Surah Al-Inshiqāq

Filipino (Tagalog) Translation25 Aya count
This page contains the Arabic text, audio recitation, and Filipino (Tagalog) translation of Surah Al-Inshiqāq.
إِذَا ٱلسَّمَاۤءُ ٱنشَقَّتۡ ﴿١﴾
Kapag ang langit ay nabiyak(1)
Tafseer:
وَأَذِنَتۡ لِرَبِّهَا وَحُقَّتۡ ﴿٢﴾
at duminig ito sa Panginoon nito at nagindapat ito,(2)
Tafseer:
وَإِذَا ٱلۡأَرۡضُ مُدَّتۡ ﴿٣﴾
kapag ang lupa ay binanat,(3)
Tafseer:
وَأَلۡقَتۡ مَا فِیهَا وَتَخَلَّتۡ ﴿٤﴾
at nagtapon ito ng nasa loob nito at nagtatwa ito,(4)
Tafseer:
وَأَذِنَتۡ لِرَبِّهَا وَحُقَّتۡ ﴿٥﴾
at duminig ito sa Panginoon nito at nagindapat ito;(5)
Tafseer:
یَـٰۤأَیُّهَا ٱلۡإِنسَـٰنُ إِنَّكَ كَادِحٌ إِلَىٰ رَبِّكَ كَدۡحࣰا فَمُلَـٰقِیهِ ﴿٦﴾
O tao, tunay na ikaw ay nagpapakapagod tungo sa Panginoon mo sa isang pagpapakapagod kaya makikipagkita [ka] rito.[726]
[726] sa Araw ng Pagtutuos upang gantihan ka ni Allāh sa mga ito.
(6)
Tafseer:
فَأَمَّا مَنۡ أُوتِیَ كِتَـٰبَهُۥ بِیَمِینِهِۦ ﴿٧﴾
Kaya hinggil sa sinumang bibigyan ng talaan niya sa kanang kamay niya,(7)
Tafseer:
فَسَوۡفَ یُحَاسَبُ حِسَابࣰا یَسِیرࣰا ﴿٨﴾
tutuusin siya sa isang pagtutuos na magaan(8)
Tafseer:
وَیَنقَلِبُ إِلَىٰۤ أَهۡلِهِۦ مَسۡرُورࣰا ﴿٩﴾
at uuwi siya sa mag-anak niya na pinagagalak.(9)
Tafseer:
وَأَمَّا مَنۡ أُوتِیَ كِتَـٰبَهُۥ وَرَاۤءَ ظَهۡرِهِۦ ﴿١٠﴾
Hinggil naman sa sinumang bibigyan ng talaan niya sa bandang likod niya,(10)
Tafseer:
فَسَوۡفَ یَدۡعُواْ ثُبُورࣰا ﴿١١﴾
mananawagan siya ng pagkagupo(11)
Tafseer:
وَیَصۡلَىٰ سَعِیرًا ﴿١٢﴾
at masusunog siya sa isang liyab.(12)
Tafseer:
إِنَّهُۥ كَانَ فِیۤ أَهۡلِهِۦ مَسۡرُورًا ﴿١٣﴾
Tunay na siya dati sa piling ng mga kapwa niya ay pinagagalak.(13)
Tafseer:
إِنَّهُۥ ظَنَّ أَن لَّن یَحُورَ ﴿١٤﴾
Tunay na siya ay nagpalagay na hindi siya manunumbalik [kay Allāh].(14)
Tafseer:
بَلَىٰۤۚ إِنَّ رَبَّهُۥ كَانَ بِهِۦ بَصِیرࣰا ﴿١٥﴾
Bagkus, tunay na ang Panginoon niya ay laging sa kanya nakakikita.(15)
Tafseer:
فَلَاۤ أُقۡسِمُ بِٱلشَّفَقِ ﴿١٦﴾
Kaya talagang sumusumpa Ako sa pamumula ng takipsilim,(16)
Tafseer:
وَٱلَّیۡلِ وَمَا وَسَقَ ﴿١٧﴾
at sa gabi at sa iniipon nito,(17)
Tafseer:
وَٱلۡقَمَرِ إِذَا ٱتَّسَقَ ﴿١٨﴾
at sa buwan kapag namilog ito;(18)
Tafseer:
لَتَرۡكَبُنَّ طَبَقًا عَن طَبَقࣲ ﴿١٩﴾
talagang lululan nga kayo sa isang antas buhat sa isang antas.(19)
Tafseer:
فَمَا لَهُمۡ لَا یُؤۡمِنُونَ ﴿٢٠﴾
Kaya ano ang mayroon sa kanila na hindi sila sumasampalataya?(20)
Tafseer:
وَإِذَا قُرِئَ عَلَیۡهِمُ ٱلۡقُرۡءَانُ لَا یَسۡجُدُونَ ۩ ﴿٢١﴾
Kapag binigkas sa kanila ang Qur’ān ay hindi sila nagpapatirapa.(21)
Tafseer:
بَلِ ٱلَّذِینَ كَفَرُواْ یُكَذِّبُونَ ﴿٢٢﴾
Bagkus ang mga tumangging sumampalataya ay nagpapasinungaling.(22)
Tafseer:
وَٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِمَا یُوعُونَ ﴿٢٣﴾
Si Allāh ay higit na maalam sa anumang iniimbak nila [sa mga dibdib nila].(23)
Tafseer:
فَبَشِّرۡهُم بِعَذَابٍ أَلِیمٍ ﴿٢٤﴾
Kaya magbalita ka sa kanila hinggil sa isang pagdurusang masakit,(24)
Tafseer:
إِلَّا ٱلَّذِینَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّـٰلِحَـٰتِ لَهُمۡ أَجۡرٌ غَیۡرُ مَمۡنُونِۭ ﴿٢٥﴾
maliban ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos; ukol sa kanila ay isang pabuyang hindi matitigil.(25)
Tafseer: