Filipino (Tagalog)
Surah Al-Ghāshiyah - Aya count 26
هَلۡ أَتَىٰكَ حَدِیثُ ٱلۡغَـٰشِیَةِ ﴿١﴾
Nakarating ba sa iyo [O Sugo] ang sanaysay ng Tagalukob[731]?
وُجُوهࣱ یَوۡمَىِٕذٍ خَـٰشِعَةٌ ﴿٢﴾
May mga mukha sa Araw na iyon na nagtataimtim,
عَامِلَةࣱ نَّاصِبَةࣱ ﴿٣﴾
na gumagawa [sa Mundo], na magpapakapagal [sa Kabilang-buhay],
تَصۡلَىٰ نَارًا حَامِیَةࣰ ﴿٤﴾
na masusunog sa isang apoy na napakainit,
تُسۡقَىٰ مِنۡ عَیۡنٍ ءَانِیَةࣲ ﴿٥﴾
na paiinumin mula sa isang bukal na pagkainit-init.
لَّیۡسَ لَهُمۡ طَعَامٌ إِلَّا مِن ضَرِیعࣲ ﴿٦﴾
Wala silang pagkain maliban sa mula sa isang matinik na halaman,
لَّا یُسۡمِنُ وَلَا یُغۡنِی مِن جُوعࣲ ﴿٧﴾
na hindi nagpapataba at hindi nakatutugon sa gutom.
وُجُوهࣱ یَوۡمَىِٕذࣲ نَّاعِمَةࣱ ﴿٨﴾
May mga mukha sa Araw na iyon na nagiginhawahan,
لِّسَعۡیِهَا رَاضِیَةࣱ ﴿٩﴾
na dahil sa pinagpunyagian ng mga ito ay nalulugod,
فِی جَنَّةٍ عَالِیَةࣲ ﴿١٠﴾
لَّا تَسۡمَعُ فِیهَا لَـٰغِیَةࣰ ﴿١١﴾
na hindi sila makaririnig doon ng isang satsat.
فِیهَا عَیۡنࣱ جَارِیَةࣱ ﴿١٢﴾
Doon ay may bukal na dumadaloy.
فِیهَا سُرُرࣱ مَّرۡفُوعَةࣱ ﴿١٣﴾
Doon ay may mga kamang nakaangat,
وَأَكۡوَابࣱ مَّوۡضُوعَةࣱ ﴿١٤﴾
may mga kopang nakalagay,
وَنَمَارِقُ مَصۡفُوفَةࣱ ﴿١٥﴾
may mga almohadon na nakahanay,
وَزَرَابِیُّ مَبۡثُوثَةٌ ﴿١٦﴾
at mga alpombrang ikinalat.
أَفَلَا یَنظُرُونَ إِلَى ٱلۡإِبِلِ كَیۡفَ خُلِقَتۡ ﴿١٧﴾
Kaya hindi ba sila tumitingin sa mga kamelyo kung papaanong nilikha ang mga ito,
وَإِلَى ٱلسَّمَاۤءِ كَیۡفَ رُفِعَتۡ ﴿١٨﴾
at sa langit kung papaanong inangat ito,
وَإِلَى ٱلۡجِبَالِ كَیۡفَ نُصِبَتۡ ﴿١٩﴾
at sa mga bundok kung papaanong itinirik ang mga ito,
وَإِلَى ٱلۡأَرۡضِ كَیۡفَ سُطِحَتۡ ﴿٢٠﴾
at sa lupa kung papaanong inilatag ito?
فَذَكِّرۡ إِنَّمَاۤ أَنتَ مُذَكِّرࣱ ﴿٢١﴾
Kaya magpaalaala ka [sa kanila, O Propeta Muḥammad]; ikaw ay isang tagapagpaalaala lamang.
لَّسۡتَ عَلَیۡهِم بِمُصَیۡطِرٍ ﴿٢٢﴾
Hindi ka sa kanila isang tagapanaig [sa pagsampalataya].
إِلَّا مَن تَوَلَّىٰ وَكَفَرَ ﴿٢٣﴾
Ngunit ang sinumang tumalikod at tumangging sumampalataya
فَیُعَذِّبُهُ ٱللَّهُ ٱلۡعَذَابَ ٱلۡأَكۡبَرَ ﴿٢٤﴾
ay pagdurusahin siya ni Allāh ng pagdurusang pinakamalaki.
إِنَّ إِلَیۡنَاۤ إِیَابَهُمۡ ﴿٢٥﴾
Tunay na tungo sa Amin ang pag-uwi nila.
ثُمَّ إِنَّ عَلَیۡنَا حِسَابَهُم ﴿٢٦﴾
Pagkatapos tunay na sa Amin ang pagtutuos sa kanila.