This page contains the Arabic text, audio recitation, and Filipino (Tagalog) translation of Surah At-Tāriq.
وَٱلسَّمَاۤءِ وَٱلطَّارِقِ
﴿١﴾
Sumpa man sa langit at sa tagapunta sa gabi.(1)
Tafseer:
وَمَاۤ أَدۡرَىٰكَ مَا ٱلطَّارِقُ
﴿٢﴾
Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang tagapunta sa gabi?(2)
Tafseer:
ٱلنَّجۡمُ ٱلثَّاقِبُ
﴿٣﴾
[Ito] ang bituing tumatagos.(3)
Tafseer:
إِن كُلُّ نَفۡسࣲ لَّمَّا عَلَیۡهَا حَافِظࣱ
﴿٤﴾
Walang kaluluwa malibang dito ay may isang [anghel na] tagapag-ingat.(4)
Tafseer:
فَلۡیَنظُرِ ٱلۡإِنسَـٰنُ مِمَّ خُلِقَ
﴿٥﴾
Kaya tumingin ang tao mula sa ano siya nilikha.(5)
Tafseer:
خُلِقَ مِن مَّاۤءࣲ دَافِقࣲ
﴿٦﴾
Nilikha siya mula sa isang likidong pumupulandit,(6)
Tafseer:
یَخۡرُجُ مِنۢ بَیۡنِ ٱلصُّلۡبِ وَٱلتَّرَاۤىِٕبِ
﴿٧﴾
na lumalabas mula sa pagitan ng gulugod [ng lalaki] at mga tadyang.(7)
Tafseer:
إِنَّهُۥ عَلَىٰ رَجۡعِهِۦ لَقَادِرࣱ
﴿٨﴾
Tunay na Siya, sa pagpapabalik dito,[729] ay talagang Nakakakaya.
[729] sa buhay mula sa kamatayan para sa pagtutuos.
(8)Tafseer:
یَوۡمَ تُبۡلَى ٱلسَّرَاۤىِٕرُ
﴿٩﴾
Sa Araw na sisiyasatin ang mga lihim [para ibunyag],(9)
Tafseer:
فَمَا لَهُۥ مِن قُوَّةࣲ وَلَا نَاصِرࣲ
﴿١٠﴾
walang ukol sa kanya na anumang lakas ni tagapag-adya.(10)
Tafseer:
وَٱلسَّمَاۤءِ ذَاتِ ٱلرَّجۡعِ
﴿١١﴾
Sumpa man sa langit na may pagpapabalik,(11)
Tafseer:
وَٱلۡأَرۡضِ ذَاتِ ٱلصَّدۡعِ
﴿١٢﴾
sumpa man sa lupa na may bitak [ng pagtubo ng halaman];(12)
Tafseer:
إِنَّهُۥ لَقَوۡلࣱ فَصۡلࣱ
﴿١٣﴾
tunay na [ang Qur’ān na] ito ay talagang isang sinabing pambukod,(13)
Tafseer:
وَمَا هُوَ بِٱلۡهَزۡلِ
﴿١٤﴾
at hindi ito ang biru-biro.(14)
Tafseer:
إِنَّهُمۡ یَكِیدُونَ كَیۡدࣰا
﴿١٥﴾
Tunay na sila ay nanlansi ng isang panlalansi [laban sa inihatid ng Propeta],(15)
Tafseer:
وَأَكِیدُ كَیۡدࣰا
﴿١٦﴾
at nanlansi naman Ako ng isang panlalansi [laban sa kanila].(16)
Tafseer:
فَمَهِّلِ ٱلۡكَـٰفِرِینَ أَمۡهِلۡهُمۡ رُوَیۡدَۢا
﴿١٧﴾
Kaya mag-anta-antabay ka sa mga tagatangging sumampalataya, mag-antabay ka sa kanila nang hinay-hinay.(17)
Tafseer: