Surah Al-Balad

Filipino (Tagalog) Translation20 Aya count
This page contains the Arabic text, audio recitation, and Filipino (Tagalog) translation of Surah Al-Balad.
لَاۤ أُقۡسِمُ بِهَـٰذَا ٱلۡبَلَدِ ﴿١﴾
Talagang sumusumpa Ako sa bayang ito(1)
Tafseer:
وَأَنتَ حِلُّۢ بِهَـٰذَا ٱلۡبَلَدِ ﴿٢﴾
habang ikaw ay napahihintulutan [na gumawa ng anuman] sa bayang ito [ng Makkah].(2)
Tafseer:
وَوَالِدࣲ وَمَا وَلَدَ ﴿٣﴾
Sumpa man sa isang nag-anak [na si Adan] at sa inanak niya,(3)
Tafseer:
لَقَدۡ خَلَقۡنَا ٱلۡإِنسَـٰنَ فِی كَبَدٍ ﴿٤﴾
talaga ngang lumikha Kami sa tao sa isang pagpapakahirap.(4)
Tafseer:
أَیَحۡسَبُ أَن لَّن یَقۡدِرَ عَلَیۡهِ أَحَدࣱ ﴿٥﴾
Nag-aakala ba siya na walang nakakakaya sa kanya na isa man?(5)
Tafseer:
یَقُولُ أَهۡلَكۡتُ مَالࣰا لُّبَدًا ﴿٦﴾
Magsasabi siya: “Umubos ako ng isang tambak na yaman.”(6)
Tafseer:
أَیَحۡسَبُ أَن لَّمۡ یَرَهُۥۤ أَحَدٌ ﴿٧﴾
Nag-aakala ba siya na walang nakakita sa kanya na isa man?(7)
Tafseer:
أَلَمۡ نَجۡعَل لَّهُۥ عَیۡنَیۡنِ ﴿٨﴾
Hindi ba Kami gumawa para sa kanya ng dalawang mata,(8)
Tafseer:
وَلِسَانࣰا وَشَفَتَیۡنِ ﴿٩﴾
isang dila, at dalawang labi?(9)
Tafseer:
وَهَدَیۡنَـٰهُ ٱلنَّجۡدَیۡنِ ﴿١٠﴾
Nagpatnubay Kami sa kanya sa dalawang daanan [ng kabutihan at kasamaan].(10)
Tafseer:
فَلَا ٱقۡتَحَمَ ٱلۡعَقَبَةَ ﴿١١﴾
Ngunit hindi kasi siya sumugod sa matarik na daan.(11)
Tafseer:
وَمَاۤ أَدۡرَىٰكَ مَا ٱلۡعَقَبَةُ ﴿١٢﴾
Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang matarik na daan?(12)
Tafseer:
فَكُّ رَقَبَةٍ ﴿١٣﴾
[Ito ay] isang pagpapalaya sa isang alipin,(13)
Tafseer:
أَوۡ إِطۡعَـٰمࣱ فِی یَوۡمࣲ ذِی مَسۡغَبَةࣲ ﴿١٤﴾
o pagpapakain sa isang araw na may taggutom(14)
Tafseer:
یَتِیمࣰا ذَا مَقۡرَبَةٍ ﴿١٥﴾
sa isang ulilang may pagkakamag-anak(15)
Tafseer:
أَوۡ مِسۡكِینࣰا ذَا مَتۡرَبَةࣲ ﴿١٦﴾
o sa isang dukhang may paghihikahos.(16)
Tafseer:
ثُمَّ كَانَ مِنَ ٱلَّذِینَ ءَامَنُواْ وَتَوَاصَوۡاْ بِٱلصَّبۡرِ وَتَوَاصَوۡاْ بِٱلۡمَرۡحَمَةِ ﴿١٧﴾
Pagkatapos naging kabilang siya sa mga sumampalataya at nagtagubilinan ng pagtitiis at nagtagubilinan ng pagkaawa.(17)
Tafseer:
أُوْلَـٰۤىِٕكَ أَصۡحَـٰبُ ٱلۡمَیۡمَنَةِ ﴿١٨﴾
Ang mga iyon ay ang mga kasamahan sa dakong kanan.(18)
Tafseer:
وَٱلَّذِینَ كَفَرُواْ بِـَٔایَـٰتِنَا هُمۡ أَصۡحَـٰبُ ٱلۡمَشۡـَٔمَةِ ﴿١٩﴾
Ang mga tumangging sumampalataya sa talata Namin [sa Qur’ān] ay ang mga kasamahan sa dakong kaliwa.(19)
Tafseer:
عَلَیۡهِمۡ نَارࣱ مُّؤۡصَدَةُۢ ﴿٢٠﴾
Sa ibabaw nila ay may apoy na nakataklob.(20)
Tafseer: