This page contains the Arabic text, audio recitation, and Filipino (Tagalog) translation of Surah Al-‘Alaq.
ٱقۡرَأۡ بِٱسۡمِ رَبِّكَ ٱلَّذِی خَلَقَ
﴿١﴾
Bumasa ka sa ngalan ng Panginoon mo na lumikha,(1)
Tafseer:
خَلَقَ ٱلۡإِنسَـٰنَ مِنۡ عَلَقٍ
﴿٢﴾
lumikha sa tao mula sa isang malalinta.(2)
Tafseer:
ٱقۡرَأۡ وَرَبُّكَ ٱلۡأَكۡرَمُ
﴿٣﴾
Bumasa ka at ang Panginoon mo ay ang Pinakamapagbigay,(3)
Tafseer:
ٱلَّذِی عَلَّمَ بِٱلۡقَلَمِ
﴿٤﴾
na nagturo sa pamamagitan ng panulat,(4)
Tafseer:
عَلَّمَ ٱلۡإِنسَـٰنَ مَا لَمۡ یَعۡلَمۡ
﴿٥﴾
nagturo sa tao ng hindi nito nalaman.(5)
Tafseer:
كَلَّاۤ إِنَّ ٱلۡإِنسَـٰنَ لَیَطۡغَىٰۤ
﴿٦﴾
Aba’y hindi! Tunay na ang tao ay talagang nagmamalabis(6)
Tafseer:
أَن رَّءَاهُ ٱسۡتَغۡنَىٰۤ
﴿٧﴾
dahil nakakita siya sa sarili niya na nakasapat.[739]
[739] sa yaman at katayuan sa buhay
(7)Tafseer:
إِنَّ إِلَىٰ رَبِّكَ ٱلرُّجۡعَىٰۤ
﴿٨﴾
Tunay na tungo sa Panginoon mo ang [huling] pagbabalikan.(8)
Tafseer:
أَرَءَیۡتَ ٱلَّذِی یَنۡهَىٰ
﴿٩﴾
Nakakita ka ba sa sumasaway(9)
Tafseer:
عَبۡدًا إِذَا صَلَّىٰۤ
﴿١٠﴾
sa isang lingkod [ni Allāh] kapag nagdasal ito?(10)
Tafseer:
أَرَءَیۡتَ إِن كَانَ عَلَى ٱلۡهُدَىٰۤ
﴿١١﴾
Nakakita ka ba kung siya ay nasa patnubay,(11)
Tafseer:
أَوۡ أَمَرَ بِٱلتَّقۡوَىٰۤ
﴿١٢﴾
o nag-utos ng pangingilag magkasala?(12)
Tafseer:
أَرَءَیۡتَ إِن كَذَّبَ وَتَوَلَّىٰۤ
﴿١٣﴾
Nakakita ka ba kung nagpasinungaling siya [inihatid ng Sugo] o tumalikod siya?(13)
Tafseer:
أَلَمۡ یَعۡلَم بِأَنَّ ٱللَّهَ یَرَىٰ
﴿١٤﴾
Hindi ba siya nakaalam na si Allāh ay nakakikita [ng ginagawa niya]?(14)
Tafseer:
كَلَّا لَىِٕن لَّمۡ یَنتَهِ لَنَسۡفَعَۢا بِٱلنَّاصِیَةِ
﴿١٥﴾
Aba’y hindi! Talagang kung hindi siya tumigil ay talagang hahablot nga Kami sa bumbunan:(15)
Tafseer:
نَاصِیَةࣲ كَـٰذِبَةٍ خَاطِئَةࣲ
﴿١٦﴾
isang bumbunan na nagsisinungaling, nagkakamali.(16)
Tafseer:
فَلۡیَدۡعُ نَادِیَهُۥ
﴿١٧﴾
Kaya tumawag siya sa kapulungan niya.(17)
Tafseer:
سَنَدۡعُ ٱلزَّبَانِیَةَ
﴿١٨﴾
Tatawag Kami sa mga bantay [ng Impiyerno].[740]
[740] ang mga anghel na mababagsik
(18)Tafseer:
كَلَّا لَا تُطِعۡهُ وَٱسۡجُدۡ وَٱقۡتَرِب ۩
﴿١٩﴾
Aba’y hindi! Huwag kang tumalima sa kanya, magpatirapa ka, at lumapit ka [kay Allāh].(19)
Tafseer: