Surah Al-Infitār

Filipino (Tagalog) Translation19 Aya count
This page contains the Arabic text, audio recitation, and Filipino (Tagalog) translation of Surah Al-Infitār.
إِذَا ٱلسَّمَاۤءُ ٱنفَطَرَتۡ ﴿١﴾
Kapag ang langit ay nabitak,(1)
Tafseer:
وَإِذَا ٱلۡكَوَاكِبُ ٱنتَثَرَتۡ ﴿٢﴾
kapag ang mga tala ay kumalat,(2)
Tafseer:
وَإِذَا ٱلۡبِحَارُ فُجِّرَتۡ ﴿٣﴾
kapag ang mga dagat ay isinambulat,(3)
Tafseer:
وَإِذَا ٱلۡقُبُورُ بُعۡثِرَتۡ ﴿٤﴾
at kapag ang mga libingan ay hinalukay;(4)
Tafseer:
عَلِمَتۡ نَفۡسࣱ مَّا قَدَّمَتۡ وَأَخَّرَتۡ ﴿٥﴾
malalaman ng isang kaluluwa ang ipinauna niya at ipinaantala niya [na mga gawa].(5)
Tafseer:
یَـٰۤأَیُّهَا ٱلۡإِنسَـٰنُ مَا غَرَّكَ بِرَبِّكَ ٱلۡكَرِیمِ ﴿٦﴾
O tao, ano ang luminlang sa iyo hinggil sa Panginoon mo, ang Mapagbigay?(6)
Tafseer:
ٱلَّذِی خَلَقَكَ فَسَوَّىٰكَ فَعَدَلَكَ ﴿٧﴾
[Siya] ang lumikha sa iyo, saka humubog sa iyo, saka nagpaangkop sa iyo.(7)
Tafseer:
فِیۤ أَیِّ صُورَةࣲ مَّا شَاۤءَ رَكَّبَكَ ﴿٨﴾
Sa alinmang anyo na niloob Niya ay bumuo Siya sa iyo.(8)
Tafseer:
كَلَّا بَلۡ تُكَذِّبُونَ بِٱلدِّینِ ﴿٩﴾
Aba’y hindi! Bagkus nagpapasinungaling kayo sa pagtutumbas [sa mga gawa].(9)
Tafseer:
وَإِنَّ عَلَیۡكُمۡ لَحَـٰفِظِینَ ﴿١٠﴾
10 Tunay na sa inyo ay talagang may mga tagapag-ingat,(10)
Tafseer:
كِرَامࣰا كَـٰتِبِینَ ﴿١١﴾
na mararangal na mga tagasulat.(11)
Tafseer:
یَعۡلَمُونَ مَا تَفۡعَلُونَ ﴿١٢﴾
Nakaaalam sila sa anumang ginagawa ninyo.(12)
Tafseer:
إِنَّ ٱلۡأَبۡرَارَ لَفِی نَعِیمࣲ ﴿١٣﴾
Tunay na ang mga mabuting-loob ay talagang nasa isang kaginhawahan.(13)
Tafseer:
وَإِنَّ ٱلۡفُجَّارَ لَفِی جَحِیمࣲ ﴿١٤﴾
Tunay na ang mga masamang-loob ay talagang nasa isang impiyerno.(14)
Tafseer:
یَصۡلَوۡنَهَا یَوۡمَ ٱلدِّینِ ﴿١٥﴾
Masusunog sila roon sa Araw ng Pagtutumbas.(15)
Tafseer:
وَمَا هُمۡ عَنۡهَا بِغَاۤىِٕبِینَ ﴿١٦﴾
Sila palayo roon ay hindi mga makaliliban.(16)
Tafseer:
وَمَاۤ أَدۡرَىٰكَ مَا یَوۡمُ ٱلدِّینِ ﴿١٧﴾
Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Araw ng Pagtutumbas?(17)
Tafseer:
ثُمَّ مَاۤ أَدۡرَىٰكَ مَا یَوۡمُ ٱلدِّینِ ﴿١٨﴾
Pagkatapos ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Araw ng Pagtutumbas?(18)
Tafseer:
یَوۡمَ لَا تَمۡلِكُ نَفۡسࣱ لِّنَفۡسࣲ شَیۡـࣰٔاۖ وَٱلۡأَمۡرُ یَوۡمَىِٕذࣲ لِّلَّهِ ﴿١٩﴾
[Iyon ay] sa Araw na hindi makapagdudulot ang isang kaluluwa sa isang kaluluwa ng anuman at ang pag-uutos sa Araw na iyon ay ukol kay Allāh.(19)
Tafseer: