Surah Al-A‘lā

Filipino (Tagalog) Translation19 Aya count
This page contains the Arabic text, audio recitation, and Filipino (Tagalog) translation of Surah Al-A‘lā.
سَبِّحِ ٱسۡمَ رَبِّكَ ٱلۡأَعۡلَى ﴿١﴾
Magluwalhati ka sa ngalan ng Panginoon mo, ang Pinakamataas,(1)
Tafseer:
ٱلَّذِی خَلَقَ فَسَوَّىٰ ﴿٢﴾
na lumikha saka humubog,(2)
Tafseer:
وَٱلَّذِی قَدَّرَ فَهَدَىٰ ﴿٣﴾
na nagtakda saka nagpatnubay,(3)
Tafseer:
وَٱلَّذِیۤ أَخۡرَجَ ٱلۡمَرۡعَىٰ ﴿٤﴾
na nagpalabas ng pastulan,(4)
Tafseer:
فَجَعَلَهُۥ غُثَاۤءً أَحۡوَىٰ ﴿٥﴾
saka gumawa Siya rito na yagit na nangingitim.(5)
Tafseer:
سَنُقۡرِئُكَ فَلَا تَنسَىٰۤ ﴿٦﴾
Magpapabigkas Kami sa iyo[730] kaya hindi ka makalilimot,
[730] ng Qur’an, O Propeta Muhammad
(6)
Tafseer:
إِلَّا مَا شَاۤءَ ٱللَّهُۚ إِنَّهُۥ یَعۡلَمُ ٱلۡجَهۡرَ وَمَا یَخۡفَىٰ ﴿٧﴾
maliban sa niloob ni Allāh. Tunay na Siya ay nakaaalam sa lantad at anumang nagkukubli.(7)
Tafseer:
وَنُیَسِّرُكَ لِلۡیُسۡرَىٰ ﴿٨﴾
Magpapadali Kami sa iyo para sa pinakamadali.(8)
Tafseer:
فَذَكِّرۡ إِن نَّفَعَتِ ٱلذِّكۡرَىٰ ﴿٩﴾
Kaya magpaalaala ka kung mapakikinabangan ang paalaala.(9)
Tafseer:
سَیَذَّكَّرُ مَن یَخۡشَىٰ ﴿١٠﴾
Magsasaalaala ang sinumang natatakot [kay Allāh](10)
Tafseer:
وَیَتَجَنَّبُهَا ٱلۡأَشۡقَى ﴿١١﴾
at umiiwas dito ang pinakamalumbay,(11)
Tafseer:
ٱلَّذِی یَصۡلَى ٱلنَّارَ ٱلۡكُبۡرَىٰ ﴿١٢﴾
na masusunog sa Apoy na pinakamalaki.(12)
Tafseer:
ثُمَّ لَا یَمُوتُ فِیهَا وَلَا یَحۡیَىٰ ﴿١٣﴾
Pagkatapos hindi siya mamamatay roon at hindi mabubuhay.(13)
Tafseer:
قَدۡ أَفۡلَحَ مَن تَزَكَّىٰ ﴿١٤﴾
Nagtagumpay nga ang sinumang nagpakabusilak [mula sa kasamaan](14)
Tafseer:
وَذَكَرَ ٱسۡمَ رَبِّهِۦ فَصَلَّىٰ ﴿١٥﴾
at bumanggit sa ngalan ng Panginoon niya saka nagdasal.(15)
Tafseer:
بَلۡ تُؤۡثِرُونَ ٱلۡحَیَوٰةَ ٱلدُّنۡیَا ﴿١٦﴾
Bagkus nagtatangi kayo ng buhay na pangmundo(16)
Tafseer:
وَٱلۡـَٔاخِرَةُ خَیۡرࣱ وَأَبۡقَىٰۤ ﴿١٧﴾
samantalang ang Kabilang-buhay ay higit na mabuti at higit na nananatili.(17)
Tafseer:
إِنَّ هَـٰذَا لَفِی ٱلصُّحُفِ ٱلۡأُولَىٰ ﴿١٨﴾
Tunay na ito ay talagang nasa mga unang kalatas,(18)
Tafseer:
صُحُفِ إِبۡرَ ٰ⁠هِیمَ وَمُوسَىٰ ﴿١٩﴾
na mga kalatas nina Abraham at Moises.(19)
Tafseer: