Surah Ad-Duhā

Filipino (Tagalog) Translation11 Aya count
This page contains the Arabic text, audio recitation, and Filipino (Tagalog) translation of Surah Ad-Duhā.
وَٱلضُّحَىٰ ﴿١﴾
Sumpa man sa kaliwanagan [ng umaga],(1)
Tafseer:
وَٱلَّیۡلِ إِذَا سَجَىٰ ﴿٢﴾
sumpa man sa gabi kapag lumukob ito;(2)
Tafseer:
مَا وَدَّعَكَ رَبُّكَ وَمَا قَلَىٰ ﴿٣﴾
hindi namaalam sa iyo [O Propeta Muḥammad] ang Panginoon mo at hindi Siya nasuklam.(3)
Tafseer:
وَلَلۡـَٔاخِرَةُ خَیۡرࣱ لَّكَ مِنَ ٱلۡأُولَىٰ ﴿٤﴾
Talagang ang Kabilang-buhay ay higit na mabuti para sa iyo kaysa sa Unang-buhay.(4)
Tafseer:
وَلَسَوۡفَ یُعۡطِیكَ رَبُّكَ فَتَرۡضَىٰۤ ﴿٥﴾
Talagang magbibigay sa iyo ang Panginoon mo kaya malulugod ka.(5)
Tafseer:
أَلَمۡ یَجِدۡكَ یَتِیمࣰا فَـَٔاوَىٰ ﴿٦﴾
Hindi ba nakatagpo Siya sa iyo na isang ulila kaya kumanlong Siya sa iyo?(6)
Tafseer:
وَوَجَدَكَ ضَاۤلࣰّا فَهَدَىٰ ﴿٧﴾
Nakatagpo Siya sa iyo na isang nalilingat kaya nagpatnubay Siya [sa iyo].(7)
Tafseer:
وَوَجَدَكَ عَاۤىِٕلࣰا فَأَغۡنَىٰ ﴿٨﴾
Nakatagpo Siya sa iyo na isang naghihikahos kaya nagpasapat Siya.(8)
Tafseer:
فَأَمَّا ٱلۡیَتِیمَ فَلَا تَقۡهَرۡ ﴿٩﴾
Kaya hinggil naman sa ulila ay huwag kang manlupig [sa kanya].(9)
Tafseer:
وَأَمَّا ٱلسَّاۤىِٕلَ فَلَا تَنۡهَرۡ ﴿١٠﴾
Hinggil naman sa nanghihingi ay huwag kang magtaboy [sa kanya].(10)
Tafseer:
وَأَمَّا بِنِعۡمَةِ رَبِّكَ فَحَدِّثۡ ﴿١١﴾
Hinggil naman sa kaugnay sa biyaya ng Panginoon mo ay magsanaysay ka.(11)
Tafseer: