Filipino (Tagalog)
Surah Al-Balad - Aya count 20
لَاۤ أُقۡسِمُ بِهَـٰذَا ٱلۡبَلَدِ ﴿١﴾
Talagang sumusumpa Ako sa bayang ito
وَأَنتَ حِلُّۢ بِهَـٰذَا ٱلۡبَلَدِ ﴿٢﴾
habang ikaw ay napahihintulutan [na gumawa ng anuman] sa bayang ito [ng Makkah].
وَوَالِدࣲ وَمَا وَلَدَ ﴿٣﴾
Sumpa man sa isang nag-anak [na si Adan] at sa inanak niya,
لَقَدۡ خَلَقۡنَا ٱلۡإِنسَـٰنَ فِی كَبَدٍ ﴿٤﴾
talaga ngang lumikha Kami sa tao sa isang pagpapakahirap.
أَیَحۡسَبُ أَن لَّن یَقۡدِرَ عَلَیۡهِ أَحَدࣱ ﴿٥﴾
Nag-aakala ba siya na walang nakakakaya sa kanya na isa man?
یَقُولُ أَهۡلَكۡتُ مَالࣰا لُّبَدًا ﴿٦﴾
Magsasabi siya: “Umubos ako ng isang tambak na yaman.”
أَیَحۡسَبُ أَن لَّمۡ یَرَهُۥۤ أَحَدٌ ﴿٧﴾
Nag-aakala ba siya na walang nakakita sa kanya na isa man?
أَلَمۡ نَجۡعَل لَّهُۥ عَیۡنَیۡنِ ﴿٨﴾
Hindi ba Kami gumawa para sa kanya ng dalawang mata,
وَلِسَانࣰا وَشَفَتَیۡنِ ﴿٩﴾
isang dila, at dalawang labi?
وَهَدَیۡنَـٰهُ ٱلنَّجۡدَیۡنِ ﴿١٠﴾
Nagpatnubay Kami sa kanya sa dalawang daanan [ng kabutihan at kasamaan].
فَلَا ٱقۡتَحَمَ ٱلۡعَقَبَةَ ﴿١١﴾
Ngunit hindi kasi siya sumugod sa matarik na daan.
وَمَاۤ أَدۡرَىٰكَ مَا ٱلۡعَقَبَةُ ﴿١٢﴾
Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang matarik na daan?
فَكُّ رَقَبَةٍ ﴿١٣﴾
[Ito ay] isang pagpapalaya sa isang alipin,
أَوۡ إِطۡعَـٰمࣱ فِی یَوۡمࣲ ذِی مَسۡغَبَةࣲ ﴿١٤﴾
o pagpapakain sa isang araw na may taggutom
یَتِیمࣰا ذَا مَقۡرَبَةٍ ﴿١٥﴾
sa isang ulilang may pagkakamag-anak
أَوۡ مِسۡكِینࣰا ذَا مَتۡرَبَةࣲ ﴿١٦﴾
o sa isang dukhang may paghihikahos.
ثُمَّ كَانَ مِنَ ٱلَّذِینَ ءَامَنُواْ وَتَوَاصَوۡاْ بِٱلصَّبۡرِ وَتَوَاصَوۡاْ بِٱلۡمَرۡحَمَةِ ﴿١٧﴾
Pagkatapos naging kabilang siya sa mga sumampalataya at nagtagubilinan ng pagtitiis at nagtagubilinan ng pagkaawa.
أُوْلَـٰۤىِٕكَ أَصۡحَـٰبُ ٱلۡمَیۡمَنَةِ ﴿١٨﴾
Ang mga iyon ay ang mga kasamahan sa dakong kanan.
وَٱلَّذِینَ كَفَرُواْ بِـَٔایَـٰتِنَا هُمۡ أَصۡحَـٰبُ ٱلۡمَشۡـَٔمَةِ ﴿١٩﴾
Ang mga tumangging sumampalataya sa talata Namin [sa Qur’ān] ay ang mga kasamahan sa dakong kaliwa.
عَلَیۡهِمۡ نَارࣱ مُّؤۡصَدَةُۢ ﴿٢٠﴾
Sa ibabaw nila ay may apoy na nakataklob.