Surah An-Nāzi‘āt

Filipino (Tagalog) Translation46 Aya count
This page contains the Arabic text, audio recitation, and Filipino (Tagalog) translation of Surah An-Nāzi‘āt.
وَٱلنَّـٰزِعَـٰتِ غَرۡقࣰا ﴿١﴾
Sumpa man sa mga [anghel na] nag-aalis[706] sa isang paghatak [na marahas],
[706] ng kaluluwa ng tagatangging sumampalataya
(1)
Tafseer:
وَٱلنَّـٰشِطَـٰتِ نَشۡطࣰا ﴿٢﴾
sumpa man sa mga [anghel na] humahablot[707] sa isang paghunos [malumanay],
[707] ng kaluluwa ng mananampalataya
(2)
Tafseer:
وَٱلسَّـٰبِحَـٰتِ سَبۡحࣰا ﴿٣﴾
sumpa man sa mga [anghel na] lumalangoy sa isang paglangoy,[708]
[708] mula sa langit papunta sa lupa
(3)
Tafseer:
فَٱلسَّـٰبِقَـٰتِ سَبۡقࣰا ﴿٤﴾
saka sa mga [anghel na] nag-uunahan sa isang pag-uunahan [sa pagtalima],(4)
Tafseer:
فَٱلۡمُدَبِّرَ ٰ⁠تِ أَمۡرࣰا ﴿٥﴾
saka sa mga [anghel na] nagpapatupad ng utos,(5)
Tafseer:
یَوۡمَ تَرۡجُفُ ٱلرَّاجِفَةُ ﴿٦﴾
sa araw na yayanig ang tagayanig,[709]
[709] sa unang pag-ihip sa tambuli
(6)
Tafseer:
تَتۡبَعُهَا ٱلرَّادِفَةُ ﴿٧﴾
at susunod dito ang kasunod [na pag-ihip sa tambuli].[710]
[710] na pag-ihip sa tambuli
(7)
Tafseer:
قُلُوبࣱ یَوۡمَىِٕذࣲ وَاجِفَةٌ ﴿٨﴾
May mga puso sa araw na iyon na kakabug-kabog.(8)
Tafseer:
أَبۡصَـٰرُهَا خَـٰشِعَةࣱ ﴿٩﴾
Ang mga paningin ng mga ito ay nagpapakumbaba.(9)
Tafseer:
یَقُولُونَ أَءِنَّا لَمَرۡدُودُونَ فِی ٱلۡحَافِرَةِ ﴿١٠﴾
Nagsasabi sila [sa Mundo]: “Tunay bang kami ay talagang mga pababalikin sa dating kalagayan?(10)
Tafseer:
أَءِذَا كُنَّا عِظَـٰمࣰا نَّخِرَةࣰ ﴿١١﴾
Kapag ba kami ay naging mga butong nabukbok?”(11)
Tafseer:
قَالُواْ تِلۡكَ إِذࣰا كَرَّةٌ خَاسِرَةࣱ ﴿١٢﴾
Magsasabi sila: “Iyon samakatuwid ay isang pagbalik na lugi.”(12)
Tafseer:
فَإِنَّمَا هِیَ زَجۡرَةࣱ وَ ٰ⁠حِدَةࣱ ﴿١٣﴾
Ngunit ito[711] ay nag-iisang bulyaw lamang,
[711] ang ikalawang pag-ihip sa tambuli sa pagkabuhay
(13)
Tafseer:
فَإِذَا هُم بِٱلسَّاهِرَةِ ﴿١٤﴾
saka biglang sila ay [buhay] sa balat ng lupa.(14)
Tafseer:
هَلۡ أَتَىٰكَ حَدِیثُ مُوسَىٰۤ ﴿١٥﴾
Nakarating kaya sa iyo ang sanaysay kay Moises?(15)
Tafseer:
إِذۡ نَادَىٰهُ رَبُّهُۥ بِٱلۡوَادِ ٱلۡمُقَدَّسِ طُوًى ﴿١٦﴾
Noong nanawagan sa kanya ang Panginoon niya sa pinabanal na lambak ng Ṭuwā:(16)
Tafseer:
ٱذۡهَبۡ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ إِنَّهُۥ طَغَىٰ ﴿١٧﴾
“Pumunta ka kay Paraon – tunay na siya ay nagmalabis –(17)
Tafseer:
فَقُلۡ هَل لَّكَ إِلَىٰۤ أَن تَزَكَّىٰ ﴿١٨﴾
saka magsabi ka: Ukol kaya sa iyo na magpakabusilak ka(18)
Tafseer:
وَأَهۡدِیَكَ إِلَىٰ رَبِّكَ فَتَخۡشَىٰ ﴿١٩﴾
at magpatnubay ako sa iyo tungo sa Panginoon mo para matakot ka [sa Kanya]?”(19)
Tafseer:
فَأَرَىٰهُ ٱلۡـَٔایَةَ ٱلۡكُبۡرَىٰ ﴿٢٠﴾
Kaya ipinakita niya[712] rito ang tandang pinakamalaki[713] [na himala ng tungkod at puting kamay],
[712] si Moises [713] na himala ng tungkod at putting kamay
(20)
Tafseer:
فَكَذَّبَ وَعَصَىٰ ﴿٢١﴾
ngunit nagpasinungaling ito[714] at sumuway ito.
[714] si Paraon
(21)
Tafseer:
ثُمَّ أَدۡبَرَ یَسۡعَىٰ ﴿٢٢﴾
Pagkatapos tumalikod ito na nagpupunyagi [laban kay Moises].(22)
Tafseer:
فَحَشَرَ فَنَادَىٰ ﴿٢٣﴾
Kaya kumalap ito [ng mga kawal] saka nanawagan(23)
Tafseer:
فَقَالَ أَنَا۠ رَبُّكُمُ ٱلۡأَعۡلَىٰ ﴿٢٤﴾
saka nagsabi: “Ako ay ang panginoon ninyong pinakamataas.”(24)
Tafseer:
فَأَخَذَهُ ٱللَّهُ نَكَالَ ٱلۡـَٔاخِرَةِ وَٱلۡأُولَىٰۤ ﴿٢٥﴾
Kaya nagpataw rito si Allāh ng parusang panghalimbawa[715] sa Kabilang-buhay at Unang-buhay.
[715] sa pamamagitan ng pagkalunod sa Mundo at pagpasok sa pinakamatinding pagdurusa sa Kabilang-buhay.
(25)
Tafseer:
إِنَّ فِی ذَ ٰ⁠لِكَ لَعِبۡرَةࣰ لِّمَن یَخۡشَىٰۤ ﴿٢٦﴾
Tunay na sa gayon ay talagang may maisasaalang-alang para sa sinumang natatakot [kay Allāh].(26)
Tafseer:
ءَأَنتُمۡ أَشَدُّ خَلۡقًا أَمِ ٱلسَّمَاۤءُۚ بَنَىٰهَا ﴿٢٧﴾
Kayo ba ay higit na matindi sa pagkakalikha o ang langit, na ipinatayo Niya?(27)
Tafseer:
رَفَعَ سَمۡكَهَا فَسَوَّىٰهَا ﴿٢٨﴾
Nag-angat Siya ng tuktok nito at humubog Siya nito.(28)
Tafseer:
وَأَغۡطَشَ لَیۡلَهَا وَأَخۡرَجَ ضُحَىٰهَا ﴿٢٩﴾
Nagpakulimlim Siya ng gabi nito at nagpalabas Siya ng kaliwanagan nito.(29)
Tafseer:
وَٱلۡأَرۡضَ بَعۡدَ ذَ ٰ⁠لِكَ دَحَىٰهَاۤ ﴿٣٠﴾
Sa lupa, matapos niyon, ay naglagak Siya nito.(30)
Tafseer:
أَخۡرَجَ مِنۡهَا مَاۤءَهَا وَمَرۡعَىٰهَا ﴿٣١﴾
Nagpalabas Siya mula rito ng tubig nito at pastulan nito.(31)
Tafseer:
وَٱلۡجِبَالَ أَرۡسَىٰهَا ﴿٣٢﴾
Sa mga bundok ay nag-angkla,(32)
Tafseer:
مَتَـٰعࣰا لَّكُمۡ وَلِأَنۡعَـٰمِكُمۡ ﴿٣٣﴾
bilang natatamasa para sa inyo at para sa mga hayupan ninyo.(33)
Tafseer:
فَإِذَا جَاۤءَتِ ٱلطَّاۤمَّةُ ٱلۡكُبۡرَىٰ ﴿٣٤﴾
Ngunit kapag dumating ang Tagapag-umapaw na Pinakamalaki –(34)
Tafseer:
یَوۡمَ یَتَذَكَّرُ ٱلۡإِنسَـٰنُ مَا سَعَىٰ ﴿٣٥﴾
sa Araw na magsasaalaala ang tao sa pinagpunyagian niya [na mabuti o masama](35)
Tafseer:
وَبُرِّزَتِ ٱلۡجَحِیمُ لِمَن یَرَىٰ ﴿٣٦﴾
at itatanghal ang Impiyerno para sa sinumang makakikita –(36)
Tafseer:
فَأَمَّا مَن طَغَىٰ ﴿٣٧﴾
hinggil sa sinumang nagmalabis(37)
Tafseer:
وَءَاثَرَ ٱلۡحَیَوٰةَ ٱلدُّنۡیَا ﴿٣٨﴾
at nagtangi sa buhay na pangmundo,(38)
Tafseer:
فَإِنَّ ٱلۡجَحِیمَ هِیَ ٱلۡمَأۡوَىٰ ﴿٣٩﴾
tunay na ang Impiyerno ay ang kanlungan;(39)
Tafseer:
وَأَمَّا مَنۡ خَافَ مَقَامَ رَبِّهِۦ وَنَهَى ٱلنَّفۡسَ عَنِ ٱلۡهَوَىٰ ﴿٤٠﴾
hinggil sa sinumang nangamba sa pagtayo sa [harap ng] Panginoon niya at sumaway sa sarili laban sa pithaya,(40)
Tafseer:
فَإِنَّ ٱلۡجَنَّةَ هِیَ ٱلۡمَأۡوَىٰ ﴿٤١﴾
tunay na ang Paraiso ay ang kanlungan.(41)
Tafseer:
یَسۡـَٔلُونَكَ عَنِ ٱلسَّاعَةِ أَیَّانَ مُرۡسَىٰهَا ﴿٤٢﴾
Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa Huling Sandali kung kailan ang pagdaong niyon?(42)
Tafseer:
فِیمَ أَنتَ مِن ذِكۡرَىٰهَاۤ ﴿٤٣﴾
Nasa ano ka para bumanggit niyon?(43)
Tafseer:
إِلَىٰ رَبِّكَ مُنتَهَىٰهَاۤ ﴿٤٤﴾
Tungo sa Panginoon mo ang pagwawakasan [ng kaalaman] niyon.(44)
Tafseer:
إِنَّمَاۤ أَنتَ مُنذِرُ مَن یَخۡشَىٰهَا ﴿٤٥﴾
Ikaw ay isang tagapagbabala lamang ng sinumang natatakot doon.(45)
Tafseer:
كَأَنَّهُمۡ یَوۡمَ یَرَوۡنَهَا لَمۡ یَلۡبَثُوۤاْ إِلَّا عَشِیَّةً أَوۡ ضُحَىٰهَا ﴿٤٦﴾
Para bang sila, sa Araw na makikita nila iyon, ay hindi namalagi [sa Mundo] maliban sa isang hapon o isang umaga nito.(46)
Tafseer: