Filipino (Tagalog)
Surah Al-Qiyāmah - Aya count 40
لَاۤ أُقۡسِمُ بِیَوۡمِ ٱلۡقِیَـٰمَةِ ﴿١﴾
Talagang sumusumpa Ako sa Araw ng Pagbangon.
وَلَاۤ أُقۡسِمُ بِٱلنَّفۡسِ ٱللَّوَّامَةِ ﴿٢﴾
Talagang sumusumpa Ako sa palasising kaluluwa.
أَیَحۡسَبُ ٱلۡإِنسَـٰنُ أَلَّن نَّجۡمَعَ عِظَامَهُۥ ﴿٣﴾
Nag-aakala ba ang tao na hindi Kami magtitipon ng mga buto niya?
بَلَىٰ قَـٰدِرِینَ عَلَىٰۤ أَن نُّسَوِّیَ بَنَانَهُۥ ﴿٤﴾
Oo; nakakakaya na bumuo Kami ng mga dulo ng daliri niya.
بَلۡ یُرِیدُ ٱلۡإِنسَـٰنُ لِیَفۡجُرَ أَمَامَهُۥ ﴿٥﴾
Bagkus nagnanais ang tao para magsamasamang-loob sa hinaharap niya.
یَسۡـَٔلُ أَیَّانَ یَوۡمُ ٱلۡقِیَـٰمَةِ ﴿٦﴾
Nagtatanong siya: “Kailan ang Araw ng Pagbangon?”
فَإِذَا بَرِقَ ٱلۡبَصَرُ ﴿٧﴾
Kaya kapag nagitla ang paningin
وَجُمِعَ ٱلشَّمۡسُ وَٱلۡقَمَرُ ﴿٩﴾
at ipinagsama ang araw at ang buwan;
یَقُولُ ٱلۡإِنسَـٰنُ یَوۡمَىِٕذٍ أَیۡنَ ٱلۡمَفَرُّ ﴿١٠﴾
magsasabi ang tao sa Araw na iyon: “Saan ang matatakasan?”
كَلَّا لَا وَزَرَ ﴿١١﴾
Aba’y hindi! Wala nang kublihan.
إِلَىٰ رَبِّكَ یَوۡمَىِٕذٍ ٱلۡمُسۡتَقَرُّ ﴿١٢﴾
Tungo sa Panginoon mo, sa Araw na iyon, ang pinagtitigilan.
یُنَبَّؤُاْ ٱلۡإِنسَـٰنُ یَوۡمَىِٕذِۭ بِمَا قَدَّمَ وَأَخَّرَ ﴿١٣﴾
Babalitaan ang tao sa Araw na iyon hinggil sa ipinauna niya at ipinahuli niya.[696]
بَلِ ٱلۡإِنسَـٰنُ عَلَىٰ نَفۡسِهِۦ بَصِیرَةࣱ ﴿١٤﴾
Bagkus ang tao laban sa sarili niya ay isang patunay.[697]
وَلَوۡ أَلۡقَىٰ مَعَاذِیرَهُۥ ﴿١٥﴾
Kahit pa man naglahad siya ng mga dahi-dahilan niya.
لَا تُحَرِّكۡ بِهِۦ لِسَانَكَ لِتَعۡجَلَ بِهِۦۤ ﴿١٦﴾
Huwag kang magpagalaw ng dila mo, [O Propeta Muḥammad,] kasabay nito upang magmadali ka nito.
إِنَّ عَلَیۡنَا جَمۡعَهُۥ وَقُرۡءَانَهُۥ ﴿١٧﴾
Tunay na nasa Amin ang pagtitipon nito [sa puso mo] at ang pagpapabigkas nito.
فَإِذَا قَرَأۡنَـٰهُ فَٱتَّبِعۡ قُرۡءَانَهُۥ ﴿١٨﴾
Kaya kapag bumigkas Kami nito ay sumunod ka [O Propeta Muḥammad] sa pagpapabigkas nito.
ثُمَّ إِنَّ عَلَیۡنَا بَیَانَهُۥ ﴿١٩﴾
Pagkatapos tunay na nasa Amin ang paglilinaw nito [sa iyo].
كَلَّا بَلۡ تُحِبُّونَ ٱلۡعَاجِلَةَ ﴿٢٠﴾
Aba’y hindi! Bagkus iniibig ninyo ang Panandaliang-buhay
وَتَذَرُونَ ٱلۡـَٔاخِرَةَ ﴿٢١﴾
at hinahayaan ninyo ang Kabilang-buhay.
وُجُوهࣱ یَوۡمَىِٕذࣲ نَّاضِرَةٌ ﴿٢٢﴾
May mga mukha, sa Araw na iyon, na nagniningning,
إِلَىٰ رَبِّهَا نَاظِرَةࣱ ﴿٢٣﴾
sa Panginoon nila ay nakatingin.
وَوُجُوهࣱ یَوۡمَىِٕذِۭ بَاسِرَةࣱ ﴿٢٤﴾
May mga mukha, sa Araw na iyon, na nakangiwi.
تَظُنُّ أَن یُفۡعَلَ بِهَا فَاقِرَةࣱ ﴿٢٥﴾
Nakatitiyak sila na gagawa sa kanila ng isang makababali ng likod.
كَلَّاۤ إِذَا بَلَغَتِ ٱلتَّرَاقِیَ ﴿٢٦﴾
Aba’y hindi! Kapag umabot [ang kaluluwang] ito sa balagat,
وَقِیلَ مَنۡۜ رَاقࣲ ﴿٢٧﴾
at sasabihin: “Sino ang lulunas?”
وَظَنَّ أَنَّهُ ٱلۡفِرَاقُ ﴿٢٨﴾
Nakatiyak siya na ito ay ang pakikipaghiwalay.
وَٱلۡتَفَّتِ ٱلسَّاقُ بِٱلسَّاقِ ﴿٢٩﴾
Pupulupot ang binti sa binti.[698]
إِلَىٰ رَبِّكَ یَوۡمَىِٕذٍ ٱلۡمَسَاقُ ﴿٣٠﴾
Tungo sa Panginoon mo, sa Araw na iyon, ang pag-aakayan.
فَلَا صَدَّقَ وَلَا صَلَّىٰ ﴿٣١﴾
Ngunit hindi siya nagpatotoo[699] at hindi siya nagdasal,
وَلَـٰكِن كَذَّبَ وَتَوَلَّىٰ ﴿٣٢﴾
subalit nagpasinungaling [sa mensahe] siya at tumalikod siya [rito].
ثُمَّ ذَهَبَ إِلَىٰۤ أَهۡلِهِۦ یَتَمَطَّىٰۤ ﴿٣٣﴾
Pagkatapos pumunta siya sa mag-anak niya, na nagmamayabang sa paglakad.
أَوۡلَىٰ لَكَ فَأَوۡلَىٰ ﴿٣٤﴾
Higit na malapit [na pagdurusa] ay ukol sa iyo saka higit na malapit [na pagdurusa]!
ثُمَّ أَوۡلَىٰ لَكَ فَأَوۡلَىٰۤ ﴿٣٥﴾
Pagkatapos higit na malapit [na kasawian] ay ukol sa iyo saka higit na malapit [na kasawian]!
أَیَحۡسَبُ ٱلۡإِنسَـٰنُ أَن یُتۡرَكَ سُدًى ﴿٣٦﴾
Nag-aakala ba ang tao na iiwan siya nang napababayaan?[700]
أَلَمۡ یَكُ نُطۡفَةࣰ مِّن مَّنِیࣲّ یُمۡنَىٰ ﴿٣٧﴾
Hindi ba siya dati ay isang patak mula sa punlay na ibinuhos?
ثُمَّ كَانَ عَلَقَةࣰ فَخَلَقَ فَسَوَّىٰ ﴿٣٨﴾
Pagkatapos siya ay naging isang malalinta, saka lumikha [si Allāh] saka bumuo [sa kanya].
فَجَعَلَ مِنۡهُ ٱلزَّوۡجَیۡنِ ٱلذَّكَرَ وَٱلۡأُنثَىٰۤ ﴿٣٩﴾
Saka gumawa Siya mula sa kanya ng magkapares: ang lalaki at ang babae.
أَلَیۡسَ ذَ ٰلِكَ بِقَـٰدِرٍ عَلَىٰۤ أَن یُحۡـِۧیَ ٱلۡمَوۡتَىٰ ﴿٤٠﴾
Hindi ba Iyon ay Nakakakaya na magbigay-buhay sa mga patay?