Surah Al-Layl

Filipino (Tagalog) Translation21 Aya count
This page contains the Arabic text, audio recitation, and Filipino (Tagalog) translation of Surah Al-Layl.
وَٱلَّیۡلِ إِذَا یَغۡشَىٰ ﴿١﴾
Sumpa man sa gabi kapag bumabalot ito,(1)
Tafseer:
وَٱلنَّهَارِ إِذَا تَجَلَّىٰ ﴿٢﴾
sumpa man sa maghapon kapag nahayag ito,(2)
Tafseer:
وَمَا خَلَقَ ٱلذَّكَرَ وَٱلۡأُنثَىٰۤ ﴿٣﴾
sumpa man sa pagkalikha sa lalaki at babae;(3)
Tafseer:
إِنَّ سَعۡیَكُمۡ لَشَتَّىٰ ﴿٤﴾
tunay na ang pagpupunyagi ninyo ay talagang sarisari.(4)
Tafseer:
فَأَمَّا مَنۡ أَعۡطَىٰ وَٱتَّقَىٰ ﴿٥﴾
Kaya hinggil naman sa sinumang nagbigay [ng isinatungkulin] at nangilag magkasala(5)
Tafseer:
وَصَدَّقَ بِٱلۡحُسۡنَىٰ ﴿٦﴾
at nagpatotoo sa pinakamaganda,[734]
[734] Ibig sabihin: ang ipinangako ni Allāh.
(6)
Tafseer:
فَسَنُیَسِّرُهُۥ لِلۡیُسۡرَىٰ ﴿٧﴾
magpapadali Kami sa kanya para sa pinakamadali;(7)
Tafseer:
وَأَمَّا مَنۢ بَخِلَ وَٱسۡتَغۡنَىٰ ﴿٨﴾
at hinggil naman sa sinumang nagmaramot at nagturing na makapagsarili(8)
Tafseer:
وَكَذَّبَ بِٱلۡحُسۡنَىٰ ﴿٩﴾
at nagpasinungaling sa pinakamaganda,[735]
[735] Ibig sabihin: ang ipinangako ni Allāh.
(9)
Tafseer:
فَسَنُیَسِّرُهُۥ لِلۡعُسۡرَىٰ ﴿١٠﴾
magpapadali Kami sa kanya para sa pinakamahirap.(10)
Tafseer:
وَمَا یُغۡنِی عَنۡهُ مَالُهُۥۤ إِذَا تَرَدَّىٰۤ ﴿١١﴾
Ano ang maidudulot para sa kanya ng yaman niya kapag nabulid siya [sa Impiyerno]?(11)
Tafseer:
إِنَّ عَلَیۡنَا لَلۡهُدَىٰ ﴿١٢﴾
Tunay na nasa Amin ay talagang ang pagpapatnubay.(12)
Tafseer:
وَإِنَّ لَنَا لَلۡـَٔاخِرَةَ وَٱلۡأُولَىٰ ﴿١٣﴾
Tunay na sa Amin ay talagang ang Kabilang-buhay at ang Unang-buhay.(13)
Tafseer:
فَأَنذَرۡتُكُمۡ نَارࣰا تَلَظَّىٰ ﴿١٤﴾
Kaya nagbabala Ako sa inyo ng apoy na naglalagablab.(14)
Tafseer:
لَا یَصۡلَىٰهَاۤ إِلَّا ٱلۡأَشۡقَى ﴿١٥﴾
Walang masusunog doon kundi ang pinakamalumbay,(15)
Tafseer:
ٱلَّذِی كَذَّبَ وَتَوَلَّىٰ ﴿١٦﴾
na nagpasinungaling [sa inihatid ng Sugo] at tumalikod.(16)
Tafseer:
وَسَیُجَنَّبُهَا ٱلۡأَتۡقَى ﴿١٧﴾
Paiiwasin doon ang pinakatagapangilag magkasala,(17)
Tafseer:
ٱلَّذِی یُؤۡتِی مَالَهُۥ یَتَزَكَّىٰ ﴿١٨﴾
na nagbibigay ng yaman niya [sa kabutihan] habang nagpapakabusilak [sa kasalanan](18)
Tafseer:
وَمَا لِأَحَدٍ عِندَهُۥ مِن نِّعۡمَةࣲ تُجۡزَىٰۤ ﴿١٩﴾
at hindi para sa isang mayroon siyang anumang biyayang gagantihan,(19)
Tafseer:
إِلَّا ٱبۡتِغَاۤءَ وَجۡهِ رَبِّهِ ٱلۡأَعۡلَىٰ ﴿٢٠﴾
bagkus dala ng paghahangad sa [ikalulugod ng] Mukha ng Panginoon niya, ang Pinakamataas.(20)
Tafseer:
وَلَسَوۡفَ یَرۡضَىٰ ﴿٢١﴾
Talagang malulugod siya [sa ibibigay ni Allāh].(21)
Tafseer: