This page contains the Arabic text, audio recitation, and Filipino (Tagalog) translation of Surah Al-Mutaffifīn.
وَیۡلࣱ لِّلۡمُطَفِّفِینَ
﴿١﴾
Kapighatian ay ukol sa mga tagapag-umit-umit,(1)
Tafseer:
ٱلَّذِینَ إِذَا ٱكۡتَالُواْ عَلَى ٱلنَّاسِ یَسۡتَوۡفُونَ
﴿٢﴾
na kapag nagpatakal sila sa mga tao ay nagpapalubus-lubos sila,(2)
Tafseer:
وَإِذَا كَالُوهُمۡ أَو وَّزَنُوهُمۡ یُخۡسِرُونَ
﴿٣﴾
at kapag tumakal sila sa mga ito o tumimbang sila sa mga ito ay nanlulugi sila.(3)
Tafseer:
أَلَا یَظُنُّ أُوْلَـٰۤىِٕكَ أَنَّهُم مَّبۡعُوثُونَ
﴿٤﴾
Hindi ba nakatitiyak ang mga iyon na sila ay mga bubuhayin(4)
Tafseer:
لِیَوۡمٍ عَظِیمࣲ
﴿٥﴾
para sa isang araw na sukdulan,(5)
Tafseer:
یَوۡمَ یَقُومُ ٱلنَّاسُ لِرَبِّ ٱلۡعَـٰلَمِینَ
﴿٦﴾
sa araw na tatayo ang mga tao sa [harap ng] Panginoon ng mga nilalang?(6)
Tafseer:
كَلَّاۤ إِنَّ كِتَـٰبَ ٱلۡفُجَّارِ لَفِی سِجِّینࣲ
﴿٧﴾
Aba’y hindi! Tunay na ang talaan ng mga masamang-loob ay talagang nasa Sijjīn.(7)
Tafseer:
وَمَاۤ أَدۡرَىٰكَ مَا سِجِّینࣱ
﴿٨﴾
Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Sijjīn?(8)
Tafseer:
كِتَـٰبࣱ مَّرۡقُومࣱ
﴿٩﴾
Isang talaan na sinulatan.(9)
Tafseer:
وَیۡلࣱ یَوۡمَىِٕذࣲ لِّلۡمُكَذِّبِینَ
﴿١٠﴾
Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling,(10)
Tafseer:
ٱلَّذِینَ یُكَذِّبُونَ بِیَوۡمِ ٱلدِّینِ
﴿١١﴾
na mga nagpapasinungaling sa Araw ng Pagtutumbas.(11)
Tafseer:
وَمَا یُكَذِّبُ بِهِۦۤ إِلَّا كُلُّ مُعۡتَدٍ أَثِیمٍ
﴿١٢﴾
Walang nagpapasinungaling doon kundi ang bawat tagalabag na makasalanan.(12)
Tafseer:
إِذَا تُتۡلَىٰ عَلَیۡهِ ءَایَـٰتُنَا قَالَ أَسَـٰطِیرُ ٱلۡأَوَّلِینَ
﴿١٣﴾
Kapag binibigkas sa kanya ang mga talata Namin [sa Qur’ān] ay nagsasabi siya: “Mga alamat ng mga sinauna!”(13)
Tafseer:
كَلَّاۖ بَلۡۜ رَانَ عَلَىٰ قُلُوبِهِم مَّا كَانُواْ یَكۡسِبُونَ
﴿١٤﴾
Aba’y hindi! Bagkus, nagmantsa sa mga puso nila ang [pagkakasalang] dati nilang nakakamit.(14)
Tafseer:
كَلَّاۤ إِنَّهُمۡ عَن رَّبِّهِمۡ یَوۡمَىِٕذࣲ لَّمَحۡجُوبُونَ
﴿١٥﴾
Aba’y hindi! Tunay na sila, sa [pagkakita sa] Panginoon nila sa araw na iyon, ay talagang mga lalambungan.(15)
Tafseer:
ثُمَّ إِنَّهُمۡ لَصَالُواْ ٱلۡجَحِیمِ
﴿١٦﴾
Pagkatapos tunay na sila ay talagang masusunog sa Impiyerno.(16)
Tafseer:
ثُمَّ یُقَالُ هَـٰذَا ٱلَّذِی كُنتُم بِهِۦ تُكَذِّبُونَ
﴿١٧﴾
Pagkatapos sasabihin sa kanila: “Ito ay ang dati ninyong pinasisinungalingan.”(17)
Tafseer:
كَلَّاۤ إِنَّ كِتَـٰبَ ٱلۡأَبۡرَارِ لَفِی عِلِّیِّینَ
﴿١٨﴾
Aba’y hindi! Tunay na ang talaan ng mga mabuting-loob ay talagang nasa `Illīyūn.(18)
Tafseer:
وَمَاۤ أَدۡرَىٰكَ مَا عِلِّیُّونَ
﴿١٩﴾
Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang `Illīyūn?(19)
Tafseer:
كِتَـٰبࣱ مَّرۡقُومࣱ
﴿٢٠﴾
Isang talaan na sinulatan,(20)
Tafseer:
یَشۡهَدُهُ ٱلۡمُقَرَّبُونَ
﴿٢١﴾
Sasaksi rito ang mga [anghel na] inilapit [kay Allāh].(21)
Tafseer:
إِنَّ ٱلۡأَبۡرَارَ لَفِی نَعِیمٍ
﴿٢٢﴾
Tunay na ang mga mabuting-loob ay talagang nasa isang kaginhawahan,(22)
Tafseer:
عَلَى ٱلۡأَرَاۤىِٕكِ یَنظُرُونَ
﴿٢٣﴾
habang nasa mga supa ay nakatingin [sa nagpapagalak sa kanila].(23)
Tafseer:
تَعۡرِفُ فِی وُجُوهِهِمۡ نَضۡرَةَ ٱلنَّعِیمِ
﴿٢٤﴾
Makakikilala ka sa mga mukha nila ng ningning ng Kaginhawahan.(24)
Tafseer:
یُسۡقَوۡنَ مِن رَّحِیقࣲ مَّخۡتُومٍ
﴿٢٥﴾
Paiinumin sila mula sa isang dalisay na alak na ipininid.(25)
Tafseer:
خِتَـٰمُهُۥ مِسۡكࣱۚ وَفِی ذَ ٰلِكَ فَلۡیَتَنَافَسِ ٱلۡمُتَنَـٰفِسُونَ
﴿٢٦﴾
Ang pampinid nito ay musk, at alang-alang doon ay magtagisan ang mga magtatagisan.(26)
Tafseer:
وَمِزَاجُهُۥ مِن تَسۡنِیمٍ
﴿٢٧﴾
Ang lahok nito ay mula sa Tasnīm,[723]
[723] isang bukal sa pinakamataas na bahagi ng Paraiso.
(27)Tafseer:
عَیۡنࣰا یَشۡرَبُ بِهَا ٱلۡمُقَرَّبُونَ
﴿٢٨﴾
isang bukal na iinom mula roon ang mga inilapit.(28)
Tafseer:
إِنَّ ٱلَّذِینَ أَجۡرَمُواْ كَانُواْ مِنَ ٱلَّذِینَ ءَامَنُواْ یَضۡحَكُونَ
﴿٢٩﴾
Tunay na ang mga nagpakasalarin ay dati sa mga sumampalataya tumatawa.(29)
Tafseer:
وَإِذَا مَرُّواْ بِهِمۡ یَتَغَامَزُونَ
﴿٣٠﴾
Kapag naparaan sila sa mga ito ay nagkikindatan sila [bilang panunuya].(30)
Tafseer:
وَإِذَا ٱنقَلَبُوۤاْ إِلَىٰۤ أَهۡلِهِمُ ٱنقَلَبُواْ فَكِهِینَ
﴿٣١﴾
Kapag umuwi sila sa mga kapwa nila ay umuuwi sila na mga nagbibiro.(31)
Tafseer:
وَإِذَا رَأَوۡهُمۡ قَالُوۤاْ إِنَّ هَـٰۤؤُلَاۤءِ لَضَاۤلُّونَ
﴿٣٢﴾
Kapag nakakita sila sa mga ito ay nagsasabi sila: “Tunay na ang mga ito ay talagang mga ligaw.”(32)
Tafseer:
وَمَاۤ أُرۡسِلُواْ عَلَیۡهِمۡ حَـٰفِظِینَ
﴿٣٣﴾
Hindi sila isinugo sa mga ito bilang mga tagapag-ingat.(33)
Tafseer:
فَٱلۡیَوۡمَ ٱلَّذِینَ ءَامَنُواْ مِنَ ٱلۡكُفَّارِ یَضۡحَكُونَ
﴿٣٤﴾
Kaya sa Araw na iyon ang mga sumampalataya ay sa mga tagatangging sumampalataya tatawa(34)
Tafseer:
عَلَى ٱلۡأَرَاۤىِٕكِ یَنظُرُونَ
﴿٣٥﴾
habang nasa mga supa ay nakatingin.[724]
[724] sa inihanda ni Allāh sa kanila na mga biyaya.
(35)Tafseer:
هَلۡ ثُوِّبَ ٱلۡكُفَّارُ مَا كَانُواْ یَفۡعَلُونَ
﴿٣٦﴾
Gagantimpalaan kaya ang mga tagatangging sumampalataya sa anumang dati nilang ginagawa?[725]
[725] Ibig sabihin: Gagantimpalaan sila ng pagdurusa sa mga ginawa nila.
(36)Tafseer: