Surah At-Teen

Filipino (Tagalog) Translation8 Aya count
This page contains the Arabic text, audio recitation, and Filipino (Tagalog) translation of Surah At-Teen.
وَٱلتِّینِ وَٱلزَّیۡتُونِ ﴿١﴾
Sumpa man sa igos at oliba,[736]
[736] na tumutubo sa Palestina, ang bayan ni Propeta Jesus
(1)
Tafseer:
وَطُورِ سِینِینَ ﴿٢﴾
sumpa man sa kabundukan ng Sinai,[737]
[737] na nakipag-usap doon si Propeta Moises kay Allāh
(2)
Tafseer:
وَهَـٰذَا ٱلۡبَلَدِ ٱلۡأَمِینِ ﴿٣﴾
sumpa man sa matiwasay na bayang ito;[738]
[738] ng Makkah na bayan ni Propeta Muhammad
(3)
Tafseer:
لَقَدۡ خَلَقۡنَا ٱلۡإِنسَـٰنَ فِیۤ أَحۡسَنِ تَقۡوِیمࣲ ﴿٤﴾
talaga ngang lumikha Kami sa tao sa isang pinakamagandang paghuhubog.(4)
Tafseer:
ثُمَّ رَدَدۡنَـٰهُ أَسۡفَلَ سَـٰفِلِینَ ﴿٥﴾
Pagkatapos nagpanauli Kami sa kanya sa pinakamababa sa mga mababa,(5)
Tafseer:
إِلَّا ٱلَّذِینَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّـٰلِحَـٰتِ فَلَهُمۡ أَجۡرٌ غَیۡرُ مَمۡنُونࣲ ﴿٦﴾
maliban sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos sapagkat ukol sa kanila [sa Paraiso] ay isang pabuyang hindi matitigil.(6)
Tafseer:
فَمَا یُكَذِّبُكَ بَعۡدُ بِٱلدِّینِ ﴿٧﴾
Kaya ano ang nagpapasinungaling sa iyo, matapos nito, sa [Araw ng] Pagtutumbas?(7)
Tafseer:
أَلَیۡسَ ٱللَّهُ بِأَحۡكَمِ ٱلۡحَـٰكِمِینَ ﴿٨﴾
Hindi ba si Allāh ay ang pinakahukom ng mga hukom?(8)
Tafseer: