Surah ‘Abasa

Filipino (Tagalog) Translation42 Aya count
This page contains the Arabic text, audio recitation, and Filipino (Tagalog) translation of Surah ‘Abasa.
عَبَسَ وَتَوَلَّىٰۤ ﴿١﴾
Nagkunot-noo siya[716] at tumalikod siya
[716] Ibig sabihin: si Propeta Muhammad
(1)
Tafseer:
أَن جَاۤءَهُ ٱلۡأَعۡمَىٰ ﴿٢﴾
dahil dumating sa kanya ang bulag.[717]
[717] Ang bulag ay si `Abdullāh ibnu Umm Maktūm na sumasabad sa paghiling ng patnubay samantalang ang Propeta naman ay abala sa pag-aanyaya sa Islam ng mga malaking tao ng liping Quraysh.
(2)
Tafseer:
وَمَا یُدۡرِیكَ لَعَلَّهُۥ یَزَّكَّىٰۤ ﴿٣﴾
Ano ang magpapaalam sa iyo na marahil siya[718] ay magpapakabusilak [sa kasalanan]
[718] ang bulag
(3)
Tafseer:
أَوۡ یَذَّكَّرُ فَتَنفَعَهُ ٱلذِّكۡرَىٰۤ ﴿٤﴾
o magsasaalaala para magpakinabang sa kanya ang paalaala?(4)
Tafseer:
أَمَّا مَنِ ٱسۡتَغۡنَىٰ ﴿٥﴾
Tungkol sa nag-akalang nakasasapat [para mangailangan ng pananampalataya],(5)
Tafseer:
فَأَنتَ لَهُۥ تَصَدَّىٰ ﴿٦﴾
ikaw ay sa kanya nag-aasikaso.(6)
Tafseer:
وَمَا عَلَیۡكَ أَلَّا یَزَّكَّىٰ ﴿٧﴾
Ano [ang maisisisi] sa iyo na hindi siya magpakabusilak [sa kasalanan]?(7)
Tafseer:
وَأَمَّا مَن جَاۤءَكَ یَسۡعَىٰ ﴿٨﴾
Hinggil naman sa dumating sa iyo na nagpupunyagi [sa paghahanap ng kabutihan](8)
Tafseer:
وَهُوَ یَخۡشَىٰ ﴿٩﴾
habang siya ay natatakot [kay Allāh],(9)
Tafseer:
فَأَنتَ عَنۡهُ تَلَهَّىٰ ﴿١٠﴾
ikaw ay sa kanya nagwawalang-bahala.(10)
Tafseer:
كَلَّاۤ إِنَّهَا تَذۡكِرَةࣱ ﴿١١﴾
Aba’y hindi! Tunay na ang mga [talatang] ito ay isang pagpapaalaala;(11)
Tafseer:
فَمَن شَاۤءَ ذَكَرَهُۥ ﴿١٢﴾
kaya ang sinumang lumuob ay mag-aalaala siya nitong [ Qur’ān].(12)
Tafseer:
فِی صُحُفࣲ مُّكَرَّمَةࣲ ﴿١٣﴾
[Ito ay] nasa mga pahinang pinarangalan,(13)
Tafseer:
مَّرۡفُوعَةࣲ مُّطَهَّرَةِۭ ﴿١٤﴾
na inangat na dinalisay,(14)
Tafseer:
بِأَیۡدِی سَفَرَةࣲ ﴿١٥﴾
na nasa mga kamay ng mga [anghel na] tagatala,(15)
Tafseer:
كِرَامِۭ بَرَرَةࣲ ﴿١٦﴾
na mararangal na mabubuting-loob.(16)
Tafseer:
قُتِلَ ٱلۡإِنسَـٰنُ مَاۤ أَكۡفَرَهُۥ ﴿١٧﴾
Sumpain ang tao [na tagatangging sumampalataya]; anong palatangging sumampalataya nito!(17)
Tafseer:
مِنۡ أَیِّ شَیۡءٍ خَلَقَهُۥ ﴿١٨﴾
Mula sa aling bagay lumikha Siya nito?(18)
Tafseer:
مِن نُّطۡفَةٍ خَلَقَهُۥ فَقَدَّرَهُۥ ﴿١٩﴾
Mula sa isang patak lumikha Siya nito saka nagtakda Siya rito.(19)
Tafseer:
ثُمَّ ٱلسَّبِیلَ یَسَّرَهُۥ ﴿٢٠﴾
Pagkatapos sa landas[719] ay nagpadali Siya nito.
[719] ng paglabas mula sa sinapupunan
(20)
Tafseer:
ثُمَّ أَمَاتَهُۥ فَأَقۡبَرَهُۥ ﴿٢١﴾
Pagkatapos nagbigay-kamatayan Siya rito saka nagpalibing Siya rito.(21)
Tafseer:
ثُمَّ إِذَا شَاۤءَ أَنشَرَهُۥ ﴿٢٢﴾
Pagkatapos kapag niloob Niya ay bubuhay Siya rito.(22)
Tafseer:
كَلَّا لَمَّا یَقۡضِ مَاۤ أَمَرَهُۥ ﴿٢٣﴾
Aba’y hindi! Hindi pa ito gumanap sa ipinag-utos Niya rito.(23)
Tafseer:
فَلۡیَنظُرِ ٱلۡإِنسَـٰنُ إِلَىٰ طَعَامِهِۦۤ ﴿٢٤﴾
Kaya tumingin ang tao sa pagkain nito –(24)
Tafseer:
أَنَّا صَبَبۡنَا ٱلۡمَاۤءَ صَبࣰّا ﴿٢٥﴾
na Kami ay nagbuhos ng tubig sa pagbubuhos,(25)
Tafseer:
ثُمَّ شَقَقۡنَا ٱلۡأَرۡضَ شَقࣰّا ﴿٢٦﴾
pagkatapos bumiyak Kami sa lupa nang biyak-biyak [para sa halaman],(26)
Tafseer:
فَأَنۢبَتۡنَا فِیهَا حَبࣰّا ﴿٢٧﴾
saka nagpatubo Kami rito ng mga butil,(27)
Tafseer:
وَعِنَبࣰا وَقَضۡبࣰا ﴿٢٨﴾
at ubas at kumpay,(28)
Tafseer:
وَزَیۡتُونࣰا وَنَخۡلࣰا ﴿٢٩﴾
at oliba at datiles,(29)
Tafseer:
وَحَدَاۤىِٕقَ غُلۡبࣰا ﴿٣٠﴾
at mga harding malago,(30)
Tafseer:
وَفَـٰكِهَةࣰ وَأَبࣰّا ﴿٣١﴾
at prutas at damo –(31)
Tafseer:
مَّتَـٰعࣰا لَّكُمۡ وَلِأَنۡعَـٰمِكُمۡ ﴿٣٢﴾
bilang tinatamasa para sa inyo at para sa mga hayupan ninyo.(32)
Tafseer:
فَإِذَا جَاۤءَتِ ٱلصَّاۤخَّةُ ﴿٣٣﴾
Ngunit kapag dumating ang Dagundong[720]
[720] Ibig sabihin: ang ikalawang pag-ihip sa tambuli.
(33)
Tafseer:
یَوۡمَ یَفِرُّ ٱلۡمَرۡءُ مِنۡ أَخِیهِ ﴿٣٤﴾
sa Araw na tatakas ang tao mula sa kapatid niya,(34)
Tafseer:
وَأُمِّهِۦ وَأَبِیهِ ﴿٣٥﴾
at ina niya at ama niya,(35)
Tafseer:
وَصَـٰحِبَتِهِۦ وَبَنِیهِ ﴿٣٦﴾
at asawa niya at mga anak niya.(36)
Tafseer:
لِكُلِّ ٱمۡرِئࣲ مِّنۡهُمۡ یَوۡمَىِٕذࣲ شَأۡنࣱ یُغۡنِیهِ ﴿٣٧﴾
Ukol sa bawat tao kabilang sa kanila sa Araw na iyon ay isang kaukulang sasapat sa kanya.(37)
Tafseer:
وُجُوهࣱ یَوۡمَىِٕذࣲ مُّسۡفِرَةࣱ ﴿٣٨﴾
May mga mukha sa Araw na iyon na nagliliwanag,(38)
Tafseer:
ضَاحِكَةࣱ مُّسۡتَبۡشِرَةࣱ ﴿٣٩﴾
na tumatawa na nagagalak.(39)
Tafseer:
وَوُجُوهࣱ یَوۡمَىِٕذٍ عَلَیۡهَا غَبَرَةࣱ ﴿٤٠﴾
May mga mukha sa Araw na iyon na sa mga ito ay may alabok.(40)
Tafseer:
تَرۡهَقُهَا قَتَرَةٌ ﴿٤١﴾
May lulukob sa mga ito na isang panglaw.(41)
Tafseer:
أُوْلَـٰۤىِٕكَ هُمُ ٱلۡكَفَرَةُ ٱلۡفَجَرَةُ ﴿٤٢﴾
Ang mga iyon ay ang mga tagatangging sumampalataya na masasamang-loob.(42)
Tafseer: