This page contains the Arabic text, audio recitation, and Filipino (Tagalog) translation of Surah Al-Mursalāt.
وَٱلۡمُرۡسَلَـٰتِ عُرۡفࣰا
﴿١﴾
Sumpa man sa mga [hanging] isinusugo nang sunud-sunod,(1)
Tafseer:
فَٱلۡعَـٰصِفَـٰتِ عَصۡفࣰا
﴿٢﴾
saka sa mga [hanging] umuunos sa isang pag-unos;(2)
Tafseer:
وَٱلنَّـٰشِرَ ٰتِ نَشۡرࣰا
﴿٣﴾
sumpa man sa mga [hanging] nagkakalat [ng ulan] sa isang pagkakalat,(3)
Tafseer:
فَٱلۡفَـٰرِقَـٰتِ فَرۡقࣰا
﴿٤﴾
saka sa mga [anghel na] nagbubukod sa isang pagbubukod,(4)
Tafseer:
فَٱلۡمُلۡقِیَـٰتِ ذِكۡرًا
﴿٥﴾
saka sa mga [anghel na] naghahatid ng isang paalaala(5)
Tafseer:
عُذۡرًا أَوۡ نُذۡرًا
﴿٦﴾
bilang pagdadahilan [sa tao] o bilang pagbabala [sa tao];(6)
Tafseer:
إِنَّمَا تُوعَدُونَ لَوَ ٰقِعࣱ
﴿٧﴾
tunay na ang ipinangangako sa inyo ay talagang magaganap.(7)
Tafseer:
فَإِذَا ٱلنُّجُومُ طُمِسَتۡ
﴿٨﴾
Kaya kapag ang mga bituin ay pinawi,(8)
Tafseer:
وَإِذَا ٱلسَّمَاۤءُ فُرِجَتۡ
﴿٩﴾
kapag ang langit ay biniyak,(9)
Tafseer:
وَإِذَا ٱلۡجِبَالُ نُسِفَتۡ
﴿١٠﴾
kapag ang mga bundok ay pinalis,(10)
Tafseer:
وَإِذَا ٱلرُّسُلُ أُقِّتَتۡ
﴿١١﴾
at kapag ang mga sugo ay tinaningan,(11)
Tafseer:
لِأَیِّ یَوۡمٍ أُجِّلَتۡ
﴿١٢﴾
para sa aling araw inantala sila?(12)
Tafseer:
لِیَوۡمِ ٱلۡفَصۡلِ
﴿١٣﴾
Para sa Araw ng Pagpapasya.(13)
Tafseer:
وَمَاۤ أَدۡرَىٰكَ مَا یَوۡمُ ٱلۡفَصۡلِ
﴿١٤﴾
Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Araw ng Pagpapasya?(14)
Tafseer:
وَیۡلࣱ یَوۡمَىِٕذࣲ لِّلۡمُكَذِّبِینَ
﴿١٥﴾
Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling [sa inihatid ng mga sugo]!(15)
Tafseer:
أَلَمۡ نُهۡلِكِ ٱلۡأَوَّلِینَ
﴿١٦﴾
Hindi ba Kami nagpahamak sa mga sinauna?(16)
Tafseer:
ثُمَّ نُتۡبِعُهُمُ ٱلۡـَٔاخِرِینَ
﴿١٧﴾
Pagkatapos nagpasunod Kami sa kanila ng mga huli.(17)
Tafseer:
كَذَ ٰلِكَ نَفۡعَلُ بِٱلۡمُجۡرِمِینَ
﴿١٨﴾
Gayon ang ginagawa Namin sa mga salarin.(18)
Tafseer:
وَیۡلࣱ یَوۡمَىِٕذࣲ لِّلۡمُكَذِّبِینَ
﴿١٩﴾
Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling [sa banta ni Allāh]!(19)
Tafseer:
أَلَمۡ نَخۡلُقكُّم مِّن مَّاۤءࣲ مَّهِینࣲ
﴿٢٠﴾
Hindi ba Kami lumikha sa inyo mula sa likidong aba,(20)
Tafseer:
فَجَعَلۡنَـٰهُ فِی قَرَارࣲ مَّكِینٍ
﴿٢١﴾
saka naglagay Kami niyon sa isang pamamalagiang matibay [na sinapupunan](21)
Tafseer:
إِلَىٰ قَدَرࣲ مَّعۡلُومࣲ
﴿٢٢﴾
hanggang sa isang panahong nalalaman?(22)
Tafseer:
فَقَدَرۡنَا فَنِعۡمَ ٱلۡقَـٰدِرُونَ
﴿٢٣﴾
Saka nagtakda Kami, saka kay inam ang Tagapagtakda![705]
[705] O Nakaya Namin; kay inam na Makapangyarihan Kami.
(23)Tafseer:
وَیۡلࣱ یَوۡمَىِٕذࣲ لِّلۡمُكَذِّبِینَ
﴿٢٤﴾
Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling [sa kakayahan ni Allāh]!(24)
Tafseer:
أَلَمۡ نَجۡعَلِ ٱلۡأَرۡضَ كِفَاتًا
﴿٢٥﴾
Hindi ba Kami gumawa sa lupa bilang ipunan(25)
Tafseer:
أَحۡیَاۤءࣰ وَأَمۡوَ ٰتࣰا
﴿٢٦﴾
ng mga buhay at ng mga patay?(26)
Tafseer:
وَجَعَلۡنَا فِیهَا رَوَ ٰسِیَ شَـٰمِخَـٰتࣲ وَأَسۡقَیۡنَـٰكُم مَّاۤءࣰ فُرَاتࣰا
﴿٢٧﴾
Naglagay Kami rito ng mga matatag na bundok na matatayog at nagpainom Kami sa inyo ng isang tubig tabang.(27)
Tafseer:
وَیۡلࣱ یَوۡمَىِٕذࣲ لِّلۡمُكَذِّبِینَ
﴿٢٨﴾
Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling [sa mga biyaya ni Allāh]!(28)
Tafseer:
ٱنطَلِقُوۤاْ إِلَىٰ مَا كُنتُم بِهِۦ تُكَذِّبُونَ
﴿٢٩﴾
[Sasabihin]: “Humayo kayo tungo sa [pagdurusang] dati ninyong pinasisinungalingan.(29)
Tafseer:
ٱنطَلِقُوۤاْ إِلَىٰ ظِلࣲّ ذِی ثَلَـٰثِ شُعَبࣲ
﴿٣٠﴾
Humayo kayo tungo sa anino [ng usok] na may tatlong sangay,(30)
Tafseer:
لَّا ظَلِیلࣲ وَلَا یُغۡنِی مِنَ ٱللَّهَبِ
﴿٣١﴾
na hindi panlilim ni makapagpapakinabang laban sa liyab.”(31)
Tafseer:
إِنَّهَا تَرۡمِی بِشَرَرࣲ كَٱلۡقَصۡرِ
﴿٣٢﴾
Tunay na ito ay nagtatapon ng mga alipato na gaya ng palasyo.(32)
Tafseer:
كَأَنَّهُۥ جِمَـٰلَتࣱ صُفۡرࣱ
﴿٣٣﴾
Para bang ang mga ito ay mga itim na kamelyong naninilaw.(33)
Tafseer:
وَیۡلࣱ یَوۡمَىِٕذࣲ لِّلۡمُكَذِّبِینَ
﴿٣٤﴾
Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling [sa pagdurusang dulot ni Allāh]!(34)
Tafseer:
هَـٰذَا یَوۡمُ لَا یَنطِقُونَ
﴿٣٥﴾
Ito ay Araw na hindi sila bibigkas,(35)
Tafseer:
وَلَا یُؤۡذَنُ لَهُمۡ فَیَعۡتَذِرُونَ
﴿٣٦﴾
at hindi magpapahintulot sa kanila para magdahi-dahilan sila.(36)
Tafseer:
وَیۡلࣱ یَوۡمَىِٕذࣲ لِّلۡمُكَذِّبِینَ
﴿٣٧﴾
Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling [sa mga ulat hinggil sa Araw na iyan]!(37)
Tafseer:
هَـٰذَا یَوۡمُ ٱلۡفَصۡلِۖ جَمَعۡنَـٰكُمۡ وَٱلۡأَوَّلِینَ
﴿٣٨﴾
Ito ay Araw ng Pagpapasya; magtitipon Kami sa inyo at sa mga sinauna.(38)
Tafseer:
فَإِن كَانَ لَكُمۡ كَیۡدࣱ فَكِیدُونِ
﴿٣٩﴾
Kaya kung nagkaroon kayo ng isang panlalansi ay manlansi kayo sa Akin.(39)
Tafseer:
وَیۡلࣱ یَوۡمَىِٕذࣲ لِّلۡمُكَذِّبِینَ
﴿٤٠﴾
Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling [sa Araw ng Pagpapasya]!(40)
Tafseer:
إِنَّ ٱلۡمُتَّقِینَ فِی ظِلَـٰلࣲ وَعُیُونࣲ
﴿٤١﴾
Tunay na ang mga tagapangilag magkasala ay nasa mga lilim at mga bukal [sa Paraiso],(41)
Tafseer:
وَفَوَ ٰكِهَ مِمَّا یَشۡتَهُونَ
﴿٤٢﴾
at mga prutas mula sa anumang ninanasa nila.(42)
Tafseer:
كُلُواْ وَٱشۡرَبُواْ هَنِیۤـَٔۢا بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
﴿٤٣﴾
[Sasabihin]: “Kumain kayo at uminom kayo nang kaiga-igaya dahil sa dati ninyo ginagawa [na maayos].”(43)
Tafseer:
إِنَّا كَذَ ٰلِكَ نَجۡزِی ٱلۡمُحۡسِنِینَ
﴿٤٤﴾
Tunay na Kami ay gayon gaganti sa mga tagagawa ng mabuti.(44)
Tafseer:
وَیۡلࣱ یَوۡمَىِٕذࣲ لِّلۡمُكَذِّبِینَ
﴿٤٥﴾
Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling [sa inihanda ni Allāh]!(45)
Tafseer:
كُلُواْ وَتَمَتَّعُواْ قَلِیلًا إِنَّكُم مُّجۡرِمُونَ
﴿٤٦﴾
[Sasabihin]: “Kumain kayo at magpakatamasa kayo nang kaunti; tunay na kayo ay mga salarin.”(46)
Tafseer:
وَیۡلࣱ یَوۡمَىِٕذࣲ لِّلۡمُكَذِّبِینَ
﴿٤٧﴾
Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling [sa pagganti sa kanila]!(47)
Tafseer:
وَإِذَا قِیلَ لَهُمُ ٱرۡكَعُواْ لَا یَرۡكَعُونَ
﴿٤٨﴾
Kapag sinabi sa kanila: “Yumukod kayo,” hindi sila yumuyukod.(48)
Tafseer:
وَیۡلࣱ یَوۡمَىِٕذࣲ لِّلۡمُكَذِّبِینَ
﴿٤٩﴾
Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling [sa inihatid ng mga sugo]!(49)
Tafseer:
فَبِأَیِّ حَدِیثِۭ بَعۡدَهُۥ یُؤۡمِنُونَ
﴿٥٠﴾
Kaya sa aling pag-uusap matapos [ng Qur’ān na] ito sasampalataya sila?(50)
Tafseer: