Surah An-Naba’

Filipino (Tagalog) Translation40 Aya count
This page contains the Arabic text, audio recitation, and Filipino (Tagalog) translation of Surah An-Naba’.
عَمَّ یَتَسَاۤءَلُونَ ﴿١﴾
Tungkol sa ano nagtatanungan sila [na mga tagapagtambal]?(1)
Tafseer:
عَنِ ٱلنَّبَإِ ٱلۡعَظِیمِ ﴿٢﴾
Tungkol sa balitang dakila [ng Qur’ān],(2)
Tafseer:
ٱلَّذِی هُمۡ فِیهِ مُخۡتَلِفُونَ ﴿٣﴾
na sila kaugnay rito ay mga nagkakaiba-iba.(3)
Tafseer:
كَلَّا سَیَعۡلَمُونَ ﴿٤﴾
Aba’y hindi! Makaaalam sila.(4)
Tafseer:
ثُمَّ كَلَّا سَیَعۡلَمُونَ ﴿٥﴾
Pagkatapos aba’y hindi! Makaaalam sila.(5)
Tafseer:
أَلَمۡ نَجۡعَلِ ٱلۡأَرۡضَ مِهَـٰدࣰا ﴿٦﴾
Hindi ba Kami gumawa sa lupa bilang nakalatag(6)
Tafseer:
وَٱلۡجِبَالَ أَوۡتَادࣰا ﴿٧﴾
at sa mga bundok bilang mga tulos?(7)
Tafseer:
وَخَلَقۡنَـٰكُمۡ أَزۡوَ ٰ⁠جࣰا ﴿٨﴾
Lumikha Kami sa inyo na magkapares.(8)
Tafseer:
وَجَعَلۡنَا نَوۡمَكُمۡ سُبَاتࣰا ﴿٩﴾
Gumawa Kami sa pagtulog ninyo bilang pamamahinga.(9)
Tafseer:
وَجَعَلۡنَا ٱلَّیۡلَ لِبَاسࣰا ﴿١٠﴾
Gumawa Kami sa gabi bilang kasuutan.(10)
Tafseer:
وَجَعَلۡنَا ٱلنَّهَارَ مَعَاشࣰا ﴿١١﴾
Gumawa Kami sa maghapon bilang pinaghahanap-buhayan.(11)
Tafseer:
وَبَنَیۡنَا فَوۡقَكُمۡ سَبۡعࣰا شِدَادࣰا ﴿١٢﴾
Nagpatayo Kami sa ibabaw ninyo ng pitong [langit na] matindi.(12)
Tafseer:
وَجَعَلۡنَا سِرَاجࣰا وَهَّاجࣰا ﴿١٣﴾
Gumawa Kami ng [araw bilang] isang sulo na palaliyab.(13)
Tafseer:
وَأَنزَلۡنَا مِنَ ٱلۡمُعۡصِرَ ٰ⁠تِ مَاۤءࣰ ثَجَّاجࣰا ﴿١٤﴾
Nagpababa Kami mula sa mga dagim ng isang tubig na bumubuhos(14)
Tafseer:
لِّنُخۡرِجَ بِهِۦ حَبࣰّا وَنَبَاتࣰا ﴿١٥﴾
upang magpalabas Kami sa pamamagitan nito ng mga butil at halaman(15)
Tafseer:
وَجَنَّـٰتٍ أَلۡفَافًا ﴿١٦﴾
at mga harding magkakapulupot.(16)
Tafseer:
إِنَّ یَوۡمَ ٱلۡفَصۡلِ كَانَ مِیقَـٰتࣰا ﴿١٧﴾
Tunay na ang Araw ng Pagpapasya ay isang takdang oras(17)
Tafseer:
یَوۡمَ یُنفَخُ فِی ٱلصُّورِ فَتَأۡتُونَ أَفۡوَاجࣰا ﴿١٨﴾
sa Araw na iihip sa tambuli saka pupunta kayo na pulu-pulutong.(18)
Tafseer:
وَفُتِحَتِ ٱلسَّمَاۤءُ فَكَانَتۡ أَبۡوَ ٰ⁠بࣰا ﴿١٩﴾
Bubuksan ang langit saka ito ay magiging mga pintuan.(19)
Tafseer:
وَسُیِّرَتِ ٱلۡجِبَالُ فَكَانَتۡ سَرَابًا ﴿٢٠﴾
Iuusad ang mga bundok saka ang mga ito ay magiging isang malikmata.(20)
Tafseer:
إِنَّ جَهَنَّمَ كَانَتۡ مِرۡصَادࣰا ﴿٢١﴾
Tunay na ang Impiyerno ay magiging isang pantambang,(21)
Tafseer:
لِّلطَّـٰغِینَ مَـَٔابࣰا ﴿٢٢﴾
na para sa mga tagapagmalabis ay isang uwian,(22)
Tafseer:
لَّـٰبِثِینَ فِیهَاۤ أَحۡقَابࣰا ﴿٢٣﴾
na mga mamamalagi roon sa mga yugto.(23)
Tafseer:
لَّا یَذُوقُونَ فِیهَا بَرۡدࣰا وَلَا شَرَابًا ﴿٢٤﴾
Hindi sila makatitikim doon ng isang lamig ni isang inumin,(24)
Tafseer:
إِلَّا حَمِیمࣰا وَغَسَّاقࣰا ﴿٢٥﴾
maliban sa isang nakapapasong tubig at isang nana(25)
Tafseer:
جَزَاۤءࣰ وِفَاقًا ﴿٢٦﴾
bilang ganting angkop [sa masagwang gawa].(26)
Tafseer:
إِنَّهُمۡ كَانُواْ لَا یَرۡجُونَ حِسَابࣰا ﴿٢٧﴾
Tunay na sila dati ay hindi nag-aasam ng isang pagtutuos.(27)
Tafseer:
وَكَذَّبُواْ بِـَٔایَـٰتِنَا كِذَّابࣰا ﴿٢٨﴾
Nagpasinungaling sila sa mga talata Namin [sa Qur’ān] nang isang [tahasang] pagpapasinungaling.(28)
Tafseer:
وَكُلَّ شَیۡءٍ أَحۡصَیۡنَـٰهُ كِتَـٰبࣰا ﴿٢٩﴾
Sa bawat bagay [mula sa mga gawa ninyo ay nag-isa-isa sa isang talaan.(29)
Tafseer:
فَذُوقُواْ فَلَن نَّزِیدَكُمۡ إِلَّا عَذَابًا ﴿٣٠﴾
Kaya lumasap kayo [ng pagdurusa] sapagkat hindi Kami magdaragdag sa inyo kundi ng isang pagdurusa.(30)
Tafseer:
إِنَّ لِلۡمُتَّقِینَ مَفَازًا ﴿٣١﴾
Tunay na ukol sa mga tagapangilag magkasala ay isang pagtatamuan [ng hinihiling nila](31)
Tafseer:
حَدَاۤىِٕقَ وَأَعۡنَـٰبࣰا ﴿٣٢﴾
ng mga hardin at mga ubasan [sa Paraiso],(32)
Tafseer:
وَكَوَاعِبَ أَتۡرَابࣰا ﴿٣٣﴾
ng mga dalagang mabibilog ang dibdib, na mga magkasinggulang,(33)
Tafseer:
وَكَأۡسࣰا دِهَاقࣰا ﴿٣٤﴾
at ng kopang pinuno [ng alak].(34)
Tafseer:
لَّا یَسۡمَعُونَ فِیهَا لَغۡوࣰا وَلَا كِذَّ ٰ⁠بࣰا ﴿٣٥﴾
Hindi sila makaririnig doon [sa Paraiso] ng isang kabalbalan ni isang pagsisinungaling,(35)
Tafseer:
جَزَاۤءࣰ مِّن رَّبِّكَ عَطَاۤءً حِسَابࣰا ﴿٣٦﴾
bilang ganti mula sa Panginoon mo, bilang bigay na sulit(36)
Tafseer:
رَّبِّ ٱلسَّمَـٰوَ ٰ⁠تِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَیۡنَهُمَا ٱلرَّحۡمَـٰنِۖ لَا یَمۡلِكُونَ مِنۡهُ خِطَابࣰا ﴿٣٧﴾
[mula sa] Panginoon ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito, ang Napakamaawain; hindi sila nakapangyayari sa Kanya sa isang pakikipag-usap [malibang may pahintulot].(37)
Tafseer:
یَوۡمَ یَقُومُ ٱلرُّوحُ وَٱلۡمَلَـٰۤىِٕكَةُ صَفࣰّاۖ لَّا یَتَكَلَّمُونَ إِلَّا مَنۡ أَذِنَ لَهُ ٱلرَّحۡمَـٰنُ وَقَالَ صَوَابࣰا ﴿٣٨﴾
Sa Araw na tatayo ang Espiritu [na si Anghel Gabriel] at ang mga anghel nang nakahanay, hindi sila magsasalita maliban sa sinumang nagpahintulot para roon ang Napakamaawain at magsasabi iyon ng tumpak.(38)
Tafseer:
ذَ ٰ⁠لِكَ ٱلۡیَوۡمُ ٱلۡحَقُّۖ فَمَن شَاۤءَ ٱتَّخَذَ إِلَىٰ رَبِّهِۦ مَـَٔابًا ﴿٣٩﴾
Iyon ay ang Araw na totoo; kaya ang sinumang lumuob gumawa siya tungo sa Panginoon niya ng isang uwian.(39)
Tafseer:
إِنَّاۤ أَنذَرۡنَـٰكُمۡ عَذَابࣰا قَرِیبࣰا یَوۡمَ یَنظُرُ ٱلۡمَرۡءُ مَا قَدَّمَتۡ یَدَاهُ وَیَقُولُ ٱلۡكَافِرُ یَـٰلَیۡتَنِی كُنتُ تُرَ ٰ⁠بَۢا ﴿٤٠﴾
Tunay na Kami ay nagbabala sa inyo ng isang pagdurusang malapit sa Araw na titingin ang tao sa anumang [maganda o masagwang gawa na] ipinauna ng mga kamay niya at magsasabi ang tagatangging sumampalataya: “O kung sana ako ay naging alabok!”(40)
Tafseer: