Surah Al-Qiyāmah

Filipino (Tagalog) Translation40 Aya count
This page contains the Arabic text, audio recitation, and Filipino (Tagalog) translation of Surah Al-Qiyāmah.
لَاۤ أُقۡسِمُ بِیَوۡمِ ٱلۡقِیَـٰمَةِ ﴿١﴾
Talagang sumusumpa Ako sa Araw ng Pagbangon.(1)
Tafseer:
وَلَاۤ أُقۡسِمُ بِٱلنَّفۡسِ ٱللَّوَّامَةِ ﴿٢﴾
Talagang sumusumpa Ako sa palasising kaluluwa.(2)
Tafseer:
أَیَحۡسَبُ ٱلۡإِنسَـٰنُ أَلَّن نَّجۡمَعَ عِظَامَهُۥ ﴿٣﴾
Nag-aakala ba ang tao na hindi Kami magtitipon ng mga buto niya?(3)
Tafseer:
بَلَىٰ قَـٰدِرِینَ عَلَىٰۤ أَن نُّسَوِّیَ بَنَانَهُۥ ﴿٤﴾
Oo; nakakakaya na bumuo Kami ng mga dulo ng daliri niya.(4)
Tafseer:
بَلۡ یُرِیدُ ٱلۡإِنسَـٰنُ لِیَفۡجُرَ أَمَامَهُۥ ﴿٥﴾
Bagkus nagnanais ang tao para magsamasamang-loob sa hinaharap niya.(5)
Tafseer:
یَسۡـَٔلُ أَیَّانَ یَوۡمُ ٱلۡقِیَـٰمَةِ ﴿٦﴾
Nagtatanong siya: “Kailan ang Araw ng Pagbangon?”(6)
Tafseer:
فَإِذَا بَرِقَ ٱلۡبَصَرُ ﴿٧﴾
Kaya kapag nagitla ang paningin(7)
Tafseer:
وَخَسَفَ ٱلۡقَمَرُ ﴿٨﴾
at nagdilim ang buwan,(8)
Tafseer:
وَجُمِعَ ٱلشَّمۡسُ وَٱلۡقَمَرُ ﴿٩﴾
at ipinagsama ang araw at ang buwan;(9)
Tafseer:
یَقُولُ ٱلۡإِنسَـٰنُ یَوۡمَىِٕذٍ أَیۡنَ ٱلۡمَفَرُّ ﴿١٠﴾
magsasabi ang tao sa Araw na iyon: “Saan ang matatakasan?”(10)
Tafseer:
كَلَّا لَا وَزَرَ ﴿١١﴾
Aba’y hindi! Wala nang kublihan.(11)
Tafseer:
إِلَىٰ رَبِّكَ یَوۡمَىِٕذٍ ٱلۡمُسۡتَقَرُّ ﴿١٢﴾
Tungo sa Panginoon mo, sa Araw na iyon, ang pinagtitigilan.(12)
Tafseer:
یُنَبَّؤُاْ ٱلۡإِنسَـٰنُ یَوۡمَىِٕذِۭ بِمَا قَدَّمَ وَأَخَّرَ ﴿١٣﴾
Babalitaan ang tao sa Araw na iyon hinggil sa ipinauna niya at ipinahuli niya.[696]
[696] na gawang mabuti at gawang masama.
(13)
Tafseer:
بَلِ ٱلۡإِنسَـٰنُ عَلَىٰ نَفۡسِهِۦ بَصِیرَةࣱ ﴿١٤﴾
Bagkus ang tao laban sa sarili niya ay isang patunay.[697]
[697] O saksi.
(14)
Tafseer:
وَلَوۡ أَلۡقَىٰ مَعَاذِیرَهُۥ ﴿١٥﴾
Kahit pa man naglahad siya ng mga dahi-dahilan niya.(15)
Tafseer:
لَا تُحَرِّكۡ بِهِۦ لِسَانَكَ لِتَعۡجَلَ بِهِۦۤ ﴿١٦﴾
Huwag kang magpagalaw ng dila mo, [O Propeta Muḥammad,] kasabay nito upang magmadali ka nito.(16)
Tafseer:
إِنَّ عَلَیۡنَا جَمۡعَهُۥ وَقُرۡءَانَهُۥ ﴿١٧﴾
Tunay na nasa Amin ang pagtitipon nito [sa puso mo] at ang pagpapabigkas nito.(17)
Tafseer:
فَإِذَا قَرَأۡنَـٰهُ فَٱتَّبِعۡ قُرۡءَانَهُۥ ﴿١٨﴾
Kaya kapag bumigkas Kami nito ay sumunod ka [O Propeta Muḥammad] sa pagpapabigkas nito.(18)
Tafseer:
ثُمَّ إِنَّ عَلَیۡنَا بَیَانَهُۥ ﴿١٩﴾
Pagkatapos tunay na nasa Amin ang paglilinaw nito [sa iyo].(19)
Tafseer:
كَلَّا بَلۡ تُحِبُّونَ ٱلۡعَاجِلَةَ ﴿٢٠﴾
Aba’y hindi! Bagkus iniibig ninyo ang Panandaliang-buhay(20)
Tafseer:
وَتَذَرُونَ ٱلۡـَٔاخِرَةَ ﴿٢١﴾
at hinahayaan ninyo ang Kabilang-buhay.(21)
Tafseer:
وُجُوهࣱ یَوۡمَىِٕذࣲ نَّاضِرَةٌ ﴿٢٢﴾
May mga mukha, sa Araw na iyon, na nagniningning,(22)
Tafseer:
إِلَىٰ رَبِّهَا نَاظِرَةࣱ ﴿٢٣﴾
sa Panginoon nila ay nakatingin.(23)
Tafseer:
وَوُجُوهࣱ یَوۡمَىِٕذِۭ بَاسِرَةࣱ ﴿٢٤﴾
May mga mukha, sa Araw na iyon, na nakangiwi.(24)
Tafseer:
تَظُنُّ أَن یُفۡعَلَ بِهَا فَاقِرَةࣱ ﴿٢٥﴾
Nakatitiyak sila na gagawa sa kanila ng isang makababali ng likod.(25)
Tafseer:
كَلَّاۤ إِذَا بَلَغَتِ ٱلتَّرَاقِیَ ﴿٢٦﴾
Aba’y hindi! Kapag umabot [ang kaluluwang] ito sa balagat,(26)
Tafseer:
وَقِیلَ مَنۡۜ رَاقࣲ ﴿٢٧﴾
at sasabihin: “Sino ang lulunas?”(27)
Tafseer:
وَظَنَّ أَنَّهُ ٱلۡفِرَاقُ ﴿٢٨﴾
Nakatiyak siya na ito ay ang pakikipaghiwalay.(28)
Tafseer:
وَٱلۡتَفَّتِ ٱلسَّاقُ بِٱلسَّاقِ ﴿٢٩﴾
Pupulupot ang binti sa binti.[698]
[698] Ibig: sa pagkamatay o paghahanda para ilibing.
(29)
Tafseer:
إِلَىٰ رَبِّكَ یَوۡمَىِٕذٍ ٱلۡمَسَاقُ ﴿٣٠﴾
Tungo sa Panginoon mo, sa Araw na iyon, ang pag-aakayan.(30)
Tafseer:
فَلَا صَدَّقَ وَلَا صَلَّىٰ ﴿٣١﴾
Ngunit hindi siya nagpatotoo[699] at hindi siya nagdasal,
[699] sa inihadtid ng Propeta
(31)
Tafseer:
وَلَـٰكِن كَذَّبَ وَتَوَلَّىٰ ﴿٣٢﴾
subalit nagpasinungaling [sa mensahe] siya at tumalikod siya [rito].(32)
Tafseer:
ثُمَّ ذَهَبَ إِلَىٰۤ أَهۡلِهِۦ یَتَمَطَّىٰۤ ﴿٣٣﴾
Pagkatapos pumunta siya sa mag-anak niya, na nagmamayabang sa paglakad.(33)
Tafseer:
أَوۡلَىٰ لَكَ فَأَوۡلَىٰ ﴿٣٤﴾
Higit na malapit [na pagdurusa] ay ukol sa iyo saka higit na malapit [na pagdurusa]!(34)
Tafseer:
ثُمَّ أَوۡلَىٰ لَكَ فَأَوۡلَىٰۤ ﴿٣٥﴾
Pagkatapos higit na malapit [na kasawian] ay ukol sa iyo saka higit na malapit [na kasawian]!(35)
Tafseer:
أَیَحۡسَبُ ٱلۡإِنسَـٰنُ أَن یُتۡرَكَ سُدًى ﴿٣٦﴾
Nag-aakala ba ang tao na iiwan siya nang napababayaan?[700]
[700] na hindi naaatangan ng batas
(36)
Tafseer:
أَلَمۡ یَكُ نُطۡفَةࣰ مِّن مَّنِیࣲّ یُمۡنَىٰ ﴿٣٧﴾
Hindi ba siya dati ay isang patak mula sa punlay na ibinuhos?(37)
Tafseer:
ثُمَّ كَانَ عَلَقَةࣰ فَخَلَقَ فَسَوَّىٰ ﴿٣٨﴾
Pagkatapos siya ay naging isang malalinta, saka lumikha [si Allāh] saka bumuo [sa kanya].(38)
Tafseer:
فَجَعَلَ مِنۡهُ ٱلزَّوۡجَیۡنِ ٱلذَّكَرَ وَٱلۡأُنثَىٰۤ ﴿٣٩﴾
Saka gumawa Siya mula sa kanya ng magkapares: ang lalaki at ang babae.(39)
Tafseer:
أَلَیۡسَ ذَ ٰ⁠لِكَ بِقَـٰدِرٍ عَلَىٰۤ أَن یُحۡـِۧیَ ٱلۡمَوۡتَىٰ ﴿٤٠﴾
Hindi ba Iyon ay Nakakakaya na magbigay-buhay sa mga patay?(40)
Tafseer: