugto.”
عَـٰلِمُ ٱلۡغَیۡبِ فَلَا یُظۡهِرُ عَلَىٰ غَیۡبِهِۦۤ أَحَدًا ﴿٢٦﴾
[Si Allāh] ang Tagaalam sa nakalingid, saka hindi Siya naghahayag sa [kaalaman Niya sa] inilingid Niya sa isa man,
إِلَّا مَنِ ٱرۡتَضَىٰ مِن رَّسُولࣲ فَإِنَّهُۥ یَسۡلُكُ مِنۢ بَیۡنِ یَدَیۡهِ وَمِنۡ خَلۡفِهِۦ رَصَدࣰا ﴿٢٧﴾
maliban sa sinumang kinalugdan Niya na isang sugo sapagkat tunay na Siya ay nagpapatahak mula sa harapan nito at mula sa likuran nito ng [mga anghel na nakatambang