Surah Az-Zalzalah

Filipino (Tagalog) Translation8 Aya count
This page contains the Arabic text, audio recitation, and Filipino (Tagalog) translation of Surah Az-Zalzalah.
إِذَا زُلۡزِلَتِ ٱلۡأَرۡضُ زِلۡزَالَهَا ﴿١﴾
Kapag niyanig ang lupa sa [huling] pagyanig nito,(1)
Tafseer:
وَأَخۡرَجَتِ ٱلۡأَرۡضُ أَثۡقَالَهَا ﴿٢﴾
at nagpalabas ang lupa ng mga pabigat nito,(2)
Tafseer:
وَقَالَ ٱلۡإِنسَـٰنُ مَا لَهَا ﴿٣﴾
at nagsabi ang tao: “Ano ang mayroon dito?” –(3)
Tafseer:
یَوۡمَىِٕذࣲ تُحَدِّثُ أَخۡبَارَهَا ﴿٤﴾
sa Araw na iyon ay magsasaysay ito ng mga ulat nito(4)
Tafseer:
بِأَنَّ رَبَّكَ أَوۡحَىٰ لَهَا ﴿٥﴾
dahil ang Panginoon mo ay nagkasi rito.(5)
Tafseer:
یَوۡمَىِٕذࣲ یَصۡدُرُ ٱلنَّاسُ أَشۡتَاتࣰا لِّیُرَوۡاْ أَعۡمَـٰلَهُمۡ ﴿٦﴾
Sa Araw na iyon ay hahayo ang mga tao nang hiwa-hiwalay upang pakitaan sila ng mga gawa nila.(6)
Tafseer:
فَمَن یَعۡمَلۡ مِثۡقَالَ ذَرَّةٍ خَیۡرࣰا یَرَهُۥ ﴿٧﴾
Kaya ang sinumang gumawa ng kasimbigat ng isang katiting na kabutihan ay makikita niya iyon,(7)
Tafseer:
وَمَن یَعۡمَلۡ مِثۡقَالَ ذَرَّةࣲ شَرࣰّا یَرَهُۥ ﴿٨﴾
at ang sinumang gumawa ng kasimbigat ng isang katiting na kasamaan ay makikita niya iyon.(8)
Tafseer: