Surah Ash-Shams

Filipino (Tagalog) Translation15 Aya count
This page contains the Arabic text, audio recitation, and Filipino (Tagalog) translation of Surah Ash-Shams.
وَٱلشَّمۡسِ وَضُحَىٰهَا ﴿١﴾
Sumpa man sa araw at sa kaliwanagan nito,[733]
[733] O Sumpa man sa araw at sa pang-umagang liwanag nito,
(1)
Tafseer:
وَٱلۡقَمَرِ إِذَا تَلَىٰهَا ﴿٢﴾
sumpa man sa buwan kapag sumunod ito roon,(2)
Tafseer:
وَٱلنَّهَارِ إِذَا جَلَّىٰهَا ﴿٣﴾
sumpa man sa maghapon kapag naglantad ito [ng tanglaw] doon,(3)
Tafseer:
وَٱلَّیۡلِ إِذَا یَغۡشَىٰهَا ﴿٤﴾
sumpa man sa gabi kapag bumalot ito [ng kadiliman] doon,(4)
Tafseer:
وَٱلسَّمَاۤءِ وَمَا بَنَىٰهَا ﴿٥﴾
sumpa man sa langit at sa pagpapatayo Niya nito,(5)
Tafseer:
وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا طَحَىٰهَا ﴿٦﴾
sumpa man sa lupa at sa pagkalatag nito,(6)
Tafseer:
وَنَفۡسࣲ وَمَا سَوَّىٰهَا ﴿٧﴾
sumpa man sa isang kaluluwa at sa pagkahubog nito,(7)
Tafseer:
فَأَلۡهَمَهَا فُجُورَهَا وَتَقۡوَىٰهَا ﴿٨﴾
saka nagpatalos Siya rito ng kasamaang-loob nito at pangingilag magkasala nito;(8)
Tafseer:
قَدۡ أَفۡلَحَ مَن زَكَّىٰهَا ﴿٩﴾
nagtagumpay nga ang sinumang nagbusilak nito(9)
Tafseer:
وَقَدۡ خَابَ مَن دَسَّىٰهَا ﴿١٠﴾
at nabigo nga ang sinumang nagparumi nito.(10)
Tafseer:
كَذَّبَتۡ ثَمُودُ بِطَغۡوَىٰهَاۤ ﴿١١﴾
Nagpasinungaling ang [liping] Thamūd [kay Propeta Ṣāliḥ] dahil sa pagmamalabis nito(11)
Tafseer:
إِذِ ٱنۢبَعَثَ أَشۡقَىٰهَا ﴿١٢﴾
nang sumugod ang pinakamalumbay nito.(12)
Tafseer:
فَقَالَ لَهُمۡ رَسُولُ ٱللَّهِ نَاقَةَ ٱللَّهِ وَسُقۡیَـٰهَا ﴿١٣﴾
Kaya nagsabi sa kanila [si Ṣāliḥ,] ang sugo ni Allāh: “[Magpaubaya] sa dumalagang kamelyo ni Allāh at pag-inom nito [sa araw nito].”(13)
Tafseer:
فَكَذَّبُوهُ فَعَقَرُوهَا فَدَمۡدَمَ عَلَیۡهِمۡ رَبُّهُم بِذَنۢبِهِمۡ فَسَوَّىٰهَا ﴿١٤﴾
Ngunit nagpasinungaling sila sa kanya saka kinatay nila ito kaya nagsaklob [ng parusa] sa kanila ang Panginoon nila dahil sa pagkakasala nila saka nagpantay-pantay Siya rito [sa parusa].(14)
Tafseer:
وَلَا یَخَافُ عُقۡبَـٰهَا ﴿١٥﴾
Hindi Siya nangangamba sa pinakakahihinatnan nito.(15)
Tafseer: