[717] Ang bulag ay si `Abdullāh ibnu Umm Maktūm na sumasabad sa paghiling ng patnubay samantalang ang Propeta naman ay abala sa pag-aanyaya sa Islam ng mga malaking tao ng liping Quraysh.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَمَا یُدۡرِیكَ لَعَلَّهُۥ یَزَّكَّىٰۤ ﴿٣﴾
Ano ang magpapaalam sa iyo na marahil siya[718] ay magpapakabusilak [sa kasalanan]
[718] ang bulag
Arabic explanations of the Qur’an:
أَوۡ یَذَّكَّرُ فَتَنفَعَهُ ٱلذِّكۡرَىٰۤ ﴿٤﴾
o magsasaalaala para magpakinabang sa kanya ang paalaala?
Arabic explanations of the Qur’an:
أَمَّا مَنِ ٱسۡتَغۡنَىٰ ﴿٥﴾
Tungkol sa nag-akalang nakasasapat [para mangailangan ng pananampalataya],
Arabic explanations of the Qur’an:
فَأَنتَ لَهُۥ تَصَدَّىٰ ﴿٦﴾
ikaw ay sa kanya nag-aasikaso.
Arabic explanations of the Qur’an:
وَمَا عَلَیۡكَ أَلَّا یَزَّكَّىٰ ﴿٧﴾
Ano [ang maisisisi] sa iyo na hindi siya magpakabusilak [sa kasalanan]?
Arabic explanations of the Qur’an:
وَأَمَّا مَن جَاۤءَكَ یَسۡعَىٰ ﴿٨﴾
Hinggil naman sa dumating sa iyo na nagpupunyagi [sa paghahanap ng kabutihan]
Arabic explanations of the Qur’an:
وَهُوَ یَخۡشَىٰ ﴿٩﴾
habang siya ay natatakot [kay Allāh],
Arabic explanations of the Qur’an:
فَأَنتَ عَنۡهُ تَلَهَّىٰ ﴿١٠﴾
ikaw ay sa kanya nagwawalang-bahala.
Arabic explanations of the Qur’an:
كَلَّاۤ إِنَّهَا تَذۡكِرَةࣱ ﴿١١﴾
Aba’y hindi! Tunay na ang mga [talatang] ito ay isang pagpapaalaala;
Arabic explanations of the Qur’an:
فَمَن شَاۤءَ ذَكَرَهُۥ ﴿١٢﴾
kaya ang sinumang lumuob ay mag-aalaala siya nitong [ Qur’ān].
Arabic explanations of the Qur’an:
فِی صُحُفࣲ مُّكَرَّمَةࣲ ﴿١٣﴾
[Ito ay] nasa mga pahinang pinarangalan,
Arabic explanations of the Qur’an:
مَّرۡفُوعَةࣲ مُّطَهَّرَةِۭ ﴿١٤﴾
na inangat na dinalisay,
Arabic explanations of the Qur’an:
بِأَیۡدِی سَفَرَةࣲ ﴿١٥﴾
na nasa mga kamay ng mga [anghel na] tagatala,
Arabic explanations of the Qur’an:
كِرَامِۭ بَرَرَةࣲ ﴿١٦﴾
na mararangal na mabubuting-loob.
Arabic explanations of the Qur’an:
قُتِلَ ٱلۡإِنسَـٰنُ مَاۤ أَكۡفَرَهُۥ ﴿١٧﴾
Sumpain ang tao [na tagatangging sumampalataya]; anong palatangging sumampalataya nito!
Arabic explanations of the Qur’an:
مِنۡ أَیِّ شَیۡءٍ خَلَقَهُۥ ﴿١٨﴾
Mula sa aling bagay lumikha Siya nito?
Arabic explanations of the Qur’an:
مِن نُّطۡفَةٍ خَلَقَهُۥ فَقَدَّرَهُۥ ﴿١٩﴾
Mula sa isang patak lumikha Siya nito saka nagtakda Siya rito.
Arabic explanations of the Qur’an:
ثُمَّ ٱلسَّبِیلَ یَسَّرَهُۥ ﴿٢٠﴾
Pagkatapos sa landas[719] ay nagpadali Siya nito.
[719] ng paglabas mula sa sinapupunan
Arabic explanations of the Qur’an:
ثُمَّ أَمَاتَهُۥ فَأَقۡبَرَهُۥ ﴿٢١﴾
Pagkatapos nagbigay-kamatayan Siya rito saka nagpalibing Siya rito.
Arabic explanations of the Qur’an:
ثُمَّ إِذَا شَاۤءَ أَنشَرَهُۥ ﴿٢٢﴾
Pagkatapos kapag niloob Niya ay bubuhay Siya rito.
Arabic explanations of the Qur’an:
كَلَّا لَمَّا یَقۡضِ مَاۤ أَمَرَهُۥ ﴿٢٣﴾
Aba’y hindi! Hindi pa ito gumanap sa ipinag-utos Niya rito.
Arabic explanations of the Qur’an:
فَلۡیَنظُرِ ٱلۡإِنسَـٰنُ إِلَىٰ طَعَامِهِۦۤ ﴿٢٤﴾
Kaya tumingin ang tao sa pagkain nito –
Arabic explanations of the Qur’an:
أَنَّا صَبَبۡنَا ٱلۡمَاۤءَ صَبࣰّا ﴿٢٥﴾
na Kami ay nagbuhos ng tubig sa pagbubuhos,
Arabic explanations of the Qur’an:
ثُمَّ شَقَقۡنَا ٱلۡأَرۡضَ شَقࣰّا ﴿٢٦﴾
pagkatapos bumiyak Kami sa lupa nang biyak-biyak [para sa halaman],
Arabic explanations of the Qur’an:
فَأَنۢبَتۡنَا فِیهَا حَبࣰّا ﴿٢٧﴾
saka nagpatubo Kami rito ng mga butil,
Arabic explanations of the Qur’an:
وَعِنَبࣰا وَقَضۡبࣰا ﴿٢٨﴾
at ubas at kumpay,
Arabic explanations of the Qur’an:
وَزَیۡتُونࣰا وَنَخۡلࣰا ﴿٢٩﴾
at oliba at datiles,
Arabic explanations of the Qur’an:
وَحَدَاۤىِٕقَ غُلۡبࣰا ﴿٣٠﴾
at mga harding malago,
Arabic explanations of the Qur’an:
وَفَـٰكِهَةࣰ وَأَبࣰّا ﴿٣١﴾
at prutas at damo –
Arabic explanations of the Qur’an:
مَّتَـٰعࣰا لَّكُمۡ وَلِأَنۡعَـٰمِكُمۡ ﴿٣٢﴾
bilang tinatamasa para sa inyo at para sa mga hayupan ninyo.
Arabic explanations of the Qur’an:
فَإِذَا جَاۤءَتِ ٱلصَّاۤخَّةُ ﴿٣٣﴾
Ngunit kapag dumating ang Dagundong[720]
[720] Ibig sabihin: ang ikalawang pag-ihip sa tambuli.